You are on page 1of 2

Nov 28, a. Nakikila ang Ang kuwento ng I.

Motivation:
2022 pandiwa at natutukoy Isang Oras Pagganyak: “INTINDIHIN MO NAMAN AKO!” (3MINS)
ang pokus nito. - Pangkatang-Gawain:
o Ipapangkat ang klase sa tatlo at bawat pangkat ay may nakalaang tanong na dapat sagutin.
b. Naipamamalas ang o Susuriin ng bawat pangkat ang nakalaang pahayag para sa bawat pangkat.
kaalaman tungkol sa  Pangkat 1:
tatlong pokus ng  Pinagdausan ng kasal ang bagong simbahan.
pandiwa sa  Pangkat 2:
pamamagitan ng  Ikinatuwa ng guro ang pagsisikap ng mga estudyante.
pagsasadula.  Pangkat 3:
 Sinulatan niya ang kanyang mga magulang.
c. Napapahalagahan Pagbabalik-Aral: “BALIKAN MO NAMAN AKO”
ang mga iba’t ibang
 Tukuyin ang pokus ng pandiwang ginamit.
pokus ng pandiwa.
1. Nagmamadaling umalis sa isla sina Pele at kanyang pamilya.
2. Ang apoy ay ginamit ni Pele laban sa kapatid.
3. Ang magkapatid ay nag-away nang matindi.
4. Ibinili ni Rosa ng laruan ang kanyang anak.
5. Malimit na ipinagluluto ng ulirang ina ang kanyang mga anak.
Mahalagang Katanungan:
- Bakit mahalagang pag-aaralan ang iba’t ibang pokus ng pandiwa?
II. Lesson Proper:
-Discussion: “DAGDAGAN NATIN!”

Pokus ang tawag sa relasyon ng pandiwa sa paksa o simuno ng pangungusap. Ito ay naipapakita sa
pamamagitan ng taglay na panlapi ng pandiwa.

(Pokus sa Kaganapan)-  ang pandiwa ay nasa pokus sa ganapan kung ang paksa ay ang lugar o ganapan ng
kilos.  
Ang paksa o simuno ang lugar na ginaganapan ng pandiwa sa pangungusap. Sinasagot nito ang tanong na
“saan?”
Ginagamitan ito ng mga panlaping pag-/-an, -an/-han, ma-/-an, pang-/-an, mapag-/-an, pinag/an,
o in/an.
(Pokus sa Sanhi)-  ang pandiwa ay nakapokus sanhi kung ang paksa ay nagpapahayag ng dahilan o sanhi ng
kilos.  
Ang simuno o paksa ang nagpapahayag ng sanhi ng kilos ng pandiwa sa pangungusap. Sinasagot nito ang
tanong na “bakit?”
Ginagamitan ito ng mga panlaping i-, ika-, o ikina-.
Pokus sa Direksyon- pinatutuunan ng pandiwa ang direksyon o tinutongo ng kilos.
Ang simuno o paksa ang nagsasaad ng direksyon ng kilos ng pandiwa sa pangungusap. Sumasagot ito sa
tanong na “tungo saan o kanino?”
Ginagamitan ito ng mga panlaping -an, -han, -in, o -hin.
-Interaction: “ SAGUTIN MO NAMAN AKO”
 Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Suriin ang pandiwa at pokus ng pandiwa ginamit.
1. Nanood ng sine si Lara sa mall.
2. Namasyal sila sa metro buong araw.
3. Pupunta kami sa Korea.
4. Nagliwaliw sila sa Pasig kagabi.
5. Napaiyak si Jose dahil sa matinding kalungkutan.
6. Nilapitan ni Cardo ang aleng namamalimos sa kalye.
7. Nagtagumpay siya dahil sa kasipagan at diskarte sa buhay.
8. Ikinagulat ng lahat ang biglang pagpanaw ng ama.
9. Dinasalan ni Ben ang kanyang ama sa simbahan.
10. Ikinasama ng loob ni Agnes ang pagkamatay ng kanyang aso.
-Evidence of Learning: “ACTING TIME” (10 mins)
 Ang buong klase ay hahatiin sa tatlong pangkat, bawat pangkat ay bubunot para sa kanilang magiging
paksa. Narito ang kanilang bubunutin: POKUS SA SANHI, POKUS SA GANAPAN AT POKUS
DIREKSYON.
o PAMANTAYAN
- Nilalaman -10
- Organisasyon- 5
- Pagkamalikhain- 5
20 puntos
-Value/s Integration “IBAHAGI MO!”
 Bilang mag-aaral sa paanong paraan mo mapahahalagahan ang iyong natutunan tungkol sa pokus ng
pandiwa?
III. Synthesis (5 mins)
- Bakit mahalagang pag-aaralan ang iba’t ibang pokus ng pandiwa?
IV. Articulation
- Sa araling ito maiuugnay sa Asignaturang English dahil tinatalakay rin dito ang iba’t ibang Pokus ng
Pandiwa.
V. Assignment:
- Basahin ang Buod ng Dulang Macbeth sa mga pahina 189-194.

You might also like