You are on page 1of 15

ARALIN 1:2

A. Panitikan : Natalo Rin Si Pilandok ( Pabula )


B. Wika at Gramatika : Ekspresyong Nagpapahayag ng Posibilidad
C. Uri ng Teksto : Nagsasalaysay

I. Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa
A. Panitikan
 Natalo Rin Si Pilandok
 Pabula
B. Gramatika
 Ekspresyong Nagpapahayag ng Posibilidad

II. Inaasahang Pagganap


Pagsasagawa ng isang panayam gamit ang ekspresyong nagpapahayag ng posibilidad

III. Mga Pokus na Tanong


A. Ano ang pabula? Ano-ano ang elementong mayroon ito?
B. Bakit mahalaga ang paggamit ng angkop na ekspresyon sa pagpapahayag ng posibilidad?

IV. Mahahalagang Pag-unawa


A. Ang pabula ay isang uri ng panitikang nagsasalaysay ng mga simpleng kuwento sa mga hayop
bilang mga tauhan. May apat na elemento ang pabula: tauhan, tagpuan, banghay at aral.
B. Ang paggamit ng angkop na ekspresyon sa pagpapahayag ng posibilidad pasulat man o
pasalita ay makatutulong na makapagbigay-linaw sa mensaheng ipinahahayag batay sa
maaaring kalabasan ng isang sitwasyon.

V. Mga Kasanayang Pampagkatuto sa Bawat Domain


A. Pag-unawa sa Napakinggan
Nahihinuha at naipaliliwanag ang mahalagang kaisipan sa akdang binasa
B. Pag-unawa sa Binasa
Natutukoy at naipaliliwanag ang mahalagang kaisipan sa akdang binasa
C. Paglinang ng Talasalitaan
Napatutunayang nagbabago ang kahulugan ng mga salitang naglalarawan batay sa ginamit
na panlapi
D. Panonood
Nailalarawan ang isang kakilala na may pagkakatulad sa karakter ng isang tauhan sa
napanood na animation
E. Pagsasalita
Naibabahagi ang sariling pananaw at saloobin sa pagiging karapat-dapat ng paggamit ng
mga hayop bilang mga tauhan sa pabula
F. Pagsulat
Naipapahayag nang pasulat ang damdamin at saloobin tungkol sa paggamit ng mga hayop
bilang mga tauhang nagsasalita at kumikilos na parang tao o vice versa
G. Wika at Gramatika
Nagagamit ang mga ekspresyong naghahayag ng posibilidad (maaari, baka at iba pa.)
H. Estratehiya sa Pag-aaral
Naisasagawa ang sistematikong pananaliksik tungkol sa pabula sa iba’t ibang lugar sa
Mindanao
Bilang 20
Hulyo 3, 2018 ( Martes ) – Baitang 7 – 10, 18, 30, 33, 34

TUKLASIN

I. Mga Tiyak na Kasanayang Pampagkatuto


A. Nailalahad ang mensaheng tinutukoy sa video clip na pinanood
B. Naiisa-isa ang mga katangian ng mga tauhang nakita sa video clip
C. Nailalarawan ang isang kakilala na may pagkakatulad at pagkakaiba sa karakter ng isang
tauhan sa napanood

II. Proseso ng Pagkatuto


A. Panimulang Gawain
Pagpapanood ng isang video clip “Si Pilandok at Ang Buwaya” halaw mula sa

https://www.youtube.com/watch?v=cbYC36T8Swl

Tanong:
1. Sino ang pangunahing tauhan sa inyong pinanood na video clip?
2. Ano-ano ang katangiang taglay ng mga pangunahing tauhan?
3. Tukuyin ang mensaheng nais palutangin sa video clip na pinanood?

B. Pangkatang Gawain
Pangkat 1 - Pag-iisa-isa sa mga katangian ng mga tauhan sa pinanood na video clip gamit
ang tsart.

TAUHAN KALAKASAN KAHINAAN


PILANDOK

BUWAYA

Mga Tanong:
1. Batay sa katangiang inilahad, paano nagkakatulad at nagkakaiba ng katangian ang mga
tauhan?
2. Nakikita pa ba ang mga katangiang ito sa kasalukuyan?

Pangkat 2 - Pagtukoy sa pagkakatulad at pagkakaiba ng katangian ng mga tauhan mula sa


pinanood at sa taong inyong kakilala. Gamitin ang Venn Diagram sa pagtalakay.

TAUHAN SA AKDA TAONG KAKILALA


Tanong:
1. Posible bang ang katangian taglay ng hayop ay taglayin din ng isang tao? Pangatwiranan.

Pangkat 3 - Bumuo ng sariling salawikain o kasabihan mula sa mensahe ng akdang pinanood.

SALAWIKAIN/KASABIHAN

Mga Tanong:
1. Anong bahagi sa pinanood na video clip, nasasalamin ang iyong sarili? Patunayan.

Pangkat 4 - Pagbibigay ng marka

RUBRIC SA PANGKATANG GAWAIN

Nilalaman ng Ulat 5 4 3

Kawastuhan ng mga Nailahad nang lubusan Nailahad ang May ilang impor-
impormasyon ang hinihinging hinihinging masyon ang hindi
impormasyon angkop
Impormasyon

Komunikasyon 5 4 3
Malinaw at maayos Napakaayos at nakapa- Malinaw at Hindi naging
na pagsasalita ng nag- linaw ng pagsasalita ng maayos ang maayos at malinaw
uulat nag-uulat pagsasalita ng ang pagsasalita ng
nag-uulat nag-uulat
Pag-uugali 5 4 3

Pagtutulungan at Lubusang naipamalas ang Nakapagpamalas Bahagyang may


pagkakaisa sa pangkat pagtutulungan at ng pagtutulungan pag-tutulungan at
pagkakaisa sa pangkat at pagkakaisa sa pag-kakaisa sa
pangkat pangkat

C. Sintesis
Ibigay ang kaisipang nabatid at damdaming napukaw sa iyo mula sa pinanood na video
clip.

KAISIPANG
NAKINTAL
DAMDAMING
NAPUKAW

III. Takdang-aralin
A. Basahin at unawain ang akdang “ Natalo Rin Si Pilandok“ ( Pabula mula sa Mindano )
Sanggunian : Ang Bagong Baitang 7 Pinagyamang Pluma ni Ailene G. Baisa-Julian et. al.
ph. 30 – 34.

B. Ibigay ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit sa pahayag at gamitin ito sa


sariling pangungusap.
1. Kilalang tuso’t mapanlinlang
2. Tila nang-uuyam si Pilandok
3. Sinunggaban ng buwaya
4. Nahulog siya sa bitag
5. May isang batang nagtatampisaw

C. Saliksikin ang kahulugan at elemento ng pabula.

Bilang 21
Hulyo 4, 2018 ( Miyerkules ) – Baitang 7 – 10, 18, 30, 33, 34

LINANGIN ( Unang Sesyon )

I. Mga Tiyak na Kasanayang Pampagkatuto


A. Nahihinuha ang magiging kalalabasan ng mga pangyayari sa tatalakaying akda
B. Nasusuri ang pagbabago ng kahulugan ng mga salitang naglalarawan batay sa gamit ng panlapi
C. Naiisa-isa ang mga elemento ng pabula

II. Proseso ng Pagkatuto


A. Panimulang Gawain
Tukuyin ang kaugnayan ng bawat larawan sa isa’t isa.

Mga Tanong:
1. Magbigay ng salitang maaaring iugnay sa nabuong kasagutan.
2. Maituturing ba itong positibo o negatibong katangian?

B. Paglinang ng Talasalitaan
Panuto : Suriin ang pagbabagong nagaganap sa mga salitang naglalarawan batay sa gamit ng
panlapi.

1. mapanlinlang – nilinlang
2. nang – uuyam – nauyam
3. sinunggaban – sumunggab
4. bitag – binitag
5. nagtatampisaw - pinagtampisaw

Tanong:
1. Ano ang nagiging gamit ng mga panlapi sa bawat salita?

C. Pagpapanood ng Akda
Pagbibigay ng oras sa mga mag-aaral upang tahimik na panoorin ang pabulang
“ Natalo Rin Si Pilandok “, akdang nagmula sa Mindanao.
Sanggunian : Ang Bagong Baitang 7 Pinagyamang Pluma ni Ailene G. Baisa-Julian et. al.
ph. 30 – 34.
D. Pagtalakay ng Aralin
1. Ilarawan ang katangiang taglay ni Pilandok.
2. Bakit nagawang linlangin ni Pilandok sina Baboy-ramo at Buwaya?
3. Makatwiran ba ang panlilinlang na ginawa ni Pilandok kina Baboy-ramo at Pilandok?
Ipaliwanag.
4. Magbigay ng salawikain na maiuugnay na akda.
5. Kung ikaw si Suso, gagawin mo rin ba ang ginawa niyang pagganti kay Pilandok?
Ipaliwanag.

E. Pagbibigay ng Input

1. Panitikan

Pabula - Ang pabula na katumbas o kasingkahulugan ng salitang Griyegong muzon na


ang ibig sabihin ay myth o mito ay nagsimula sa tradisyong pasalita at nagpasalin-salin sa
iba’t ibang henerasyon hanggang sa kolektahin ng mga pantas at sa huli ay binigyan ng
ilang pagbabago ng mga tagapagkuwento nang naaayon sa kultura o kapaligirang kanilang
ginagalawan.

Elemento ng Pabula
a. Tauhan - payak ang paglalarawang ginagawa sa mga hayop bilang pangunahing
tauhan.
May dalawang uri ang tauhan; lapad at bilog.

b. Tagpuan - tinutukoy nito ang panahon at pook o lugar kung saan nangyari ang mga
pangyayari at kuwento. Ang payak at pahiwatig ang dalawang uri nito.

c. Banghay - tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento. Ito ay


may
Simula, gitna at wakas.

d. Aral – ang pabula ay kinapupulutan ng aral na nagsisilbing gabay sa pang-araw-araw


na buhay ng isang tao.

Sanggunian :
Ang Bagong Baitang 7 Pinagyamang Pluma
ni Ailene G. Baisa-Julian et. al.

F. Gawain: Pagbubuod ng pinanood na akda gamit ang elemento ng Pabula.

ELEMENTO NG PABULA NATALO RIN SI PILANDOK


TAUHAN: Pilandok, suso, buwaya, baboy-ramo, tao
TAGPUAN: Kagubatan
BANGHAY:
- SIMULA
- GITNA
- WAKAS
ARAL:
G. Sintesis
Ipaliwanag ang pahayag na nasa ibaba at ibigay ang kaugnayan nito sa ating buhay.

“Kapag binato ka ng bato, batuhin mo rin ng tinapay.”

III. Takdang-aralin
1. Saliksikin ang mga ekspresyong nagpapahayag ng posibilidad
2. Nakatutulong ba ang paggamit ng angkop na salita na nagpapahayag ng posibilidad sa
paglalahad ng maaaring kalabasan ng isang sitwasyon o pangyayari?
Bilang 22
Hulyo 5, 2018 ( Huwebes ) – Baitang 7 – 10, 18, 30, 33, 34

LINANGIN ( Ikalawang Sesyon )

I. Mga Tiyak na Kasanayang Pampagkatuto


A. Nailalahad ang mahalagang kaisipan mula sa pinanood na akda
B. Napaghahambing ang katangiang taglay ng mga tauhan sa tinalakay na akda
C. Nagagamit nang wasto ang mga eskpresyong nagpapahayag ng posibilidad

II. Proseso ng Pagkatuto


A. Panimulang Gawain
Tukuyin ang naging sanhi ng mga sumusunod na pangyayari mula sa pinanood na akda.

1. Baka sa sobrang gutom ni Baboy-ramo kaya gusto niyang kainin si Pilandok.


2. Nilinlang ni Pilandok si Baboy-ramo siguro’y natatakot siyang kainin nito.
3. Marahil galit pa rin si Buwaya kay Pilandok kaya sinakmal niya ang paa nito.

Tanong :
 Ano-anong salita/parirala ang nagpapahayag ng posibilidad sa pangungusap?
 Nakatulong ba ang paggamit ng mga ito sa paglalahad ng kinalabasan ng pangyayari
o sitwasyon? Ipaliwanag.

B. Pangkatang Gawain
Pangkat 2 - Paglalahad ng mahahalagang kaisipan mula sa pinanood na akda sa
pamamagitan ng pagsasadula

LIGTHS
CAMERA
ACTION!

Mga Tanong :
1. Naranasan mo na bang maloko/malinlang? Ano ang iyong nararamdaman?
2. May nagpakita ba ng katapatan sa mga tauhan ng akda? Patunayan.

Pangkat 3 - Paghahambing sa katangian ng mga tauhan sa akdang “Si Pilandok at Ang


Buwaya” at “Natalo Rin Si Pilandok” gamit ang tsart sa ibaba.

TAUHAN PISIKAL NA ANYO PAGSASALITA PAG-UUGALI


Si Pilandok at Ang Buwaya

- Pilandok
- BUwaya
Natalo Rin Si Pilandok
- Pilandok
- Baboy-ramo
- Buwaya
Magkapatid na suso
Mga Tanong :
1. Maituturing bang kahanga-hanga ang kanilang mga katangian?
2. Kung bibigyan ka ng pagkakataong baguhin ang kanilang katangian ano ito at bakit?

Pangkat 4 - Paglalahad ng inyong posibleng maging saloobing batay sa mga pangyayari mula
sa akda, gamit ang mga salita sa pagpapahayag ng posibilidad.

PAANO KUNG? POSIBLENG KASAGUTAN

1. Paano kung kainin ni


Baboy-ramo si Pilandok?

2. Paano kung malinlang ni


Pilandok si Baboy-ramo?

3. Paano kung linlangin ni


Suso si Pilandok?

4. Paano kung hindi


matanggap ni Pilandok na
siya ay naloko?

Tanong :
1. Paano napukaw ng akdang ito ang iyong damdamin?
2. Mula sa iyong natutuhan sa akdang ito, paano mo ito isasabuhay?

Pangkat 1 - Pagbibigay ng marka

RUBRIC SA PANGKATANG GAWAIN


Nilalaman ng Ulat 5 4 3
Kawastuhan ng mga Nailahad nang lubusan Nailahad ang May ilang impor-
impormasyon ang hinihinging hinihinging masyon ang hindi
impormasyon Impormasyon angkop

Komunikasyon 5 4 3
Malinaw at maayos Napakaayos at nakapa- Malinaw at Hindi naging
na pagsasalita ng nag- linaw ng pagsasalita ng maayos ang maayos at malinaw
uulat nag-uulat pagsasalita ng ang pagsasalita ng
nag-uulat nag-uulat
Pag-uugali 5 4 3

Pagtutulungan at Lubusang naipamalas ang Nakapagpamalas Bahagyang may


pagkakaisa sa pangkat pagtutulungan at ng pagtutulungan pag-tutulungan at
pagkakaisa sa pangkat at pagkakaisa sa pag-kakaisa sa
pangkat pangkat

C. Pagbibigay ng Input

1. Gramatika

EKSPRESYONG NAGHAHAYAG NG POSIBILIDAD


Sa ating pakikipag-usap at maging sa pagsusulat, madalas ay nagpapahayag tayo ng
mga posibilidad. Posibilidad ang tawag sa mga pahayag na maaaring magkatotoo subalit
hindi pa matiyak o masigurado o may pag-aagam-agam pa tayo. May mga salita o
ekspresyong ginagamit sa ganitong pagpapahayag tulad ng:

Baka puwede kaya ang…


Maaari Siguro
Marahil sa palagay ko
may posibilidad bang… Tila
puwede kayang…

Dahil posibilidad ang inilalahad sa mga ekspresyong ito, ang inaaasahang sagot ay
maaaring positibo o negatibo depende sa kung maaari nga bang magkatotoo ang bagay
na inihahayag o itinatanong.
Halimbawa:
Usapan 1
Ding: Posible kayang umulan mamayang hapon?
Patrick: Malamang uulan nga mamaya. Makulimlim kasi ang himpapawid.

Sanggunian :

Ang Bagong Baitang 7 Pinagyamang Pluma

ni Ailene G. Baisa-Julian et. al.

D. Sintesis
Ipabubuo sa mga mag-aaral ang hindi natapos na pahayag.
Ang mahalagang natutuhan ko sa gawaing ito ay _________________________________
_________________________________________________________________________

III. Takdang-aralin

A. Pumili ng isang hayop na naiibigan mo at ilahad ang mga katangiang naibigan mo sa


kanya.

Bilang 23
Hulyo 6, 2018 ( Biyernes ) – Baitang 7 – 10, 18, 30, 33, 34
PAGNILAYAN AT UNAWAIN

I. Mga Tiyak na Kasanayang Pampagkatuto


A. Naiuugnay ng mga mag-aaral ang sariling katangian sa isang hayop
B. Naibabahagi ang sariling pananaw at saloobin sa pagiging karapat-dapat ng paggamit ng
mga hayop bilang tauhan sa pabula
C. Naipahahayag nang pasulat ang damdamin at saloobin tungkol sa paggamit ng mga
hayop bilang mga tauhang nagsasalita at kumikilos na parang tao o vice versa.

II. Mga Proseso ng Pagkatuto


A. Panimulang Gawain
Pagbibigay ng mag-aaral ng isang hayop na maaaring sumalamin sa kanyang pagkatao.

Tanong:
1. Paano mo nasasalamin ang iyong sa iyong napili?

B. Pangkatang Gawain
Pangkat 3 - Pagsasagawa ng “Harapang Pag-uusap” sa paglalahad ng kanilang sariling
pananaw o saloobin sa pagiging karapat-dapat ng paggamit ng hayop bilang tauhan sa
pabula.

Paksang Pag-uusapan: Karapat-dapat bang gamitin ang mga hayop bilang tauhan sa
pabula?

Mga Tanong:
1. Sa inyong palagay mas nakapupukaw ba ng atensyon ang mga hayop bilang
tauhan sa pabula? Pangatwiranan.
2. Saang aspeto mo mailalapit ang pagkakaugnay/pagkakatulad ng mga hayop sa
tao? Ipaliwanag ang iyong sagot batay sa tinatalakay na akda.

Pangkat 4 – Pagpapahayag ng saloobin at damdamin tungkol sa paggamit ng hayop bilang


tauhan sa pabula, gamit ang “Pader ng Kalayaan”

PADER NG KALAYAAN

Tanong:
1. Mas napupukaw ba ang inyong atensyon ng mga hayop bilang tauhan sa pabula?
Ipaliwanag.
Pangkat 1 – Pagbuo ng isang pabula at gumamit ng mga salitang nagpapahayag ng
posibilidad.
Tanong:
1. Paano nakatutulong ang paggamit ng mga salitang nagpapahayag ng posibilidad
sa paglalahad ng kalalabasan ng isang sitwasyon o pangyayari?

Pangkat 2 - Pagbibigay ng Marka

RUBRIC SA PANGKATANG GAWAIN


Nilalaman ng Ulat 5 4 3
Kawastuhan ng mga Nailahad nang Nailahad ang May ilang impor-
impormasyon lubusan ang hinihinging masyon ang hindi
hinihinging Impormasyon angkop
impormasyon

Komunikasyon 5 4 3
Malinaw at maayos na Napakaayos at Malinaw at maayos Hindi naging maayos
pagsasalita ng nag-uulat nakapa-linaw ng ang pagsasalita ng at malinaw ang
pagsasalita ng nag- nag-uulat pagsasalita ng nag-
uulat uulat
Pag-uugali 5 4 3
Pagtutulungan at Lubusang naipamalas Nakapagpamalas ng Bahagyang may pag-
pagkakaisa sa pangkat ang pagtutulungan at pagtutulungan at tutulungan at pag-
pagkakaisa sa pangkat pagkakaisa sa pangkat kakaisa sa pangkat

C. Pagsasanay
Panuto: Tukuyin ang mga pahayag/salitang ginamit sa pangungusap na nagpapahayag ng
posibilidad. Isulat sa papel ang wastong sagot.
1. Maaaring masira ang kinabukasan mo kung hindi ka iiwas sa masamang bisyo.
2. Baka maipasa ko ang pagsusulit dahil nakinig ako sa aking guro.
3. May posibilidad bang maging guro ako baling araw?
4. Malamang lulusog ang mga bata kung kakain sila ng mga masusustansyang
pagkain.
5. Siguro hindi matutuloy ang lakad naming bukas.

D. Sintesis
Ilahad ang naging kabisaan sa inyo ng tinalakay na paksa.

KAASALAN
KAISIPAN
DAMDAMIN

III. Takdang-Aralin
A. Manood ng mga halimbawa ng puppet show.
B. Ibigay ang kahulugan at kahalagahan ng puppet show.
Bilang 24
Hulyo 9, 2018 ( Lunes ) – Baitang 7 – 10, 18, 30, 33, 34
ILIPAT

I. Mga Tiyak na Kasanayang Pampagkatuto


A. Nakapagbibigay ng iba pang salitang maiuugnay sa kahulugan ng isang salita
B. Nakapagsasagawa ng isang puppet show na gumagamit ng mga salitang nagpapahayag ng
posibilidad tungkol sa paksang ibibigay
C. Napahahalagahan ang pagkakaisa sa pagbuo ng gawain

II. Mga Proseso ng Pagkatuto


A. Panimulang Gawain
Panuto: Magbigay ng salitang maaaring maiuugnay sa kahulugan ng salitang
“pagtatanghal”.

PAGTATANGHAL

Tanong:
1. Maaari bang magamit sa pagtatanghal ang mga salitang nagpapahayag ng
posibilidad? Ipaliwanag.

B. Pagbibigay ng Sitwasyon
Isa kang puppeteer. Inaanyayahan kang magtanghal ng isang pabula sa pamamagitan ng
puppet show sa inyong barangay upang magpasaya ng mga batang lansangan at magturo ng
kagandahang-asal sa pamamagitan ng inyong show. Itataya ang inyong pagganap batay sa
sumusunod na pamantayan:

C. Paglalahad ng Krayterya/Pamantayan

Pamantayan Iskor
Nagturo ng kagandahang-asal 7 puntos
Orihinalidad at pagkamalikhain 6 puntos
Kawili-wili 6 puntos
Pagkakaisa 6 puntos
Kabuuan 25 puntos

III. Takdang-aralin
1. Magdala ng larawan ng iyong hinahangaang “superhero.”
2. Ibigay ang mga katangian kahanga-hanga sa iyong napili.

You might also like