You are on page 1of 2

KONTEMPORARYONG PROGRAMANG PANTELEBISYON

Programang pantelebisyon– Ito ay mga palabas na naglalayong maghatid ng komprehensibo at


estratehikong proyekto na sumasalamin sa katotohanan ng buhay at tumatalakay sa kultura at pamumuhay
sa isang lipunan.
Gaya ng pelikula, ang mga programang pantelebisyon ay maituturing ding isang uri ng sining na
nagsisilbing libangan at gumigising sa isip at damdamin ng isang tao. Ito’y mahalaga at mabisang sangay
ng kabatirang panlipunan, pang espirituwal, pangkultura, pangmoralidad, pang-edukasyon at iba pa.
Ang mga kaisipan, ugali, kabuluhan at pananaw ng isang nilikha ay maaaring maimpluwensiyahan ng
pinanonood na mga programa sa telebisyon.
May tinatawag na infotainment na isang uri ng media na nagbibigay ng mga impormasyon at kasiyahan
sa mga tao sa pamamagitan ng iba’t ibang programang pantelebisyon.
Ang mga programang ito ay nagsisilbing libangan na rin ng mga tao sapagkat naaaliw sila sa panonood
ng mga game show, variety show, at iba pang programa tulad ng panonood ng teleserye.
ang layunin ay makapagbigay ng totoong kalagayan ng mga tao sa isang lugar tulad ng mga
dokumentaryong programang pantelebisyon.

Iba’t ibang uri ng programa pantelebisyon


1. Chrildren Show- mga programa o palabas sa telebisyon na ang pangunahing mithiin ay makuha
ang atensyon ng mga bata sa paraang sila ay masisiyahan at mabibigyan ng impormasyon.
Halimbawa: Art Angel, Batibot, Tropang Potchi at iba pa.
2. Educational Program - tumatalakay sa mga bagay na noong una ay pinag-aaralan lamang sa
pamamagitan ng mga nakalimbag na impormasyon. Ang ilan halimbawa nito ay Matanglawin, I Believe
at Born to be wild.
3. Magazine Show - isang programang pantelebisyon na nagpapalabas ng iba't ibang napapanahong isyu,
ito ay may kaunting panayam at komentaryo. Ang palabas na Rated K at Kapuso Mo, Jessica Soho! ay
mga sikat na programang kabilang dito
4. Morning Show- telebisyon kung saan nag-uulat ang programa nang live tuwing umaga, ang mga
mamamahayag ay may layuning makapaghatid ng mga napapanahong impormasyon sa manonood. Ang
Umagang kay Ganda at Unang Hirit ay ilan lamang sa programa.
5.News Program - naghahatid ng napapanahong kaganapan o pangyayari sa loob at labas ng bansa, ito'y
kinapapalooban din ng ilang panayam at komentaryo. Kabilang ang TV Patrol at 24 Oras sa halimbawa
nito
6. Public Service Program- naghahatid ng tulong sa mamamayan o programang nagiging daan sa
paghahatid ng tulong. Ang halimbawa ng programa ay ang "imbestigador, SOCO at Bitag.
7. Travel Show- naglalahad ng paglalakbay sa iba't ibang bayan o bansa at nagpapakilala sa mga
produkto na matatagpuan dito. Ang palabas na halimbawa nito ay Biyahe ni Drew at Lakbai.
8. Variety Show – nagbibigay ng tuon patimpalak sa pag-arte, pag-awit, pagsayaw at pagpapalabas ng
isang comedy skit. Ang ilan sa halimbawa ay ang sikat na palabas na It's Showtime at Eat Bulaga.
9. Youth-Oriented Program nakatuon sa pagtalakay sa isyu ng kabataan. Karaniwang tema nito ay ang
kanilang buhay pag-ibig. Ngunit hindi nawawala ang pagbibigay o paglalaan ng eksena sa
pagpapahalagang pangkatuhan o moral values. Ang Growing Up, Luv U at Teen Gen ay napabibilang dito
10. Drama Series- ito ay palabas na kinagigiliwan ng lahat, ito ay binubuo ng iba't ibang tauhan na
nagsasadula sa isang kuwento kabilang dito ang..
Dokumentaryong Pantelebisyon-
Saglit mang natigil ang pamamayagpag ng telebisyon noong panahon ng paghahari ng Batas Militar ay
sinasabing nang matapos ang yugto ng diktaturyal sa ating bansa ay sumilang ang isang uri ng
pamamahayag o pagbabalita na maituturing na higit na liberal at mapusok ang anyo sapagkat ito ay
tumatalakay sa mga napapanahong isyu sa kasalukuyan na tinatawag na dokumentaryong pantelebisyon.
Kilala sa larangan ng dokumentaryong pantelebisyon ang mga batikang mamamahayag na sina Che-Che
Lazaro, Jessica Soho, Kara David, Howie Severino, Sandra Aguinaldo, Jay Taruc at iba pa.
Ang mga tanyag na dokumentaryong pantelebisyon sa bansa ay ang Reporter's Notebook, I-Witness,
Reel Time, Krusada, Investigative Documentaries, at iba pa.

You might also like