You are on page 1of 6

DOKUMENTARYONG

PANRADYO
Paksa: Dokumentaryong panradyo
Mayroong iba't ibang uri ng dokumentaryo na ating
napapanood at napapakinggan sa telebisyon man o
radyo na tumatalakay sa iba't ibang paksa o isyu. Sa
paglipas ng panahon ang mga dokumentaryo ay
nagsilbing instrumento o midyum upang maimulat ang
kamalayan ng mamamayan sa mga suliranin at isyung
panlipunan na kinakaharap sa araw-araw. Karaniwang
nakatuon ito sa kahirapan, korapsyon, problema sa
edukasyon, suliraning pang-ekonomiya at mga
katiwalian. Nagsisilbi rin itong tinig ng taong-bayan
upang maiparating sa kinauukulan ang mga
kakulangang dapat maaksyunan.
Kahulugan ng Dokumentaryong
panradyo

Ang Kahulugan ng
Dokumentaryo ay Isang programa o pelikula na
naglalahad ng katotohanan at impormasyon. Maaaring
isyu tungkol sa lipunan, politikal o historikal. Ang
Komentaryong Panradyo maaaring maglaman ng
paninindigan ng estasyon o pansariling pananaw lamang
ng komentarista. Nililinaw ito sa simula pa lamang ng
programa.
Mga impormasyon:
KOMENTARYONG PANRADYO

maaaring maglaman ng paninindigan ng


estasyon o pansariling pananaw lamang ng
komentarista. Nililinaw ito sa simula pa lamang
ng programa
SIMULA
Bumabanggit ang bahaging ito ng isyung
tatalakayin. Karaniwang napapanahon at mainit
na isyu ito ng lipunan
Nagpapahayag ito ng sariling opinion ng
komentarista o kaya ay paninindigan ng
estasyon ng radio. Naglalaman ito ng mga
mahahalagang impormasyong nakabatay sa
katotohanan at bunga ng isang pananaliksik.
Bumabanggit din ito ng mga pahayag at
pananaw ng awtoridad sa paksang tinatalakay.
Naglalahad ito ng pagpanig o pagsalungat sa
isyu at pagbibigay ng mga halimbawa upang
patnayan ang puntong nais bigyang diin
Naglalagom ito at
nagbibigay-din sa kaisipang
tinatalakay. Ipinahahayag
dito ang panghihikayat at
pagpapakilos sa mga
tagapakinig tungo sa isang
pagwawastong panlipunan

You might also like