You are on page 1of 27

Ang

Tanong…
Handa ka
na ba?
Kilalanin
ang mga
sumusunod:
Kontemporaryong
Programang
Panradyo
Ang radyo ang itinuturing na una sa
pinakapinagkakatiwalaang pinagkukunan ng
pampolitikang impormasyon sa Pilipinas.

Sa kasalukuyan, pumapangalawa ang


radyo at telebisyon bilang pinakaginagamit
na media sa bansa.
Ayon sa Philippine Statistics Authority
noong 2013, tinatayang 2/3 bahagi ng
populasyon ng bansa ang nakikinig sa
radyo, na may 41.4 porsiyento ng
tagapakinig minsan sa isang linggo.
Nananatili rin itong pinakalaganap na
MEDIA na nakaaabot kahit na sa
pinakaliblib na mga lugar sa bansa.
May iba’t ibang programang panradyo sa
bansa na may layuning magbigay ng kasiyahan,
libangan at kaalaman sa tagapakinig. Ilan sa
mga kontemporaryong programang panradyo ay
ang dulang panradyo, game shows, reality
shows, teleserye, teleradyo at komentaryong
panradyo na iyong nabasa sa unang bahagi ng
modyul na ito.
Ang komentaryong panradyo ayon kay
Elena Botkin-Levy, Koordineytor ng ZUMIX
Radio, ay ang pagbibigay ng oportunidad sa
kabataan na maipahayag ang kanilang mga
opinyon at saloobin kaugnay sa isang
napapanahong isyu, o sa isang isyung
kanilang napiling talakayin at pagtuunan ng
pansin.
Ang pagbibigay-opinyon ayon kay LEVY
ay makatutulong nang malaki upang ang
kabataan ay higit na maging epektibong
tagapagsalita. Ayon pa rin sa kaniya, ang
unang hakbang upang makagawa ng isang
mahusay at epektibong komentaryong
panradyo ay ang pagkakaroon ng malawak
na kaalaman sa pagsulat ng isang sanaysay
na naglalahad ng opinyon o pananaw.
Katotohanan, Hinuha, Opinyon at Personal na
Interpretasyon
Sa pagpapahayag ng isang broadcaster sa kaniyang
programa, malimit na gumagamit ng makatotohanang
pagpapahayag na kung saan ang impormasyon ay
balido dahil may pinagbatayan, ito ang nagiging daan
upang ang isang BROADCASTER AY MAGKAROON
NG KREDIBILIDAD SA PAMAMAHAYAG. Ngunit may
mga pagkakataong sila rin ay nagbibigay ng hinuha,
mga sapantaha, o palagay sa isang isyu o paksa na
kanilang tinatalakay.
May interaksyon ding namamagitan sa RADIO
BROADCASTING dahil hindi maaaring
magkaroon ng DULL TIME o patay na oras
habang on air ang isang BROADCASTER.
Kalimitang nagpapahayag sila ng opinyon at
maaari ding pinalalawig ito ng mga taong
nakapakinig sa kanila na maaaring co-
broadcaster o tagapakinig ng programa sa
pamamagitan ng mga PERSONAL NA
INTERPRETASYON.
Gawain 1: Positibo, Negatibo
Panuto: Isa-isahin ang mga
positibo at negatibong pahayag
mula sa binasang komentaryong
panradyo kaugnay ng bakuna
kontra COVID-19 sa mga sundalo at
kapulisan. Ilagay sa loob ng kahon
ang tamang sagot. Gawin ito sa
hiwalay na papel.
Panuto: Manood ng isang halimbawa ng balita mula sa telebisyon o internet.
Iugnay ito sa balitang iyong napakinggan mula sa link sa bahaging suriin at
ibigay ang sariling opinyon tungkol dito sa pamamagitan ng pagsagot sa mga
sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa hiwalay na papel.

1. Tungkol saan ang napanood mong balita?


2. Sino ang mamamahayag sa napanood?
3. Ano ang istasyon at programang ito?
4. Ano ang kaugnayan ng balitang napanood sa balitang iyong
napakinggan?
5. Mahalaga ba itong malaman ng kabataang tulad mo? Bakit?

You might also like