You are on page 1of 2

Kontemporaryong Programang Panradyo

Ang radyo ang itinuturing na una sa pinakapinagkakatiwalaang pinagkukunan ng


pampolitikang impormasyon sa Pilipinas. Sa kasalukuyan, pumapangalawa ang radio at
telebisyon bilang pinakaginagamit na media sa bansa.Ayon sa Philippine Statistics
Authority noong 2013, tinatayang 2/3 bahagi ng populasyon ng bansa ang nakikinig sa
radyo, na may 41.4 porsiyento ng tagapakinig minsan sa isang linggo. Nananatili rin
itong pinakalaganap na media na nakaaabot kahit na sa pinakaliblib na mga lugar sa
bansa.

May dalawang pamimiliang pangunahing istasyon sa radyo, ito ay ang Amplitude


Modulation (AM) at Frequency Modulation (FM). Ang mga istasyon na FM ay
nakapokus ang nilalaman unang-una sa musika samantalang ang mga istasyon na AM
ay nag-uulat ng mga balita, kasalukuyang pangyayari, serbisyo publiko, seryal na
drama at mga programang tumatalakay sa mga napapanahong isyu. Mas nakikinig ang
mga tao sa FM kaysa sa AM na istasyon ng radyo kaya mas maraming istasyon ng FM
ang mayroon sa bansa.

Batay sa datos mula sa National Telecommunications Commission (NTC) noong


Hunyo 2016, may 416 na istasyon na AM at 1,042 istasyon na FM sa buong bansa,
kasama na ang mga aplikasyong hindi pa napagpapasyahan. May iba’t ibang
programang panradyo sa bansa na may layuning magbigay ng kasiyahan, libangan at
kaalaman sa tagapakinig. Ilan sa mga kontemporaryong programang panradyo ay ang
dulang panradyo, game shows, reality shows, teleserye, teleradyo at komentaryong
panradyo na iyong nabasa sa unang bahagi ng modyul na ito.

Ang komentaryong panradyo ayon kay Elena Botkin-Levy, Koordineytor ng


ZUMIX Radio, ay ang pagbibigay ng oportunidad sa Kabataan na maipahayag ang
kanilang mga opinyon at saloobin kaugnay sa isang napapanahong isyu, o sa isang
isyung kanilang napiling talakayin at pagtuunan ng pansin. Ang pagbibigay-opinyon
ayon kay Levy ay makatutulong nang malaki upang ang kabataan ay higit na maging
epektibong tagapagsalita. Ayon pa rin sa kaniya, ang unang hakbang upang makagawa
ng isang mahusay at epektibong komentaryong panradyo ay ang pagkakaroon ng
malawak na kaalaman sa pagsulat ng isang sanaysay nanaglalahad ng opinyon o
pananaw.

Gabay na tanong:
1. Ano- ano ang dalawang pangunahing istasyon sa radyo?
2. Isa-isahin ang programang ipinakikinig sa dalawang istasyong ito.
3. Ibigay ang datos na nagpapakita ng katotohanan sa impormasyon hinggil sa
radyo.
4. Magbigay ng paglalarawan tungkol sa komentaryong panradyo.

You might also like