You are on page 1of 1

ARALIN 5

PROGRAMA SA RADYO AT TELEBISYON

 PAUNANG GAWAIN: HANAPIN AT IDIKIT

- May nakatago sa ilalim ng upuan, ang salitang mababasa mo ay iyong ididikit sa


pisara kung ito ba ay programa sa telebisyon o radyo. Ang mga ito ay
magsisilbing gabay mo upang maunawaan ng husto ang topiko sa araw na ito.

 BROADCAST MEDIA – ay paghahatid ng impormasyon sa mamamayan sa


pamamagitan ng radio at telebisyon.

 TELEBISYON AT RADYO – uri ng midya o daluyan ng mga impormasyon at


komunikasyon na nagpapakita ng mga gumagalaw na larawan at mga tunog na
naglalakbay sa ere.

 TELEBISYON- ang itinuturing na pinakamakapangyarihang media sa kasalukuyan dahil


sa dami ng mga mamamayang naabot nito.

 RADYO - ang ikalawa sa pinakaginagamit at pinakapinagkakatiwalaang pagkukunan ng


pampulitikang impormasyon sa Pilipinas. Noong 2013, tinatayang dalawang ikatlong
bahagi ng populasyon ng bansa ang nakikinig sa radyo, na may 41.4 porsiyento ng
tagapakinig minsan sa isang linggo, ayon sa Philippine Statistics Authority. Nananatili rin
itong pinakalaganap na media na nakakaabot kahit na sa pinakaliblib na mga lugar sa
bansa.
 WIKANG FILIPINO - ang nangungunang wika sa radyo sa AM man o sa FM. Ang
mga estasyon sa probinsya ay gumagamit ng rehiyonal na wika ngunit kung may
kapanayam sila ay karaniwan sa wikang Filipino sila nakikipag-usap.

 PANGALAWANG GAWAIN: PROGRAMA MO, ISADULA NYO!


 Hahatiin ang klase sa dalawang grupo. Ang unang pangkat ay magsasadula ang
karaniwang ganap na napapapinggan sa Radyo. Sa kabilang dako, ang ikalawang
pangkat ay aatasang magsadula ng programa na nakikita nila sa Telebisyon.
Bibigyan ang dalawang grupo ng 2 hanggang 3 minuto para sa kanilang
presentasyon.

You might also like