You are on page 1of 19

Gamit ng Wika

sa Radyo
Ikawalong Linggo
Radyo
 Wikang Filipino rin ang
pangunahing wika sa radyo sa AM
man o sa FM.
 May mga estasyon ng radyo sa
mga probinsya na gumagamit ng
rehiyonal na wika ngunit kapag
may kinakapanayam sila ay
karaniwan sa wikang Filipino sila
nakikipag-usap.
Wika at Radyo
Ang wikang Filipino ay nangunguna sa komunikasyon sa halos lahat ng media
ngayon. Ito ay isa sa mga paraan upang magbigay impormasyon sa masa. Sa
radyo, ito’y nangungunang mass media na abot kaya ng mga pinoy. Subalit ang
mga ibinibigkas ng mga DJ sa radyo ay pawang Ingles, Taglish at iba pang wika
bukod sa Filipino.
“Kung tutuusin madali lang naman
maintindihan kung bakit ito
00 nangyayari. Ang nais ipahiwatig ng
mga programa ng radyo tulad ng
AM at FM ay mapanatiling
sumusubaybay ang mga tagapakinig
sa kanila. Ginagawan nila ito sa
pamaraan ng pagbibigay aliw at mga
impormasyong gustong marinig ng
mga tao kaysa sa mga
impormasyong kailangan na dapat
nilang malaman upang lumago
bilang isang Pilipino.”
RADYO: Behikulo para lumago ang
Pambansang Wika o paraan para
makalimutan ito?
RADYO: Behikulo para lumago ang Pambansang
Wika o paraan para makalimutan ito?
Kasabihan na ang radyo ay behikulo ng paghatid
ng kaligayahan, paghatid ng mga kuwento at ng mga
tsismis; ngunit ang pangunahing layunin nito ay palaguin
ang ating Pambansang Wika, dahil, bagamat ang laki ng
pagsulong ng teknolohiya, marami pa rin ang nakikinig ng
radyo.
RADYO: Behikulo para lumago ang Pambansang
Wika o paraan para makalimutan ito?
Bawat henerasyon, maging ito ay matanda o bata, ay nakikinig
ng radyo; para makinig ng bagong kanta, para makinig ng mga
kadramahan o mga panibagong tsismis, o para lang marinig ng mga
balita at iba pa. Maging Bisaya, Cebuano, Ilocano o Batangueño, lahat
ng Pilipino ay nakikinig ng radyo, kaya’t importante ito sa buhay ng
mga tao. Pero ang tanong dito ay sa pagsulong ng bansa natin, at sa
pagiging global at bukas sa iba’t ibang kultura, lumalago ba ang
paggamit ng wikang Tagalog o nababawasan lalo ang paggamit nito?
Ayon kay Roger M. Thompson, ang
wika na mas gusto marinig ng mga Bisaya
ay Hiligayon o Cebuano at Ingles, mas
pinili ang wikang ito kaysa Wikang
Pambansa. Ayon din sa kanya, may mga
estasyon na nagsasalita ng Tagalog sa mga
radiodrama o sa simpleng pagpakikilala,
ngunit mas nangunguna ang pagtugtog ng
kanta sa wikang Ingles at ito ay nagiging
pangunahing musikal trend sa panahon
ito.
Ayon kay Llamzon mas gusto marinig
ng mga guro at estudyante na taga-Metro
Manila, ang mga balita at kanta sa wikang
Ingles at mga drama sa wikang Filipino.
Sa 92% na mga guro sa Metro Manila at
sa 90% na mga gurong taga-Visayas ay
may kagustuhan sa Ingles kaysa Tagalog,
ngunit mayroon pa rin naming may gusto
sa Tagalog kaysa Ingles.
Pangkatang Gawain
Hahatiin ang klase sa apat na pangkat. Ang bawat pangkat ay maghahanda
ng maikling Radio Broadcasting na tinatayang limang minuto.
Pamantayan sa Pagbibigay ng Puntos

Iskrip Pagtatanghal
20% 20%

Salitang
Boses Ginamit
20% 40%
Maraming
Salamat!
CREDITS: This presentation template was created by
Slidesgo, and includes icons by Flaticon, and
infographics & images by Freepik

You might also like