You are on page 1of 2

PANGALAN :__________________________________ ISKOR : _______________________

BAITANG : ___________________________________
IKATLONG MARKAHAN
LEARNING ACTIVITY SHEET #2
FILIPINO 8

Modyul 2 : Kontemporaryong Programang Pangradyo


Kasanayang Pampagkatuto.

1. napag-iiba ang katotohanan (facts) sa hinuha (inferences), opinyon, at personal na interpretasyon ng


kausap (F8PN-IIId-e-29);
2. naiisa-isa ang mga positibo at negatibong pahayag (F8PB-IIId-e-30); at
3. naiuugnay ang balitang napanood sa balitang napakinggan at naibibigay ang sariling opinyon tungkol
dito (F8PD-IIId-e-30).
Talakayan
Kontemporaryong Programang Panradyo
Ang radyo ang itinuturing na una sa pinakapinagkakatiwalaang pinagkukunan ng pampolitikang
impormasyon sa Pilipinas. Sa kasalukuyan, pumapangalawa ang radyo at telebisyon bilang pinakaginagamit na
media sa bansa.
Ayon sa Philippine Statistics Authority noong 2013, tinatayang 2/3 bahagi ng populasyon ng bansa ang
nakikinig sa radyo, na may 41.4 porsiyento ng tagapakinig minsan sa isang linggo. Nananatili rin itong
pinakalaganap na media na nakaaabot kahit na sa pinakaliblib na mga lugar sa bansa.
May dalawang pamimiliang pangunahing istasyon sa radyo, ito ay ang Amplitude Modulation (AM) at
Frequency Modulation (FM). Ang mga istasyon na FM ay nakapokus ang nilalaman unang-una sa musika
samantalang ang mga istasyon na AM ay nag-uulat ng mga balita, kasalukuyang pangyayari, serbisyo publiko,
seryal na drama at mga programang tumatalakay sa mga napapanahong isyu. Mas nakikinig ang mga tao sa FM
kaysa sa AM na istasyon ng radyo kaya mas maraming istasyon ng FM ang mayroon sa bansa. Batay sa datos
mula sa National Telecommunications Commission (NTC) noong Hunyo 2016, may 416 na istasyon na AM at 1,042
istasyon na FM sa buong bansa, kasama na ang mga aplikasyong hindi pa napagpapasyahan.

May iba’t ibang programang panradyo sa bansa na may layuning magbigay ng kasiyahan, libangan at
kaalaman sa tagapakinig. Ilan sa mga kontemporaryong programang panradyo ay ang dulang panradyo, game
shows, reality shows, teleserye, teleradyo at komentaryong panradyo na iyong nabasa sa unang bahagi ng modyul
na ito.
Ang komentaryong panradyo ayon kay Elena Botkin-Levy,
Koordineytor ng ZUMIX Radio, ay ang pagbibigay ng oportunidad sa kabataan na maipahayag
ang kanilang mga opinyon at saloobin kaugnay sa isang napapanahong isyu, o sa isang isyung
kanilang napiling talakayin at pagtuunan ng pansin. Ang pagbibigay-opinyon ayon kay Levy ay
makatutulong nang malaki upang ang kabataan ay higit na maging epektibong tagapagsalita.
Ayon pa rin sa kaniya, ang unang hakbang upang makagawa ng isang mahusay at epektibong
komentaryong panradyo ay ang pagkakaroon ng malawak na kaalaman sa pagsulat ng isang
sanaysay na naglalahad ng opinyon o pananaw.

Katotohanan, Hinuha, Opinyon at Personal na Interpretasyon

Sa pagpapahayag ng isang broadcaster sa kaniyang programa, malimit na gumagamit ng


makatotohanang pagpapahayag na kung saan ang impormasyon ay balido dahil may pinagbatayan, ito ang
nagiging daan upang ang isang broadcaster ay magkaroon ng kredibilidad sa pamamahayag. Ngunit may mga
pagkakataong sila rin ay nagbibigay ng hinuha, mga sapantaha, o palagay sa isang isyu o paksa na kanilang
tinatalakay. May interaksyon ding namamagitan sa radio broadcasting dahil hindi maaaring magkaroon ng dull
time o patay na oras habang on air ang isang broadcaster. Kalimitang nagpapahayag sila ng opinyon at maaari
ding pinalalawig ito ng mga taong nakapakinig sa kanila na maaaring co-broadcaster o tagapakinig ng programa sa
pamamagitan ng mga personal na interpretasyon.

Narito ang link ng isa pang halimbawa ng komentaryong panradyong maaari mong mapakinggan upang
higit mong maunawaan ang aralin at makatulong sa mga inihanda kong gawain.
https://www.youtube.com/watch?v=axpG-21cp7I

1
Gawain 1: Positibo, Negatibo

Panuto: Isa-isahin ang mga positibo at negatibong pahayag mula sa binasang komentaryong
panradyo kaugnay ng bakuna kontra COVID-19 sa mga sundalo at kapulisan. Ilagay sa loob ng
kahon ang tamang sagot. Gawin ito sa hiwalay na papel.

Hanay A Hanay B
Positibong Pahayag Nega tibong Pahayag

Gawain 2: K-H-O-P

Panuto: Batay sa binasang komentaryong panradyo, napag-iiba-iba ang Katotohanan, Hinuha,


Opinyon, o Personal na Interpretasyon. Isulat ang K kung katotohanan, H kung hinuha, O kung
opinyon at P kung personal na interpretasyon ang mga sumusunod na pahayag. Isulat sa
hiwalay na papel ang tamang sagot.

1. Naku, ‘di ba delikado pa rin ‘yong ganoon, partner.


2. Hindi ba lagi na lang pinapaboran ni Pangulong Duterte ang mga sundalo at kapulisan.
3. Sa isang banda partner, mainam din ngang unang mabakunahan ang mga sundalo at kapulisan
dahil sila talaga ang laging nakasuong sa laban kontra COVID-19.
4. Partner, ayon sa World Health Organization (WHO), wala talagang vaccine ang magkakaroon ng 100%
efficacy rate. Maging ang gawa ng U.S. drugmakers na Pfizer-BioNtech at Moderna ay may efficacy
rate na 95%. Ang mahalaga raw ay umabot ito ng 50% at ito ay magiging safe na para gamitin.
5. Sabi nga ng iba, hindi lang naman mga sundalo at kapulisan ang frontliners. Nariyan din ang mga
guro at iba pang empleyado ng gobyerno.
Gawain 3: RadyoTele

Panuto: Manood ng isang halimbawa ng balita mula sa telebisyon o internet. Iugnay ito sa
balitang iyong napakinggan mula sa link sa bahaging suriin at ibigay ang sariling opinyon
tungkol dito sa pamamagitan ng pagsagot sa mga sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa
hiwalay na papel.

1. Tungkol saan ang napanood mong balita?

2. Sino ang mamamahayag sa napanood?

3. Ano ang istasyon at programang ito?

4. Ano ang kaugnayan ng balitang napanood sa balitang iyong napakinggan?

5. Mahalaga ba itong malaman ng kabataang tulad mo? Bakit?

You might also like