You are on page 1of 18

1

2. Malabo nang maibalik ang face to face classes ngayong Taong

A. hinuha C. opinyon
B. katotohanan D. personal na interpretasyon

3. Posibleng ibalik sa lockdown ang Pilipinas sa sandaling makapasok sa


bansa ang bagong strain ng COVID-19.
A. hinuha C. opinyon
B. katotohanan D. personal na interpretasyon

4. Para sa akin, marami pa ring dapat ipagpasalamat sa kabila ng mga


suliraning naganap sa nagdaang taong 2020.
A. hinuha C. opinyon
B. katotohanan D. personal na interpretasyon

5. Sa tingin ko, bumaba ang bilang ng krimen ngayong 2020 dahil sa


matagal na namalagi ang mga tao sa kanilang tahanan.
A. hinuha C. opinyon
B. katotohanan D. personal na interpretasyon

6. Masuwerte raw ang mga ipinanganak ng Year of the Rooster ngayong


taong 2021.
A. hinuha C. opinyon
B. katotohanan D. personal na interpretasyon
C.

2
7. Maagang nagbabala ang World Health Organization (WHO) na ang
COVID-19 pandemic ay hindi magiging kahuli-hulihan dahil sa
inaasahang may mga susunod pang katulad nito sa hinaharap.
A. hinuha C. opinyon
B. katotohanan D. personal na interpretasyon

8. Sinabi ni Pangulong Duterte na karamihan sa mga nabakunahan


kontra COVID-19 ay halos lahat ng mga miyembro ng militar at mula
sa mga miyembro ng Philippine National Police (PNP).
A. hinuha C. opinyon
B. katotohanan D. personal na interpretasyon

9. Umasa ang may 50% ng mga Pilipino ng masayang Pasko kahit


may COVID-19 pandemic, batay sa pinakahuling survey ng Social
Weather Stations noong nakaraang Kapaskuhan.
A. hinuha C. opinyon
B. katotohanan D. personal na interpretasyon

10. Ayon kay DA Secretary William Dar, mahigit 213,500 baboy mula sa
Visayas at Mindanao ang naipasok sa Metro Manila at kalapit-lalawigan
para punan ang malaking demand dito noong holiday season.
A. hinuha C. opinyon
B. katotohanan D. personal na interpretasyon

Aralin
Kontemporaryong
2 Programang Panradyo

Sa kasalukuyang panahon, marami nang mga pagbabago sa


teknolohiya gaya ng bagong gadgets, automated machines, smart TVs at
maging kakaibang applications sa gadgets, at marami pang iba. Gayon pa
man, hindi pa rin nawawala ang pakikinig sa radyo ng maraming Pilipino.
Mayroon na ring iba’t ibang programang panradyo ang mapakikinggan gaya
ng dulang panradyo, mga serye ng kuwento, at maging pagtalakay sa mga
napapanahong isyu gaya ng komentaryong panradyo.

3
Nagugustuhan pa rin ng marami ang makinig sa radyo lalo na ang mga
abala at walang oras upang makapagbasa ng diyaryo, makapanood ng
telebisyon, o makapag-surf sa internet. Isinasabay na lamang ng iba ang
pakikinig habang nakasakay sa dyip at trapik o kaya naman ay habang
naglalaba o naglilinis ng bahay o habang naghihintay sa pila at kung ano -
ano pang pinagkakaabalahang gawain.
Nagbibigay pa rin ng kasiyahan, libangan at maging kaalaman ang
radyo sa mga tagapakinig. Mahalagang malaman lamang ng mga tagapakinig
ang wastong pag-unawa sa napakinggan gaya ng pinagkaiba ng katotohanan,
hinuha, opinyon at personal na interpretasyon mula sa napakinggan.

Balikan

Bago tayo magpatuloy sa ating aralin, iyo munang balikan ang


nakaraang aralin.

Panuto: Tukuyin kung tama o mali ang mga sumusunod na pangungusap.


Isulat sa hiwalay na papel ang tamang sagot.

1. Ang mga pahayagan sa internet o tinatawag na online news ay isang


popular na babasahin sa kasalukuyan, ito ang balitang tinatawag
na digitalized.
2. Isa sa mga katangian ng balita ang kahabaan nito.
3. Ang wika ay nahahati sa tatlong antas; balbal, pormal at impormal.
4. Sa pagsulat ng balita, kailangang inuuna ang hindi gaanong
mahahalagang pangyayari.
5. Isa sa mga sikat na manunulat ng dagli sa kasalukuyang panahon
ay si G. Eros Atalia.

Tuklasin

Ngayon ay iyong basahin at unawain ang halimbawa ng komentaryong


panradyo. Ito ay tungkol sa bakuna kontra COVID-19. Narito ang isang
bahagi ng nasabing talakayan sa radyo.

4
Iskrip ng Komentaryong Panradyo
Kaugnay ng Bakuna Kontra COVID-19
Ni Hanah F. Garcia

Announcer: Mula sa Bulwagang Pambalitaan ng DZGP, narito ang


inyong pinagkakatiwalaang mamamahayag na sina Anna
Domingo at Erick Bidanez at ito ang Radyo Ekspres.

Erick: Magandang buhay sa inyong lahat!

Anna: Magandang buhay, partner!

Erick: Partner, talaga namang mainit na usapin ngayon ang


pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga sundalo at
kapulisan.

Anna: Oo nga, partner. Umaalma ang marami. Sabi nga ng iba,


hindi lang naman mga sundalo at kapulisan ang frontliners.
Nariyan din ang mga guro at iba pang empleyado ng
gobyerno.
Erick: Totoo ‘yan, partner! May punto rin naman nga sila.

Anna: Pero bakit nga ba uunahin ang mga sundalo at kapulisan na


mabakunahan kontra COVID-19?

Erick: Giit ni Pangulong Duterte, nais niyang unang mabakunahan


ang mga sundalo at kapulisan kontra COVID-19 para
mapanatili ang kanilang kalusugan habang nangangalaga
sa peace and order sa bansa.

5
Anna: Naku! Hindi ba lagi na lang pinapaboran ni Pangulong
Duterte ang mga sundalo at kapulisan?

Erick: Sa isang banda partner, mainam din ngang unang


mabakunahan ang mga sundalo at kapulisan dahil sila
talaga ang laging nakasuong sa laban kontra COVID-19. Sila
ang tagaprotekta ng bawat lugar upang maging ligtas sa
COVID-19.

Anna: Pero ang alam ko, partner, ang vaccine na mula sa Chinese
pharmaceutical company na Sinopharm ang gagamitin na
may efficacy rate na 79.34% lamang. At hindi pa ito
aprubado ng Food and Drug Administration (FDA) ha.

Erick: Partner, ayon sa World Health Organization (WHO), wala


talagang vaccine ang magkakaroon ng 100% efficacy rate.
Maging ang gawa ng U.S. drugmakers na Pfizer-BioNtech at
Moderna ay may efficacy rate na 95%. Ang mahalaga raw ay
umabot ito ng 50% at ito ay magiging safe na para gamitin.

Anna: Naku, ‘di ba delikado pa rin ‘yong ganoon, partner? Pero,


sige na nga, sila na mauna.

Erick: Ganoon na nga, partner. Kaya hayaan na natin ang desisyon


ng mga eksperto sa mga ganiyang bagay dahil sila ang higit
na nakaaalam kung ano ang makabubuti para sa lahat.

Pag-unawa sa Binasa

1. Tungkol saan ang binasang komentaryong panradyo?


2. Sino-sino ang mga mamamahayag sa nasabing programa?
3. Ano ang iyong masasabi tungkol sa usaping kanilang tinalakay?
4. Sang-ayon ka ba na mga sundalo at kapulisan ang unang
mabakunahan kontra COVID-19? Bakit?
5. Bilang mag-aaral, paano nakatulong sa iyo ang nabasang komentaryo?

6
Suriin

Matapos mong basahin ang halimbawa ng komentaryong panradyo, iyo


namang suriin kung ano nga ba ang kahulugan nito at ang kaugnayan nito
sa kontemporaryong programang panradyo. Gayon din, alamin kung paano
nagkakaiba-iba ang mga pahayag na nagsasaad ng katotohanan, hinuha,
opinyon, at personal na interpretasyon.

Kontemporaryong Programang Panradyo

Ang radyo ang itinuturing na una sa pinakapinagkakatiwalaang


pinagkukunan ng pampolitikang impormasyon sa Pilipinas. Sa kasalukuyan,
pumapangalawa ang radyo at telebisyon bilang pinakaginagamit na media sa
bansa.

Ayon sa Philippine Statistics Authority


noong 2013, tinatayang 2/3 bahagi ng
populasyon ng bansa ang nakikinig sa radyo,
na may 41.4 porsiyento ng tagapakinig
minsan sa isang linggo. Nananatili rin itong
pinakalaganap na media na nakaaabot kahit
na sa pinakaliblib na mga lugar sa bansa.

May dalawang pamimiliang pangunahing istasyon sa radyo, ito ay ang


Amplitude Modulation (AM) at Frequency Modulation (FM). Ang mga istasyon
na FM ay nakapokus ang nilalaman unang-una sa musika samantalang ang
mga istasyon na AM ay nag-uulat ng mga balita, kasalukuyang pangyayari,
serbisyo publiko, seryal na drama at mga programang tumatalakay sa mga
napapanahong isyu. Mas nakikinig ang mga tao sa FM kaysa sa AM na
istasyon ng radyo kaya mas maraming istasyon ng FM ang mayroon sa bansa.
Batay sa datos mula sa National Telecommunications Commission (NTC) noong
Hunyo 2016, may 416 na istasyon na AM at 1,042 istasyon na FM sa buong
bansa, kasama na ang mga aplikasyong hindi pa napagpapasyahan.

May iba’t ibang programang panradyo sa bansa na may layuning


magbigay ng kasiyahan, libangan at kaalaman sa tagapakinig. Ilan sa mga
kontemporaryong programang panradyo ay ang dulang panradyo, game
shows, reality shows, teleserye, teleradyo at komentaryong panradyo na iyong
nabasa sa unang bahagi ng modyul na ito.

7
Ang komentaryong panradyo ayon kay Elena Botkin-Levy,
Koordineytor ng ZUMIX Radio, ay ang pagbibigay ng oportunidad sa kabataan
na maipahayag ang kanilang mga opinyon at saloobin kaugnay sa isang
napapanahong isyu, o sa isang isyung kanilang napiling talakayin at
pagtuunan ng pansin. Ang pagbibigay-opinyon ayon kay Levy ay
makatutulong nang malaki upang ang kabataan ay higit na maging
epektibong tagapagsalita. Ayon pa rin sa kaniya, ang unang hakbang upang
makagawa ng isang mahusay at epektibong komentaryong panradyo ay ang
pagkakaroon ng malawak na kaalaman sa pagsulat ng isang sanaysay na
naglalahad ng opinyon o pananaw.

Katotohanan, Hinuha, Opinyon at Personal na Interpretasyon

Sa pagpapahayag ng isang broadcaster sa kaniyang programa, malimit


na gumagamit ng makatotohanang pagpapahayag na kung saan ang
impormasyon ay balido dahil may pinagbatayan, ito ang nagiging daan upang
ang isang broadcaster ay magkaroon ng kredibilidad sa pamamahayag.
Ngunit may mga pagkakataong sila rin ay nagbibigay ng hinuha, mga
sapantaha, o palagay sa isang isyu o paksa na kanilang tinatalakay. May
interaksyon ding namamagitan sa radio broadcasting dahil hindi maaaring
magkaroon ng dull time o patay na oras habang on air ang isang broadcaster.
Kalimitang nagpapahayag sila ng opinyon at maaari ding pinalalawig ito ng
mga taong nakapakinig sa kanila na maaaring co-broadcaster o tagapakinig
ng programa sa pamamagitan ng mga personal na interpretasyon.

Narito ang link ng isa pang halimbawa ng komentaryong


panradyong maaari mong mapakinggan upang higit mong maunawaan
ang aralin at makatulong sa mga inihanda kong gawain.
https://www.youtube.com/watch?v=axpG-21cp7I

(Paalala: Hinihikayat na ang mga guro ang gumawa ng paraan


upang mapakinggan ng mag-aaral ang nabanggit na komentaryo.)

Pagyamanin

Magaling! Ngayon ay linangin at pagyamanin mo pa ang iyong


natutuhan sa bahagi ng Tuklasin at Suriin. Ikaw ay magpatuloy sa pagsagot
sa mga inihanda kong gawain.

8
Gawain 1: Positibo, Negatibo

Panuto: Isa-isahin ang mga positibo at negatibong pahayag mula sa binasang


komentaryong panradyo kaugnay ng bakuna kontra COVID-19 sa mga
sundalo at kapulisan. Ilagay sa loob ng kahon ang tamang sagot. Gawin ito
sa hiwalay na papel.

Hanay A Hanay B
Positibong Pahayag Negatibong Pahayag

Gawain 2: K-H-O-P

Panuto: Batay sa binasang komentaryong panradyo, napag-iiba-iba ang


Katotohanan, Hinuha, Opinyon, o Personal na Interpretasyon. Isulat ang K
kung katotohanan, H kung hinuha, O kung opinyon at P kung personal na
interpretasyon ang mga sumusunod na pahayag. Isulat sa hiwalay na papel
ang tamang sagot.

1. Naku, ‘di ba delikado pa rin ‘yong ganoon, partner.


2. Hindi ba lagi na lang pinapaboran ni Pangulong Duterte ang mga
sundalo at kapulisan.
3. Sa isang banda partner, mainam din ngang unang mabakunahan
ang mga sundalo at kapulisan dahil sila talaga ang laging
nakasuong sa laban kontra COVID-19.
4. Partner, ayon sa World Health Organization (WHO), wala talagang
vaccine ang magkakaroon ng 100% efficacy rate. Maging ang gawa
ng U.S. drugmakers na Pfizer-BioNtech at Moderna ay may efficacy
rate na 95%. Ang mahalaga raw ay umabot ito ng 50% at ito ay
magiging safe na para gamitin.
5. Sabi nga ng iba, hindi lang naman mga sundalo at kapulisan ang
frontliners. Nariyan din ang mga guro at iba pang empleyado ng
gobyerno.

9
Gawain 3: RadyoTele

Panuto: Manood ng isang halimbawa ng balita mula sa telebisyon o internet.


Iugnay ito sa balitang iyong napakinggan mula sa link sa bahaging suriin at
ibigay ang sariling opinyon tungkol dito sa pamamagitan ng pagsagot sa mga
sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa hiwalay na papel.

1. Tungkol saan ang napanood mong balita?


2. Sino ang mamamahayag sa napanood?
3. Ano ang istasyon at programang ito?
4. Ano ang kaugnayan ng balitang napanood sa balitang iyong
napakinggan?
5. Mahalaga ba itong malaman ng kabataang tulad mo? Bakit?

Isaisip

Mahusay! Natapos mo ang mga gawaing aking inihanda upang


malinang ang iyong kaalaman tungkol sa aralin. Ngayon naman ay ibahagi
mo ang iyong natutuhan sa pamamagitan ng kasunod na gawain.

Panuto: Dugtungan ng 2-3 pangungusap ang mga pahayag upang makabuo


ng isang makabuluhang talata. Isulat sa hiwalay na papel ang sagot.

Sa pakikinig sa radyo, maging sa panonood ng


telebisyon, mahalagang malaman at matukoy ang
pinagkaiba ng mga pahayag na nagsasaad ng katotohanan,
hinuha, opinyon at personal na interpretasyon dahil
_________________________________________________________
______________________________________________.

Gayon din, mainam na maisa-isa ang mga positibo


at negatibong pahayag sa napakinggan o napanood man
upang
_________________________________________________________
_____________________________________________.

10
Isagawa

Pagbati! Malapit ka na sa huling pagsasanay. Ipagpatuloy mo pa ang


iyong pagsisikap. Sa bahagi namang ito, susubukin ang iyong natutuhan
kaugnay ng aralin. Ipakita ang iyong galing at husay.

Panuto: Batay sa iyong napanood na balita, isa-isahin ang positibo at


negatibong pahayag. Ibigay ang sariling interpretasyon tungkol dito at iugnay
ito sa napakinggan. Gayon din, tukuyin kung ito ba ay katotohanan, hinuha,
opinyon o personal na interpretasyon. Gamitin ang grapikong pantulong at
sagutin ito sa hiwalay na papel.

(Napanood na balita)

Mga Positibo at Pag-uugnay sa


Negatibong K-H-O-P napanood at
Pahayag napakinggan

Positibo:
Negatibo:

11
12
13
14
15
16

You might also like