You are on page 1of 1

BAITANG: 3

ASIGNATURA: FILIPINO

PAGTATAYA BILANG: Matapos ang Ikatlong


Markahan

PAANO LABANAN ANG COVID-19?


ni Angeline C. Quiatchon

Isa sa pinakamalaking suliranin na kinakaharap ng ating bansa ngayon ay


ang patuloy na paglaganap ng Covid-19. Sa kabila ng iba’t ibang programa at
paalala ay patuloy pa ring tumataas ang bilang ng mga positibo sa naturang
virus.
Narito ang limang hakbang na maaaring sundin ng lahat.
1. Hugasan nang madalas ang iyong kamay.
2. Iwasan ang paghawak sa iyong mata, ilong, kamay at bibig.
3. Iwasan ang matataong lugar. Manatili sa bahay kung ikaw ay may sakit.
4. Kumuha ng impormasyon sa mapagkakatiwalaang awtoridad.
5. Kumain ng masusustansiyang pagkain.
Iba ang batang may-alam kaya palaging mag-ingat.

MGA KATANUNGAN

Sagutin ang mga tanong.


1. Ano ang pinakamalaking suliraning kinakaharap ng ating
bansa ayon sa kuwento?
A. Cancer
B. Chicken fox
C. Corona Vicenzo
D. Covid-19

2. Ano ang dapat na gawin sa ating kamay?


A. Ihawak sa mga bagay
B. hugasan ng madalas
C. suotan ng gwantes
D. sulatan ng ballpen

3. Ilang hakbang ang nabanggit sa kuwento na maaaring


sundin ng lahat? A. dalawa
B. tatlo
C. apat
D. lima

4. Bakit mahalaga na tayo ay mag-ingat? Dahil sa


A. patuloy na pagtaas ng bilang ng nag-positibo sa ating bansa
B. madaling makahawa ang virus
C. nakamamatay ito
D. lahat nang nabanggit

5. Bilang isang bata, paano mo lalabanan ang covid-19?


A. sa pagsunod sa mga tagubilin ng magulang at pag-iingat
B. sa paglabas ng bahay
C. sa pakikipaglaro sa kamag-anak
D. sa pagsusulat sa module

You might also like