You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OF ILOCOS NORTE
STA. CRUZ ELEMENTARY SCHOOL
BADOC, ILOCOS NORTE
Third Periodical Test in Filipino 6

Panuto: Basahin ang tekstong pang-impormasyon pagkatapos ay sagutin ang mga sumusunod na
tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
COVID-19 CASES SA PILIPINAS UMAKYAT SA 339,341 :DOH
Umabot na sa halos 340,000 ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng coronavirus disease
(COVID-19) sa Pilipinas, batay sa datos na inilabas ngayong Linggo ng Department of Health (DOH).
Dahil sa 2,502 bagong kaso na naitala ngayong Linggo, nasa 339,341 na ang kabuuang bilang ng
COVID-19 cases na naitala sa Pilipinas.
Sa ilalim naman ng lingguhang “Oplan Recovery”, 17,057 pasyente ang gumaling sa sakit kaya umakyat
sa 293, 075 ang total recoveries. Nasa 6,321 naman ang death toll matapos makapagtala ang DOH ng 83
na bagong pagkamatay.
Sa kabuuan, 39,945 ang active cases o iyong mga hindi pa gumagaling sa sakit. Pinakamarami sa
mga bagong kaso ay naiulat sa National Capital Region.
Nanatili ang Pilipinas na may pinakamaraming total ng Covid-19 cases sa buong Southeast Asia sa kabila
ng pagpapatupad ng pinakamatagal at mahigpit na lockdown sa rehiyon.
Noong katapusan ng Enero naitala ang kauna-unahang kumpirmadong kaso ng Covid-19 sa bansa,
sa isang babaeng Chinese mula Wuhan, ang lungsod sa China na pinagmulan ng sakit. Sa buong mundo
umabot na sa mahigit 37 milyon ang nahawaan ng COVID-19.

1.Saan nagmula ang sakit na Covid-19?


A. Brazil B. Canada C . China D. Hawaii
2.Ilan ang kabuuang bilang ng Covid-19 cases na naitala sa Pilipinas?
A. 104,000 B. 140,000 C. 240,000 D. 340,000
3. Ito ay pinapaunlad nito ang iyong kasanayan sa pagsulat at pagsalita.
A. pagbubuod B.pagpipinta D.pagguhit D. pagbibigkas
4. Ito ay ang mga dahilan at ebidensyang inyong sinulat.
A. argumento B. opinyon C. katotohanan D. balagtasan
5. Ito ay binubuo ng pangunahing diwa ng talata, kuwento o anumang seleksiyong binasa at
mahahalagang detalyeng sumusuporta o lumilinang dito.
A. teksto B. balangkas C. kuwento D.tema
6. Hindi maaring lumabas ang mga bata at nakatatanda sa kanilang mga bahay _____ sa banta ng
COVID 19.
A. dahil B. kung C. sapagkat D. upang

7. Mahilig magtanim ng halaman si Maria lalo na ngayong may pandemya. Alin sa sumusunod na mga
salita ang maylapi?
A. Maria B. magtanim C. pandemya D. halaman

8. Ang galing sumayaw ng idolo kong si Sarah Geronimo. Ano ang salitang-ugat ng
salitang nasalungguhitan?
A. sayaw b. mayaw c. ayaw d. awa

9. Alin sa mga sumusunod ang katotohanan?


A. Ang mga Pilipino ay likas na magalang, masipag at mapagmahal
B.Hindi mabuti sa katawan ang paggamit ng mga gamot na nabibili sa botika.
C. Ang pagharap sa mga hamon ng buhay ay samahan ng katatagan at pananalig sa Panginoon.
D. Imposible ang edukasyon sa panahon ng pandemya kapag walang gadget at internet connection.

10. Lahat ng mga ito ay opinyon maliban sa isa. Anong titik ito?
A. Ang mga Pilipino ay likas na magalang, masipag at mapagmahal.
B. Hindi mabuti sa katawan ang paggamit ng mga gamot na nabibili sa botika.
C. Hindi hadlang ang kahirapan sa pagtulong sa ating mga kababayang nasalanta ng bagyo at baha.
D. Imposible ang edukasyon sa panahon ng pandemya kapag walang gadget at internet connection.

(Ipakita ang video tungkol sa CORONA VIRUS isang uri ng virus)


Batay sa video, sagutin ang mga sumusunod na tanong.Isulat ang titik ng tamang sagot.

11. Tungkol saan ang pinanood?


A. Tungkol sa Corona Virus B. Tungkol sa SARS
C. Tungkol sa pandemiya D. Tungkol sa bansang China

12. Saang bansa ang pinaniniwalaang pinagmulan ng Corona virus?


A. Malaysa B.Japan C.China D.Indonesia

13. Ito ay lipon ng mga salita na nagpapahayag ng buong diwa. Binubuo ito ng simuno at panaguri.
A.salita B.talata C.parirala D.pangungusap

Panuto: Basahin ang maikling kuwento at sagutin ang sumusunod na tanong sa bilang 14, 25, 34 at 40,

Si Tinay Bugayong ay isang batang nagsauli ng perang nagkakahalaga ng P300,000 na


napulot sa isang courier. Sa kabila ng kanilang kahirapan, hindi nasilaw sa kinang ng pera bagkus
nangibabaw pa rin ang kanyang katapatan.

14. Sino ang batang matapat sa kuwento?


A. Tinay B.Mila C. Nora D.Lina

Panuto: Basahin ng pahapyaw ang kuwentong Naantalang Bakasyon at sagutin ang mga tanong na
nasa bilang 15,35, at 45.

15. Natuloy ba ang bakasyon ng Pamilya Cervantes?


A.Hindi, dahil nagkasakit sila.
B.Hindi, dahil sa pandemiyang COVID-19
C.Oo,dahil wala naman silang sakit na COVID_19.
D. Oo, dahil nakiusap sila sa mga taong kinauukulan.

16. Sa tekstong COVID-19, ilan ang nahawaan ng COVID-19 sa mundo?


A. 37 milyon B. 47milyon C. 50 milyon D. 63 milyon

17. Alin sa mga sumusunod ang unang hakbang sa paglalagom o pagbubuod?


A.Habang nakikinig o nagbabasa ay itala ang mahahalagang bahagi at suriin ito.
B.Palitan ang bahagi o pananalitang maaaring magpahaba o magpawalang linaw sa lagom
C.Pakinggan o basahin nang mabuti ang akda. Kunin ang pinakadiwa ng napakinggan o nabasa.
D.Isulat ang natirang puntos sa sariling pangungusap. Huwag magsasama ng pansariling opinyon.

18.Alin ang huling hakbang sa paglalagom o pagbubuod?


A. Basahing muli upang lalo pang maiklian.
B. Tingnan kung ayon sa orhinal ang pagkakasunod-sunod ng mga ideya.
C. Palitan ang bahagi o pananalitang maaaring magpahaba o magpawalang linaw sa lagom.
D. Isulat ang natirang puntos sa sariling pangungusap. Huwag magsasama ng pansariling opinyon.

19. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pag-sang-ayon?


A. Tutol ako B. Ayoko C. Naniniwala ako D. Hindi ako sang-ayon

20. Sa pagsulat ng balangkas sa “Tinig ng Kabataan,” Ano ang isusulat sa pamagat?


A. Ang Edukasyon ng kabataan.
B. Tinig ng Kabataang Pilipino
C. Edukasyon para sa lahat
D. Pag-aaral ko

21.Ang mabait ____ ina ay laging inaasikaso ang mga anak.


A. ng B. na C.at D.g

22. Ang nais lamang ng bawat tao sa mundo ay mabuhay sa kapayapaan. Anong uri ng panlapi ang
ginamit sa nasalungguhitang salita?
A. unlapi B. gitlapi C. kabilaan D. hulapi

23. Alin sa mga sumusunod ang opinyon?


A. Si Jose Rizal ang ating pambansang bayani.
B. Batay kay Melanie ang kanyang kapatid ay tatlong taon na
C. Ayon sa resulta ng imbestigasyon, napatunayan na si Lucas ay may sala.
D. Kung ako naman ang tatanungin, mas gusto ko ang kulay pula kaysa sa dilaw.

24. Ang COVID-19 ay isang uri ng virus na nakahahawa at nakamamatay.


Alin dito ang simuno o paksa?
A. Ang B.COVID-19 C. Uri ng virus D.nakamamatay
B.
25. Sa palagaya ninyo, maganda ba ang ginawa ni Tinay bakit?
A. Opo,dahil hihingi rin siya ng pabuya.
B. Opo, dahil hindi niya pagmamay-ari ang pera.
C.Hindi ,dahil hindi naman niya ninakaw ang pera.
D.Hindi, dahil siguro ay hulog ng langit sa kaniya ang pera.

26.Ano ang mga bagay na magagawa ninyo para makatulong sa hindi pagdami ng kaso ng COVID-19?
A. Huwag makihalubilo sa mga tao.
B. Sundin palagi ang health protocol.
C.Huwag bumili ng pagkain kung san-saan.
D. Huwag lalabas sa bahay kung may nakakakita.

Batay sa kuwentong “Ang Tindera” sagutin ang tanong na nasa ibaba.


27. Ano ang ginagawa ni Aling Panyang araw-araw?
A. Maagang gumisigising at maglalaba sa ilog.
B.Maagang gumigisang at magluluto para sa umagahan.
C. Maagang gumigising at at nag-aayos ng kaniyang tindahan.
D.Maagang gumising para magsimba bago siya magluluto ng pagkain.

28. Ipinapahayag nito ang mga ebidensiya at dahilan upang maipagtanggol ang katwiran ng isang panig.
A. sagupaan B. argumento C.awayan D.pasalaysay

29. Sa tekstong “Tinig ng Kabataang Pilipino” ano ang kanilang ilalagay sa mga ninanais ng kabataan?
A. Ipakita ang tapat na pagmamahal sa bayan.
B. Magandang kapaligiran at walang polusyon.
C. Gabay nila ang edukasyon sa kanilang kinabukasan.

30. Lahat ng mga ito ay makikita sa balangkas na nagpapakita ng pangarap ng kabataan maliban sa isa.
A. Pagkakaroon ng ligtas na kapaligiran.
B. Tahimik at maunlad na pamayanan.
C.Gabay nila ang edukasyon sa kanilang kinabukasan
D. Kapaligirang may malinis na katubigan at matabang lupa.

31. Sa salitang-ugat na bayani, ano ang maaring idagdag para makabuo ng bagong salita.
A. um-in B. mag- in C. ka-han D.in-um

32. Bakit nakamamatay ang sakit na Corona virus?


A. Magdudulot ng pneumonia sa loob lamang ng ilang ilang araw.
B. Magdudulot ng kahinaan sa paghinga at pagkakaroon ng lagnat.
C.Magdudulot ng sakit sa balat sa lahat ng katawan na mahirap gamutin.
D.Magdudulot ng kawalan ng panlasa at dahilan ng kawalan ng ganang kumain.

33. Nasaan sa mga sumusunod pangungusap ang nasa di-karaniwang ayos.


A.Matulunging bata si Rona.
B. Magaling magluto ang nanay.
C. Malamig ang simoy ng hangin sa Barangay Patag, Lungsod Silay.
D. Ang simoy ng hangin sa Barangay Patag, Lungsod Silay ay malamig.

34. Kung ikaw si Tinay,gagawin mo rin ba ang kaniyang ginawa kahit nangangailangan ka ng pera?
A. Opo, dahil masama ang mag-angkin ng hind isa inyo.
B. Opo,pero hihingi ako ng malaking pabuya para pambili ng damit.
C. Hindi ,dahil hindi ko naman ninakaw ang pera. Siguro ay talagang para sa akin.
D.Hindi, dahil hindi ko alam kung saan ko ibabalik. Baka mawala rin ito kung isasauli ko sa pulis

35. Ano ang mga gawaing ipinagbawal na nabanggit sa kuwento?


A. Ang pagtinda ng mga makakain.
B. Ang hindi pagpunta sa mga mall.
C. Ang paggamit ng mga face mask at face shield.
D. Ang hindi pagbiyahe sa mga iba’t ibang lugar.

36. Bakit hindi alintana ni Aling Panyang ang pagod at hirap sa pagtitinda sa kuwentong, “Ang
Tindera”
A. Upang matugunan ang pangangailangan ng kanyang mga anak.
B. Upang makabili siya ng mga mamahaling gamit tulad ng alahas
C. Upang magkaroon siya ng maraming suki na bibili sa kanyang paninda.
D. Upang makilala ang kanyang kasipagan at kabaitan lalo na ang mga pulubi.

37. “Mahal na Leon, kung ako’y inyong palalayain, baka balang araw ay matutulungan din kita.”Ano
ang posibleng epekto ng pangangatuwiran ni daga?
A. Luluhod ni Leon kay daga.
B. Mas lalong magalit si Leon.
C. Paparusahan ni Leon si Daga dah isa pinagsasabi nito.
D. Palalayain ni Leon si Daga baka makatulong balang araw.
E.
38. Piliin sa mga sumusunod kung alin ang opinyon?
A. Ayon sa resulta ng imbestigasyon, napatunayan na si Lucas ay may sala.
B. Batay sa kasaysayan,may iba’t ibang pangkat ang nanirahan noon sa Pilipinas.
C.Higit na magarbo ang pagdiriwang ng mga pista sa lalawigan at mga baryo kaysa sa bayan
D.Kilala sa Pilipinas ang Hagdan-hagdang Palayan bilang isa sa pinakamagandang lugar sa mundo.

39. Ang mga sumusunod ay bagay na dapat gawin para matagumpay ang pagbibigay ulat sa napanood
maliban sa isa.
A. Itala ang mahahalagang impormasyong nakuha sa ulat.
B. Bumuo ng balangkas ayon sa dapat na nilalaman ng ulat.
C. Ayusin ang mga nalikom na impormasyon ayon sa ulat.
D. Buoin ang ulat ayon sa mga di-mahahalagang impormasyon.

40. Ano ang iyong naramdaman ng isauli ni Tinay ang pera?


A. Nagalit dahil ibinalik niya ang pera.
B. Nabigla dahil hindi mo akalaing isasauli
C.Masaya dahil napatunayan mong mayroon pang matapat na tao.
D. Malungkot dahil hindi niya napakinabangan ang perang kanyang napulot.

41.Bilang isang bata, ano ang iyong magagawa para maging ligtas sa anumang sakit.
A. Ugaliing maglinis sa sarili at kapaligiran.
B. Ipalinis sa mga kapatid ang mga maruruming salamin.
C. Maglinis sa bahay araw-araw at itapon ang mga dumi sa ilog.
D. Utusan ang kasambahay na itapon ang mga basura sa likod bahay.

42.“Tindera ng mga Mahihirap” bakit kaya ito ang bansag kay Aling Panyang?
A. Siya ay matulungin kahit sa mga mahihirap.
B. Siya ay nagbibigay pagkain sa mga pulitiko.
C. Nagbibigay ng murang pagkain sa mga matatanda.
D. Ipinamimigay ang mga hindi naititindang pagkain.

43.Ang mga sumusunod ay nagpapahiwatig ng argumento maliban sa isa.Alin dito ang hindi argumento?
A. Naisip niya ,marunong tumupad ng pangako si daga.
B. “Ako’y nagugutom, kahit papaano’y mabubusog mor in ako.
C. “Huwag po ninyong dungisan ng dugo ang munting daga ang marangal inyong mga kukuo.”
D. “Mahal na Leon,kung ako’y inyong palalayain, baka balang araw po’y makatulong ako sa inyo.”

44. Piliin ang pangungusap na pasalaysay sa mga sumusunod na pangungusap.


A. Saan kayo nagpunta kahapon?
B.Laganap ang sunog ngayong tag-init.
C. Bumili ka nga anak ng mantika sa groseri ni Aling Belen.
D. Hala,nakalimutang kong maghugas ngnkamay bago kumain!

45.Bakit ayaw ng pamahalaan ang magbiyahe sa ibang lugar?


A. Para maiwasan ang pagkalat ng virus.
B. Para maging ligtas ang lahat ng mga tao.
C. Para hindi makapagliwaliw ang maraming tao.
D. Para magkaroon ng kapayapaan at katahimikan ng lugar.

46. Mga biyayang handog ng wastong paglingap.


A. pagsisikap C. pagbibigay
B. pagtulong D. pag-aalaga

47.Hindi matapos-tapos ni Cecilia ang kanyang proyekto sa pananahi. Hirap na hirap na siya. Ano ang
maaari niyang gawin upang maipakita ang pagiging positibo sa paggawa?
A. Kailangan magtiyaga
B. Ihinto ang proyekto
C. Ipagawa sa iba
D. Ipabukas ang gawain

48. Ito ang mahahalagang pangyayari sa kuwentong napakinggan. Ayusin ang pagkakasunod-sunod sa
kuwento.
1. Nakalimutan niya ang utos upang huminto sa pagtakbo ang kabayo.
2. Bumisita ang kanyang kaibigang pari sa parokya.
3. Tinuruan niya ang kanyang alagang kabayong sumunod na lamang sa kanyang utos.
4. Labis na nasiyahan ang pari sa kanyang pagsakay hanggang nakarating sila malapit sa bangin.
5. Dahil sa hindi sinasadyang utos, nahulog sila sa bangin

A. 5-4-3-2-1 C. 3-4-5-1-2
B. 3-2-1-4-5 D. 3-2-4-1-5

49. Dali-daling (kuha)____ ni Trisha ang kanyang bag upang makahabol sa susunod na byahe ng
eroplano patungong Surigao.
A. -in B. –um- C. –an D. –in-

50.Para sa akin mas mainam tumira sa lungsod kaysa sa bukid. Ito’y isang_______.
A. opinyon B.di-tiyak C. katotohanan D. depende sa sitwasyon

Prepared by:

DITAS C. IDNAY
Teacher III

Checked and Reviewed By:

FLORALYN S. AGUINALDO
School Principal I

Ang Tindera
ni Antonette S. Espora
Si Aling Panyang ay isang tindera ng pagkain sa aming lugar. Kilalang-kilala siya dahil sa kahanga-
hanga niyang katangian. “Tindera ng mga Mahihirap” ang palayaw sa kaniya. Mabait at magalang siya sa
mga mamimili. Iniiwasan niya ang pagsigaw o pagsungit sa kanila. Maunawain at matulungin rin siya sa
mga nangangailangan ng tulong lalo na sa mga mahihirap. Maging ang mga pulubi na napaligaw ay
kaniyang pinapakain at inaasikaso nang mabuti.

Araw-araw ay maagang gumigising at nag-aayos ng kaniyang tindahan si Aling Panyang. Sinisigurado


niya na palaging malinis at sariwa ang mga nilulutong pagkain. Dahil mura at masarap ang mga ito,
marami siyang suki. Maaga pa ay ubos na ang kaniyang mga paninda.

Hindi niya inaalintana ang pagod at hirap sa pagtitinda upang matugunan ang pangangailangan ng
kaniyang dalawang anak. Ang pagtitinda kasi ang naiwang hanapbuhay ng kaniyang namayapang asawa
kaya labis ang pag-iingat niya rito.

Dahil sa taglay niyang ugali, marami ang humahanga sa kaniya. Minamahal at iginagalang siya ng mga
tao. Mahirap at nakapapagod man ang pagtitinda, masayang ginagampanan ni Aling Panyang ang
kaniyang tungkulin. Para sa kaniya, ito ang kaniyang paraan ng hanapbuhay at kawanggawa.

Tinig ng Kabataang Pilipino

Ang kabataan ay may pangarap sa buhay. Nais nilang ipakta ang tapat na pagmamahal sa bayan.Nais ng
kabataan na ang nagpapatupad ng mga batas ng ay mamayang nagpapanatili ng katahimikan. Laging
sinisiguro ang kapayapaan. Nais nila ang mga tapat na pinuno at mamamayang nagmamamahal sa Diyos.

Pangarap ng kabataan ang pagkakaroon ng ligtas na kapaligiran. Kapaligirang may sariwang hangin,
malinis na tubigan at matabang lupa. Isang magandang kapaligirang walang polusyon. Idagdag pa rito
ang isang tahimik at maunlad na pamayanan.

Hangad rin ng kabataan ang magkaroon ng tunay na edukasyon. Gabay nila ang edukasyon para sa
kinabukasan. Ang kaalamang natamo sa kursong kanilang pinili ay tulong sa kanila para makakuha ng
trabaho sa tinapos na kurso. Karamihan sa kanila ngayon ay kursong panteknolohiya.

Naantalang Bakasyon

Ang pamilya Cervantes ay nagbabalak magbakasyon sa nayon. Naghanda sila ng damit para sa dalawang
Liggong Bakasyon.Ipinaalam ng kanilang amang si Christian ang balak nilang bakasyon sa kanyang mga
magulang sa nayon. Sabik na sabik na silang magbakasyon sa dati nilang tirahan.

Ngunit sahil sa Pandemiyang dulot ng COVID-19, maraming ipinagbawal ng ating pamahalaan kasama
na rito ang pagbiyahe sa ibang lugar upang maiwasan ang
pagkalat ng virus. Pinatigil ang operasyon ng mga sasakyang pandagat,panlupa at panghimpapawid.
Hindi natuloy ang bakasyon ang Pamilya Cervantes dahil wala silang masakyan. Kaya minabuti na nilang
manatlil sa kanilang bahay.

Sagot:
1. C
2. D
3. A
4. A
5. B
6. A
7. B
8. A
9. C
10. C
11. A
12. sC
13. D
14. A
15. B
16. A
17. C
18. A
19. C
20. B
21. B
22. C
23. D
24. B
25. B
26. B
27. C
28. B
29. A
30. C
31. C
32. A
33. D
34. A
35. D
36. A
37. D
38. C
39. D
40. C
41. A
42. A
43. A
44. B
45. A

You might also like