You are on page 1of 11

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

PANREHIYONG PAGTATASA PARA SA KALAGITNAANG TAON SA FILIPINO 8

Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Piliin ang tamang sagot at isulat ang letra sa
patlang na nakalaan bago ang bilang.

____ 1. Sa alamat ng Unang Hari ng Berbaran, ano ang mahalagang payo na sinabi ng hari sa
kanyang anak tungkol sa pag-aasawa?
A. mahalin at alagaan ang isa’t isa
B. magtiis habang kayo ay magkasama
C. ipaglaban ang karapatan kung tama ito
D. sundin ang asawa at pangalagaan ang kanyang kalusugan

____ 2. Ano ang hinabilin ng hari sa kanyang dalawang anak tungkol sa pamumuno sa bayan?
A. magpakita ng katatagan sa pamumuno
B. ayusin ang anomang alitan sa nasasakupang bayan
C. maging mabuting pinuno at mapagmahal sa mga tao
D. huwag kakampi sa anomang panig upang ang pagpapasya ay maging karapat-
dapat

____ 3. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng mabuting katangian ng pangunahing tauhan na


si Diwatandaw Gibon?
A. malakas na pinuno C. maaasahang pinuno
B. masipag na pinuno D. mapagmahal na pinuno

____ 4. Alin sa pagpipilian sa ibaba ang kahulugan ng salitang tsismis sa Eupemistikong


pahayag?
A. kuwentong tubero C. kuwentong bangkero
B. kuwentong barbero D. kuwentong karpintero

____ 5. Ano ang katumbas ng salitang asawa sa Eupemistikong pahayag?


A. kaagapay sa hirap C. kabiyak ng mukha
B. kabiyak ng dibdib D. katuwang sa problema

____ 6. “Ginagamit ng isang mangmang ang kanyang pangangatwiran para gumawa ng maling
desisyon.” Alin sa sumusunod ang kasalungat ng salitang nakasalungguhit?
A. mabuti C. masinop
B. mabait D. matalino

____ 7. Saan nagkakapareho ang salawikain at kasabihan?


A. binibigkas ito nang patula
B. nagbibigay- aral sa buhay
C. nabubuo sa maikling panahon
D. matatalinghaga ang mga salitang ginagamit

____ 8. Alin sa mga pagpipilian sa ibaba ang halimbawa ng bugtong?


A. kung ano ang itinanim, siyang aanihin
B. kung ano ang puno, siya rin ang bunga
C. dalawang bolang itim, malayo ang nararating
D. kapag makitid ang kumot, matutong mamaluktot

____ 9. Magkasing- talino ang magkapatid na John at Arvin kaya labis ang kasiyahan
ng kanilang magulang. Anong panlaping panulad ang ginamit sa pangungusap?
A. labis C. kanilang
B. magka D. magkasing

Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89; Email Address: region3@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

____ 10. Sa epikong Si Tuwaang at ang Dalaga ng Buhong na Langit, paano nakarating si
Tuwaang sa tahanan ni Batooy?

A. Sumakay siya sa mahiwagang banig.


B. Dinala siya ng ipo-ipo sa lugar ni Batooy.
C. Iwinasiwas niya ang panyo ng tatlong beses.
D.Tinawagan niya ang kidlat upang dalhin sa Pinanggayungan.

____ 11. Alin sa mga katangian sa ibaba ang taglay ni Tuwaang?

A. malakas at matapang na tao


B. matulungin at mapagmahal sa kapwa
C. masunurin at maaasahan sa lahat ng oras
D. may kapangyarihan at kayang gawin ang imposible

____ 12. Alin sa sumusunod na pangungusap ang nagpapakita nang wastong impormasyon
patungkol sa pinagmulan ng salitang Epiko? Ang epiko ay ______.

A. hinango sa pangalang KUR.


B. nanggaling sa salitang Epikus.
C. nagmula sa wikang Ingles na Epic.
D. ibinatay sa salitang Griyego na Epos.

____ 13. Alin sa sumusunod na pahayag patungkol sa Corona Virus ang kakikitaan ng
paghahawig o pagtutulad?

A. pagsakit ng katawan, ulo at lagnat


B. pagsakit ng tiyan, pagsusuka at lagnat
C. matinding pamamaga ng tonsil at pagkakaroon ng lagnat
D. mula sa simpleng sipon hanggang sa seryosong infection gaya ng
MERS-Cov at SARS-Cov

____ 14. Alin sa mga pahayag sa ibaba ang nagpapakita ng pagbibigay- katuturan o depinisyon?

A. Ang Corona virus ay sakit na kinakailangang idulog sa pinakamalapit na health


facility.
B. Ang Corona virus ay maaaring maipasa sa tao sa tao (human- to- human
transmission).
C. Ang Corona virus ay kadalasang nakukuha sa malapitang pakikisalamuha sa
taong mayroon nito.
D. Ang Corona virus ay pamilya ng mga virus na nagdudulot ng sakit mula sa
karaniwang sipon hanggang sa mas malubhang sakit tulad ng MERS at SARS.

____ 15. Saang pahayag makikita ang pagtutulad?


A. Hindi natin maiiwasan ang mabagot, malungkot at mag-alala dahil sa nararanasan
nating pandemya ngayon.
B. Ang komunikasyon ay isang pagpapalitan ng impormasyon na kadalasan na ginagawa
sa pamamagitan ng karaniwang sistema ng mga simbolo.
C. Naging masaya ang buhay ni Marcela mula nang makilala niya ang kanyang ama,
tulad ng isang batang naghahangad na magkaroon ng bagong laruan.
D. Wika ang nagbibigkis sa ating pagkakaisa dahil ito ay naging daan upang
maipahayag ang ating damdamin, kakayahan at pagkakakilanlan bilang
Pilipino.

Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89; Email Address: region3@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

____ 16. Alin sa sumusunod na pahayag patungkol sa online games ang nagpapakita ng wastong
paraan ng pagbibigay opinyon?
A. Nakaaalis ng pagod ang paglalaro nito.
B. Ito ay isang libangan at pampalipas lamang ng oras.
C.Palalawakin nito ang kaalaman sa paggamit ng mga gadyet.
D.Sa aking palagay, makasisira ito sa pag-aaral ng mga estudyante.

____ 17. Alin sa pagpipilian sa ibaba ang hindi nagpapahayag ng opinyon?


A. Sa tulong ng Turismo, aangat ang ekonomiya ng bansa.
B. Kung ako ang tatanungin, masarap mamuhay nang tahimik.
C. Sa aking palagay, uunlad ang buhay kung may sipag at tiyaga.
D. Sa akin lang, payapa ang buhay ng tao na may pananalig sa Diyos.

____ 18. Lalong umasenso ang buhay ng magkakapatid ______ ng kanilang pagsisikap.
Alin ang angkop na hudyat ng sanhi at bunga ang kukumpleto sa pangungusap?
A. Bunga
B. Dahilan sa
C. Kung kaya
D. Sa ganitong dahilan

____ 19. Pupunta sa palengke si Inay ______ bibili siya ng pagkain.


Ano ang angkop na hudyat ng sanhi ang kukumpleto sa pangungusap?
A. sapagkat
B. dahilan sa
C. bunga nito
D. kung kaya

____ 20. Ang paghahanda ng pansamantalang talasanggunian ay isa sa mga mahahalagang


hakbang sa pagsasagawa ng pananaliksik. Alin sa sumusunod na pahayag ang
nagpapatunay dito?

A. Nasusuportahan nito ang mga datos na ibinigay ng mga respondente.


B. Makikita sa hakbang na ito ang mga estratehiyang ginamit sa pananaliksik
C. Matutulungan nito ang mananaliksik sa isang magandang paksa.
D. Nailalahad dito ang listahan o talaan ng mga aklat, dyornal, magasin,
pahayagan at di-limbag.

____ 21. Sa pananaliksik, bakit kailangang isaalang-alang ang paggawa ng tentatibong


balangkas?

A. Napapagaan nito ang daloy ng pananaliksik


B. Nabibigyang-linaw ang layunin ng pananaliksik
C. Nagagabayan nito ang mananaliksik tungo sa mabilis na pangangalap
ng datos
D. Nagbibigay ito ng malinaw at maayos na gabay at direksyon tungo sa isang
matagumpay na pananaliksik

____ 22. Anong hakbang sa pananaliksik ang kailangang bigyang pansin sa pagsasatama ng
mga naisulat na nilalaman?
A. Direktang Sipi
B. Pagsulat ng Burador
C. Pagsulat ng wakas na Pananaliksik
D. Pagwawasto at Pagrerebisa ng Burador

Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89; Email Address: region3@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

Para sa bilang 23-25: Basahin nang may pang-unawa ang tekstong nasa ibaba at sagutin ang mga kaakibat
na tanong. Piliin ang tamang sagot at isulat ang letra sa patlang na nakalaan bago ang bilang.

Mga Epektibong Salik sa Pagbabago


o Pagpapaunlad ng Wikang Filipino

10%
Ekonomiya
46% Lipunan
44%
Pag-aaral

Ekonomiya ang pangunahing aspekto kung saan mas naging epektibo ang pag-unlad o pagbabago
ng Wikang Filipino. Ito ang sinang-ayunan ng 23 respondente o 46% ng kabuoang respondente. Sumunod
ang Pag-aaral na may 22 respondente o 44% ng kabuoang respondente. Sa huli ay ang Lipunan na may
limang (5) respondente o 10% ng kabuoang respondente.

____ 23. Sino ang tinutukoy na respondente?


A. taong nananaliksik C. tumutugon sa pananaliksik
B. tumutulong sa pananaliksik D. mag-aaral ng pananaliksik

____ 24. Ano ang nangungunang salik ang naging epektibo sa pag-unlad ng Wikang Filipino?
A. Lipunan C. Ekonomiya
B. Pag-aaral D. Respondente

____ 25. Ilang bahagdan ang tumugon na ang lipunan ang nangungunang epektibong salik sa
sa pagbabago o pagpapaunlad ng Wikang Filipino?
A. 10% C. 46%
B. 44% D. 100%

PAKIKINIG
Panuto: Makinig at unawaing mabuti ang babasahin ng guro. Sagutin ang kaakibat na tanong sa bilang
26 hanggang 30, piliin ang tamang sagot at isulat ang titik sa patlang na nakalaan bago ang
bilang.

____26. Mula sa binasa ng guro, alin sa sumusunod na tanong ang maaaring maging paksa ng
balagtasan?
A. Ano ang dapat taglayin ng isang tao: Sipag o Talino?
B. Paano makakamit ang tagumpay: Magpakatalino o Magpakasipag?
C. Alin ang makatutulong sa tao sa pang-araw-araw na buhay: Sipag o Talino?
D. Sino ang mabilis na magtatagumpay sa buhay: ang Masipag o ang Matalino?

____27. “Ang talino ay biyaya at kayamanang handog ng Diyos.” Alin sa sumusunod na tanong
ang maaaring sagutin ng pahayag na nakapahilis?
A. Paano nagiging matalino ang isang tao?
B. Kanino maaaring manahin ang katalinuhan?
C. Saan nagmula ang taglay na katalinuhan ng tao?
D. Sino-sino ang maaaring mabigyan ng katalinuhan?

Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89; Email Address: region3@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

____28. Mula sa binasang balagtasan ng guro, ano ang iyong pananaw patungkol sa kapwa pagkapanalo
ng Sipag at Talino?
a. Kung ako ang tatanungin, mali talaga dahil sa balagtasan isa lang dapat ang
tatanghaling panalo.
b. Para sa akin, tama lang na parehong manalo ang dalawang magkalabang paksa
sapagkat kapwa sila makatutulong sa pangarap ng tao.
c. Sa palagay ko, mali na pareho silang itinanghal dahil mabubuhay ang tao kahit hindi
siya matalino basta may taglay siyang kasipagan.
d. Sa aking pananaw, tama lamang na tanghalin silang parehong panalo sapagkat mas
magiging maganda ang buhay ng isang tao kung magsisipag at magpapakatalino siya.

____29.Batay sa binasa ng guro, ano sa tingin mo ang nais ipakahulugan ng salitang talino?
A. kabaitan C. karangalan
B. kabutihan D. kayamanan

____30.Para sa iyo, alin ang mas mahalaga sa panahong ito sipag o talino?
A. Ang sipag sapagkat siyang bisig sa planong binabadya.
B. Ang talino sapagkat siyang utak sa balangkas ng paggawa.
C. Kapwa mahalaga ang sipag at talino sapagkat kung mawawala ang isa mahirap
makamit ang tagumpay.
D. Parehong mahalaga sipag at talino dahil hindi makakakilos ang tao kapag wala ang
isa.
Panuto: Basahin at unawain ang bawat texto. Piliin ang titik ng tamang sagot sa mga tanong at isulat ito
sa patlang na nakalaan bago ang bilang.

____31. Hanggang samakamtan ng bayan ang taal na lupang pangako


At kahit na tila kitilin ang buhay ko’t biyakin ang bungo,
Sa bungo ko’y buong nakalimbag parin sa sariwang dugo;
“Pilipino akong sa pambubusabos ay hindi susuko!”

Alin sa sumusunod ang nais ipabatid ni Amado Hernandez sa mga mambabasa sa wakas ng
tulang “Panata sa Kalayaan”?
A. Iparating ang ating saloobin o damdamin sa nakatataas
B. Pangunahan natin ang mga nasa katungkulan
C. Maging matatag tayo at huwag sumuko.
D. Sumunod tayo sa mga panuntunan.

____32. “Ang libong nasadlak sa mga piitan na kawangis ko ring pinapagkasala’y walang kasalanan,
ang laksang inusig at pinarusahan kahit walang sakdal ni hatol ng alin may hukuman!”

Ano ang damdaming nangingibabaw mula sa binasang pahayag?


A. pag-aalinlangan
B. pagmamagaling
C. pangungulila
D. panunumbat

Panuto para sa bilang 33 hanggang 36: Gamitin ang grapikong pantulong sa ibaba sa paghahambing ng
mga elemento ng tulang “Iginigisa Ako Tuwing Umaga” ni Eugene Y. Evasco at “Pag-ibig” ni Teodoro
Gener.

Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89; Email Address: region3@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

Elemento ng tula
Iginisa ako Tuwing Umaga PAG-IBIG
na
Ni: Eugene Y. Evasco Ni: Teodoro Gener
Paghahambingin
Umiibig ako, at ang iniibig
Hindi pa man nakapagsusuklay,
sukat Ay hindi ang dilag na kaakit-akit
Kakaripas na agad ako ng takbo
tugma Pagka’t kung talagang ganda lang ang
Upang mahagip at sumabit sa
talinhaga nais,
masasakyan.
kariktan Hindi ba’t nariyan ang nunungong
Isang oras bago ang pasukan
langit
Inip na inip na lahat sa paghihintay

____33. Ano ang pangunahing kaisipan ng tulang isinulat ni Eugene Y. Evasco?


A. Ikinukwento sa tulang ito ang buhay ng isang pasahero.
B. Inilalahad sa tulang ito ang mga pagsubok ng isang manggawang sumasakay ng
pampasaherong sasakyan.
C. Ibinabahagi sa tulang ito ang pagsubok na pinagdaraanan ng isang manggagawang
palaging nahuhuli sa tarabaho.
D. Isinasalaysay sa tulang ito ang sayang naidudulot ng pagsakay ng pampasaherong
sasakyan sa pagpasok sa trabaho.

____34.Paano nagkaiba ang dalawang tula batay sa kanilang sukat at tugma?


A. Ang tulang Iginisa Ako sa Tuwing Umaga at ang tulang Pag-ibig ay parehong nakasulat sa
malayang taludturan.
B. Ang tulang Iginisa Ako sa Tuwing Umaga at ang tulang Pag-ibig ay parehong may sukat at
tugma na nakasulat sa tradisyunal.
C. Ang tulang Iginisa Ako sa Tuwing Umaga ay may sukat at tugma samantalang ang tulang
Pag-ibig ay nasa malayang taludturan.
D. Ang tulang Iginisa Ako sa Tuwing Umaga ay may malayang taluturan samantalang ang
tulang Pag-ibig ay may sukat at tugma na nakasulat sa tradisyunal.

____35.Kung ang tema ng tulang Iginisa Ako sa Tuwing Umaga ay tumatakay sa ang kahirapan sa
pagpasok sa araw-araw, ano naman ang tema o pinapaksa sa tulang Pag-ibig ni Teodor Gener?
A. ang tunay na pag-ibig sa isang bata
B. ang tunay na pag-ibig sa isang binata
C. ang tunay na pag-ibig sa isang dilag o dalaga
D. ang tunay na pag-ibig sa isang nakatatandang kapatid

____36. Sa tulang Iginisa Ako Tuwing Umaga, paano nakatulong ang paggamit ng awtor ng mga
tayutay na simili at metapora?
A. Napasimple nito ang paglalarawan sa damdamin ng pasaherong hirap dahil walang sariling
sasakyan.
B. Napagaan nito ang paglalarawan sa tunay na karanasan ng isang pasahero.
C. Napabilis nito ang paglalahad sa pagkainis ng isang mangagawa sa sitwasyon at pag-aalala na
baka mahuli sa trabaho.
D. Napadali nito ang paglalarawan sa kalagayan ng mga pasahero na maayos na aalis ng bahay
pero pagdating sa trabaho ay parang binugbog ang hitsura dahil lukot na ang kanilang
uniporme, gulo na ang buhok, walang make-up, iba na ang amoy at iba pa.

____37. Bakit nagkakaroon ang Balagtasan ng isang mas mataas na pampolitika at panlipunang
tungkulin?
A. Sa pakiwari ko ang paksa rito ay puro panlipunan lamang at talagang kailangan nang
matinding pag-aaral.

Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89; Email Address: region3@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

B. Sa tingin ko inilalahad ng sining na ito ang isang uri ng panitikan na kung saan ipinapahayag
ang mga saloobin o pangangatwiran sa pamamagitan ng pananalitang may mga tugma sa
huli.
C. Sa aking pananaw maliban sa tagisan ng talino at pagbibigay ng aliw, nagbibigay ang mga
sumasali sa balagtasan ng kanilang saloobin tungkol sa kasalukuyang pangyayari at suliranin
sa ating lipunan.
D. Sa palagay ko inaasahan sa panitikang ito ang patalinuhan ng pagpapahayag ng mga
patulang argumento ngunit maaari din itong magbigay libangan sa pamamagitan ng
katatawanan, anghang ng pang-aasar, pambihirang talas ng isip, at mala-teatriko at
dramatikong pagpapahayag.

38. Nagkayayaang magpakasal sina Julia at Teňong kahit alam nila na hindi papayag ang ina ni Julia.
Ano kaya ang alternatibong solusyon dito?

A. Ipaglalaban nila ang kanilang pag-iibigan.


B. Susuyuin ni Teňong ang ina ni Julia upang lubos itong mapapayag.
C. Maninilbihan si Teňong sa bahay nina Julia upang matuwa ang mga magulang nito.
D. Gagawin ni Teňong ang lahat ng paraan upang siya’y magustuhan ng ina ni Julia at sila’y
payagan nang magpakasal.

39. Alin sa sumusunod na nakasalungguhit ang nagpapahayag ng hudyat o panandang ginamit sa


pagpapahayag ng pagsalungat?

A. Tama ang sinabi mong napakalamig ang klima sa Baguio.


B. Ang pagkain ng kalabasa ay totoong nakapagpapalinaw ng mata.
C. Hindi ko matanggap ang iyong sinabi na kailangang sundin ang puso kaysa sa isip.
D. Ang galing mo sa debate kanina! Bilib ako sa iyong sinabi na kayang gawin ng mga babae
ang anumang kayang gawin ng mga lalaki.

40. Alin sa sumusunod na pangungusap ang hindi nagpapahayag ng pagsalungat?

A. Maling-mali talaga ang iyong pananaw sa buhay!


B. Maaasahan mo ako riyan, tutulungan kitang mag-aral!
C. Hindi ako naniniwala riyan, may plano ang Diyos kung bakit naganap ito sa akin.
D. Hindi ako sang-ayon dito dahil ang Pilipinas ay isang bansang sagana sa likas na yaman.

41. Ano ang konotatibong kahulugan ng salitang kaibigan?

A. isang taong masasandalan sa lungkot o kabiguan


B. isang taong maasahan lamang sa oras ng kagipitan
C. isang taong ipagtatangol ka sa mga matitinding kaaway
D. isang taong handang umaalalay sa iyo sa lahat ng pagkakataon

42. Bakit dapat pahalagahan at palaganapin ang Sarswela bilang bahagi ng Panitikang Pilipino?

A. Sa pakiwari ko, sapagkat ito dahil bahagi na ito ng ating kultura.


B. Sa aking pananaw, upang mapanatili pa itong buhay hanggang sa susunod pang mga taon.
C. Sa tingin ko, dapat itong pahalagahan at palaganapin upang makatutulong ito sa susunod pang
mga henerasyon
D. Sa palagay ko, mahalaga ito sapagkat ito ay ang pagkakakilanlan natin bilang Pilipino at sa
ating mayamang kultura.

Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89; Email Address: region3@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

Para sa bilang 43-45, basahin nang may pang-unawa ang tekstong nasa ibaba at sagutin ang mga kaakibat
na tanong. Piliin ang tamang sagot at isulat sa sagutang papel.

Sa sitwasyon ng ating bansa ngayon, malaking pagsubok ang umusbong kaugnay sa edukasyon.
Ngunit kahit ganito ang kalagayan ng bansa, mahalaga pa rin na ang edukasyon ng bawat tao. Ang ahensya
ng Gobyerno at ang Kagawaran ng Edukasyon at ang mga eskwelahan ay nagbigay ng iba’t ibang paraan
para masulusyunan ang ganitong sitwasyon. Ang iba ay nagsagawa ng online class at ang iba naman ay
nagsagawa ng modular modality. Sa ganitong daloy ng edukasyon kailangan maging handa ang mga mag-
aaral sa mga problema na kanilang maaaring pagdaanan. Dahil sa mga posibleng problema na ito ay
maraming mag-aaral ang piniling huminto na lamang muna sa pag-aaral ngayong taon. Marami rin ang mga
walang kakayahan na sumabay sa ganitong sistema at ang iba ay walang kakayahan upang makipagsabayan
sa ibang mag-aaral na may kakayahang mag-access sa internet. May malaking papel ang internet para sa
pag-aaral ng mga estudyante ngayon. Ito ay makatutulong upang mapadali ang mga gawain.

43. Ano ang iyong pananaw patungkol sa ginawang pagharap ng ating gobyerno at kagawaran ng
edukasyon sa suliraning dumating sa ating bansa?
A. Kahanga-hanga ang kanilang mga naisip paraan upang hindi matigil ang pagkatutuo ng mga
mag-aaral.
B. Mas magiging matagumpay sana kung isang paraan na lamang ang ginamit sa pagpapadaloy
ng edukasyon.
C. Hindi gaanong maganda ang paraang kanilang naisip sapagkat maraming kabataan pa rin ang
piniling tumigil muna pansamantala sap ag-aaral.
D. Mahusay ang kanilang ginawang pagharap sa suliraning ito dahil hindi nila pinabayaang
mahinto ang pagkatuto ng bawat mag-aaral bagkus nag-isip pa sila ng mga paraang lalong
magpapadali sa pagpapadaloy ng edukasyon.

44. Alin sa sumusunod ang ginawang solusyon ng ahensya ng gobyerno, ng Kagawaran ng


Edukasyon at pati na rin ng mga eskwelahan upang maibigay ang iba’t ibang paraan para
masulusyunan ang ganitong suliranin?
A. ginamit ang internet sa pagpapdaloy ng kaalaman
B. pinayuhang huminto ang mga mag-aaral na walang internet sa bahay
C. humingi ng tulong pinansyal sa mga guro at iba pang ahensya ng gobyerno
D. nagsagawa ng online class at ang iba nama’y sinubukan ang modular modality

45. Batay sa tekstong binasa, ano ang maaaring maitulong ng internet sa mga mag-aaral?
A. makakapagtapos lahat ang mga mag-aaral
B. mapapadali nito ang gawain ng mga mag-aaral
C. masasagot nito ang katanungan ng mga mag-aaral
D. magiging sagot ito sa suliranin ng edukasyon ng ating bansa

46. Ayusin ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari ayon sa pagpapahayag ng pag-iisa-isa.

I. Nang ako'y pauwi na, habang akoy naglalakad patungo sa sakayan ng dyip, narinig ko ang
isang kaawa-awang pusa na umiiyak.
II. Umalis ako ng bahay upang samahan ang aking kaibigan na bumili ng regalo para sa
kaarawan ng kanyang ina
III. Dahil sa iyak, agad kong nilapitan ang sako kung saan siya ay nakakulong.
IV. Simula noon, siya na ang kasa-kasama ko saan man ako magpunta.
V. Pagkatapos, tinanggal ko ang tali ng sako at agad kong nakita ang pusang kulay puti ang mga
balahibo. Tinawag ko syang Niyebe.
VI. Iniuwi ko sya sa bahay at pinaliguan.
A. II,I.III,V,VI,IV C. II,I,IV,VI,V,III
B. IV,VI,V,III,II,I D. IV,II,III,I,V,VI

Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89; Email Address: region3@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

47. Kung bibigyan ka ng pagkakataon na baguhin ang wakas ng maikling kwentong Saranggola ni
Efren Abueg, alin sa sumusunod ang pinakaangkop na wakas nito?
A. “Binawal niya ang kanyang mag-iina na dalawin ang amang may sakit sapagkat ito’y naging
makasarili noong siya ay bata pa”.
B. “Nang lapitan niya ang kabaong ng ama at tunghayan ang mga labi nito, parang lumundag
ang kanyang puso at humalik sa pisngi ng yumao. Kasunod niyon, sinumbatan niya ang ama.”
C. “Nang lapitan siya ng kanyang ina upang hilingin na dalawin ang amang may sakit, umuwi
siya sa kanilang bayan upang humingi ng kapatawaran sa kanyang mga naging pagkukulang
at hinanakit sa ama. Kasabay nito ang pagpapasalamat sa kanyang natamong tagumpay.”

D. “Nang lapitan niya ang kabaong ng ama at tunghayan ang mga labi nito, parang lumundag
ang kanyang puso at humalik sa pisngi ng yumao. Kasunod niyon, nagunita na naman niya
ang pagpapalipad nila ng saranggola. “Wala sa laki ng saranggola ang pagpapalipad at
pagpapatagal niyon sa itaas. Hayaan mo… tuturuan kita!” paliwanag na ama. Rading, Paquito,
Nelson…tandaan ninyo ang kwentong iyan. Kwento ‘yan namin ng inyong namatay na lolo.
Kuwento naming dalawa.”

____48. Kung bibigyan ka ng pagkakataong gumuhit ng simbolismo patungkol sa pagmamahal


at mapagmalasakit na magulang, alin sa sumusunod ang iguguhit mo? Bakit?
A. kamay- sapagkat sumisimbolo ito sa pagsasakripisyo
B. puso- sapagkat sumisimbulo ito nang wagas na pagmamahal
C. rosaryo -sapagkat sumisimbolo ito sa pananampalataya sa diyos
D. bituin -sapagkat ito’y sumisimbulo sa walang hanggang pag-aaruga

____49. Mula sa maikling kwento ni Efren Abueg, paano naiuugnay ang saranggola sa buhay o
kapalaran ng isang tao?
A. Nasa kamay mo ang pagkontrol sa paglipad nito.
B. Ang paggawa nito ay tulad ng paglinang sa iyong sarili.
C. Ang saranggola ay nagbibigay kasiyahan sa mga munting bata na may mataas na pangarap.
D. Ang buhay ay hindi madali, katulad ng pagpapalipad ng saranggola, kapag hindi ka
marunong magpalipad ay mahihirapan kang makarating sa mataas na tagumpay.

____50. “Tuturuan kitang gumawa ng saranggola.”


Ano ang mensaheng nais ipahiwatig ng ama sa maikling kwentong Saranggola?
A. matuto sa buhay C. pagsisikap sa buhay
B. paghirapan ang buhay D. pagtitiyaga sa buhay

Inihanda nina:

ROWENA R. DIMAANO LILIBETH G. DIAZ


MT-I, ACNHS MT-I, RLLMHS

Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89; Email Address: region3@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

PAKIKINIG
Panuto para sa guro: Basahin ang texto na sipi mula sa isang balagtasan na may pamagat na SIPAG O
TALINO upang masagot ng mga mag-aaral ang mga bilang 26 hanggang 30.

LAKANDIWA:

Saglit munang pinipigil, inyo itong lakandiwa.

Pagtatalo nitong dalawang mahuhusay na makata,

Pagkat tila nag-iinit, at kapwa di masawata.

Inilahad na katwiran, nakatatak sa ating diwa,

Ang talino ay biyaya’t kayamanang handog ng Diyos,

Lagi nating nagagamit, sa mabubuting gawa’t loob.

Kasipagan at talino, pagsamahing walang toos,

Kaya’t dapat ng magsanib, pag-isahing lubos-lubos.

Ang talino’y siyang utak sa balangkas ng paggawa.

Ang sipag nama’y s’yang bisig sa planong binabadya.

Kung ang isa’y mawawala, walang silbing magagawa.

Kaya’t kapwa mahalaga.

Panalo silang kapwa.

Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89; Email Address: region3@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

PANREHIYONG PAGTATASA PARA SA KALAGITNAANG TAON SA FILIPINO 8

SUSI SA PAGWAWASTO
1. D 26. A
2. C 27. A
3. D 28. D
4. B 29. D
5. B 30. D
6. D 31. C
7. B 32. D
8. C 33. B
9. D 34. D
10. D 35. C
11. D 36. D
12. D 37. C
13. D 38. D
14. D 39. C
15. C 40. B
16. D 41. D
17. A 42. D
18. A 43. D
19. A 44. D
20. D 45. B
21. D 46. A
22. D 47. C
23. C 48. B
24. C 49. D
25. B 50. A

Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89; Email Address: region3@deped.gov.ph

You might also like