You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
Region I – Ilocos region
La Union Schools Division Office
Bacnotan National High School
Poblacion, Bacnotan, La Union

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT


FILIPINO 8

Pangalan____________________________Seksiyon__________Petsa________________Iskor_____

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Piliin at isulat sa patlang ang
titik ng tamang sagot.

____1. Ito ang tawag sa mga salitang eupemistiko, patayutay, o idyomatiko na ginagamit
upang maging maganda ang paraan ng pagpapahayag.
A. Bugtong B. Kasabihan C. Salawikain D. Sawikain
____2. Anong uri ng karunungang-bayan ang pahulaan sa pamamagitan ng
paglalarawan ng mga bagay na madalas makita?
A. Bugtong B. Kasabihan C. Salawikain D. Sawikain
____3. Ito ang tawag sa mga mahihinay na salita o pahayag na ipinapalit upang
maiwasan ang makasakit ng damdamin.
A. Eupemismo B. Hyperbole C. Metapora D. Personipikasyon
____4. Ang eupemismo ay gumagamit ng _________ para di-tuwirang tukuyin ang nais
ipahayag na nakatutulong upang lalong mag-isip ang nagsasalita at kinakausap.
A. mabilis na salita C. malalim na salita
B. mahirap na salita D. matalinghagang salita
____5. Akdang pampanitikan na tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali
ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil
may mga tagpuang may kababalaghan.
A. Alamat B. Anekdota C. Epiko D. Pabula
____6. Saang ilog pinaliguan si Lam-ang nang siya’y makabalik mula sa kaniyang
pakikipagsapalaran?
A. Ilog Pasig B. Ilog Cagayan C. Ilog Mindanao D. Ilog ng Amburayan
____7. Ano ang tawag sa kalipunan ng mga pangungusap na tumatalakay sa iisang
paksa?
A. Pangungusap B. Parirala C. Sugnay D. Talata
____8. Ito’y isang maikling kathang binuo ng mga pangungusap na magkakaugnay, may
balangkas, may layunin, at may pag-unlad.
A. Katha B. Komposisyon C. Talata D. Sanaysay
____9. Dito nakasaad ang mahahalagang kaisipang nabanggit sa gitnang talata.
A. Gitna B. Katawan C. Panimula D. Wakas
____10. Ito ang tawag sa pinagmulan ng isang pangyayari.
A. Bunga B. Ebalwasyon C. Pinagmulan D. Sanhi
____11. Ito ang kinalabasan, resulta, o dulot ng isang pangyayari.
A. Bunga B. Ebalwasyon C. Pinagmulan D. Sanhi

Bacnotan Natioinal High School


Poblacion, Bacnotan, La Union
(072) 2423303/ (072)6072472/elsie.mayo@yahoo.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Region I – Ilocos region
La Union Schools Division Office
Bacnotan National High School
Poblacion, Bacnotan, La Union

____12. Ano ang tawag sa mga personal na pahayag ng isang tao tungkol sa isang isyu o
kaganapan?
A. Impresyon B. Opinyon C. Puna D. Tugon
____13. Mga impormasyon na batay sa saloobin at damdamin ng tao.
A. Impresyon B. Opinyon C. Puna D. Tugon
____14. Ano ang tawag sa paghahanap ng mga totoong impormasyon o datos na
humahantong sa kaalaman?
A. Pagbabalangkas B. Pagbabalita C. Pagrerebisa D. Pananaliksik
____15. Ito ay isang matagal na gawain sa paghahanda ng pananaliksik.
A. Paghahanda ng balangkas C. Pagpili ng Paksa
B. Paghahanda ng bibliograpi D. Pangangalap ng datos
____16. “Napanood ko sa bidyo ang di-maliparang-uwak na kanilang ari-arian.” Ano ang
ibig sabihin ng sawikain na nakasalungguhit?
A. maganda B. makitid C. malawak D. malayo
____17. “Hindi nakikita, hindi naamoy, iniwasa’t itinataboy.” Ano ang sagot sa bugtong
na ito?
A. bakuna B. basura C. Corona Virus D. polusyon
____18 Ang mga frontliners panahon ng pandemya ay itinuturing na mga bagong bayani
ng bayan sapagkat hindi sila nag-aatubiling gampanan ang kanilang mga
tungkulin sa kanilang kapwa.”Anong karunungang-bayan ang pinakaangkop na
maiiugnay sa pahayag?
A. bukas-palad C. ningas-kugon
B. mahaba ang kamay D. taos-puso
____19. Ang dalagang anak ni Aling Sara ay di-makabasag pinggan, ang pahayag na ito
ay nangangahulugang _____________.
A. ang dalaga ay maalaga.
B. ang dalaga ay mahinhin.
C. ang dalaga ay naghuhugas ng pinggan.
D. ang dalaga ay tagapag-alaga ng kaniyang kapatid.
Lubhang nagtangis si Ines at agad na umupa ng mga maninisid upang makuha
ang mga buto ni Lam-ang. Agad namang nakuha ang mga buto ni Lam-ang. Kasama
ni Ines ang tandang at aso ni Lam-ang, kanilang dinasalan gabi-gabi ang mga buto
ng asawa. Hanggang sa isang araw, si Lam-ang ay muling nabuhay.

____20. Anong katangian ni Ines ang makikita sa talata?


A. Makatarungan B. Mapagmahal C. Mapanlamang D. Matulungin
Likas sa kaugalian nating Pilipino ang pagtulong sa kapwa saan man tayo
mapadpad. Ito na ang ating namana at ugaling nakagisnan. Sa kabila ng mga
pagsubok na ating hinaharap, naging matatag at naroon pa rin ang bayanihan
upang masugpo ang hirap na nararanasan natin. May nagbibigay ng mga donasyon,
serbisyo, o oras para maibahagi ang tulong para sa nangangailangan. Nagsisilbi itong
pundasyonBacnotan Natioinal High School
at pagkakakilanlan nating Pilipino
Poblacion, Bacnotan, La Union
(072) 2423303/ (072)6072472/elsie.mayo@yahoo.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Region I – Ilocos region
La Union Schools Division Office
Bacnotan National High School
Poblacion, Bacnotan, La Union

____21. Ano ang pinapaksa ng talata?


A. Pagkakaisa B. Pagmamahal C. Pagtitiwala D. Pagtutulungan
____22. Sa isang nayon sa Baguio na kung tawagin ay Suyuk, naninirahan ang mga
Igorot na pinamumunuan ni Kunto. Anong elemento ng maikling kuwento ang
pahayag na ito?
A.banghay C.tagpuan
B.mahahalagang kaisipan D. Tauhan
____23. Ginantimpalaan ng mahiwagang matanda ang kabutihan ng mga taga-Suyuk ng
punong ginto at sa maikling panahon, naging mariwasa ang kanilang
pamumuhay.Ang uri ng elementong ginamit ay ________
A.kakalasan B.kasukdulan C. Saglit na Kasiglahan D.Suliranin
____24. Ang paksa ay makatutulong sa lipunan upang mas maging progresibo ang
pananaliksik na gagawin. Anong hakbang sa pananaliksik ang gagawin mo
kaugnay sa pahayag?
A. Pagpili ng paksa C. Pagsulat ng pinal na papel
B. Pagrereserba ng papel D. Pangangalap ng mga kinakailangang datos
____25. Maraming pagbabago ang maaring mangyari sa isinasagawang pananaliksik
kaya’t dumadaan ito sa pagsusulat ng burador upang matiyak ang kawastuhan ng
pananaliksik. Anong hakbang sa pananaliksik ang gagawin mo kaugnay sa
pahayag?
A. Pagrereserba ng papel C. Paghahanda ng balangkas
B. Pagsulat ng pinal na papel D. Paghahanda ng bibliyograpi
____26. Ang anak ay nakaupo na, Ang ina’y gumagapang pa. Ano ang sagot sa bugtong
na ito?
A. Kalabasa B. Patola C.Pipino D. Upo
____27. “Sadyang mahirap ang iba’t ibang pagsubok na dumarating sa panahon ngayon.
Hindi natin mawari kung ito ay dulot ng tadhana o parusa ng Diyos. Ganon pa
man, hindi maaaring magbibingi-bingihan na lamang tayo sa mga karaingan ng
mamamayan. Kailangan na nating kumilos.” Ano ang pinakaangkop na
karunungang bayan ang maiuugnay sa pahayag sa pahayag na nabanggit?
A. habaan ang pisi C. palawakin ang isip
B. magdilang-anghel D. magtataingang-kawali
____28. Isinugod sa ospital si Aling Carmen dahil tinamaan siya ng ligaw na bala. Sa
kasaamang palad ay wala na itong hininga ng makarating sila sa pagamutan.
Anong eupemistikong salita ang maaari mong sabihin upang hindi sila gaanong
mabibigla at masasaktan?
A. kapiling na siya ng Panginoon C. sumakabilang buhay na siya
B. kinuha na siya ng Diyos D. lahat ng nabanggit
____29. “Ang batang matapat ay __________ng lahat kaysa sa batang mapagpaimbabaw.”
A. lalong kinaiinggitan C. lalong kinagigiliwan
Bacnotan Natioinal High School
Poblacion, Bacnotan, La Union
(072) 2423303/ (072)6072472/elsie.mayo@yahoo.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Region I – Ilocos region
La Union Schools Division Office
Bacnotan National High School
Poblacion, Bacnotan, La Union

B. lalong kinagagalitan D. lalong pinagtitiwalaan

____30. Anong angkop na pariralang may paghahambing ang dapat ilagay sa patlang
upang mabuo ang diwa ng salawikain at Kasabihan? “Ang tunay na kaibigan ay
____ang masasakit na katotohanan sa iyong harapan at kayang sabihin sa iba ang
magaganda mong katangian.
A. lalong sasabihin C. kapwa kayang sabihin
B. mas kayang sabihin D. di-hamak na kayang sabihin
____31. Bilang kabataan, paano mo maipakikita ang pagtulong sa kapwa?
A. Sumali sa mga organisasyong pangkabataan.
B. Dumalo sa mga pagpupulong sa programang pangkabataan.
C. Makipagsangguni sa barangay sa mga programang pangkabataan.
D. Mag-volunteer sa paggayak at pamimigay ng mga tulong para sa frontliners
____32. Hindi nagbayad ng buwis si Mang Anton, ___________________________. Ano ang
maaaring ibunga ng naunang pahayag?
A. kaya ipinasara ang kaniyang tindahan.
B. sapagkat giniba ang kaniyang tindahan.
C. palibhasa malaki ang kaniyang tindahan.
D. dahil nanatiling bukas ang kaniyang tindahan.
____33.
Naging masaya ang buhay ni Marcela mula nang makilala niya ang
kaniyang ama. Tulad ng isang batang naghahangad na magkaroon ng bagong
laruan. Hindi niya maipaliwanag ang katuwaang naramdaman gaya ng
pagbitbit nito kahit saanman magpunta.

Ang talata sa loob ng kahon ay isang uri ng teknik sa pagpapalawak na


A.Pagbibigay katuturan C. Pagsusuri
B. Paghahawig o Pagtutulad D. Pagtatala
____34. Katulad ng isang agilang mataas lumipad, ang isang taong mataas ang pangarap
sa buhay. Kahit anong balakid ang kanyang kahaharapin matibay ang kaniyang
mga pakpak sa pag-abot ng mga bagay na gusto niyang makamit. Anong teknik
ang ginamit sa pagpapalawak ng paksa?
A.Pagbibigay katuturan C. Pagsusuri
B. Paghahawig o Pagtutulad D. Pagtatala
____35. Ito ang panandang ginagamit sa pagsulat ng resulta ng pananaliksik na
kadalasang matatagpuan sa pagsisimula.
A. sa dakong huli B. unang-una C. sa kabilang dako D. ikalawa
____36. Busilak ang puso ng mga taong walang sawang tumutulong sa kanilang kapwa
sa panahon ng pandemya. Kung susuriin ang pahayag, ito’y isang halimbawa ng
__.
A. Bugtong B. Kasabihan C. Salawikain D. Sawikain

Bacnotan Natioinal High School


Poblacion, Bacnotan, La Union
(072) 2423303/ (072)6072472/elsie.mayo@yahoo.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Region I – Ilocos region
La Union Schools Division Office
Bacnotan National High School
Poblacion, Bacnotan, La Union

____37. Suriin ang pahayag. “Lubhang kawawa ang mga biktima ng digmaan sa Lungsod
ng Marawi kaysa sa mga nasalanta ng bagyo”. Ito ay isang halimbawa ng
paghahambing na ______________.
A. palamang B. panubali C. pasahol D. pasidhi
____38. Ano ang hindi pangkaraniwang kakayahan na ipinamalas ni Lam-ang nang
siya’y isilang ng kaniyang ina?
A. Sa kaniyang pagsilang siya’y nakaaawit na.
B. Sa kaniyang pagsilang siya’y nakasasayaw na.
C. Sa kaniyang pagsilang siya’y nakapagsasalita na.
D. Sa kaniyang pagsilang siya’y nakahahawak na ng sandata.
____39. Ang edukasyon sa New Normal ay ang isang matinding hamon sa mga
mamamayan. Ito ay walang “Face to face” na interaksyon sa pagitan ng mag-aaral
at guro. Maaaring birtwal ang komunikasyon dahil iniiwasan ang pagtitipon-tipon
sa isang lugar alinsunod sa health protocol na umiiral. Anong teknik sa
pagpapalawak ng paksa ang halimbawang pahayag?
A. Pagbibigay-katuturan B. Paglalahad C. Pagsusuri D. Pagtutulad
____40. Napaiyak ang mag-ina dahil sa napakagandang sorpresa sa kanila. Ano ang
buong sanhi ng pangyayari?
A. Napaiyak C. dahil sa napakaganda
B. Napaiyak ang mag-ina D. dahil sa napakagandang sorpresa sa
kanila
____41. “Sa panahon ngayon, kailangan ng bawat isa ang pagiging masipag upang may
maipantawid sa pang-araw-araw na buhay. Matuto tayong magtiis at
magsakripisyo para sa ating pamilya.”
A. Kung may tiyaga, may nilaga.
B. Kaya matibay ang walis, palibhasa’y nabibigkis.
C. Sa paghangad ng kagitna isang salop ang nawala.
D. Ang gumagawa ng kabutihan ay hindi natatakot sa kamatayan.
____42. “Mabuti pang ibaon sa hukay ang alaala ng pandemya.” Ano ang kahulugan ng
nakasalungguhit na pahayag?
A. alalahanin B. ihukay sa lupa C. huwag pansinin D. kalimutan na
____43. Paano ipinamalas ni Lam-ang ang kanyang katapangan at kagitingan?
A. sa pamamagitan ng pagtitinda
B. sa pamamagitan ng pagtulong sa ina
C. sa pamamagitan ng panliligaw niya kay Ines
D. sa pamamagitan ng paglaban sa mga Igorot na kumuha sa kanyang ama
____44. Alin sa mga sumusunod na teknik ng pagpapalawak ng paksa ang halimbawa
ng pagtutulad o paghahawig?
A. Ang buhay ay parang gulong. Minsan nasa ibabaw at minsan nasa ilalim.
Ngunit gaano man kahirap ang buhay ay hindi dapat agad sumuko.

Bacnotan Natioinal High School


Poblacion, Bacnotan, La Union
(072) 2423303/ (072)6072472/elsie.mayo@yahoo.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Region I – Ilocos region
La Union Schools Division Office
Bacnotan National High School
Poblacion, Bacnotan, La Union

B. Dahil sa pandemya naging matumal ang benta ngayon ng ilang produkto. Ang
pariralang matumal ang benta ay kasingkahulugan ng pariralang mahina ang
benta
C. “Walang pagkakaiba ang pananaw ng Pangulo at programa ng department of
education hinggil sa physical, face-to-face classes. Ayaw ni President,ayaw din
ng Deped na ma-endanger ang mga bata” -Sec.Leonor Briones-
D. Ang pananaliksik ay isang mapanuri at makaagham na imbestigasyon o
pagsisiyasat ng isang bagay, paksa, o kaalaman sa pamamagitan ng
pangangalap, pagpapakahulugan, pagbubuo, at paguulat ng mga ideya
nang obhetibo,matapat, at may kalinawan.
____45. Ano ang pangunahing bagay na dapat isaalang-alang sa pagbibigay ng opinyon?
A. Damdamin ng nagbibigay opinyon.
B. Sapat na kaalaman sa isyung bibigyan ng opinyon.
C. Pagpili sa mga isyung panlipunan na bibigyan ng opinyon.
D. Pagiging maingat sa mga salitang gagamitin sa pagbibigay ng opinyon.

PANUTO: Para sa 46-48. Buuin ang diwa ng pangungusap sa pamamagitan ng pagtukoy


ng wasto sa nawawalang bahagi. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa
patlang na inilaan bago ang bawat bilang.
____46. “Ang batang walang pinag-aralan ay ____________na ‘di makalipad.”
A. kapares ng eroplano C. kapares ng tutubi
B. kapares ng ibon D. kapares ng paruparo
____47. “Ang pag-aasawa ay hindi biro, _______________________, na iluluwa kung
mapaso.”
A. hindi tulad ng kanin C. tulad ng kanin
B. hindi tulad ng sabaw D. tulad ng sabaw
____48. “_________ang taong sa hirap nagmula kaysa sa mga taong sa ginhawa
nagmula.”
A. Higit na umaani ng salat C. Higit na umaani ng pighati
B. Higit na umaani ng tuwa D. Higit na umaani ng lungkot
____49. Upang maging mabisa ang isang talata, dapat ito nagtataglay ng mga
sumusunod:
A. may isang paksang diwa
B. may kaisahan, buong diwa,
C. maayos ang pagkakalahad
D. lahat ng nabanggit
____50. Ang wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangungusap upang makabuo ng
makabuluhang talata ay______________
1. Ito na ang ating namana at ugaling nakagisnan.
2. Likas sa kaugalian nating Pilipino ang pagtulong sa kapwa saan man tayo
mapadpad.
3. Nagsisiibi itong pundasyon at pagkakakilanlan nating Pilipino.
Bacnotan Natioinal High School
Poblacion, Bacnotan, La Union
(072) 2423303/ (072)6072472/elsie.mayo@yahoo.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Region I – Ilocos region
La Union Schools Division Office
Bacnotan National High School
Poblacion, Bacnotan, La Union

4. May nagbibigay ng donasyon, serbisyo, o oras para maibahagi ang tulong para
sa nangangailangan.
5. Sa kabila ng mga pagsubok na ating hinaharap, naging matatag at naroon pa
rin ang bayanihan upang masugpo ang hirap na nararanasan natin.

A. 1,2,4,5,3` B. 1,2,5,4,3 C. 2,1,5,4,3 D. 2,1,3,5,4

Bacnotan Natioinal High School


Poblacion, Bacnotan, La Union
(072) 2423303/ (072)6072472/elsie.mayo@yahoo.com

You might also like