You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VII – Central Visayas
SCHOOLS DIVISION OF TOLEDO CITY
TOLEDO NATIONAL VOCATIONAL SCHOOL
Ilihan, Toledo City

FILIPINO 8
Q1 PERIODICAL TEST
Panuto: Basahing mabuti ang mga pahayag at tukuyin kung ano ang inilalarawan. Piliin
ang titik na kumakatawan sa iyong pinakamahusay na sagot. Isulat ang iyong sagot sa
isang hiwalay na sagutang papel.

1. Hindi hari,hindi pari, nagdadamit ng sari-sari


A. Trumpo B. Sombrero C. Aso D. Sampayan

2. Buto’t balat, lumilipad


A. Bulaklak B. Papel C. Anino D. Saranggola

3. Kung gusto mong "maglubid ng buhangin, huwag sa harap ng mga taong


nakakikilala sa iyo dahil mabibisto ka nila”.
A. Magsabi ng katotohanan C. Magsinungaling
B. Maglaro ng buhangin D. Magsulat sa buhangin

4. Ito ay naglalayong mangaral at akayin ang mga kabataan sa kabutihang asal.


A. Kasabihan B. Sawikain C. Salawikain D. Karunungang-bayan

5. Habang maikli pa ang kumot, matutong mamaluktot. Ito ay nangangahulugang?


A. Magtiis B. Magreklamo C. Magpahinga D. Maginaw

6. Ang karunungang-bayan ay bahagi ng ______________.


A. Panitikan ng mga katutubong Pilipino C. Pamana ng mga Espanyol
B. Panitikang Asyano D. Ating pagka Pilipino

7. Lubos ang pag-aalala ni Martha sa kanyang magulang dahil kapwa na ito mahina na
ang tuhod. Ano ang kasingkahulugan ng nakasalungguhit?
A. bata pa B. matanda na C. may sakit D. lumpo

8. Matalas ang pag-iisip ng batang iyan kaya naman itinanghal siya bilang isa sa
matalinong bata ng kanyang paaralan. Alin sa mga salita sa loob ng pangungusap
ang kasingkahulugan ng nakasalungguhit?
A. itinanghal B. matalino C. bilang D. bata

9. Pabalat bunga ang kanyang paliwanag sa tulang Florante at Laura. Ang kasalungat
ng salitang nakasalungguhit ay:
A. pahapyaw C. literal na paliwanag
B. mabisang paliwanag D. hindi maganda

10. Dahil sa pandemya maaraming tao ang namuhay ng isang kahig isang tuka. Ang
kasalungat na kahulugan ng nakasalungguhit ay:
A. mayaman B. mahirap C. maginhawa D. maapayapa

11. Ang taong may pusong bakal ay hindi nakauunawa sa kahinaan ng ibang tao. Ang
kasingkahulugan ng salitang nakasalungguhit ay:

Address: Ilihan, Toledo City


Telephone No: (032) 346-9586
Email Address: 303316@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII – Central Visayas
SCHOOLS DIVISION OF TOLEDO CITY
TOLEDO NATIONAL VOCATIONAL SCHOOL
Ilihan, Toledo City
A. malambing B. matigas ang loob C. maalalahanin D. masipag

12. Naghihirap si Mario ngayon dahil sa kanyang pagiging bulang – gugo. Ang
kasalungat na kahulugan ng nakasalungguhit ay:
A. gastador B. mayabang C. mapagbigay D. matipid

13. Naglalahad sa patas na katangian ng dalawang bagay na pinaghahambing.


A. Paghahambing B. Magkatulad C. Palamang D. Pasahol

14. Ano ang pinakakahulugan ng salawikaing “Anumang tibay ng piling abaka ay wala
ring lakas kapag nag-iisa”?
A. Pakikipagkapwa C. Pagkakaisa
B. Pakikisama D. Pagtitiis

15. Ito ay tinatawag na kaalamang-bayan.


A. Karunungang-bayan C. Sawikain
B. Salawikain D. Paghahambing

16. Ito ay isang paraan ng paglalahad.


A. Paghahambing C. Palamang
B. Magkatulad D. Pasahol

17. Ang pahayag na “magdildil ng asin” ay halimbawa ng karunungang-bayan na?


A. Kasabihan B. Salawikain C. Sawikain D. Bugtong

18. Ito ay mga lipon ng salita na patalinghaga ang paggamit.


A. Kasabihan B. Salawikain C. Sawikain D. Bugtong

19. Sino ang tunay na magulang ni Bidasari?


A. Diyuhara C. Lila Sari
B. Sultana ng Kembayat D. Maria

20. Siya ang Sultan na nakakita kay Bidasari sa gubat.


A. Sultan Mogindra C. Sinapati
B. Simoun D. Sulayman

21. Alin sa mga sumusunod ang naging masamang epekto ng paninibugho ni Lila Sari sa
sinabi ng kaniyang asawa?
A. Pinahuli niya si Bidasari at pinahirapan
B. Naglihim siya sa kaniyang asawa na may alahas siya
C. Pumunta siya sa palasyo upang saktan si Mogindra
D. Pinapatay niya ang pinakamagandang babae

22. Anong suliraning panlipunan ang naglalarawan sa Ibong Garuda?


A. Pamumuksa sa hindi pag-aari C. Naninira sa kapwa
B. Pangangamkam ng kayamanan ng iba D. Lahat ay tama

23. ‘’Kung may makita kang lalong maganda kaysa sa akin, malimutan mo kaya
ako?’Anong damdamin ang namamayani sa nagsasalita?
A. Galit B. Paniniguro C. Pagseselos D. Pagkayamot

Address: Ilihan, Toledo City


Telephone No: (032) 346-9586
Email Address: 303316@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII – Central Visayas
SCHOOLS DIVISION OF TOLEDO CITY
TOLEDO NATIONAL VOCATIONAL SCHOOL
Ilihan, Toledo City
24. Ito ang nagbibigay buhay sa isang kuwento.
A. Tagpuan B. Tauhan C. Banghay D. Saknong

25. Ito’y binubuo ng lipon ng mga salita pangungusap na naglalahad ng isang bahagi,
palagay o paksang diwa.
A. tula B. sanaysay C. talata D. balita

26. Bahagi ng talata at dito nakasaad ang mahahalagang kaisipan na nabanggit sa


gitna ng talata. Minsan ginagamit ito upang bigyang linaw ang kabuuan ng
komposisyon.
A. Panimulang talata C. Talatang Pabuod
B. Talatang Ganap D. Tuwirang talata

27. Ito naman ang nasa gitnang bahagi ng komposisyon.Ito ay may tungkuling paunlarin
o palawakin ang pangunahing paksa.
A. Panimulang talata C. Talatang Pabuod
B. Talatang Ganap D. Tuwirang talata

28. Ito ang nasa unahan ng isang komposisyon kung saan nakasaad ang paksang nais
talakayin ng manunulat at kung ano ang kanyang ipinaliliwanag, isinasalaysay,
inilalarawan o binibigyang-katwiran.
A. Panimulang talata C. Talatang Pabuod
B. Talatang Ganap D. Tuwirang talata

Paano natin pananatilihing masaya ang ating sarili?Una, titiyakin nating


malusog ang ating katawan upang maiwasan ang sakit hangga’t maaari. Tuturuan
natin ang ating isip at damdamin ng mahinahong pagtanggap sa mga kabiguan
habang isinasadiwa ang katotohanan na walang sinumang hindi nagkakamali.
Iwasan natin ang mga panganib ng labis na pagmamataas, nang sa gayon, dapat
na makahimasnan natin ang pagharap sa mga darating na pagbabago anumang
mayroon tayo.

29. Ang talata ay tungkol sa _____________________________.


A. paraan para manatiling masaya
B. paano panatilihing malusog anag katawan
C. tayo’y tao lang at nagkakamali rin
D. hakbang sa pag-iwas sa panganib

30. Sa pagsusulat ng simula ng talata alin ang HINDI kasali sa hakbangin ng pagsulat
ng simula ng talata
A. dapat maging maganda ang simula upang mapagpasyahan ng mambabasa kung
itutuloy o hindi ang nasimulang pagbabasa
B. dapat makuha sa simula pa lang ang interes at kawilihan ng mambabasa
C. dapat maging kaakit-akit at makakuha kaagad ng atensyon
D. dapat paghambingin ang mga datos
31. Ang isang talata ay mauuri ayon sa __________ katatagpuan nito sa loob ng isang
komposisyon.
A. paksa B. lokasyon C. datos D. impormasyon

32. Sa pagbuo ng pinakakatawan ng talata o komposisyon may iba’t-ibang paraan na


maaaring gamitin sa paghahanay ng mga kaisipan , alinsunod sa _________________.

Address: Ilihan, Toledo City


Telephone No: (032) 346-9586
Email Address: 303316@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII – Central Visayas
SCHOOLS DIVISION OF TOLEDO CITY
TOLEDO NATIONAL VOCATIONAL SCHOOL
Ilihan, Toledo City
A. nakalap na impormasyon at datos C. lugar at mood ng nagsusulat
B. paksa, layunin at pinag-uukulan D. karanasan at deteminasyon

33. Sumakit ang tiyan niya ____________ siya ay kumain ng tempura.


A. kaya B. sapagkat C. kung D. bunga

34. Palibhasa mayaman ___________ nakuha niya ang lahat na nanaisin niya.
A. dahil B. sapagkat C. palibhasa D. kaya

35. _____________ sakaling nalilimutan mo ang lahat ipapaalala ko sa iyo sang sakit at
hirap .
A. dahil B. kung C. palibhasa D. kaya naman

36. Bawal angkas ngayon sa motorsiklo ____________ maglalakad nalang tayo.


A. bunga B. kaya C. kung D. dahil

37. __________________ matalino ka kaya madali lang sayo ang mga leksyon.
A. dahil B. sapagkat C. palibhasa D. kung

38. ______________makita mo siya pakibalik nalang siya sa akin .


A. kung B. kaya C. dahil D. tuloy

39. Maganda siya ____________ maraming nagkakagusto sa kanya.


A. dahil B. sapagkat C. kaya D. kung

40. Umiyak siya _____________ taong nagdulot sa kanya ng matinding kalungkutan.


A. kaya naman B. kaya C. kung D. dahil sa

41. _________ ang tawag sa pinal na sipi ng isang sistematikong pananaliksik?


A. Burador B. Talasanggunian C. Paksa D. Manuskrito

42. Ang paghahanda ng __________ ay isang patuloy na proseso.


A. Balangkas B. Pananaliksik C. Paksa D. Bibliyograpi

43. Ang mga sumusunod ay ang mga bagay na dapat isaalang-alang sa paggawa ng
pansamantalang bibliyograpi. Alin dito ang hindi kabilang?
A. Pangalan ng awtor C. Pamagat ng aklat
B. Mga naglimbag D. Oras ng pagkalathala

44. Ano ang ikapitong hakbang sa paggawa ng sistematikong pananaliksik?


A. Pagrerebisa C. Pagpili ng Paksa
B. Pagsulat ng Pinal na Manuskrito D. Pagsulat ng Burador
45. Ang mga sumusunod na pahayag sa pag-aayos ng datos ay ginagamit sa
pagsisimula, alin dito ang hindi kabilang?
A. Sa wakas B. Una C. Ikalawa D. Sa huli

46. “Ikatlo, kuskusin ang iyong mga kamay nang magkasama ng hindi bababa sa 20
segundo.” Alin dito ang salitang ginamit na nagpapahayag ng pagkakasunod-sunod o
pag-aayos ng datos?
A. kuskusin B. hindi C. 20 segundo D. ikatlo

Address: Ilihan, Toledo City


Telephone No: (032) 346-9586
Email Address: 303316@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII – Central Visayas
SCHOOLS DIVISION OF TOLEDO CITY
TOLEDO NATIONAL VOCATIONAL SCHOOL
Ilihan, Toledo City
47. Sa bahaging ito ng pananaliksik ay susuriin na mabuti ang inihandang tentatibong
balangkas upang matiyak kung may mga bagay bang kailangang baguhin at ayusin.
A. Paghahanda ng Iwinastong Balangkas o Final Outline
B. Pagpili ng Paksa
C. Paglilimita ng Paksa
D. Pagsulat ng Burdor o Rough Draft

48. Ano ang pinakaunang hakbang sa paggawa ng pananaliksik?


A. Pagpili ng Paksa C. Paghahanda ng Iwinastong Balangkas
B. Paglimita ng Paksa D. Pagsulat ng Pinal na Manuskrito

Prepared by:

FROILAN C. BAHENA
Filipino 8 Teacher

Quality Assured by:

SARAH SOLLENTE D. OMAMBAC TITA EMELINE ARREGLO


Filipino Coordinator School QA Team Member

Address: Ilihan, Toledo City


Telephone No: (032) 346-9586
Email Address: 303316@deped.gov.ph

You might also like