You are on page 1of 4

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
REHIYON III- GITNANG LUZON
VILLA MARIA INTEGRATED SCHOOL
PORAC, PAMPANGA

Unang Lagumang Pagsusulit sa Filipino 7


P.T. 2020-2021

Pangalan: ____________________________________ Marka: ______________

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot sa bawat bilang. Huwag nang gumamit ng
sagutang papel. Ito ang iyong gamitin sa pagsagot

1. Ano ang salitang ugat sa salitang kabayanihan?


A. Ani B. Bayan C. Kaba D. Bayani
2. Ibang katawagan sa Kuwentong-bayan.
A. Paklor B. Poklor C. Forklor D. porklor
3. Ito ay naglalahad kaugalian at tradisyon ng lugar kung saan ito nagsimula at
lumaganap?
A. Alamat B. Pabula C. Maikling Kuwento D. Kuwentong-Bayan
4. Ito ay tekstong may may layuning makabuo ng mahalagang ugnayang lohikal tulad ng sanhi at
bunga ng mga pangyayari.
A. Naglalahad B. Naglalarawan C. Nagsasalaysay D. Nangangatwiran
5. Siya ay matalinong hayop na naging datu.
A. Orang B. Miskoyaw C. Pilandok D. Lalapindigowa
6. Ito ang salitang-ugat ng salitang Panitikan.
A. Itik B. Titik C. Panitik D. Pang+titik+an
7. Tinaguriang “Lupang pangako”.
A. Luzon B. Baguio C. Visayas D. Mindanao
8. Pangalawa sa malaking pulo sa Pilipinas.
A. Luzon B. Visayas C. Manila D. Mindanao
9. Tawag sa bibliya ng mga muslim.
A. Bibliya B. Koran C. Tafsir D. Islam
10. Ito na nagbibigay buhay sa isang kuwento.
A. Kuwento B. Tauhan C. Tagpuan D. Artista
Ibigay ang kasingkahulugan ng salitang nakasalungguhit sa pangungusap. Piliin titik ng tamang
sagot.
11. Pagkalipas ng ilang araw, ang sultan ay nanggilalas nang makita si Pilandok sa kaniyang
harap.
A. natakot B.natuwa C.nainis D.nagulat
12.Nakasukbit sa kaniyang beywang ang isang kimikislap na ginintuang bakal.
A. nakatago B.nakakabit C.nakasabit D.nakalabas
13. Nakita ko po ang aking ninuno nang ako ay sumapit doon.
A. umalis B.dumating C.pumaroon D.dumako
14. Marahil ay nasisiraan ka ng bait.
A. natatawa B.naiinip C.nababaliw D.nalilito
15. “Hintay,” sansalang sultan kay Pilandok nang ito ay akmang aalis.
A. pag-awat B.pag-awat C.pag-aya D.pag-awit

Villa Maria Integrated School


Villa Maria, Porac, Pampanga
marizen.tolentino001@deped.gov.ph/09336643690
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
REHIYON III- GITNANG LUZON
VILLA MARIA INTEGRATED SCHOOL
PORAC, PAMPANGA

PANUTO: Mga Gabay sa Pagsulat ng Balita. Bilugan ang titik ng tamang sagot
16. Ano ang dapat isaalang –alang sa pagsulat ng balita?
A. Simulan sa pandiwa ang unang pangungusap.
B. Wakasan sa pandiwa ang huling pangungusap.
C. Sa gitna dapat ang pang-uri ng pangungusap.
D. Sa simula at wakas ang pang-uri ng pangungusap.
17. Ang Sino, Saan, Kailan, Bakit, at Paano ay mga __________?
A. datos B. balita C. tsismis d.haka-haka
18. Ano ang dapat iwasan sa pagsusulat ng balita?
A. Iwasan ang mga kasamang manunulat
B. Iwasan ang pagsusulat ng sobrang haba
C. Iwasan ang pagsusulat ng walang basehan
D. Iwasan ang magbigay ng sariling opinyon tungkol sa balita.
19. Sa isang interbyu, ano ang mahalaga?
A. kapanayamin ang mga pulitiko
B. kapanayamin ang kalaban sa pagsusulat ng balita
C. kapanayamin ang mga kilalang personalidad sa radyo
C. kapanayamin ang isang indibidwal na may kaugnayan sa isusulat na balita.
20. Kapag hindi maaari ang close contact dala ng pandemya ang online platform ay maaaring
gawin sa pamamagitan?
A. internet B. personal C. radyo D. telebisyon
21. Ilang talata lamang ang dapat ilimit sa pagsusulat ng balita?
A. 1-3 B. 3-5 C. 5-8 D. 5-8 talata.
22. Ano ang dapat tandaan sa pagsusulat ng balita?
A. Huwag isulat ang pangalan ng nagbalita
B. Huwag kalimutan ang ulo ng balita o headline.
C. Huwag isulat ang mga sangkot o dawit sa isyu ng balita
D. Huwag kalimutang ilagay ang mga natandaang datos ng manunulat
23-25. Saan ba maaring makakuha ng balita? Piliin sa kahon. 3 puntos.

radyo tv internet kompyuter telepono diyaryo kalye

26. Paano kung hindi natapakan ng daga ang paa ni Haring Tamaraw?
A. Hindi magigising ang hari
B. Babangungutin ang hari.
C. Makakauwi ang daga
D. Huli ang daga
27. Paano kung hindi pinatawad ni Haring Tamaraw si Daga?
A. Maghahapunan ang hari ng daga
B. Maglalaro sila ng daga ng habulan
C. Magpaparusa ang mga tauhan ng hari
D. Magpapaluto ang daga ng makakain nila ng hari
28. Paano kung pinabayaan ni Daga si Haring Tamaraw sa bitag?
A. Nasa itaas pa rin ng bitag ang hari
B. Iduduyan ang hari hanggang sa mahulog
C. Mahuhuli ang hari ng mga mangangaso sa gubat
D. Matutuwa ang daga dahil makakapaglaro na siya sa gubat ng walang takot

Villa Maria Integrated School


Villa Maria, Porac, Pampanga
marizen.tolentino001@deped.gov.ph/09336643690
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
REHIYON III- GITNANG LUZON
VILLA MARIA INTEGRATED SCHOOL
PORAC, PAMPANGA

29. Bakit inaalam ni Marata a Balowa kung saan kinuha ng mag-ina ang karne ng usa?
A. Upang magkaroon ng pagkakataon gumanti sa kapatid.
B. Upang makakuha ng karne at ipagbenta.
C. Upang patunayan na may abilidad siya sa gaya ng kaniyang kapatid.
D. Upang magkaroon ng alaga na iuuwi sa kanilang bahay
30. Bakit pinilit ng usa na muling mabuo ang kaniyang katawan?
A. Dahil may pamilya siyang umaasa sa kaniya.
B. Dahil hindi niya gusto ang maaring maging dahilan ng pagkamatay niya
C. Dahil sa masyado pa siyang bata para mamatay
D. Dahil siya ay naghahangad na maparusahan ang mga taong walang awa sa katulad
niya.
31. Ano ang damdaming labis na nangingibabaw sa matabang usa batay sa isinaad sa kwento?
A. Awa para sa mga taong napaslang niya na dapat ay hindi niya ginawa.
B. Galit dahil sa hindi niya lubos akalain na may mga tao pala na kayang pumaslang ng
hayop para sa pansariling kasiyahan
C. Takot dahil baka hindi lamang siya ang pwedeng mapaslang.
D. Pagdududa sa mga taong nakapaligid sa kaniya.
32. Ano ang nais ipabatid sa atin ng kwentong Pabula?
A. Ang bawat nilalang sa mundo ay nilikha ng Diyos at sila ay kailangan magmahalan at
magtulungan.
B. Nagkaroon ng mga hayop sa mundo upang maging karne ng mga tao.
C. Walang sinoman ang may karapatang manlamang ng kapwa
D. Ang tao ay parang hayop dapat pahalagahan at alagaan
33. Ito’y elemento ng kwento na naglalahad o naglalaman ng tauhan, tagpuan, at kasaysayan sa
kwento.
A. Banghay B. Kakintalan C. Suliranin D. Tagpuan
34. Isang akdang pampanitikang likha ng guniguni at bungang-isip na hango sa isang tunay na
pangyayari sa buhay.
A. Dula B. Maikling Kwento C. Nobela D. Tula
35. Ito ang elemento ng kwento na ginagamit ng may akda upang maisagawa ang mga pagkilos at
pagsasalita. Sila ang gumaganap sa kwento.
A. Banghay B. Kakintalan C. Tagpuan D. Tauhan
35. Ito ang aral, nais iparating, o mensahe ng may akda.
A. Kakintalan B. Pababang Aksyon C. Simula D. Suliranin
36. Ito ay tumutukoy sa lugar at oras ng kaganapan sa isang kwento.
A. Banghay B. Suliranin C.Tagpuan D.Tauhan
37. Tumutukoy ito sa maayos at malinaw na pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa isang
kwento.
A. Banghay B. Komposisyon C. Pangungusap D. Talata
38. Nagbibigay interes sa isang mambabasa. Sa balangkas na ito nakasentro ang pag-ikot ng
istorya kung saan sisikapin ng mga tauhan na malutas ang problema.
A. Kasukdulan B. Pababang Aksyon C. Simula D. Suliranin
39. Ito ang tawag sa pinakamataas o pinakakapanapanabik na bahagi ng isang kwento.
A. Kasukdulan B. Pababang Aksyon C. Simula D. Wakas

Villa Maria Integrated School


Villa Maria, Porac, Pampanga
marizen.tolentino001@deped.gov.ph/09336643690
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
REHIYON III- GITNANG LUZON
VILLA MARIA INTEGRATED SCHOOL
PORAC, PAMPANGA

40. Ito’y mga pangyayari na binubuo ng pananabik, tensyon, at pagkabahala na hahantong sa


kasukdulan ng kwento.
A. Pababang Aksyon B. Papataas na Aksyon C. Suliranin D. Wakas
41. Ito ay tumutukoy sa katapusan o kinahinatnan ng kwento.
A. Mensahe B. Simula C. Suliranin D. Wakas
42. Dito inilahad ang mga pangyayari na naging resulta ng kasukdulan upang mabigyang daan sa
wakas. Maaring nagbibigay linaw sa mga katanungan ng mambabasa.
A. Kasukdulan B. Pababang Aksyon C. Simula D. Suliranin
43. Ito ay maituturing na isang halimbawa ng maikling-kwento
A. Florante at Laura B. Ibong Adarna C. Kwento ni Solampid . D. Noli Me Tangere
44. Ito’y tumutukoy sa magandang aral na makukuha sa maikling-kwento.
A. Mensahe B. Nagbabalita C. Nagbibigay ng impormasyon D. Nanghihikayat
45. Siya ang tinaguriang ama ng maikling kwento.
A. Edgar Allan Poe B. Francisco Balagtas C. Jose Rizal D. William Shakespear
46. Ito ay uri ng panitikan na maaaring basahin sa isang upuan lamang.
A. Dula B. Maikling Kwento C. Nobela D. Patalastas
47. Inialay niya ang kanyang buhay sa bansa __________ utang niya ang kanyang kaligayahan
dito.
A. sapagkat B. dahil C. bagkus D. kapagdaka
48. Mahal niya ang kasintahan _________ mas mahal niya ang bayan.
A. bagkus B. ngunit C. sapagkat D. dahil
49. __________ siya ay taksil, itinuturing na matapat na kanang kamay ni Don Facundo.
A. ngunit B. bagkus C. subalit D. datapwat
50. Siya ay nagulat sa malakas ________ sa sigaw ng kanyang kapatid.
A. dahil B. subalit C. datapwat D. bagkus

Inihanda ni: Bb: Joesa M. Torres

Villa Maria Integrated School


Villa Maria, Porac, Pampanga
marizen.tolentino001@deped.gov.ph/09336643690

You might also like