You are on page 1of 1

Pamipapatêl

Ang Dokumentaryong Pelikulang ito ay naglalaman ng salaysayin tungkol sa isang pangkat-


etniko na Ayta- Mag-Antsi na matatagpuan sa kabundukan ng Sapang- Uwak, Porac, Pampanga
na kung saan, buhay na buhay pa rin ang mga katutubong kultura. Isa sa binigyang pansin sa
maikling pelikulang ito ay ang katutubong paraan ng pagluluto ng ating mga kapatid na Ayta sa
pamamagitan ng mga kagamitang matatagpuan sa gitna ng kagubatan. Bagamat hindi
maikakaila ang pagsulong ng teknolohiya, naniniwala ang mga katutubong Ayta na nararapat
mapanatili ang mga nakagisnang katutubong kaalaman, kasanayan at nakagawian sa
pamamagitan ng pagpapasa ng mga kasanayan sa kanilang mga anak upang ito ay kanilang
mamana. Ipinapakita din dito ang payak na pamumuhay natin noong unang panahon.

Pamipapatêl na ang ibig sabihin sa wikang Ayta-Mag Antsi ay pagkakapatiran. Pinaniniwalaan


ng mga pangkat–etnikong ito na ang pagsasama-sama sa iisang hapag ay nagpapaibayo at
nagpapatibay ng pagkakapatiran. Ipinapakita ng ating mga ninuno na noong unang panahon pa
lamang ay mayroon na silang konsepto ng pagpapahalaga.

Para sa mga manonood na hindi pa nakasaksi nito sa tunay na buhay, ito ay maaaring magamit sa
pagpapakita ng isa sa mga katangian ng mga katutubong Ayta; ang pagiging maparaan upang
mabuhay sa gitna ng kagubatan.

Ang dokyumentaryong pelikulang ito ay nagbigay instrumento upang maihayag o mabatid ng


mga manonood ang paraan ng pagluluto sa kagubatan. Isa-isang isinalasay, ipinakita at
isinagawa dito ang mga proseso kung paano lutuin ang karne ng manok sa buho; isang uri ng
kawayan na tinatawag nilang Imbungêy o Binungêy.

Ito ay maaari ding gamitin bilang kagamitang panturo na lunsarang video clip para sa mga
asignaturang Panitikang Filipino, Edukasyon sa Pagpapakatao, Edukasyong Pantahan at
Pangkabuhayan, Araling Panlipunann, Technology and Livelihood Education at iba pang
asignaturang may kinalaman sa kulturang Pilipino.

Layunin ng Dokumentaryong Pelikulang ito na magpakita ng patotoo na napakayaman ng ating


kultura at hindi dapat makaligtaan ang bakas ng ating lahing pinagmulan. At ito ay nananatiling
buhay sa puso ng mga katutubo.

Maligayang panonood!

JOESA M. TORRES
Direktor

You might also like