You are on page 1of 1

Milo, Jeffrey B.

MM - 301
Aunzo, Cedrick B.
Kahalagahan ng Wika sa ating Lipunan

Ang wikang Filipino ay napaka importante sa buhay ng bawat tao pati na rin sa
ating Lipunan. Ito ay mayroong mahalagang parte sa ating pang araw-araw na
pamumuhay. Ang wikang Filipino ay ginagamit natin sa paglikha ng mga tula, talumpati,
sanaysay, pagkukumento, pag-guhit, pangkatang sayawit, at iba pa. Malawak ang
maaring paggamitan ng wika sa ating Lipunan, kasama na rito ang mga kultura at
tradisyon ng ating bansa. Isa na rito ang pagiging masinop at masipag ng mga Pilipino
kaya pinagdiriwang tuwing ika unang araw ng Mayo ang kahalagahan ng mga
manggagawa na kung saan binibigyan sila ng Karapatan na magpahinga sa kahit
anumang trabaho upang gawing makabuluhan ang araw kasama ang kanilang pamilya.
Maaari nila itong gawin sa paraan ng pagkain ng salu-salo, gumala o kaya manood ng
telebisyon kung saan ito ang pangunahing pinagkukuhanan ng impormasyon tungkol sa
nangyayari sa ating bansa. Ang layunin ng Media ay magbahagi ng totoong impormasyon
at ayusin ang anumang pagkakamali na kanilang nagawa. Ang ibig sabihin ng "Media" ay
anumang bagay na tumutulong sa mga tao na magbahagi ng impormasyon, tulad ng mga
pahayagan, internet, mga pelikula, radyo, at TV. Sinasabi dito kung kailan darating ang
isang malaking bagyo. Maaari din tumawag kung kailangan ng tulong. Nagbabahagi ito
ng mga mahalagang impormasyon para panatilihin ligtas at masaya ang mamamayan.
Kapag ang lahat sa ating komunidad ay pinangangalagaan, ang ating komunidad ay
nananatiling matatag. Sinasabi ng media ang mga bagay na makakabuti para sa lahat ng
tao sa ating lipunan.

Bilang mamamayang Pilipino sa halip na tangkilikin ang wika at kultura ng ibang


bansa, bakit hindi natin bigyan ng mas malawak na importansiya ang ating wika at
kultura sa pamamagitan ng pagturo sa mga kabataan kung ano ang sariling atin. Sa
gayon, habang bata pa lang sila ay bigyan na nila ng kahalagahan ang ating wika
magkaroon man ito ng iba’t-ibang dimensiyon, uri, at barayti, Ito ay mananatiling
simbolo at tanda ng ating pagkatao na laging magpapaalala sa atin na lahat tayo ay
pantay-pantay sa paggamit ng wika.

You might also like