You are on page 1of 18

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

Regional Diagnostic Test


FILIPINO 9
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na tanong at bilugan ang letra nang
tamang sagot.
1. .“Nagugutom siya ngunit wala siyang makain, dahil wala siyang pera”. Ano ang nais
ipahiwatig ng pahayag?
0. walang matirhan 
A. kawalan ng pag-asa
B. kahirapan sa buhay
C. gusto niyang makarating sa siyudad

2. Sa palagay ni Lea, ang anak na si Maya ay mananalo sa beauty contest dahil sa


pagiging simple nito sa entablado. 
Alin sa mga salita/ parirala  ang pahayag na ginagamit sa pagbibigay ng opinyon?
0. sa palagay
A. dahil sa
B. sa beauty contest
C. pagiging simple nito

3. “Sa aking palagay, tama lang na magsama-sama sa isang tahanan ang


magkakapamilya kahit pa ang mga anak ay may asawa na para makapagbigay sila ng
suporta sa isa’t isa”. Ang ginamit na pagbibigay opinyon sa pahayag ay _______. 
0. sa B. lang C. para D. sa aking palagay
          

4. Ang sumusunod ay mga damdaming maaaring mangibabaw sa sino mang bumasa


ng bahagi ng tula sa itaas maliban sa:

A. kapanabikan B. kaligayahan C. kapaitan D. kahirapan

Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 • Email Address: region3@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

5. Ano ang maaaring maging pananaw ng sinomang babasa ng bahagi ng tula sa itaas
ukol sa paksang ginamit ng may akda?

0. Kultura ang pangunahing sentro ng kanyang tula.


A. Ang may akda ay mas malalim na pag-ibig sa Kalayaan ng kanyang bayan.
B. Pag-unlad ang unang hakdang upang mapagtagumpayan ang mithiin ng bawat
bayan.
C. Pagkakaisa at pagtutulungan ang kaniyang nais na paraan upang hindi
mamatay ang kultura.

6. Alin sa mga taludtod ang may magkasingkahulugang pahayag?


0. 1 at 2
A. 3 at 4
B. 1 at 2
C. 2 at 3

7. Ang salitang patutunguhan at mararating ay may kasingkahulugan na; 

0. Destinasyon sa buhay C. Matamong gawain sa lugar


A. May pupuntahang lugar D. Maisakatuparan ang layunin

8. .“Kahit noong musmos pa, may pang-akit na sa aking pandinig ang salitang
“emansipasyon”, isang kahulugang hindi maabot ng aking pang-unawa, gumigising
ito para hangarin ang pagsasarili at kalayaan, paghahangad na makatayong mag-isa.”
Aling mga salita ang tumutukoy sa kahulugan ng salitang nakasalungguhit?
0. kalayaan
A. kagustuhan
B. paghihimagsik
C. kamusmusan

9. “Alam kong para sa aking sarili’y magagawa kong iwasan o putulin ang mga ito,
kaya lamang ay may mga buklod na matibay sa alinmang lumang tradisyon na
pumipigil sa akin.” Ano ang kahulugan ng salitang nakasalungguhit sa nabasang
bahagi ng sanaysay?
0. hiwalay B. pahayag C. ikulong D. pagsasama

10. Siya’y nagtagumpay_______kanyang pagsisikap. Ano ang pang-ugnay na maaaring


gamitin sa pangungusap?
0. dahil sa B. kaya C. saka D. samantala

11. “Sa aking pananaw, hindi kailangang ikahon ang isang babae o ikulong sa bahay
at piliin ang kanyang magiging kabiyak dahil sa may kalayaang pumili ng kanilang

Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 • Email Address: region3@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

mapapangasawa.” Alin sa  sumusunod ang  halimbawa ng pang-ugnay  na ginamit sa


pahayag?
0. ang B. dahil sa C. na D. sa

12. .”Kailangan ka nga namang sumama sa simbahan, Boy. Kung gusto mo…kung
gusto mong isama ako ay maghintay kayo at ako’y magbibihis…Magsisimba tayo!”.
Ang ipinakitang karakterisasyon ni Tiyo Simon sa nabasang pahayag ay______.
0. marupok na tao
A. masipag na tao
B. matulunging tao
C. may pagpapahalaga sa Panginoon

13. Alin sa mga salitang nasa ibaba ang magbibigay kahulugan sa relasyong
namamagitan sa inyong dalawa ng kapatid na lalaki ng iyong mga magulang?
0. magtiyo B. tiyuhin C. tiyo D. tito

14. Simula nang mapasakamay ni Tiyo Simon ang manyikang pag-aari ng batang
babae ay nagkaroon ng pagbabago sa direksyon ng kanyang buhay. Ang bahaging ito
ng akda ay nagpapakita ng katotohanan sa buhay ng tao na:
0. Ang Panginoon ay madaling magparusa sa mga nakakalimot sa kanya.
A. Ang kamatayan lamang ang makakapagbigay sa atin ng tiyak na katahimikan.
B. Kahit ang pinakasimpleng bagay ay maaaring magturo ng aral at magbigay    
direksyon   sa ating buhay.
C. Kailangan munang magkaroon ng hindi kaaya-ayang pangyayari bago magising
ang tao sa katotohanan.

15. BOY: ”Bakit napilay po kayo Tiyo Simon? Totoo bang sabi ni Mama parusa daw
iyan ng Diyos? 
TIYO SIMON: Sinabi ba ng mama mo iyon?
 Anong ekspresyong nagpapahayag ng katotohanan ang nakapaloob sa
nakasalungguhit na pahayag?
daw B. iyan C. ng D. totoo

Nakiusap ang tigre sa tao ngunit ito ay nagdadalawang isip kung tutulungan
ang tigre sapagkat baka sya ay kainin nito. Nangako naman ang tigre na hindi nito
kakainin ang tao, dahil na din sa awa ay tinulungan ng tao makaahon ang tigre.
Ngunit ang gutom na tigre ay hindi tumupad sa pangako at akmang kakainin nya
ang tao.

Nakiusap muna ang tao sa tigre na kung sakali ay humingi ng hatol sa puno
ng pino kung siya ba ay dapat kainin ng tigre. Ipinaliwanag ng tao ang nangyari

Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 • Email Address: region3@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

ngunit ang tugon ng puno ay “Anong alam ng tao sa utang na loob? Mga taon ang
binibilang namin upang lumaki. Kapag kami’y malaki na kami’y inyong pinuputol!”
sige tigre, kainin mo ang taong iyan. 
                                                                                           
                                                                                  Halaw sa akdang
Hatol ng Kuneho
                                         
Mula sa Panitikang Asyano p. 104

16. Ano ang damdaming nangibabaw sa puno ng pino sa kanyang naging pahayag?

A. paghihiganti
          B. pagkabahala
          C. pagkalungkot
          D. pagpapatawad

17. Bakit nakaramdam ng pag-aalinlangan sa simula ang tao upang tulungan ang
tigre?

           A. Nakaramdam siya ng takot.


          B. Nagmamadali siya.
           C. Hindi niya ito mai-ahon sa hukay.      
          D. Wala siyang pakialam.

18. “ Wala na akong pakialam sa pangakong iyan dahil nagugutom ako!” Batay sa
pahayag ng tigre, ano ang mapupuna sa naging pakikitungo nito sa tao?

             A. Nangibabaw sa tigre ang galit niya sa mga tao.     


            B. Naging mabangis ang tigre dahil sa gutom.                   
            C. Hindi tumupad ang tigre sa kanilang usapan.    
            D. Pinakita ng tigre sa tao ang katapangan niya.

Ang hatol ng kuneho ay marapat lamang daw na bumalik na lamang sa


paglalakbay ang tao habang mananatili ang tuso at sakim na tigre sa loob ng hukay
upang walang maging suliranin.
Muli ay nagpatuloy na sa paglukso ang matalinong kuneho.

Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 • Email Address: region3@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

                                                      
                   Halaw sa akdang Hatol ng Kuneho
                                                                                     
Mula sa Panitikang Asyano p. 104

19. Sa naging Hatol ng Kuneho, paano siya mai-uugnay sa mga tao pagdating sa
pabibigay ng hatol?

I.   Pinakinggan niya ang panig lamang ng tigre.


II.  Pinag-isipang mabuti ang desisyon.
III. Patas siyang magbigay ng desisyon.
IV. Naging padalus-dalos ang desisyon.

A.  I at III               B. II at IV                C.II at III            D. I at IV 

20. Ano ang tamang pagkakaayos ng sumusunod na salita batay sa antas ng emosyon
ng mga   ito?
         
             I. hinagpis
            II. lungkot
            III.lumbay
            IV.pighati

         A. I-II-III-IV         B. IV-III-I-II           C. III-II-IV-I            D. IV-III-II-I

21.  Ano ang tamang pagkakaayos ng sumusunod na salita batay sa antas ng


emosyon ng mga   ito?

             I. galak
            II. saya
            III.tuwa
            IV.ligaya

          A. IV-III-II-I         B. II-III-I-IV           C. I-III-II-IV              D. III-I-IV-II

 
          Bilang pagwawakas, naiiba na ang gampanin ng mga babae at higit itong
mapanghamon kung ihahambing noon. Ang kanilang karapatan at kahalagahan ay
binibigyan na ng pansin. Ngunit hindi ito nangangahulugan na ang mga babae ay
tumatanggap na ng pantay na posisyon at pangangalaga sa lipunan. Mayroon pa

Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 • Email Address: region3@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

ring kumpanya na hindi makatarungan ang pagtrato sa mga babaeng lider nito.
Marami pa ring kalalakihan ang nagbibigay ng mabigat na tungkulin sa kanilang
asawa sa tahanan. Ito ay matuwid pa rin sa kanila. Marami pa ring dapat magbago
sa kalagayan ng kababihan sa Taiwan at malaki ang aking pag-asa na makita ang
ganap at pantay na karapatan nila sa lipunan.
  
Halaw sa akdang Ang Kababaihan ng Taiwan, Ngayon at Nakaraang 50 Taon
Mula sa Panitikang Asyano p. 119
22. Batay sa nabasang halaw ng sanaysay, malinaw na ang may akda ay may
malawak na pananaw sa: 

I. Suliraning panlipunan ng bansa.


II. Diskriminasyon sa mga babae.
III. Kalagayan ng mga babae sa lipunan.
IV. Labis na pang-aabuso sa mga babae.

A.  I at III               B. I at II                 C. II at III             D. IV 

23. Ano ang binibigyang pagpapahalaga ng may akda batay sa talata?

           I.Pantay na karapatan para sa mga kababaihan.


II.Pagtulong ng mga babae sa mga gawaing bahay.
III.Higit ang paggalang sa mga kalalakihan.
IV.Kailangan niya ng kakampi sa kanyang adhikain.

           A.  I at IV               B. II at III                 C. I at III             D. II at IV

24. Ano ang layunin ng may akda batay sa talata?

I. Itaas ang dignidad ng mga kababaihan sa lipunan. 


II. Ilahad ang maling sistema sa lipunan 
III. Ilahad ang pagbabago sa gampanin ng mga babae. 
           IV. Ilahad ang maling pagtrato sa mga kababaihan.

        A.  I at III              B. II at IV                 C. I,III at IV             D. I,II at III

25. “Ang mga babae ay walang kalayaang magdesisyon dahil sa mababang kalagayan
sa lipunan”. Anong kaisipan ang nais ipabatid ng pahayag?

           I.  Tanging gawaing bahay lamang ang kanilang tungkulin.


II.  Hindi napapansin ang kakayahan ng mga kababaihan.

Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 • Email Address: region3@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

III. Pag-aalaga ng pamilya ang trabaho ng mga babae sa lipunan.


IV. Walang karapatan at boses ang mga kababaihan sa lipunan.

        A.  I at III              B. III at IV                  C.I at II              D. II at IV

26.  “Ang karapatan at kalagayan ng mga kababaihan ay umuunlad kung ihahambing


sa 50 taon nang nakalipas”. Anong kaisipan ang nais ipabatid ng pahayag?

         A.May pagbabago sa kalagayan ng kababaihan sa paglipas ng panahon.


         B.Maayos na nakapamumuhay ang mga kababaihan mula pa noon.
         C.Nananatiling mahirap ang kalagayan ng kababaihan sa lipunan.
         D.Walang pag-asenso sa kalagayan ng mga kababaihan.

27.“Kung nahahadlangan tayo ng kasarian na makita ang kahusayan at kahinaan ng


isang indibidwal, ito’y maaaring mauwi sa diskriminasyon para sa indibidwal”.Ano
ang ipinababatid sa atin ng pahayag na ito?

         I.  Kawalan ng karapatan ng mga kababaihan sa lipunan.


        II. Pagkakaroon ng limitadong gawain ng mga babae sa lipunan
        III.Panghuhusga sa abilidad at kakayahan ng mga babae.
        IV.Pagiging pantay ng mga lalaki at babae sa lipunan.

       A.  I at II              B. III at IV                 C.I,II at III              D. I, II at IV

28. Mayroon pa ring mga kumpanya na hindi makatarungan ang pagtrato sa mga
babaeng lider nito.  Ano ang kahulugan ng pariralang ‘hindi makatarungan ang
pagtrato’?

        A. Kahinaan ng mga kababaihan ay nangingibabaw pa rin.


        B. Kawalan ng boses ng mga kababaihan.
        C. Kawalan ng disiplina ng mga kababaihan.
        D. Patuloy na diskriminasyon sa mga kababaihan.

29. Higit na mapanghamon ang laglay ng mga kababaihan ngayong kasalukuyang


panahon. Ano ang kahulugan ng salitang ‘mapanghamon’? 

         A. napauunlad
        B. nagbabadya
        C. nanunubok
        D. yumayaman

Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 • Email Address: region3@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

   
      Ngunit wala pa rin siyang nabenta. Siya ang huling tindahan na nagsara sa
hanay ng mga tindahan na naroon. Sa sumunod na araw ay nakabenta siya ng
muffler. Sa ikatlong araw ay wala siyang benta. Sa ikaapat na araw naman, wala
pang kalahating oras nang magbukas ng kaniyang tindahan ay nakabenta siya ng
kasuotang pang-army sa apat na karpintero. Nang makarating ang mga karpintero
sa Silangang tulay ay nagkulay talong ang labi nila sa lamig. Ngunit nailigtas
naman ang kanilang balat ng kasuotang ibinenta ni Huiquan. Bago magtinda ay
matamlay na hinarap ni Huiquan ang negosyo. Ngunit naging inspirasyon sa kaniya
ang pagbili ng mga karpintero. Mas mabuting maghintay kaysa umayaw dahil hindi
naman sa lahat ng pagkakataon ay malas ka di ba?  
                                                          
                                                     Halaw
sa akdang Niyebeng Itim
Mula sa Panitikang Asyano p. 132

30. Batay sa kuwento, paano mailalarawan ang kultura ng mga Tsino pagdating sa
pagnenegosyo?
A. Huwag maging magastos.
B. Mag-ipon ng malaking puhunan.
C. Huwag kaagad panghihinaan ng loob.
D. Maging madiskarte sa pagtitinda.

31.Ang bawat manggagawa ay nakatanggap ng pare-parehong upa sa kanilang


pagtatrabaho. Ano ang literal na kahulugan ng salitang may salungguhit?
I. buwis  
II. bayad   
0. utang   
0. renta 
0. I  B. II  C. III  D. IV 
 
32. “Naku, Zac tumigil ka na nga riyan, panay ang bola mo.” Ano ang
pagpapakahulugang metaporikal ng salitang may salungguhit? 
0. pagbibiro  

Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 • Email Address: region3@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

I. pagdrible  
II. pang-aasar IV. paglalaro 
 
0. I B. II  C. III  D. IV 
 
33. Sa pagbabasa ng parabula, alin sa sumusunod ang higit na dapat malinang sa
isang tao? 
0. tiwala sa sarili  II. kasipagan   III. kabutihan   
IV. kagandang-asal 
 
0. I at III B. II at IV C. III at IV  D. IV 
 
 
  Ang Buwang Hugis-Suklay 
Isinalin sa Filipino ni Dr. Romulo N. Peralta 
 
 
Noong unang panahon, may isang mangingisda na nagpaalam sa  kaniyang
 

asawa na lumuwas sa kabayanan upang mamili ng mga gamit  sa pangingisda.


Nagpabili ang kaniyang asawa ng kendi para sa kaniyang  anak na lalaki, at
isang suklay na hugis buwan. Sinabi ng kaniyang  asawa na upang hindi niya
makalimutan, tumingala lamang siya sa kalangitan at makikita niya ang
buwang hugis-suklay. 
 
 
34. Anong uri ng akdang pampanitikan ang nasa loob ng kahon? 
0. alamat 
I. parabula  
II. nobela IV. epiko 
 
0. I B. II  C. III  D. IV 
 
Para sa Bilang 5 

Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 • Email Address: region3@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

Ang kaharian ng langit ay maitutulad sa isang taong lumabas nang


maagang-maaga upang humanap ng manggagawa para sa kaniyang ubasan. Nang
magkasundo na sila sa upa na isang salaping pilak sa maghapon, ang mga
manggagawa ay pinapupunta niya sa kaniyang ubasan. 
 
   Ang Talinghaga Tungkol sa May-ari ng Ubasan 
(Mateo 20: 1-16 sa Bagong Tipan) 
 
 
35. Alin sa sumusunod ang simbolikong kahulugan ng salitang ubasan ayon sa akda
sa loob ng kahon. 
0. kasiyahan 
I. kaguluhan   
II. kalungkutan  IV. kaginhawahan 
 
0. I B. II  C. III  D. IV 
 
 
Sumagot ang may-ari ng ubasan sa isa sa kanila, “Kaibigan, hindi kita
dinadaya. Hindi ba’t nagkasundo tayo sa isang salaping pilak? Kunin mo ang para
sa iyo at umalis ka na. Ano sa iyo kung ibig kong bayaran ang nahuli nang tulad
ng ibinayad ko sa iyo? Wala ba akong karapatang gawin sa ari-arian ko ang aking
maibigan. Kayo ba’y naiinggit dahil ako’y nagmagandang-loob sa iba?” Ayon kay
Hesus, “Ang nahuhuli ay nauuna, at ang nauuna ay mahuhuli”. 
 
   Ang Talinghaga Tungkol sa May-ari ng
Ubasan (Mateo 20: 1-16 sa Bagong
Tipan) 
 
36. Alin sa loob ng talata sa kahon ang halimbawa ng matalinghagang pahayag? I.
Kaibigan, hindi kita dinadaya.  
II. Kunin mo ang para sa iyo at umalis ka na.   
0. Kayo ba ay naiinggit dahil ako’y nagmamagandang-loob sa iba? IV.
Ang nahuhuli ay nauuna, at ang nauuna ay mahuhuli. 
 
A. I B. II  C. III  D. IV 
 
37. Mayroon bang nakaaalam kung kailan tayo mawawala sa mundo? Ano ang nais
ipakahulugan ng pariralang may salungguhit? 

Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 • Email Address: region3@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

0. pagsisimula  II. pagwawakas   


III.
kaguluhan   
0. katapusan 
 
0. I B. II  C. III  D. IV 
 
38. Kung ikaw ay gagawa ng elehiya para sa iyong mahal sa buhay na pumanaw na,
ano-anong elemento ng elehiya ang isaalang-alang mo sa iyong paggawa? I. tema 
II. tagpuan 
0. kabanata 
0. bahagi 
 
A. II at III B. I at IV C. I at II D. I at III 
 
39. Ikaw ay pinagagawa ng iyong guro ng elehiya, alin sa sumusunod na gabay ang
maaari mong isaalang-alang upang mas maging mabisa at makabuluhan ang iyong
gagawin? 
0. Laging isaisip at isapuso ang pagkilala sa taong pag-aalayan nito. 
I. Hayaang malayang maisulat ang naiisip ngunit marapat na basahing muli
pagkatapos. 
II. Alamin ang magiging kabuuang daloy ng pagsulat. 
III. Isaalang-alang ang paggamit ng wika sa pagbuo nito. 
 
0. I, II, III  B. II, III at IV C. I, II, III at IV D. I, III at IV 
 
40. Ikaw ay naatasang bumigkas ng tula sa isa sa mga programa ng inyong paaralan,
alin sa sumusunod na patnubay sa pagbigkas ng tula ang dapat mong isaalang-alang
upang maging mahusay ang iyong pagbigkas. 
0. pagtayo  
I. paggalaw  
II. pagkumpas  
III. pagbigkas 
 
0. III at IV  B. II at III C. I at IV D. II at IV 
 
41. Sa paanong paraan nagkakatulad ang dalit at elehiya? 

Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 • Email Address: region3@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

0. parehong uri ng tulang liriko  


I. parehong nagpapahayag ng damdamin ng makata  
II. parehong malungkot ang pinapaksa  
III. parehong kinukumpasan 
 
0. I at III B. II at IV C. II at III D. I and II 
 
42. Sa paanong paraan nagkakaiba ang dalit at elehiya? 
0. Ang elehiya ay tungkol sa pagkawala ng mahal sa buhay habang ang dalit ay
pagpupuri at pagpaparangal sa Diyos.   
I. Ang elehiya ay tungkol sa pagpupuri at pagpaparangal sa Diyos habang ang
dalit ay pagkawala ng mahal sa buhay 
II. Ang elehiya ay tulang liriko habang ang dalit ay tulang pasalaysay 
III. Ang elehiya ay tulang pasalaysay habang ang dalit ay tulang liriko 
 
0. IV  B. I C. II   D. III 
 
43. Anong uri ng tunggalian ang madalas na nagkakaroon ng paglalabanan sa pagitan
ng tao at ng kanyang kapwa. 
0. tao vs. lipunan  
I. tao vs. sarili 
II. tao vs. tao  
III. sarili vs. lipunan 
 
0. I B. II  C. III  D. IV 
 
44. Anong uri ng tunggalian ang nagaganap sa isipan ng tao. 
0. tao vs. lipunan  
I. tao vs. sarili 
II. tao vs. tao  
III. sarili vs. lipunan 
 
0. I B. II  C. III  D. IV 
 

Lumabas siya upang patuluyin ang kumakatok. Ito ang karpintero.


Tinanong ng babae. “Anong klaseng cabinet ba itong ginawa mo?” “Bakit, anong
masama sa ginawa ko?” Sumagot siya, “Masyadong makipot ang ibabaw na
compartment.” “Hindi.” “Anong hindi?” Subukin mo ngang pumasok at hindi ka
kakasya riyan.” Pumasok nga ang karpintero sa ikalimang compartment. At

Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 • Email Address: region3@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

sinaraduhan ito ng babae. 


 
    Isang Libo’t Isang Gabi 
           (One Thousand and One
Nights)      Nobela - Saudi
Arabia 
       Isinalin sa Filipino ni Julieta U. Rivera 
 
45. Anong uri ng tunggalian ang masasalamin sa pahayag sa loob ng kahon? 
0. tao vs. lipunan  
I. tao vs. sarili 
II. tao vs. tao  
III. sarili vs. lipunan 
 
0. I B. II  C. III  D. IV 

46. “Ang paratang na pagnanakaw sa kaniyang anak ay di napatunayan, isa lamang


malaking kasinungalingan. Ang kurang nagparatang ay inilipat sa ibang lugar. Pero
ang kaniyang anak ay namatay sa sobrang pahirap na dinanas.” Anong kalagayang
panlipunan ang inilalarawan ng bahaging ito ng buhay ni Kapitan Pablo.  
0. Ang mayayaman ay patuloy na yumayaman at ang mahihirap ay lalong
naghihirap. 
I. Napakailap ng hustisya sa mga taong walang kakayahang ipagtanggol
ang kanyang sarili. 
II. Ang katarungan ay sinasabing pantay-pantay sa lahat, mayaman man o
mahirap. 
III. Ang may kapangyarihan ang siyang nagdiddikta ng batas. 
 
 
0. I at II 
a. II at III 
b. II at IV 
c. I at III 

47. Mayroong napipintong pag-aalsa na gagawin nang gabing iyon at sasalakayin ang
kuwartel at kumbento. Dahil dito, nagkasundo ang kura at alperes na paghandaan

Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 • Email Address: region3@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

nila ang gagawing paglusob ng mga insurektos. Ito ay halimbawa ng pagbibigay-


kahulugang . 
 
0. talinghaga at idyoma 
a. konotasyon at denotasyon 
b. tindi ng kahulugan o pagkiklino 
c. paggamit ng kontekstuwal na kahulugan 
 
 
48. “Ilipat na sa Diyos o sa kanilang mga bisig ang pagtitiwala, na sa kapuwa tao ay di
magtatamong pala.” 
Ito ay halimbawa ng pagbibigay-kahulugang . 

 
0. talinghaga at idyoma 
a. konotasyon at denotasyon 
b. tindi ng kahulugan o pagkiklino 
c. paggamit ng kontekstuwal na kahulugan 
 
 
49. Bakit sinabing si Kapitan Tiyago ay kasundo ng Diyos? 
 
 
0. – Dahil hindi siya lumalabag sa sampung utos ng Diyos. 
I. – Dahil nagagawa niyang bilhin ang kabanalan tulad ng pagpapamisa at
pagpapadasal. 
II. – Dahil sa madalas niyang pagsisimba. 
III. – Dahil sa koleksyon niya ng mga santa at santo sa kanyang silid. 
 
 
0. IV b. II c. I d. III 
50. Ano ang maipupuna sa pagpapalitan ng paninisi ng alperes at kura sa nangyari sa
dalawang sakristan at kay Sisa?  
0. – Hindi magkasundo at laging nag-aaway ang alperes at ang kura. 
I. – Mas makapangyarihan ang kura kaysa alperes. 
II. – Ang pagsisisihan ay walang maidudulot na maganda. 

Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 • Email Address: region3@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

III. – Ang pamumuno ng higit  sa isa ay nagbibigay daan sa pagtuturuan kung may
naganap na pagkakamali. 
 
a. III b. I c. IV d. II 
 
 
51. Bakit malungkot ang pag-awit ni Maria Clara ng Ave Maria sa prusisyon? 
 
 
0. – May sakit si Maria Clara kaya malungkot ang pag-awit. 
I. – Nababanaagan ni Maria Clara ang madilim na kinabukasan ng pag-iibigan
nila ni Ibarra. 
II. – Nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan ni Ibarra. 
III. – Kawalan ng panahon sa kaniya ni Ibarra dahil sa maraming
pinagkakaabalahan. 
 
 
a. IV b. I c. III d. II 
 
 
52. Ano ang kahulugan ng sinabi ni De Espadaña matapos tingnan si Maria Clara na
“May sakit ngunit 
mapagagaling”?  
0. – Isa siyang huwad na manggagamot. 
I. – Isa siyang magaling na manggagamot. 
III- May malubhang sakit si Maria Clara. 
IV. Malapit ng gumaling ang sakit ni Maria
Clara. 
 
 

a. I b. II  c. d.
III  IV 
53. Ang balak na pakikipagtuos ni Ibarra kay Padre Damaso ay di natuloy sa halip ay
pakikipagkasundo na lamang alang-alang kay Maria Clara. Ang kasalungat na
kahulugan ng pakikipagtuos ay . 
 
0. – Pakikipag-away 

Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 • Email Address: region3@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

I. – Pakikipagkasundo 
II. – Pakikipaglaban 
III. – Pakikipag-usap 

 
a. IV b. I c. II d. III 
 
 54. Ano ang nasa loob ni Don Tiburcio sa pagkapangasawa kay Donya Victorina? 
 
 
0. – Masuwerte siya ng napangasawa si Donya Victorina. 
I. – Mahal niya si Donya Victorina kaya niya pinakasalan. 
II. – Si Donya Victorina ang babaeng nakatadhana para sa kanya. 
III. – Mabuti na raw kaysa mamatay siya sa gutom. 

 
a. IV b. III c. I d. II 

55. Ang sumusunod ay mabuting katangian na taglay ni Sisa bilang isang ina.
Maliban sa; 

a.Si Sisa ay isang mapagmahal na ina sa kanyang dalawang anak na si Basilio


at Crispin. 
b. Si Sisa ay maasikasong ina sa kanyang mga anak dahil pinaghahanda niya ito
ng makakain. 
0. Si Sisa ay isang pabayang ina sa kanyang mga anak. 
0. Si Sisa ay maalalahaning ina sa kanyang mga anak na tinuturing niya bilang
mga anghel. 

56. Sa pahayag na ito mula sa akda, “Sobra ang kaniyang pagkamartir at hina ng
loob. Sa madalang na pag-uwi ng kaniyang asawa, nakatitikim pa siya ng sakit ng
katawan. Nananakit ang lalaki. Gayonman, para kay Sisa ang lalaki ay ang kaniyang
bathala at ang kaniyang mga anak ay anghel”. Masasabi mo ba na isa itong
magandang katangian ng isang babae? 
 

Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 • Email Address: region3@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

0. Oo, dahil bilang asawang babae tungkulin nilang pagsilbihan ang kanilang
asawa at anak. 
a. Hindi, dahil walang sinoman ang mayroong karapatan na saktan ang isang tao,
anoman ang kasarian nito. 
b. Oo, dahil bilang babae dapat silang magpasakop sa kanilang mga asawang
lalaki. 
c. Hindi, sapagkat ang babae ay dapat marunong tumayo sa kanyang sariling paa
at marunong ipaglaban ang kanyang karapatan.  

57. Mula sa akda, “Sa lahat ng sinasabi ni Basilio, si Sisa ay nasisiyahan. Ngunit
lihim na napaluha ito sapagkat hindi isinama ng anak sa kaniyang mga balak ang
kanilang ama”. Dapat bang makaramdam ang isang asawang babae ng pagkahabag
sa kanyang asawang lalaki sa kabila ng pisikal at emosyonal na pananakit nito? 
 
0. Oo, dahil sa kabila ng lahat asawa pa rin niya ito at dapat itong bigyan ng
pagkakataon. 
a. Maaari, dahil kahit papaano ay mahal niya ito bilang asawa at ito ang ama ng
kanyang mga anak. 
b. Depende, kung ito ay mayroon pang pag-asa na magbago at maging isang
mabuting ama’t asawa sa hinaharap. 
c. Hindi, dahil ang ganitong uri ng tao ay hirap nang magbago. Higit sa lahat, ang
tunay na lalaki ay hindi nananakit ng isang babae lalo’t ng kanyang sariling mga
anak. 

58. Batay sa akda, “Pilit na pinaamin din siya tungkol sa paratang ng kura. Kahit na
magmakaawa si Sisa, hindi rin pinakinggan ang kaniyang pangangatwiran. Hindi siya
pinaniwalaan ng mga sibil. At sa halip pakaladkad na isinama siya sa kuwartel”. Ito
ay isang halimbawa ng kawalan ng hustisya at karapatan, bilang isang mamamayan
ano ang iyong gagawin kung ito ay kasalukuyang nangyayari sa iyo? 
 
0. Gagamitin ko ang social media upang ipahayag ang pangyayaring ito at
ipamulat sa mga tao ang ganitong uri ng pamamaraan. 
a. Lalapit ako sa mga organisasyon at tao na maaaring tumulong upang makamit
ko ang hustisya. 
b. Pupunta ako sa PAO (Public Attorney’s Office) upang kumuha ng abogado na
magtatanggol sa akin para makapit ko ang kalayaan. d. Lahat ng nabanggit 
 
 

Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 • Email Address: region3@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

59.Sa iyong palagay, anong damdamin ng isang ina ang mangingibaw matapos
malaman na sa nagdaang mga taon o buwan ay buhay ang kaniyang pinakamamahal
na anak? 
 
0. Maghihiganti sa mga taong nang-abuso at lumapastangan sa anak. 
a. Manghihinayang sa mga taon, buwan, araw at oras na hindi kapiling ang
anak. 
b. Masisiyahan at magpapasalamat sa Poong Maykapal sapagkat sa kabila ng
lahat ay buhay ang anak. 
c. Makararamdam ng poot sa anak sapagkat matagal nagpakita. 
 
 
60. Anong aral mula sa Mahahalagang Pangyayari sa Buhay ni Sisa ang tumatak sa
iyong isipan? 
 
 
0. Ang isang babae ay hindi dapat nagpapaabuso sa kahit na kanino, sa ibang tao
man o sa sariling asawa. 
a. Matutong ipagbalan ang karapatan at tumayo sa sariling mga paa na hindi
umaasa sa ibang tao. 
b. Mahalin ng lubos ang mga anak dahil sila ay yaman na hindi kayang tumbasan
ng kahit anoman. d. Lahat ng nabanggit

Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 • Email Address: region3@deped.gov.ph

You might also like