You are on page 1of 6

lOMoARcPSD|41748703

4TH Quarter EXAM Grade 10

Filipino (Tarlac State University)

Scan to open on Studocu

Studocu is not sponsored or endorsed by any college or university


Downloaded by Joemar Benito (joemarbenito371@gmail.com)
lOMoARcPSD|41748703

Republic of the Philippines


DEPARTMENT OF EDUCATION
Region III - Central Luzon
Schools Division of Tarlac Province

IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT


TAONG PANURUAN 2021-2022
FILIPINO 10
PANGALAN: ____________________________________________________________ PETSA:
__________________
BAITANG: _______________________________________ ISKOR: _____________

I. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem o katanungan. Piliin at isulat ang letra ng tamang
sagot sa patlang bago ang bilang.

__1. Ano ang ikalawang nobelang isinulat ni Dr. Jose Rizal para sa bansang Pilipinas?
A. Barlaan at Josapat B.Doctrina Christiana C.El Filibusterismo D. Noli Me Tangere

__2. Kailan sinimulang isulat ni Rizal Ang nobelang El Filibusterismo?


A. Agosto 6, 1891 B. Marso 29, 1891 C. Oktubre 1887 D. Setyembre 18, 1891

__3. Sa aling mga lugar niya naisulat ang nobelang El Filibusterismo?


A. Calamba, Paris, Madrid, Biarritz C. Calamba, Hongkong, Paris, Biarritz
B. Calamba, Esapanya,Laguna, Brazil D. Calamba, Ghent Belgium, Madrid, Paris

__4. Ano ang ibig sabihin ng EL FILIBUSTERISMO?


A. Ang paghahari ng kasakiman C. Ang paghahari ng mga Pilipino
B. Ang paghahari ng Kristiyanos D. Ang paghahari ng mga Pari

__5. Tungkol saan ang nobelang El Filibusterismo ni Rizal?


A. Pampulitika B. Panlipunan C. Pantahanan D. Pangkabuhayan

__6. Ano ang layunin ni Rizal sa pagsulat niya sa nobelang El Filibusterismo?


A. Magising at mag-alsa B. Pagbabago C. Paghimok D. Pakikiisa

__7. Ayon sa salaysay, kailan at saan nailimbag ang nobelang El Fili ni Rizal?
A. Agosto 6, 1891 sa Calamba, Laguna C. Oktubre 1887 sa Madrid
B. Marso 29, 1891 sa Paris D. Setyembre 18, 1891 sa Ghent Belgium

__8. Sino ang nagpahiram kay Rizal ng pera para mailimbag niya ang pangalawa niyang nobela?
A. Blumenttrit B. Jose Maria Basa C. Nellie Boustead D. Valentin Ventura

__9. Para kanino inialay ni Rizal ang kaniyang nobelang El Filibusterismo?

A, BURGOMZA B. GOMBURZA C. GOMZAMBUR D. ZAGOMBUR

__10. Bakit nilisan ni Rizal ang Pilipinas noong Pebrero 3, 1888?


A. Dahil sa pangamba niyang manganib ang buhay ng mga mahal sa buhay.
B. Dahil inuusig siya ng pamahalaang kastila
C. Dahil kailangan niyang tapusin sa ibang bansa ang manuskrito
D. Dahil sa mga pagbabanta ng mga nasa katungkulan

__11. Sinu-sino ang tatlong paring martir na pinag-alayan ni Rizal ng kaniyang aklat El Filibusterismo?
A. Burdeos, Gomez, Zamora C. Gomez, Burlasa, Zamonte
B. Gomez, Burgos, Zamora D. Zamora, Golez, Blumenttrit

__12. Sino ang kasintahan ni Rizal na ipinakasal sa ibang lalaki ng kaniyang mga magulang habang nasa
ibang bansa siya.
A. Josephine Braken B. Leonor Rivera C. Maria Asuncion Rivera

__13. Ano ang kalagayan ng Pilipinas nang isulat ni Rizal ang nobelang El Filibusterismo?

IBA HIGH SCHOOL


Iba, San Jose, Tarlac
Email Address: 301002.ibahs@deped,gov.ph

Downloaded by Joemar Benito (joemarbenito371@gmail.com)


lOMoARcPSD|41748703

Republic of the Philippines


DEPARTMENT OF EDUCATION
Region III - Central Luzon
Schools Division of Tarlac Province

A. Maunlad at mapayapang namumuhay ang mga Pilipino.


B. Maayos ang pamamalakad sa pamahalaan
C. Nasa ilalim ng pananakop/pamamahala ng mga Kastila.
D. Nasa ilalim ng pamamahala ng mga Hapon.

__14. Ano ang isa sa mga lihim ni Simoun na nalaman ni Basilio nang magkita sila sa gubat?
A. Na si Ibarra ay patay na C. Nabatid ni Basilio ang balak niyang paghihiganti
B. Na si Ibarra at Simoun ay iisa. D. Na hindi si Elias ang nakalibing sa gubat.

__15. Ang mga sumusunod ay dahilan kung bakit hindi pinatay ni Simoun si Basilio para pangalagaan ang
kaniyang lihim, maliban sa isa?
A. Higit na paniniwalaan ng pamahalaan si Simoun kaysa kay Basilio.
B. Kailangan ni Simoun ang kabataag tulad ni Basilio sa balak niyang paghihimagsik.
C. May mga utang na loob si Basilio kay Simoun tulad ng pagkapagamot sa kaniyang inang si Sisa.
D. Si Basilio ay mayaman at hindi na pagkakainteresan nito ang kaniyang lihim.

__16. Bakit hindi nakabaril ng usa o ibon sa gubat ang Kapitan Henerel?
A. Dahil hindi siya magaling na tirador C. Hindi siya kampanti mamaril pag may kasama
B. Dahil kulang siya sa ensayo D. Dahil may kasama siyang banda ng musiko na
tumutugtog saan man siya paroon.

__17. Anong sakit ng lipunan ang inilarawan ni Rizal sa pamamaril ng Heneral?


A. Ang paglalangis/pangungurakot sa may kapangyarihan
B. Ang pagiging diyos-diyosan sa kanilang kapangyarihan
C. Lahat kaya nilang gawin dahil sa kapangyarihan
D. Hindi lahat ng tao ay kanilang napasusunod.

__18. Bilang kabataan, paano ka makakatulong sa pag-unlad ng iyong sariling bayan?


A. Pagbutihin ko ang aking pag-aaral para magkaroon ng trabaho at hindi makadagdag sa problema
sa kahirapan.
B. Susundin ko ang gusto ng pamahalaan kahit na ito’y hindi na maktarungan.
C. Tatahimik na lang kahit nalabag pa ang karapatang pantao para walang gulo.
D. Umasa sa tulong ng pamahalaan kahit malakas ka pa at may kakayahan pang kumilos.

__19. Paano nakatulong ng malaki ang mga prayle sa matagal na pagkaalipin ng Pilipinas?
A. Itinuro ng mga kura na isa sa mga mabuting katangian ng Katoliko ay ang pagtitiis sa mga milagro
ng santo.
B. Malaki ang impluwensiya nila sa relihiyon.
C. Natutong magdasal ng taimtim ang mga Pilipino
D. Natatakot ang mga tulisan sa mga gwardiya sibil kaya bihira ang krimeng nangyayari.

__20. Ang mga sumusunod ay dahilan kung bakit sa halip na hintayin ng mga bata nang may tuwa
ang araw ng pasko ay kinatatakutan pa nila ito, maliban sa isa.
A. Binibihisan sila ng damit na pinatigas sa almirol at bagong sapatos na masakit sa paa kinatagalan.
B. Isinisimba sila sa misa-mayor na matagal,maalinsangan sa loob ng simbahan.
C. Nagsisimba lang sila ayon sa kanilang kagustuhan.
D. Pinaluluhod sila sa lahat ng kamag-anakan para humalik ng kamay,umawit,sumayaw,at tumula
para mabigyan ng aginaldo na kinukuha ng kanilang magulang.

__21. Ano ang totoong kompletong pangalan ni Jose Rizal?


A. Jose Protacio Realonda Mercado y Alonzo Rizal
B. Jose Protacio Mercado

__22. Bakit natuwa pa si Simoun nang dakpin ng mga gwardiya sibil si Tandang Selo?
IBA HIGH SCHOOL
Iba, San Jose, Tarlac
Email Address: 301002.ibahs@deped,gov.ph

Downloaded by Joemar Benito (joemarbenito371@gmail.com)


lOMoARcPSD|41748703

Republic of the Philippines


DEPARTMENT OF EDUCATION
Region III - Central Luzon
Schools Division of Tarlac Province

A. Dahil alam niyang mag-aapoy sa galit si Kabesang Tales at mas mapadali ang paghimok niya rito
para maghimagsik.
B. Dahil nakilala niya ang tunay na pagkalalaki ni Kabesang Tales
C. Hudyat ito sa binabalak niyang paghihimagsik.
D. Mas magagalit si Huli sa mga prayle.

__23. Alin ang angkop na pagpapakahulugan sa salitang “diskriminasyon”.


A. Pantay na karapatan ng mga tao C. mababang pagtingin sa mga mahihirap
B. Hindi pantay na pagtingin sa mga tao D. mataas na pagtingin sa mga mayayaman

__24. Naparusahan ang kutserong si Sinong dahil wala siyang dalang ______________.
A. lisensya B. Permit C. sedula D. Birth Certificate

__25. Bakit sinasadyang magpatalo sa baraha nina Pari Irene at Pari Sibyla?
A. Upang mabigyan ng higit na kasiyahan ang Kapitan Heneral
B. Upang mainis sina Pari Camorra sa kanila
C. upang mas mapalapit sila sa kapitan heneral
D. dahil hindi masyadong marunong maglaro ng baraha ang kapitan heneral

__26. Si ____________ ay estudyante sa Unibersidad ng Santo Tomas na kumukuha ng Bachiller en Artes.


A. Juanito Pelaez B. Placido Penitente C. Macaraeg D. Basilio

__27. Ang kasulatan na pinapipirmahan kay Placido ay tungkol sa pagpapatayo ng _____ng Wikang Kastila.
A. Pamantasan B. Unibersidad C. Akademya D. Hospital

__28. Ang propesor na nag-insulto at nanlait kay Placido sa loob ng klase nila sa Pisika.
A. Pari Damaso B. Pari Camorra C. Pari Irene D. Pari Millon

__29. Ang bahay ni _________________ ay ipinalalagay na siyang tahanan ng mga mag-aaral.


A. Don Custodio B. G. Pasta C. Quiroga D. Macaraig

__30. Bakit tumanggi si G.Pasta na tumulong sa mga estudyante?


A. natatakot siya sa mga prayle
B. ayaw niyang makialam sa mga estudyante kaya’t kailangan niyang kumilos ng naaayon sa batas
C. maselan ang kanyang kalagayan at marami siyang pag-aari,
D. Natatakot siya baka pag-initan siya ng pamahalaan.

__31. Ano ang pinagkakaabalahan ni Pari Camorra habang siya ay nasa Perya?
A. nalibang siya sa mga tau-tauhang kahoy na may iba’t ibang mukha
B. nalibang siya sa pagmamasid sa mga naggagandahang dalaga na umaakit sa lahat ng nasa
liwasan
C. nalibang siya sa kapanonood ng mga ilaw at parol.
D. Nalibang siya sa palabas ni Mr. Leeds

__32. Ang mga taong lumalabag sa utos ng mga kura o pari ay itinuturing na Erehe. Ano ang ibig sabihin
ng nakaitim na salita?
A. kalaban ng barangay C. kalaban ng Presidente
B. kalaban ng pamahalaan D. kalaban ng simbahan

__33. Alin sa mga sumusunod ang nagbibigay kahulugan sa salitang kubyerta.


A. kuwarto ng sasakyang pandagat C. palapag ng bapor

IBA HIGH SCHOOL


Iba, San Jose, Tarlac
Email Address: 301002.ibahs@deped,gov.ph

Downloaded by Joemar Benito (joemarbenito371@gmail.com)


lOMoARcPSD|41748703

Republic of the Philippines


DEPARTMENT OF EDUCATION
Region III - Central Luzon
Schools Division of Tarlac Province

B. hapag-kainan ng bapor D. palikuran ng sasakyang pandagat


__34. Si Kapitan Tiyago ang itinalagang cabeza de barangay sa kanilang lugar.Ano ang ibig sabihin ng
salitang nakahilig?
A. Kapitan ng barangay B. Presidente ng barangay C.Tanod ng barangay D. kolektor

__35. Kilalanin kung sino ang anak ni Tandang Selo na nag-alaga kay Basilio.
A. Crispin B. Juliana C. Kabesang Tales D. Penchang .

__36. Paano nakapag-aral si Basilio sa Maynila.


A. nagtrabaho siya bilang kampanero ng simbahan
B. nagsumikap siya sa pagsasaka
C. nagpaalila siya kina kapitan Tiyago kapalit ng pag-aaral niya
D. namasukan siya sa isang munisipyo

__37. Natagpuan ni Rizal ng pinakamurang palimbagan na pumayag sa paunti-unti pagbabayad. Ano ang
pangalan ng palimbagang ito?
A. JF. Freyer-Lee Press
B. Van Lee Press
C. F. Meyer Press
D. F. Meyer-Van Loo Press

__38. Ano ang ibang tawag kay Don Custodio?


A. Buena
B. Tinta Buena
C. Buena Tinta
D. Buenas Dias

__39. Ilang taon na ang nakalipas mula sa huling pangyayari ng Noli Me Tangere hanggang sa simula ng El
Filibusterismo.
A. Labing-isa
B. Labing-tatlo
C. Labing-dalawa
D. Sampu

__40. Si Maria Clara ang orihinal na nagmamay-ari ng relikaryong nais ibenta ni Juli para may pangtubos sa
kanyang ama na si Kabesang Tales.
A. Tama
B. Mali

II. Panuto: Isulat sa patlang sa Hanay A ang titik ng salita sa Hanay B na angkop na katauhan ng tauhan sa
bilang.
HANAY A HANAY B
________41. Simoun a. Kapatid ng taong madilaw
________42. Padre Camorra b. Ang asawa ng alperes
________43. Placido Pinetente c. Tinatawag na Buena Tinta
________44. Padre Damaso d. Lihim na may pagtingin kay Paulita, mahilig sa magagandang
dalaga
________45. Don Custodio e. Siya ang pangunahing tauhan
________46. Donya Consolacion f. Ang nagpapanggap na doktor
________47. Lucas g. Isang estudyante na nakipagtalo sa kanyang guro
________48. Padre Millon h. Ama-amahan ni Maria Clara
________49. Don Tiburcio De Espadaňa i. Guro sa Pisika
________50. Kapitan Tiago j. Ang tunay na ama ni Maria Clara

IBA HIGH SCHOOL


Iba, San Jose, Tarlac
Email Address: 301002.ibahs@deped,gov.ph

Downloaded by Joemar Benito (joemarbenito371@gmail.com)


lOMoARcPSD|41748703

Republic of the Philippines


DEPARTMENT OF EDUCATION
Region III - Central Luzon
Schools Division of Tarlac Province

Inihanda ni:

CHERRY LYN J. LASCO MARIBEL V. GABRIEL


Class Adviser Substitute Teacher

IBA HIGH SCHOOL


Iba, San Jose, Tarlac
Email Address: 301002.ibahs@deped,gov.ph

Downloaded by Joemar Benito (joemarbenito371@gmail.com)

You might also like