You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
DIVISION OF GENERAL TRIAS CITY
LUIS Y. FERRER JR. NORTH NATIONAL HIGH SCHOOL

IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT


FILIPINO 9
Taong Panuruan 2022-2023

Kompetensi: Nailalarawan ang mga kondisyong panlipunan bago at matapos isinulat ang
akda.
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pangungusap. Piliin lamang ang titik ng
tamang sagot.
1. Ipinahukay ni Padre Damaso ang bangkay ni Don Rafael sa kinalilibingang sementeryo ng
katoliko at ipinababaon sa libingan ng mga instik. Anong kondisyon panlipunan ang
nasasalamin dito?
a. Diskriminasyon sa lahi
b. Paghahari ng mga prayle
c. Pang-aalipin sa mga Pilipino
d. Pagkakait sa karapatan ng mga Pilipino
2. Tinanong ni Sisa kung bakit naiwan si Crispin. Sinabi ni Basilio na napagbintangan na
nagnakaw ng dalawang onsa si Crispin. Hindi niya sinabi ang parusang natikman ng kapatid
sa kamay ng sakristan mayor. Napaluha si Sisa dahil sa awa sa anak. Sinabing ang mga
dukhang katulad lamang nila ang nagpapasan ng maraming hirap sa buhay. Ano ang
pinapakita sa sitwasyon.
a. Kakulangan sa edukasyon
b. Diskriminasyon sa mga lahi
c. Pang-aabuso sa kababaihan.
d. Pang-aalipin sa mga mahihirap.

Kompetensi: Natutukoy ang mga kontekstuwal na pahiwatig sa pagbibigay-kahulugan.


Panuto: Tukuyin ang kahulugan ng salitang may salungguhit batay sa kontekstuwal nitong
pahiwatig sa bawat pangungusap.
3. Siya ay nag aral ng medisina sa Maynila at noong 1882, lumipad sya papunta Espanya
para ituloy ang kanyang pag aaral doon.
a. bumiyahe b. dumaan c. lumisan d. nagtungo
4. Inilarawan sa nobelang The Wandering Jew ang ibat ibang kalupitan at pagmamalabis ng
mga puti sa itim.
a. pang-aabuso b. pang-aalipin c. pang-aapi d. pandaraya
Kompetensi: Natitiyak ang pagkamakatotohanan ng akdang napakinggan sa pamamagitan ng
pag-uugnay sa ilang pangyayari sa kasalukuyan.
Panuto: Ibigay ang sariling interpretayon na nangibabaw sa kaisipang nabanggit.
5. Bihirang balitang magtapat, magkatotoo ma’y marami ang dagdag.
a. Kailanma’y walang tapat na balita
b. Madalas na nadaragdagan ang mga balita
c. Kasama ng tapat na balita ang pagdaragdag
d. Karamihan sa mga balita ang walang katiyakan
6. Kailanma’y ang tunay na pagkatao’y di maaaring itago nang pangmatagalan.
a. Ang katotohanan ay di maaaring ikubli ng matagalan
b. Ang pagkukunwari ay hindi nagtatagal sa tunay na tao
c. Ang tunay na katauhan ay mahahayag sa tamang panahon
d. Ang tunay na katauhan ay nakikita sa likod ng pagpapanggap

Kompetensi: Nagagamit ang tamang pang-uri sa pagbibigay- katangian sa mga


tauhan sa nobela.
Panuto: Piliin ang titik ng wastong pang-uri sa pagbibigay katangian ng mga tauhan sa nobela.

Address: Wellington Place, Phase VI, Pasong Camachile II, General Trias City, Cavite, Philippines 4107
Contact Numbers: (046) 235-0632 / 09190664246 / 09177146495
Email Address: 307823@deped.gov.ph
Nurture Optimize Reconstitute Transform Hearten
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
DIVISION OF GENERAL TRIAS CITY
LUIS Y. FERRER JR. NORTH NATIONAL HIGH SCHOOL

7. Si Maria Clara ay larawan ng isang tunay na mestiza. Matangos ang kanyang ilong, maganda
ang hugis ng kanyang bibig. Mababatid na sya ay___________________?
a. mabait b. maganda c. mahinhin d. mayumi
8. Si Elias ay tila lumalaglab na apoy sa gitna ng gabi. Masasabing si Elias ay______________?
a. may matinding galit
b. nag-aapoy
c. nag-iinit
d. nagngangalit
Kompetensi: Nailalahad ang sariling pananaw sa kapangyarihan ng pagibig sa magulang, sa
kasintahan, sa kapwa at sa bayan
Panuto: Piliin ang ang letra ng tamang sagot sa paglalahad ng sariling pananaw.

9. Sa muling pagdalaw ni Ibarra kay Maria Clara, lalong napatunayan ng magsing-irog ang
lalim nang kanilang pagmamahalan. Ano ang pananaw mo sa pangyayaring ito?
a. Wagas ang kanilang pagmamahalan
b. Matibay ang kanilang pagmamahalan
c. Hindi nila nakakalimutan ang isa’t isa
d. Lahat ng nabanggit
10. Tanging si Sisa lamang ang nagmamalasakit na buhayin buhayin ang kanilang mga anak
dahil sa walang puso niyang asawa ay nagpapalaboy-laboy lamang at nagpakulong sa bisyo
ang inaatupag sa buhay. Ano ang pananaw mo sa pangyayaring ito?
a. Hindi responsible ng ama na alagaan ang mga anak.
b. Normal na lamang sa panahon ngayon ang pagkakaroon ng bisyo.
c. Hindi masama ang pagbibisyo kung nagagawa mo naman ang mga responsibilidad mo
sa pamilya.
d. Kayang tiisin ng isang ina ang lahat ng pasakit sa buhay para sa ikabubuti ng
kaniyang mga anak.
Kompetensi: Nagagamit ang mga angkop na ekspresyon sa pagpapahayag ng:
- Damdamin , matibay na paninindigan sa mga pangyayari
Panuto: Basahin at unawain ang pahayag. Piliin ang titik ng tamang sagot.

11.“ Hindi ka nagkakamali,” sabi ng prayle. “Pero kailanman ay hindi ko naging matalik na
kaibigan ang iyong ama.” Nanatiling kalmado lamang si Ibarra sa paghamak ng pari. Si
Ibarra ay______________
a. May balak sa matanda
b. May paggalang sa matanda
c. Walang paggalang sa matanda
d. May pagdaramdam sa matanda
12.Sinugod ni Ibarra si Padre Salve sa pag-aakalang siya ang nag-utos na ipahukay ang
bangkay ng kanyang ama at ipatapon sa libingan ng mga intsik. Ano ang pananaw mo sa
pangyayaring ito?
a. Walang paggalang sa matanda
b. Mapagtimpi sa nararamdaman
c. Siya ay mapagmahal sa magulang
d. Madaling maniwala sa sinasabi ng iba

Kompetensi: Natitiyak ang pagkamakatotohanan ng akdang napakinggan sa pamamagitan


ng pag-uugnay sa ilang pangyayari sa kasalukuyan
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang tekstong nasa ibaba at sagutan ang mga sumusunod
na tanong. Piliin ang titik ng pinakatamang sagot.

Sa kabila ng matibay na pananalig at pagpapahalaga sa katarungan, si Don


RafaelAddress:
ay sinawing-kapalaran.
Wellington Place, PhaseKahit na Camachile
VI, Pasong siyay matapat saTrias
II, General bayan
City, at marangal
Cavite, na4107
Philippines
mamamayan ay pinaratangan
Contact Numbers: (046) 235-0632parin siya ng/ pamahalaan
/ 09190664246 09177146495 bilang pilibustero at erehe.
Email Address: 307823@deped.gov.ph
Walang siyang nagawa upang ipaglaban ang kanyang karapatan at makamit ang
katarungan sa paratangNurture na Optimize
ibinibentang Reconstitute
sa kanya dahilTransform Hearten lamang at ang
siya’y nag-iisa
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
DIVISION OF GENERAL TRIAS CITY
LUIS Y. FERRER JR. NORTH NATIONAL HIGH SCHOOL

13. Anong uri ng sistema na mayroon ang pamahalaan noon ayon sa talatang binasa.
a. Ang simbahan ang kumukontrol sa pamahalaan.
b. Ang pahamahalaan ay kasangkapan lamang ng simbahan
c. Ang pamahalaan at simbahan ay may iisang layunin lamang.
d. Ang pamahalaan ay hindi kayang magdesisyon kung wala ang simbahan.

14. Anong pangyayari sa talata ang maaring maiuugnay sa kasalukuyang mga pangyayari sa
lipunan?
a. Ang hustisya ay para lamang sa mayayaman.
b. May mga taong naiinggit at nagagalit sa pagiging marangal ng isang tao.
c. Ang tunay na kapangyarihan ay wala sa antas ng yaman na mayroon ka kung hindi sa
pansariling interes ng iilan.
d. Parte ng lipunan ang pang-aapi at pagpaparatang ng kasalanan ng iilan sa mga taong
. dukha at hindi lumalaban.

Kompetensi: Naipaliliwanag ang mga kaugaliang binanggit sa kabanata na nakatutulong sa


pagpapayaman ng kulturang Asyano
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pangungusap. Piliin ang titik ng tamang
sagot.

15. Pinuntahan ng mag-anak ang libingan ng amang matagal ng namayapa. Nag-alay sila ng
bulaklak, kandila at panalangin. Ang sitwasyon ay nagpapakita ng kaugaliang_________.

a. Pag-alala sa yumao
b. Paggalang sa matatanda
c. Pagmamahal sa pamilya
d. Paggalang sa Karapatan ng mga Pilipino
16. Tuwing pista ay dinarayo ang tahanan ni Kapitan Tiyago dahil marami siyang handa at mga
pakulo. Ipinapakita sa pahayag ang _____________.

I. Magarbo ang mga Pilipino


II. Pagiging magiliw sa mga bisita
III. Pagdiriwang ng mga kapistahan
IV. Pagkahilig sa magarbong handaan
a. IV b. II c. 1,II,III d. I,II,IV

Kompetensi: Naipaliliwanag ang iba’t ibang paraan ng pagbibigay-pahiwatig sa kahulugan


Panuto: Basahin at unawain ang pahayag na nasa loob ng panaklong. Piliin ang titik ng tamang
sagot.

Biglang kumalat ang balitang magdadaos ng handaan si Kapitan Tyago. Nakarating ito sa
2.mga
Biglang
linta, bangaw at kantanod ng bayan.
3.
17. Ano ang ibig sabihin ng salitang may salungguhit?
a. Mangagalakal na nagpapautang

Address: Wellington Place, Phase VI, Pasong Camachile II, General Trias City, Cavite, Philippines 4107
Contact Numbers: (046) 235-0632 / 09190664246 / 09177146495
Email Address: 307823@deped.gov.ph
Nurture Optimize Reconstitute Transform Hearten
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
DIVISION OF GENERAL TRIAS CITY
LUIS Y. FERRER JR. NORTH NATIONAL HIGH SCHOOL

b. Isang hayop na sumisipsip ng dugo


c. Taong nangungurakot o peneperahan ang kapwa
d. Negosyanteng yumaman dahil sa pangangalakal

“ Ipagpaumanhin ninyo malabag ko ang tuntunin sa pakikipagkapwa”. Pitong taon ako sa


ibang bansa at sa pagbabalik ko’y hindi ko matiis ang batiin ang pinakamahalagang
hiyas ng aking bayan”.

18. Ano ang tinutukoy ng mahalagang hiyas ayon kay Ibarra?


a. Ang mga babae
b. May-ari ng bahay
c. Ang mga panauhin
d. Tuntunin sa pakikipag-kapwa
Kompetensi: Naipaliliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa aralin gaya ng:
pamamalakad
ng pamahalaan, paniniwala sa Diyos, kalupitan sa kapuwa, kayamanan, kahirapan at iba pa
Panuto: Basahin at unawain ang pahayag na nasa loob ng kahon. Sagutin ang mga sumusunod na
katanungan.
“ Hindi ko pa alam kung ano ang gagawin sa akin ng Diyos, ngunit ako’y nakahanda na
sa Kanya anuman ang ihatol.” Ako’y hindi makapaniwalang tanging mga Katoliko
lamang ang makaliligtas.”

19. Anong kaisipan ang nakapaloob sa pahayag na ito ni Pilosopo Tasyo?


I. Hindi siya naniniwala sa simbahang Katoliko.
II. Hindi siya sumasang-ayon sa pamamalakad ng mga Prayle.
III. Naniniwala ang matanda na siya ay makakaligtas kahit hindi siya nagsisimba.
IV. Naniniwala ang matanda na ang mabuting gawa ang tanging makapagliligtas sa tao.
a. II,IV b. I,III c. III d. I,II
20. Mahihinuha sa pahayag ng nagsasalita na siya’y may katangiang _____.
a. mapagmahal b. matatag c. mayabang d. nakahanda

Inihanda nina: Iniwasto ni:

ANNA RUBY O. GARCIA RACHEL M. GALOS


Guro sa Filipino 9 Susing Guro-Filipino

LIEZEL D. GLOBIO
Guro sa Filipino 9

Binigyang pansin ni:

NANETH P. SALVADOR, EdD


Punongguro I

Inaprubahan ni:

ARNALDO O. ESTAREJA
EPS, Filipino

Address: Wellington Place, Phase VI, Pasong Camachile II, General Trias City, Cavite, Philippines 4107
Contact Numbers: (046) 235-0632 / 09190664246 / 09177146495
Email Address: 307823@deped.gov.ph
Nurture Optimize Reconstitute Transform Hearten

You might also like