You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Southern City Colleges


JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
PilarStreet, Zamboanga City
Academic Year 2022-2023
UNANG BAHAGING PAGSUSULIT SA FILIPINO 9
IKAAPAT NA MARKAHAN
Pangalan:____________________________ Petsa: _______
Taon at sekyon: _______________________ Marka:_______
TEST I- PANUTO: Basahin ang mga sumusunod na tanong. Piliin lamang ang titik ng tamang
sagot. Isulat ang sagot sa patlang na nakalaan bago ang bilang.
_____1.Sa unang kabanata ng Noli Me Tangere na pinamagatang “Isang Handaan,” ano
ang positibo at negatibong kaugaliang Pilipino ang ipinakikita dito?
A. Ang pagiging hindi mapili ng mga Pilipino sa pagkain at pagiging magastos sa
pagkain.
B. Ang pagiging mainit ang pagtanggap ng mga Pilipino sa mga bisita at
pagpunta sa mga handaan na hindi naman imbitado.
C. Ang pagiging mabait ng mga Pilipino sa bisita at pamamahiya sa mga hindi naman
imbitado.
D. Ang pagiging masagana ng mga Pilipio sa pagkain at pagsasayang sa mga sobra
sobrang handaan.
____2. Sa ikatlong kabanata ng Noli Me Tangere na pinamagatang “Ang Hapunan,” ano
ang sinisimbolo ng kabiserang pinagbibigayan ni Padre Sibyla at Padre Damaso?
A. Ang pinakamagandang pwesto sa hapagkainan.
B. Ang posisyon o kapangyarihan sa pamahalaan
C. Ang posisyon o kapangyarihan sa simbahan
D. Ang pinakamaraming pagkain sa handaan
____3. Sa una at ikalawang kabanata ng Noli Me Tangere, ano ang ibig ipakita ni Rizal sa
pagtatalo o initan ng mga Prayle at ng Tenyete sa kanilang pagkikita?
A. Ipinakikita nito na noon pa man ay magkakasundo na ang mga Prayle at Tenyente
sa bansa.
B. Ipinakikita nito na noon pa man ay magkakaaway na ang mga prayle at tenyete sa
bansa.
C. Ipinakikita nito na noon pa man ay magkahiwalay na ang pamahalaan at
simbahan at hindi ito maaaring pag-isahin.
D. Ipinakikita nito na noon pa man ay magkasama ang mga desisyon ng pamahalaan
at simbahan sa ating bansa.
____4. Sa ikalawang kabanata ng Noli Me Tangere ay ipinakilala ni Kapitan Tiyago ang
isang binata na nagmula sa Europa, sino siya?
A. Crispin B. Basilio C. Anastacio D. Crisostomo
____5. Sa ikalawang kabanata ng Noli Me Tangere, bakit gulat na gulat si Padre Damaso
sa pagdating ng isang bisita?
A. Dahil inaasahan niya ito at siya ay natutuwa sa pagdating.
B. Dahil hindi niya ito inaasahan at siya’y nalulungkot.
C. Dahil hindi niya ito inaasahan at siya ay mayroong kasalanan dito.
D. Dahil inaasahan niya ito at gusto niyang humingi ng tawad sa kasalanan niya.
____6. Sa ikaapat na kabanata ay natuklasan ni Ibarra mula kay Tenyente Guevarra na
ang kaniyang ama na si Don Rafael Ibarra ay namatay sa bilangguan nang walang
katarungan dahil sa ipinaratang sa kaniya na pagiging erehe. Ano ang kahulugan
ng erehe?
A. tumutuligsa o kalaban ng simbahan
B. tumutuligsa o kalaban ng pamahalaan
C. Kristiyano na hindi gumagawa ng mga gawaing Kristiyano
D. Kawani ng pamahalaan na hindi gumagawa ng mga gawaing pampamahalaan
____7. Sa ikaapat na kabanata rin pinaratangan ng sedisyon si Don Rafael Ibarra, ang
sedisyon ay ang kilos o gawaing naghihkayat ng rebelyon na maaring laban sa
pamahalaan o kaya ay simbahan, ano naman ang kongkretong halimbawa ng
sedisyon sa kasalukuyan?
A. Ang mga paring tumutuligsa sa pamahalaan
B. Ang mga kawani ng gobyerno na tumutuligsa sa simbahan
C. Ang mga aktibista na nagsasagawa ng rally para tumuligsa sa maling pamahalaan
D. Ang mga kabataan na nagsasagawa ng pang-boboycot sa kanilang mga gawain
____8. Sa ikaapat na Kabanata pa rin ay mayroong abogadong tumanggi na humawak ng
kaso ni Don Rafael Ibarra, kahit na siya ay sinasabing pinakamahusay sa kanilang
lugar, ano ang ibig ipakita ni Rizal dito?
A. Ipinakikita rito na tamad ang ilan sa mga mahuhusay na abogado ng bansa.
B. Ipinakikita rito na takot ang abogado sa pagtanggi niya dahil ang kalaban ay
Espanyol.
C. Ipinakikita rito na ang mga Pilipino noon ay kahit na mahusay ay malaki ang takot
sa mga Espanyol.
D. Ipinakikita rito na ang katarungan noon ay nakabatay sa iyong mga
nakakalaban at mga may kapangyarihan.
____9. Sa ikalimang kabanata ng Noli Me Tangere ay ipinakita kay Ibarra ang dalawang
imahen sa karimlan. Ano ang dalawang imahen na ito?
A. Isang bituin at bilog na buwan
B. Isang bituin at malaking ulap
C. Ang kaniyang ama na nasa bilangguan at si Maria Clara
D. Ang kaniyang ama na masaya at ang mapanlait na si Padre Damaso
____10. Ano ang mga kahulugan ng dalawang imahen na nakita ni Ibarra sa karimlan?
A. Maganda ang panahon at hindi uulan
B. Ang panghihinayang ni Ibarra na umalis pa siya sa bansa kaya siya ay nangulila
sa ama at kay Maria Clara
C. Ang pagsisisi ni Ibarra na iniwan niya ang ama at paghihirap nito sa
bilangguan at ang pangungulila sa kababata at kasintahan na si Maria Clara.
D. Ang pagkalungkot niya na makitang masaya ang ama ngunit pagbalik ay patay na
at pagkamuhi kay Padre Damaso.

TEST II- Panuto: Basahin at unawain ang katanungan na nasa ibaba.


 Nakapanood at nakabasa ka na ba ng balita hinggil sa pagkaapi o pagsasamantala? Ano ang sitwasyon
nito? Paglimian ang karanasang ito at pagkatapos ay sagutin ang sumusunod na graphic organizer.
(5 puntos kanda bilang)

1. Ano ang kalagayan o


estado ng lipunansa
2. Ano ang angking panahon ngayon?
kapangyarihan ng
lipunan?

TEST III- Sagutin ang tanong na nasa ibaba.


1.Ano ang ugali na pinakita ni Padre Damaso pagkakita kay Crisostomo Ibarra? Ilarawan ito.
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

3. Magbigay ng maikling
paglalarawan sa nagyaring
pagkakaapi o pasasamanta?

You might also like