You are on page 1of 14

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN

PANDIBISYONG PAGTATAYA SA IKAAPAT NA KUWARTER SA


FILIPINO 10

Pangalan: _________________________________ Petsa: _______________


Antas at Pangkat: ________________________ Marka: ______________

I. Panuto: Tukuyin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang letra sa


sagutang papel.

1. Kailan sinimulan ni Dr. Jose Rizal ang pagsulat ng nobelang El


Filibusterismo?
A. 1980
B. 1981
C. 1982
D. 1983

2. Sino ang tumulong kay Rizal upang maipalimbag ang El


Filibusterismo?
A. Ferdinand Blumentritt
B. Juan Luna
C. Marcelo H. Del Pilar
D. Valentin Ventura

“Ang kalagayan sa pamumuhay ni Dr. Jose Rizal nang


isinusulat niya ang El Filibusterismo ay katulad, kung ‘di man
lalong mabalakid, nang pasimulan at matapos niya ang Noli
Me Tangere. Suson-susong mga kahirapan ang kaniyang
dinanas.”

3. Anong katangian ni Rizal ang ipinahihiwatig ng pahayag?

A. mapamaraan
B. matiyaga
C. mahusay
D. malikhain
“Ngunit binigo siya ng mga pangyayari: naibayad na lahat ang
kuwaltang kaniyang natipid; ang kuwaltang hinihintay ay hindi
dumating; ang ilang mayayamang Pilipinong nangakong mag-aabuloy
ng halagang kakailanganin sa pagpapalimbag ay pawang
nangakalimot.”

Provincial Capitol Compound, Brgy. Guinhawa, City of Malolos, Bulacan


website: https://bulacandeped.com email. bulacan@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
4. Anong damdamin ang nais ipabatid ng pahayag?
A. pagkatalo sa pagsubok ng buhay
B. pagkabigo sa pagtupad ng pangarap
C. kawalan ng pag-asa dahil sa mga pagsubok
D. pagkabahala sa mga maaaring mangyari sa hinaharap

5. Kanino inialay ni Rizal ang kanyang nobelang El Filibusterismo?


A. Inang Bayan
B. Maria Clara
C. Padre Florentino
D. Tatlong Paring Martir

6. Saan sinimulang isulat ni Rizal ang El Filibusterismo?


A. Belgium
B. Inglatera
C. Pilipinas
D. Pransya

7. Ano ang katumbas ng “The Reign of Greed” sa wikang Filipino?


A. Ang Paghahari ng Kasakiman
B. Ang Paghahari ng Subersibo
C. Filibustero
D. Filibustier

8. Ano ang naging balakid sa pagpapalimbag ng El Filibusterismo?


A. mga nawawalang sipi ng nobela
B. kakulangan ng sapat na pondo
C. pagpapakasal ni Leonor Rivera
D. pangingibang bansa ni Rizal

9. Ano ang naging inspirasyon ni Rizal sa pagsulat ng nobelang El


Filibusterismo?
A. pag-aaklas ni Andres Bonifacio
B. pananamantala ng Kapitan Heneral
C. pagtungo niya sa iba’t ibang bansa
D. pagmamalupit ng mga paring Dominiko

10. Alin sa sumusunod na salita ang kasingkahulugan ng


salitang “filibustero”

Provincial Capitol Compound, Brgy. Guinhawa, City of Malolos, Bulacan


website: https://bulacandeped.com email. bulacan@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
A. kaaway
B. nakamamatay
C. malupit
D. mapanganib

11. “Tama na, Padre,tama na! Ilagay na ninyo lahat ng guhit na


ibig ninyo, ngunit wala kayong karapatang laitin ako”, bulalas ni
Placido. Ano ang damdaming ipinahihiwatig sa pahayag?
A. Nagbabanta
B. nagsusumamo
C. naninigurado
D. nanghihikayat

Para sa bilang 12 at 13

“Wala akong yaman, walang katayuan sa lipunan. Paano ko


madadala sa hustisya ang mga mamamatay-tao? Magiging isang
biktima lamang ako, madudurog na tulad ng isang pirasong
salaming inihagis sa bato”, ani Basilio.

12. Batay sa pahayag, bakit hindi niya makakamit ang


ninanais na hustisya?
A. Siya ay mapagparaya sa mga taong nanakit sa kanya.
B. Batid niya ang mapagkunwaring lipunang ginagalawan niya.
C. Sapat na sa kaniya ang mga naranasang paghihirap sa
kanyang buhay.
D. Bilanggo siya ng kahirapan at hindi patas na pagtingin ng
lipunang nakagisnan niya.

13. Mula sa pahayag, inilarawan ni Basilio ang kanyang sarili


batay sa kaniyang ________________.
A. sariling karanasan
B. mga mithiin sa buhay
C. estado at damdamin bilang anak
D. kakayahang maghiganti sa ibang tao

Provincial Capitol Compound, Brgy. Guinhawa, City of Malolos, Bulacan


website: https://bulacandeped.com email. bulacan@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
Para sa bilang 14 at 15

“Lahat ng atrasadong pagsulong ng katarungan, lahat ng


paghihiganti sa daigdig, hindi maibabalik ang isa mang hibla ng
buhok ng ina ko, o alalalahanin ang isang ngiti sa mga labi ng
kapatid ko. Pabayaan silang humimlay nang mapayapa – anong
mapapala ko kung ipaghiganti sila ngayon?” pag-uusisa ni Basilio.

14. Ang salitang atrasado sa pahayag ay nangangahulugang


_________________.
A. huli
B. maaga
C. maagap
D. paatras

15. Ano ang nais ipahiwatig ni Basilio sa kaniyang pahayag sa


itaas?

A. Maraming gumugulo sa kanyang isipan tungkol sa kanyang


ina.
B. Wala nang saysay kung siya’y aayon pa sa isang paghihiganti.
C. Ang buhay niya ay nawalan ng kabuluhan dahil sa nangyari.
D. Wala na siyang mahihiling pa kung hindi katahimikan.

Para sa bilang 16 at 17

“Walang mataas sa akin, kundi ang aking konsensya,” ang paliwanag


ng
Heneral. Kumikilos ako ayon sa aking konsensya at nasisiyahan ang
konsensya ko, kaya walang halaga sa akin ang opinyon ng iba. Ang
konsensya ko, mahal na ginoo, ay ang aking konsensya!” giit ng
Heneral

16. Batay sa pahayag, paano mailalarawan ang Kapitan


Heneral?

A. mapagmataas at hindi marunong tumanggap ng pagkakamali


B. maituturing na pinakamataas at pinakamakapangyarihan sa
bansa

Provincial Capitol Compound, Brgy. Guinhawa, City of Malolos, Bulacan


website: https://bulacandeped.com email. bulacan@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
C. may konsensyang handang umusig at humatol sa kaniyang
nasasakupan
D. makapangyarihan at tinitingala ng mga mahihirap niyang
kababayanan

17. Ano ang sinisimbolo ng salitang konsensya sa pahayag?


A. posisyon sa lipunan
B. panuntunan sa pamamahala
C. paniniwala at prinsipyo sa mga bagay-bagay
D. pagpapahayag ng damdamin tungkol sa mga nagaganap sa
paligid

18. “Itago ka nawa ng kalikasan kailanman, kasama ng perlas


at korales ng kanyang walang hanggang dagat,” winika ni Padre
Florentino. Ano ang nais ipahiwatig ng pahayag?
A. Magamit nawa sa tama ang mga alahas ni Simoun.
B. Nawa’y walang makakita sa mga kayamanan upang walang
mapahamak.
C. Sana’y malimot na ni Simoun ang mga karanasang nagtulak sa
kanya upang maghiganti.
D. Nawa’y maibaon sa ilalim ng dagat ang mga lihim na matagal
itinago ni Simoun upang matigil na ang kasamaan.

Para sa bilang 19 at 20

“Kamatayan o kinabukasan! Sa amin o sa gobyerno? Sa iyong


bansa o sa mga nang-aapi sa iyo?” tanong ni Simoun.

19. Anong pag-uugali ni Simoun ang masasalamin sa kanyang


pahayag?

A. masunurin
B. matapang
C. mapaghiganti
D. mapagmataas

Provincial Capitol Compound, Brgy. Guinhawa, City of Malolos, Bulacan


website: https://bulacandeped.com email. bulacan@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
20. Bakit sinabi ni Simoun kay Basilio ang ganoong pahayag?

A. hikayatin si Basilio na sumama sa gagawin niyang paghihiganti


B. mapatunayan kay Basilio na siya ay lubhang makapangyarihan
C. maipaalala kay Basilio ang mga kalunos-lunos niyang
karanasan
D. maipabatid sa lahat ang kanyang pagbabalik bilang si Simoun

Para sa bilang 21-25

Panuto: Isulat ang sumusunod na letra:

A- kung ang mga tagpo o paglalarawan ay tumatalakay sa


iisang kabanata
B- kung ang mga tagpo o paglalarawan ay tumatalakay sa
magkaibang kabanata
C- kung ang mga tagpo o paglalarawan ay kapwa hindi
nabibilang sa iisang kabanata
D- kung ang mga tagpo o paglalarawan ay hindi binanggit o
naganap sa nobelang El Filibusterismo

21. Dahil sa hindi magandang takbo at kalagayan ng Bapor


Tabo ay napag-usapan ang pagpapalalim ng Ilog Pasig.

Mungkahi ni Don Custodio na mag-alaga ng itik o pato. Sa


pamamagitan ng paghahanap ng makakaing suso
mapapalalim ang ilog.

22. Labintatlong taon na ang nakalipas nang papilay-pilay


niyang hinabol ang kanyang baliw na ina sa lugar na iyon.

Nangatog si Basilio nang mabanagaan niya ang mukha ni


Simoun; ang estraherong tumulong sa kanyang paghuhukay
sa libingan ng ina labintatlong taon na ang nakalipas.

23. Masikip ang ilalim ng kubyerta. Naroon ang dalawang


estudyante na sina Basilio at Isagani. Kausap nila si
Kapitan Basilio.

Sinabi ng kapitan na may isa pang alamat na ukol kay


Donya Geronima. Si Padre Florentino ang nagkwento nito.

Provincial Capitol Compound, Brgy. Guinhawa, City of Malolos, Bulacan


website: https://bulacandeped.com email. bulacan@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
24. Ang balita tungkol sa pagkakadakip kay Kabesang Tales ay
kumalat sa bayan. Ang ilan ay naawa, ang ilan ay nagkibit-
balikat.

Si Padre Clemente, ang katiwala ng korporasyon ng mga pari


na siyang nagsumbong ukol sa baril ni Kabesang Tales ay
nagkibit din ng balikat.

25. Si Padre Million ang guro sa Pisika. Hindi niya


pinaniniwalaan na bilog ang daigdig at ito ay umiikot sa
ararw.

Si Placido Peninente ay isa sa pinakamatalino sa kanilang


bayan. Pinakamahusay siya sa Latin at sa debate.

Para sa bilang 26 at 27

“Ang karangalang pagliligtas sa isang bayan ay hindi


kakamtin ng isang nakatulong sa pagpapahirap sa kanya!
Inakala ninyong ang dinungisan at sinira ng pagkakasala at
kasamaan ay mangyayaring mailigtas na rin sa kasamaan.
Kamalian.” – Padre Florentino

26. Ano ang nais sabihin ni Padre Florentino sa kanyang pahayag?


A. Kailanman ay hindi magtatagumpay ang kasamaan.
B. Ang pagtatanim ng galit sa kapwa ay magdudulot ng
kapahamakan.
C. Ang isang pagkakamali ay hindi maitatama kailanman ng isa
pang pagkakamali.
D. Sa bawat pagkabigo, matutong lumaban nang patas at sa
paraang marangal.

27. Paano mailalarawan si Padre Florentino batay sa kaniyang


sinabi?
A. may matibay na paninindigan at prinsipyo
B. mapagpatawad sa mga taong nakagagawa ng kamalian
C. may paggalang at mapagmahal sa mga taong kanyang
pinahahalagahan
D. marangal at malinis ang kalooban

Provincial Capitol Compound, Brgy. Guinhawa, City of Malolos, Bulacan


website: https://bulacandeped.com email. bulacan@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
28. Paano ipinakilala ang tauhang si Donya Victorina sa nobelang
EL Filibusterismo?
A. sumakay sa bapor upang magtungo sa Laguna
B. madalas sa mga kasiyahan at pagtitipon kasama ang mga
mayayaman
C. mahilig maglagay ng kolorete sa mukha at lubos na iniidolo
ang mga Kastila
D. mabuting asawa ngunit mas pinahahalagahan ang sasabihin
ng ibang tao

29. Anong karanasan ni Basilio ang maaaring nagaganap sa mga


kabataan ngayon?

A. pangungulila sa isang mapagmahal na ina


B. pagkakaroon ng tunay at maaasahang kabigan
C. pag-usbong ng tiwala sa sariling kalakasan at kahinaan
D. lahat ng nabanggit

30. Alin sa sumusunod ang nagsasaad ng taliwas na katangian ni


Kabesang Tales?

A. umayon sa mga plano ni Simoun na pag-aaklas


B. mula sa pagiging matuwid na tao tungo sa isang tulisan na
lumalaban sa mga panuntunan
C. maalam sa pamamalakad sa mga lupain, kaya’t naging
gahaman
D. may malalim na paninindigan at prinsipyo sa mga bagay na
nangyayari sa kanyang paligid

31. Malapit na ang araw at sa pagbubukang- liwayway ay ako na


rin ang magbabalita sa inyo. Sa pahayag na ito, nakikita ni
Simoun na ______.

A. magiging malaya ang bansa


B. magbabago na siya ng pasya
C. tutulungan niya si Basilio
D. mamamatay na siya

32. Nagdalamhati si Huli nang malaman niya ang nangyari kay


Basilio dahil ____.

Provincial Capitol Compound, Brgy. Guinhawa, City of Malolos, Bulacan


website: https://bulacandeped.com email. bulacan@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
A. Hindi na nito matutupad ang kanyang pangarap.
B. Maaaring siya ay makulong nang matagal.
C. Baba ang kanyang mga marka sa pag-aaral.
D. Hindi na sila magkikita pa.

33. Ayon sa mga Indiyo, ang demonyong ayaw hiwalayan ni


Simoun ay_________.

A. ang mayamang mangangalakal


B. ang mga taong bayan
C. ang Kapitan-Heneral
D. si Basilio

Para sa bilang 34 at 35

“Ibibigay niya ang kanyang lupa sa unang taong dumilig sa alabok


nito ng dugong umaagos sa kanyang mga ugat.

34. Alin sa sumusunod ang katotohanang makapagpapatunay sa


Pahayag sa itaas?
A. Ang taong nagigipit sa patalim kumakapit.
B. Matindi ang pagpapahalaga ng mga Pilipino sa kanilang
yaman.
C. Hindi isinasantabi ng mga Pilipino ang usapin sa mga
lupang pilit kinukuha sa kanila.
D. Ang lupa ang siyang buhay at kamatayan ng isang Pilipino
noong panahon ng Kastila.

35. Alin sa sumusunod ang maaaring iugnay sa kahulugan ng


pahayag?
A. Walang mang-aalipin, kung walang magpapaalipin.
B. Ang tao ay hindi nabubuhay ng dahil sa sarili lamang.
C. Walang propeta ang kinikilala sa kanyang sariling bayan.
D. Ang karanasan ng tao ay repleksyon ng kanyang lipunan.

36. “Pareho tayong uhaw sa katarungan kaya’t sa halip na


magpatayan ay nararapat lamang na tayo’y magtulungan.”
Anong damdamin ang naghari sa pagkatao ni Simoun ang
lumutang sa paghaharap nila ni Basilio?

Provincial Capitol Compound, Brgy. Guinhawa, City of Malolos, Bulacan


website: https://bulacandeped.com email. bulacan@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
A. Pangamba na maaaring isiwalat ni Basilio ang kanyang
lihim.
B. Pangungulila sa isang kaibigang matagal na niyang hindi
nakikita.
C. Pagkamuhi dahil batid niyang nagtagumpay si Basilio sa
kanyang buhay.
D. Pag-asa sa pamamagitan ni Basilio ay magkakaroon siya
ng kakampi sa kanyang plano.

37. “Basilio, ang natuklasan mong lihim ay maaari kong


ikasawi at maaari ring ikabigo ng aking mithiin.” Alin sa
sumusunod na kasabihan ang maaaring iugnay sa
pahayag ni Simoun?
A. Walang lihim na hindi nabubunyag.
B. Ang nagtanim ng hangin bagyo ang aanihin.
C. Ang lumakad nang matulin kung matinik ay malalim.
D. Ang tao ay hindi nabubuhay nang dahil sa sarili lamang.

Para sa bilang 38 at 39

38. Ano ang tunay na katauhan ni Simoun nang siya ay


magpakamatay?

A. Pinahina na siya ng mga naranasang pagkabigo at


pagkasira ng kanyang plano.
B. Taglay niya ang isang matapang na katangian ngunit
nababalot naman ng napakaraming kahinaan.
C. May paninindigan ngunit mas piniling talikuran ang mali
at harapin ang mga masasaklap na katotohanan.
D. Mapagmahal at tumatanaw ng utang na loob sa mga taong
tumulong sa kaniya lalo na sa kanyang plano.

39. Alin sa sumusunod ang sumisimbolo sa katangian ni


Simoun?

A. Padre Florentino - kahinaan


Paghihimagsik - kalakasan
B. lason - kahinaan
Padre Florentino - kalakasan
C. Maria Clara - kahinaan
Paghihimagsik - kalakasan
D. Kamatayan - kahinaan
Padre Florentino – kalakasan

Provincial Capitol Compound, Brgy. Guinhawa, City of Malolos, Bulacan


website: https://bulacandeped.com email. bulacan@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN

40. “Ang taong nabubuhay sa baril ay sa baril din


mamamatay.” Paano maiuugnay ang pahayag na ito sa
mga karanasan ni Simoun?

A. Ang lahat ng tao ay hahantong rin sa kamatayan.


B. Ang masamang gawain ay nagdudulot ng kapahamakan.
C. Ang makasalanan ay pahihirapan sa kanyang kamatayan.
D. Ang nabubuhay sa kasamaan, sa kasamaan rin
mamamatay.

Para sa bilang 41-50


Panuto: Tukuyin ang kaugnayan ng mga pangyayari sa nobela sa
mga pangyayari sa kasalukuyan.

41. Ang unti-unting pagkamatay ni Kapitan Tiyago

I. Ang unti-unting pagkamatay niya ay katulad din ng


unti-unting pagkasira ng Lipunang Pilipino.
II. Kalagayan ng isang taong malapit nang mamatay at
ang kalimitang ginagawa nito.
III. Mga hinaing na kailanman ay hindi kinilala at
pinagwalang bahala na lamang.
IV. Pagbibigay atensyon at pangangalaga sa mga may
sakit na di malunasan.

A. I B. II C. I at II D. III at IV

42. Ang Bapor Tabo ay nahahati sa dalawa. Sa itaas naroon


sina Simoun at mga prayle samantalang nasa ibaba
naman ang mga Indiyo.
I. Ang bawat isa ay may karapatang pumili. Maaaring
maging tama o mali.
II. Lantad pa rin ang pagkakaroon ng diskriminasyon sa
anumang aspeto ng buhay.
III. Nanatiling makapangyarihan ang nasa taas at tikom
ang bibig ng mga nasa ibaba.
IV. Mataas ang pagtingin sa mga mayayaman at napakaliit
naman sa mga kapos-palad.

A. I at II B. II at III C. I, II at III D. II, III at IV

Provincial Capitol Compound, Brgy. Guinhawa, City of Malolos, Bulacan


website: https://bulacandeped.com email. bulacan@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
43. Ang Bapor Tabo ay sumayad sa isang mababaw na putik
na di inaasahan ng sinuman.
I. Hindi mahusay ang nagpapatakbo ng bapor.
II. Ang maunlad na lipunan ay nakasalalay sa mahusay
na pamumuno.
III. Hanggang ngayon ay lugmok pa rin sa kahirapan ang
ating bansa.
IV. Mapalad ang mauunlad na lipunan kahit na ito ay
hindi perpekto.

A. I B. II C. III D. IV

44. Perya sa Quiapo


I. Matatagpuan natin ang kaligayahan sa iba’t ibang
paraan.
II. Ang buhay natin ay masyadong komplikado na tulad
ng isang tsubibo.
III. Huwag nating hayaan na pabagsakin tayo ng ating
mga kabiguan at pagkatalo.
IV. Nasa perya ang iba’t ibang uri ng tao na may
magkakaibang katayuan sa buhay.

A. I at III B. II at IV C. I at II D. III at IV

45. May mga manikang galing sa Europa na tunay na


maganda ang pagkakagawa samantalang ang mga
manikang yari sa Pilipinas ay nakatatakot at hindi
maganda ang hitsura.
I. Mas tinatangkilik natin ang mga produktong mula sa
ibang bansa kaysa sariling atin.
II. Likas sa mga Pilipino ang pagiging pihikan sa mga
bagay na nagugustuhan.
III. Ang mga Pilipino ay marunong tumanaw ng utang na
loob sa mga tao sa paligid.
IV. Lantad ang pagpapahalaga at pangangalaga sa mga
kulturang Pilipino.

A. I B. II C. III D. IV

Provincial Capitol Compound, Brgy. Guinhawa, City of Malolos, Bulacan


website: https://bulacandeped.com email. bulacan@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
46. Si Donya Victorina ay isang Indiya sa hitsura ngunit
pinipilit magmukhang Kastila sa pamamagitan ng
paglalagay ng sobrang dekorasyon, pulbos, lipstick
at kolorete sa mukha.
I. Ang dalagang Pilipina ay mayumi sa kilos at
konserbatibo sa pananamit.
II. Dulot ng mga pagbabago ang mga babae ay unti-
untinhg nakasasabay rito.
III. Natural sa isang babae ang pagiging maayos sa
kanyang pisikal na kaanyuan.
IV. Hindi masusukat sa panlabas na kaanyuan ang
halaga at dangal ng isang babae.

A. II at III B. I, III at IV C. I, II at IV D. II, III at IV

47. Nang umabot na ang buwis sa dalawang piso, hindi na


nasiyahan si Kabesang Tales. Sa gayo’y sinabi sa kanya
ng prayleng tagapangasiwa na kung hindi siya
makababayad ng gayong buwis ay ibang tao na ang
lilinang ng mga lupain.
I. Marami sa mga Pilipino ang nagmamana ng mga
lupain mula sa kanilang mga ninuno.
II. May mga batas na maaaring magparusa sa mga hindi
makababayad ng tamang buwis.
III. Ang Pilipinas ay hitik sa mga likas na yaman na
patuloy na pinauunlad at pinangangalagaan.
IV. May mga lupaing pinipilit kunin sa mga karaniwang
taong pinagkaitang ipaglaban ang kanilang
karapatan.

A. I at IV B. I at III C. II at III D. II at IV

48. Ang panlalait na ginawa ni Padre Million na isang


Propesor na Kastila kay Placido Penitente na isa
namang mag-aaral na katutubo

I. Ang bullying ay walang pinipiling edad o propesyon


na maaaring makasira sa mental na kalagayan ng
isang tao.
II. Ang paaralan at magulang ay magkatuwang sa
pagresolba sa mga isyung tungkol sa estado ng mag-
aaral.

Provincial Capitol Compound, Brgy. Guinhawa, City of Malolos, Bulacan


website: https://bulacandeped.com email. bulacan@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
III. Ang pang-aabusong berbal o pisikal man ay may
malaking epekto sa kumpyansa ng isang mag-aaral.
IV. Ang paaralan ay itinuturing na pangalawang
tahanan na gumagabay sa isipan ng mag-aaral.

A. I B. III C. I at III D. II at IV

49. Alin sa sumusunod na isyung panlipunan ang


maaaring maiugnay sa nobelang El Filibusterismo?

I. ang panig ng simbahan sa paghahalal ng mga


pinunong magsisilbi sa ating bansa.
II. ang lantarang pagkakaiba sa pagtingin at
pagturing sa isang mayaman at mahirap.
III. pagresolba sa mga isyu ng lupain na pagmamay-
ari raw ng pamahalaan
IV. paglaganap ng diskriminasyon sa iba’t ibang
aspeto ng buhay.

A. I, II at III B. I, III at IV C. II, III at IV D. I, II, III at IV

50. Paano mailalarawan si Simoun sa kasalukuyang


panahon?

I. umiibig na hahamakin ang lahat para sa pag-


ibig
II. nabubuhay sa poot, kasakiman at paghihiganti
III. mapangahas sumubok sa mga bagay-bagay
IV. mga mapanamantala sa kahinaan ng tao

A. I at II B. II at III C. II at IV D. I at IV

Provincial Capitol Compound, Brgy. Guinhawa, City of Malolos, Bulacan


website: https://bulacandeped.com email. bulacan@deped.gov.ph

You might also like