You are on page 1of 3

PILAR COLLEGE OF ZAMBOANGA CITY INC.

R.T. Lim Boulevard Zamboanga City


Basic Education Department
PAASCU Accredited Level III
A.Y. 2019-2020

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT


FILIPINO 9
Pangalan: ________________________________ Iskor:
Taon at Seksyon: __________________________ Ika- ____ ng Enero, 2020

I. TALASALITAAN.
PANUTO: Basahin at unawain ang bawat pangungusap sa ibaba. Ibigay ang kasingkahulugan at kasalungat
ng salitang nakasalungguhit sa mga pangungusap. Bilugan lamang ang titik ng tamang sagot.

A. Ibigay ang kasingkahulugan ng mga salitang nakasalungguhit sa pangungusap.


1. Malumanay niyang kinausap ang kanyang kaaway.
a. Malungkot b. Maayos c. Marahan d. Mabagal
2. Kanya lamang itinatwa ang damdamin niya sa kanyang iniirog.
a. Ikinatuwa b. Ikinanalungkot c. Ipinagmalaki d. Itinanggi
3. Tila isang kakatwang pangyayari ang kanilang nadatnan sa plaza.
a. Kakaiba b. Nakamamangha c. Nakatatakot d. Nakagugulat
4. Katangi-tangi ang kaugaliang dapat taglayin ng isang taong nais maging huwaran.
a. Pinuno b. Modelo c. Guro d. Prayle
5. Oras na upang ilabas ang mga pagkaing ating naimpok para sa tag-ulan.
a. Naipon b. Nabili c. Nailuto d. Naitago

B. Ibigay ang kasalungat ng mga salitang nakasalungguhit sa pangungusap.


6. Hindi naman nila ginustong masimot ang kanilang perang naipon.
a. Maubos b. Madagdagan c. Manakaw d. Mapuno
7. Isang marusing na bata ang aming nakasalubong sa mall kaninang umaga.
a. Maarte b. Mayaman c. Malinis d. Marumi
8. Mapapansin ang balingkinitang katawan ng dalagitang panauhin namin.
a. Maputi b. Mayat c. Makurba d. Mataba
9. Sinita ng mga guwardiya sibil ang isang binatang kahina-hinala.
a. Binalewala b. Pinansin c. Binaril d. Dinaanan
10. Hindi maitatanggi na siya ay may dalisay na kalooban.
a. Tapat b. Malinis c. Masama d. Mapanibugho

II. MARAMIHANG PAGPIPILIAN.


PANUTO: Basahin at unawain ang bawat aytem sa ibaba. Bilugan lamang ang titik ng tamang sagot.

11. Ang buong pangalan ni Rizal ay..


a. Jose Rizal Mercado y Alonzo Realonda
b. Jose Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda
c. Jose Protacio Rizal Mercado Alonzo y Realonda
d. Jose Protacio Rizal y Mercado Alonzo Realonda
12. Siya ang tinaguriang unang guro ni Rizal
a. G. Claveria b. G. Justiniano c. Gng. Teodora d. Gng. Asuncion
13. Ito ang terminolohiyang ibinigay ng mga kastila sa mga Pilipino.
a. Mangmang b. Suwail c. Indio d. Erehe
14. Natakot siya nang Makita si Crisostomo kasama ni Kapitan Tiyago.
a. G. Laruja b. Padre Salvi c. Padre Damaso d. Padre Sibyla
15. Ito ang dahilan ng pagkamatay ng ama ni Crisostomo.
a. Nabagok ang ulo ng ama niya nang ito ay may nakaaaway.
b. Siya ay natake sa puso habang nakikipagtalo kay Padre Damaso.
c. Siya ay nagkasakit sa loob ng bilangguan.
d. Pinatawan ng iba’t ibang kaso.
16. Itinuring siya ng marami na pinagpala ng Diyos, malakas na gobyerno at kasundo ng mga tao.
a. Padre Damaso b. Crisostomo Ibarra c. Rafael Ibarra d. Kapitan Tiyago

Filipino 9 | 1/3
17. Ano ang dahilang ng pag-aaral ni Ibarra sa Europa?
a. Maging isang magaling na manggagamot.
b. Matupag ang pangarap ng ama niyang mag-aral siya sa ibang bansa.
c. Matuto ng iba pang wika at paraan ng pamumuhay.
d. Higit pang matulungan ang Inang Bayan sa kanyang pagbabalik.
18. Nang paalis na sina Maria Clara at Tiya Isabel papauntang Beateryo ay siya namang pagdating ng
taong ito upang kausapin si Kapitan Tiyago.
a. Padre Damaso b. Kapitan-Heneral c. Crisostomo Ibarra d. Tinyente Guevarra
19. Siya ang nag-utos na ilipat ang bangkay ng isang tao sa sementeryo ng mga Intsik.
a. Kapitan-Heneral b. Kurang Malaki c. Tandang Tasyo d. Matandang Prayle

20. Anong pangyayari ang hinihintay ni Pilosopong Tasyo?


a. Pagbagsak ng pamahalaan ng mga Espanyol
b. Pagbabalik ni Ibarra mula sa Europa
c. Kanyang paghihiganti laban sa mga Espanyol
d. Pagdating ng isang malakas na unos

III. BINAGONG TAMA O MALI.


PANUTO: Suriin at unawain ang bawat pahayag upang malaman kung ito ay TAMA o MALI. Isulat ang
salitang TAMA kung ang pahayag ay wasto. Kung mali, salungguhitan ang salita, parirala o sugnay na
nagpapamali rito at isulat ang tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

__________________21. Natanggap ni Rizal sa Ateneo Municipal de Manila ang karangalang sobresaliente.


__________________22. Sinasagisag ni Crispin ang mga walang malay at inosente sa lipunan.
__________________23. Bali-balita sa kalakhang Maynila ang pistang hinanda ni Kapitan Tiyago.
__________________24. Tuwang-tuwa ang Tinyente nang makitang si Crisostomo ang dumating.
__________________25. Ikaw ay tatawaging Erehe kung sumusuway ka sa mga kautusang itinatakda ng
simbahang katoliko.
__________________26. Yumaman si Kapitan Tiyago dahil sa pagsasaka nila ni Pia Alba.
__________________27. Dinukot ni Maria Clara ang liham pag-ibig mula kay Ibarra.
___________________ 28. Nagtungo si Padre Sibyla sa kumbento ng mga Dominiko upang kausapin ang matandang
pari.

IV. PECS TABLE (Problema, Epekto, Sanhi, Solusyon).


PANUTO: Magbigay ng 5 suliranin o problema mula sa nobelang Noli
me Tangere, epekto nito, sanhi ng problema at sariling solusyon.

PROBLEMA EPEKTO SANHI SOLUSYON


29. 30. 31. 32.

33. 34. 35. 36.

Filipino 9 | 2/3
37. 38. 39. 40.

41. 42. 43. 44.

45. 46. 47. 48.

V. PAGPAPALIWANAG.
PANUTO: Basahin at sagutin ang tanong sa ibaba.
(Nilalaman-2, Organisasyon-2, Mekaniks-2 = 6 Puntos)

49-50. Magbigay ng dalawang dahilan kung bakit kailangang pag-aralan at ituro sa paaralan ang nobelang Noli me Tangere.
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________

“Maari ba kitang malimot?


Maaari ko bang limutin ang isang sumpa?
Minahal mo si Ina at minahal ka niyang parang tunay na anak.
Sumumpa ako sa harap ng kaniyang bangkay na kita’y paliligayahin
maging ano man ang kapalarang idulot sa akin.
Ngayon ay inuulit kong muli sa iyo ang sumpang iyon”
wika ni Crisostomo sa kanyang sintang si Maria

Inihanda ni:

Bb. Donna Kimberly Manuel

Filipino 9 | 3/3

You might also like