You are on page 1of 3

;Kagawaran ng Edukasyon

Salvation National High School


Salvation, Pilar Sorsogon

Ikaapat na Panahunang Pagsusulit sa Filipino 9

Pangalan: _______________________ Baitang at Seksyon: _________________Petsa:___________Iskor:

“Bago sagutan, makailang beses munang pag-isipan.” 

I.

Panuto: Isulat ang letra ng kasingkahulugang salita sa patlang.

1. Erehe a. Umalis
2. Filibustero b. Ikatutuwa
3. Tumalilis c. Taong sumusuway sa patakaran ng Simbahan
4. Padaskol d. Isang uri ng panlilibak upang ipakita ang kababaang uri ng isang lahi.
5. Indio e. Maikaila
6. Maitatwa f. Sakim
7. Namangha g. Mahirap
8. Ganid h. Taong sumusuway sa patakaran ng Pamahalaan
9. Maralita i. Nagulat
10. Ikalulugod j. Padabog

II.

Panuto: Punan ang patlang ng tamang sagot.

11. Si Kapitan Tiyago ay nagdaos ng isang _______ sa kanyang bahay sa may Anloague.
12. Natigilan si Padre Damaso nang makita ang binatang kasama ni Kapitan Tiyago na si _________.
13. Si Ibarra ay nanatili sa Ibang bansa sa loob ng _______taon.
14. “Sana’y di mo sapitin ang nangyari sa iyong ama” sambit ni ___________kay G. Ibarra.
15. “Crisostomo! Crisostomo! Nauulinigan pa ni Crisostomo ang tinig ni ______________ sa
kanyang panaginip.
16. Isang _____________ ang iniwan ni Ibarra kay Maria Clara na iningatan at itinago nito bilang
alaala.
17. _______________ang inilagay ng dalaga sa loob ng sombrero ng binata upang hindi ito sakitan
ng ulo dahil sa mainit na panahon na kanya ring iningatan bilang alaala sa dalaga.
18. Marami ang suliranin na kinakaharap ng guro sa San Diego at isa na rito ang ____________.
19. Si ___________ang nilapitan ni Ibarra upang humingi ng payo tungkol sa plano niyang paaralan.
20. Dahil kay __________ay nakaligtas sa tiyak na kapahamakan si Ibarra sa kamay ng sinasabing
madilaw na tao.

III.

21. Ano ang buong pangalan ni Jose Rizal?


a. Jose Protacio Rizal Mercado Y Alonzo Realonda
b. Jose Rizal Protacio Mercado Y Alejandro Realonda
c. Jose Protacio Alejandrino Mercado Y Rizal Realonda
d. Jose Rizal Alejandrino Mercado Y Realonda

22. Kailan siya ipinanganak?


a. Hunyo 12, 1860 c. Hunyo 19, 1861
b. Hulyo 19, 1861 d. Hulyo 12, 1860
23. Bakit nagpahiram ng pera si Maximo Viola kay Rizal?
a. Upang ipambayad kay Paciano
b. Upang ibili ng papel na susulatan
c. Upang magamit sa pampalimbag ng nobela
d. Upang may magastos sa Madrid Espaῆa

24. Bakit nag-aagawan sa kabisera ang dalawang pari?


a. Dahil ito ay pinakamagandang upuan
b. Dahil ito ay ang upuan ng mga makapangyarihan sa lipunan
c. Dahil dito nakaupo ang mayayaman
d. Dahil ito ay ang upuan ng mga panauhing pandangal

25.Bakit nag-usap ang magkasintahan sa may asotea (Maria Clara at Ibarra)?


a. Upang pag-usapan ang tungkol sa gagawing paghimagsik
b. Upang pag-usapan ang kanilang hinaharap kung saan sila ay magpapakasal.
c. Upang pag-usapan ang kanilang mga nakaraan kung saan ay ang kanilang mga ala-ala noong
kabataan na nagiging sandigan ng kanilang pag-iibigan
d. Upang ikuwento ni Ibarra ang sinapit niya sa Europa.

26. Alin sa sumusunod ang hindi naglalarawan sa katangian ni Kapitan Tiyago?


a. Mas batang tingnan kaysa sa tunay na edad
b. Pandak, mataba at kayumanggi ang kulay
c. Maliliit ang mata at kulot ang buhok
d. Matangkad at palabati sa mga Pilipino

27. Alin sa mga sumusunod ang nag-akyat ng limpak-limpak na salapi sa kamay ni Kapitan Tiyago?
a. Pagsusugal sa sabong
b. Pagtutulak ng opyo
c. Pagbebenta ng lupa
d. Lahat na nabanggit

28. Siya ay ang lalaki na ipinakilala ni Kapitan Tiyago sa isang bulwahgan na nakasuot ng
pangluksang damit?
a. Juan Crisostomo Ibarra c. Padre Damaso
b. Ibarra d. Basilio

29. Ang Noli Me Tangere ay inialay sa ___________


a. GOMBURZA c. Pamilya
b. Kasintahan d. Inang Bayan

30. Ang salitang panlibak ng mga Espanyol sa mga Pilipino ay _______


a. Mangmang c. Erehe
b. Tamad d. Indiyo

31. Isa itong uri ng makina na walong metro ang taas at tinutukuran ng apat na malalaking troso na
pinagkabit-kabit sa tuktok ng malalaking pako. Ginagamit itong pambuhat ng mabibigat na
bagay.
a. Telegrama c. Panghugos
b. Agnos d. Onsa

32. Ang mga tauhang nilikha ni Rizal sa kanyang nobela ay may kaugnayan sa kanyang buhay. Sino
sa mga tauhan ang kumakatawan sa kanyang kapatid na si Paciano na madalas niyang hingan ng
payo?
a. Don Rafael Ibarra c. Pilosopo Tasyo
b. Kapitan Tiyago d. Tinyente Guevarra
IV.
Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari (33-40)
33. Iniligtas ni Ibarra si Elias.
34. Hiniling na umawit si Maria Clara.
35. Napag-alamang may buwaya sa baklad.
36. Ipinagtapat ni Maria Clara di pa raw siya nakakakita ng buhay na buwaya.
37. Naglabasan ang mga dalaga sa mga kalye ng bayan na hawak ang mga sulo.
38. Tuwang-tuwa ang mga kababaihan nang makita ang pinagkabit na Bangka sa dalampasigan.
39. Tumahimik ang mga dalaga nang maramdamang papalapit ang mga binatang tumugtog ng
gitara.
40. Kaagad tumalon sa tubig si Elias upang punatahan ang buwaya sa baklad.

V.

41-45 Ano kaya ang naging bunga ng nobelang ito sa mga nakabasang Pilipino noong panahon ni
Rizal? Ipaliwanag.

46-50 Ano-ano ang itinuturong mga aral para sa mga Pilipino ngayon? Ipaliwanag.

VI.
51-60
Ano ang kahulugan ng “Noli Me Tangere” at ano ang dahilan kung bakit ito nailathala?

You might also like