You are on page 1of 4

v Holy Family School of Quezon City, Inc.

SIERVAS DE SAN JOSE CENTER OF EDUCATION


#66 Maginhawa Street, U.P. Village, Quezon City 1101
Telefax: 9216274 / 9203733 / 9261930
Blg. sa klase:
FILIPINO 9 – Aralin 1 Iskor:
Ikaapat na Markahan
Ikalawang Mahabang Lagumang Pagsusulit

Pangalan: ______________________________ Petsa: _____________ Baitang at Pangkat: ______________

I. Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Sa unang kabanata ng Noli Me Tangere na pinamagatang “Isang Handaan,” ano ang positibo at negatibong
kaugaliang Pilipino ang ipinakikita dito?

A. Ang pagiging hindi mapili ng mga Pilipino sa pagkain at pagiging magastos sa pagkain.
B. Ang pagiging mainit ang pagtanggap ng mga Pilipino sa mga bisita at pagpunta sa mga handaan na hindi naman
imbitado.
C. Ang pagiging mabait ng mga Pilipino sa bisita at pamamahiya sa mga hindi naman imbitado.
D. Ang pagiging masagana ng mga Pilipio sa pagkain at pagsasayang sa mga sobra sobrang handaan.

2. Sa ikatlong kabanata ng Noli Me Tangere na pinamagatang “Ang Hapunan,” ano ang sinisimbolo ng kabiserang
pinagbibigayan ni Padre Sibyla at Padre Damaso?

A. Ang pinakamagandang pwesto sa hapagkainan.


B. Ang posisyon o kapangyarihan sa pamahalaan
C. Ang posisyon o kapangyarihan sa simbahan
D. Ang pinakamaraming pagkain sa handaan

3. Sa una at ikalawang kabanata ng Noli Me Tangere, ano ang ibig ipakita ni Rizal sa pagtatalo o initan ng mga Prayle at
ng Tenyete sa kanilang pagkikita?

A. Ipinakikita nito na noon pa man ay magkakasundo na ang mga Prayle at Tenyente sa bansa.
B. Ipinakikita nito na noon pa man ay magkakaaway na ang mga prayle at tenyete sa bansa.
C. Ipinakikita nito na noon pa man ay magkahiwalay na ang pamahalaan at simbahan at hindi ito maaaring pag-isahin.
D. Ipinakikita nito na noon pa man ay magkasama ang mga desisyon ng pamahalaan at simbahan sa ating bansa.

4. Sa ikalawang kabanata ng Noli Me Tangere ay ipinakilala ni Kapitan Tiyago ang isang binata na nagmula sa Europa,
sino siya?

A. Crispin
B. Basilio
C. Anastacio
D. Crisostomo

5. Sa ikalawang kabanata ng Noli Me Tangere, bakit gulat na gulat si Padre Damaso sa pagdating ng isang bisita?
A. Dahil inaasahan niya ito at siya ay natutuwa sa pagdating.
B. Dahil hindi niya ito inaasahan at siya’y nalulungkot.
C. Dahil hindi niya ito inaasahan at siya ay mayroong kasalanan dito.
D. Dahil inaasahan niya ito at gusto niyang humingi ng tawad sa kasalanan niya.

6. Sa ikaapat na kabanata ay natuklasan ni Ibarra mula kay Tenyente Guevarra na ang kaniyang ama na si Don Rafael
Ibarra ay namatay sa bilangguan nang walang katarungan dahil sa ipinaratang sa kaniya na pagiging erehe. Ano ang
kahulugan ng erehe?
1|HAGN
A. tumutuligsa o kalaban ng simbahan
B. tumutuligsa o kalaban ng pamahalaan
C. Kristiyano na hindi gumagawa ng mga gawaing Kristiyano
D. Kawani ng pamahalaan na hindi gumagawa ng mga gawaing pampamahalaan

7. Maliban sa pagiging erehe ay pinaratangan din siya bilang subersibo, ano ang kahulugan nito?

A. tumutuligsa o kalaban ng simbahan


B. tumutuligsa o kalaban ng pamahalaan
C. Kristiyano na hindi gumagawa ng mga gawaing Kristiyano
D. Kawani ng pamahalaan na hindi gumagawa ng mga gawaing pampamahalaan

8. Sa ikaapat na kabanata rin pinaratangan ng sedisyon si Don Rafael Ibarra, ang sedisyon ay ang kilos o gawaing
naghihkayat ng rebelyon na maaring laban sa pamahalaan o kaya ay simbahan, ano naman ang kongkretong
halimbawa ng sedisyon sa kasalukuyan?

A. Ang mga paring tumutuligsa sa pamahalaan


B. Ang mga kawani ng gobyerno na tumutuligsa sa simbahan
C. Ang mga aktibista na nagsasagawa ng rally para tumuligsa sa maling pamahalaan
D. Ang mga kabataan na nagsasagawa ng pang- boboycot sa kanilang mga gawain

9. Sa ikaapat na Kabanata pa rin ay mayroong abogadong tumanggi na humawak ng kaso ni Don Rafael Ibarra, kahit na
siya ay sinasabing pinakamahusay sa kanilang lugar, ano ang ibig ipakita ni Rizal dito?

A. Ipinakikita rito na tamad ang ilan sa mga mahuhusay na abogado ng bansa.


B. Ipinakikita rito na takot ang abogado sa pagtanggi niya dahil ang kalaban ay Espanyol.
C. Ipinakikita rito na ang mga Pilipino noon ay kahit na mahusay ay malaki ang takot sa mga Espanyol.
D. Ipinakikita rito na ang katarungan noon ay nakabatay sa iyong mga nakakalaban at mga may kapangyarihan.

10. Sa ikalimang kabanata ng Noli Me Tangere ay ipinakita kay Ibarra ang dalawang imahen sa karimlan. Ano ang
dalawang imahen na ito?

A. Isang bituin at bilog na buwan


B. Isang bituin at malaking ulap
C. Ang kaniyang ama na nasa bilangguan at si Maria Clara
D. Ang kaniyang ama na masaya at ang mapanlait na si Padre Damaso

11. Ano ang mga kahulugan ng dalawang imahen na nakita ni Ibarra sa karimlan?

A. Maganda ang panahon at hindi uulan


B. Ang panghihinayang ni Ibarra na umalis pa siya sa bansa kaya siya ay nangulila sa ama at kay Maria Clara
C. Ang pagsisisi ni Ibarra na iniwan niya ang ama at paghihirap nito sa bilangguan at ang pangungulila sa kababata at
kasintahan na si Maria Clara.
D. Ang pagkalungkot niya na makitang masaya ang ama ngunit pagbalik ay patay na at pagkamuhi kay Padre Damaso.

12. Bakit binansagan si Kapitan Tiyago na Sakristan Tiyago ng kaniyang mga kapitbahay?

A. Dahil siya ay naging sakristan noong bata pa lamang siya.


B. Dahil siya ay patuloy na naglilingkod sa mga prayle at simbahan.
C. Dahil siya ay nagbabayad ng mga tao upang magrosaryo at magdasal sa mga santo.
D. Dahil siya ay nagbabayad ng mga tao upang magrosaryo, magbayad sa mga santo at patuloy na sunod-sunuran sa
mga prayle.

13. Matagal nang pinangarap ni Kapitan Tiyago at Pia Alba na magkaroon ng anak, ngunit nang bigyan sila ng anak ay
bakit labis ang kalungkutan ni Pia Alba na siyang pang dahilan nang pagkamatay niya?

A. Dahil ang nais na maging anak ni Kapitan Tiyago at Pia Alba ay isang lalaki.
B. Dahil sa isang kasalanan na nagawa ni Pia Alba at hindi niya ito matanggap.
2|HAGN
C. Dahil hindi siya hinayaan na sumayaw ni KApitan Tiyago sa Obando upang humingi nang anak.
D. Dahil sa katotohanan na hindi kayang makapagbigay ng anak ni Kapitan Tiyago kaya siya ay labis na nalungkot.

14. Mula sa liham ni Ibarra na tinuran ng kaniyang ama, ano ang itinuturo ng mga linyang ito “Kung mamamalagi ka sa
piling ko, sa pamumuhay na itong puno ng ulap, ay hindi ka matututong tumanaw sa malayo…”
A. Itinuturo nito na hindi ka mabubuhay nang malaya kapag kasama mo palagi ang iyong mga magulang.
B. Itinuturo nito na habang bata pa ay dapat matuto tayong tumayo sa sarili nating mga paa at maging responsable sa
buhay.
C. Itinuturo nito na habang bata pa ay matuto tayong maglakbay at pumunta sa iba’t ibang bansa upang umunlad ang
ating buhay.
D. Itinuturo nito na ang palagiang pagtira at pagsama sa magulang ay hindi nakabubuti sa atin lalo na at tayo ay bata pa.

15. Mula muli sa liham ni Ibarra, ano ang ibig ipakita ni Rizal sa mga linyang Ikaw ay lalaki, dapat mong alalahanin ang
panahong darating at ang iyong mga kautangan. Dapat mong pag-aralan ang kabatiran sa pamumuhay, bagay na
hindi maidudulot sa iyo ng iyong tinubuan?”

A. Ang kawalang tiwala ni Rizal sa edukasyon na ibinibigay ng mga Kastila sa ating bansa.
B. Ang kawalang pakialam ni Rizal sa edukasyon na mayroon ang kaniyang mga kababayan.
C. Ang kawalang tiwala ni Rizal sa pamamahala ng mga tenyente sa gobyernong Kastila.
D. Ang kawalang pakialam ni Rizal sa pamamahala ng mga prayle sa simbahan sa bansa.

16. Sa kabanata VII na pinamagatang “Mga Alaala,” ano ang ibig ipakita ni Rizal sa kalagayan ng Pilipinas?

A. Ang patuloy na pag-unlad ng mga Kastila sa bansang Pilipinas.


B. Ang patuloy na pag-unlad ng bansa sa kamay ng mga Pilipinas.
C. Ang repleksyon ng kawalang kaunlaran ng Pilipinas sa kamay ng mga Kastila.
D. Ang repleksyon ng kawalang kaunlaran ng mga Kastila sa bansang Pilipinas

17. Sa Kabanata IX na pinamagatang “Iba’t ibang Pangyayari,” anong katangian ni Kapitan Tiyago ang ipinakita nang
yumuko lamang siya at sumunod sa utos ni Padre Damaso,?

A. Ipinakikita dito ang katangian ng mga Pilipino na patuloy na nagiging sunod-sunuran sa mga Kastila.
B. Ipinakikita dito ang katangian ng mga Pilipino na pagiging masunurin.
C. Ipinakikita dito ang katangian ng mga Pilipino na pagiging magalang sa mga mas nakatataas.
D. Ipinakikita dito ang katangian ng mga Pilipino na pagiging masunurin at magalang sa mga mas nakatatanda.

18-20. Mula sa kabanatang pinamagatan na “Ang San Diego,” ipinakita ang puno ng angkan ni Crisostomo Ibarra.
Punan ng angkop na sagot ang mga patlang.

Kastilang Matatas Managalog Isang Pilipina o


Don Pedro Eibarramedia 18. _____________

Isang Babaing taga-Maynila


19. ______________________

Don Rafael Ibarra Isang Pilipinang ang apelyido’y


Magsalin

20._____________________
21. Sino-sino ang mga kasiki o makapangyarihan sa bayan ng San Diego?

A. Sina Don Rafael at Kapitan Tiyago


B. Sina Padre Salvi at Padre Damaso
C. Ang Alperes at si Padre Damaso
3|HAGN
D. Ang Tenyente ng Bayan at Donya Consolacion

22. Sa kabanata 12, may dalawang sepulturero ang nag-uusap tungkol sa isang bangkay na pinahukay, sino ang
bangkay na tinutukoy sa usapan?

A. Ang asawa ni Pilosopo Tasyo


B. Ang ina ni Crisostomo Ibarra
C. Si Don Rafael Ibarra
D. Si Pia Alba

23. Ano ang kahalagahan ng pangyayari sa Kabanata 13, na pinamagatang Hudyat ng Unos?

A. Dito na ang umpisa o hudyat ng isang mainit na labanan sa pagitan ng mga Pilipino at Kastila.
B. Dito na ang hudyat ng isang paparating na malakas na bagyo sa bayan ng San Diego.
C. Ito na ang hudyat ng isang paparating na digmaan sa pagitan ng mga pari at kawani ng gobyerno.
D. Ito na ang hudyat ng pagkakaroon ng isip ng mga Pilipino upang maghimagsik laban sa mga Kastilang mapang-
api.

24. Ang tawag ng mga nakapag-aral kay Don Anastacio ay Pilosopo Tasyo, samantalang ang mga walang pinag-aralan
ay Tasyong Baliw, ano ang dahilan nito?

A. Tinatawag siyang baliw dahil hindi nila maunawaan ang katalinuhan ni Pilosopo Tasyo.
B. Tinatawag siyang baliw dahil wala na siyang ibang ginawa kund magbasa ng mga aklat.
C. Tinatawag siyang baliw dahil pagala-gala na lamang siya sa libingan ng mga patay.
D. Tinatawag siyang baliw dahil naiinggit sila sa katalinuhan ni Don Anastacio.

25. Ang Kabanata 15 ay tungkol sa magkapatid na Sakristan, ano- anong katiwalian sa pamahalaang Kastila ang
ipinakikita rito?
A. Child labor
B. Sapilitang pagtatrabaho
C. Pang-aabuso sa kabataan
D. Lahat ng nabanggit

4|HAGN

You might also like