You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Region VI-Western Visayas


Department of Education
Division of Bacolod City
CABUG NATIONAL HIGH SCHOOL
Ikaapat na Markahang Pagsusulit
Filipino 9

I.Panuto: Basahin at Unawain ang mga sumusunod.Titik lamang ang isulat.


1.Ano ang ibig sabihin ng Noli Me Tangere?
a.Ang Paghihiganti c. Erehe at Pilibustero
b.Huwag mo akong salingin d.Huwag mo akong lapitan
2. Ano ang inilarawan ni Rizal sa kanyang nobela?
a.ang kanyang personal na buhay.
b.Ang kaniyang buhay pag-ibig
c.Ang pagmamahal niya sa Espanya
d.Kalagayang panlipunan ng sambayanang Pilipino
3.Bakit malaki ang naging impluwensya ng Uncle Tom’s cabin sa pagsulat ni Rizal ng Noli me
Tangere?
a.Idolo niya ang sumulat nito
b.Humanga siya sa pagkakabuo ng akda
c.Matagal siyang namalagi sa bansang pinagmulan nito
d.Naglalarawan ito ng kaawa-awang kalagaayan ng mga Negro.
4.Anong taon sinimulan ang pagsulat ng ng unang bahagi nobelang Noli Me Tangere?
a.1883 b.1885 c.1884 d.1886
5.Kailan natapos ang Nobela?
a.April 5, 1886
b.Pebrero 21,1887
c.Pebrero 21, 1886
d.Marso 20, 1887
II.Tukuyin ang nakatagong kahulugan ng mga salitang may salungguhit.Isulat ang
titik ng tamang sagot.
6.Bawat dumaang sasakyan ay nagpasikdo sa puso ni Maria Clara.
a.natigilan b. nagpapatibok c. kagandahan d.nagtirik
7.Sa iyo pinagpisan ang kariktan at dakilang asal ng dalawang lipi.
a. kapangitan b. kahusayan c. kagandahan d. kaluwalhatian
8.Napatda sa pagkakatayo ang dalaga at pinanlamigan ng katawan.
a. natigilan b. natulala c. namangha d. nahimatay
9.Diyos lamang ang nakatatalos sa puso ng isang dalaga.
a.nakakaalam b. nakakita c. nakarinig d. nakadama
10.Nagtulos ng kandila si Maria Clara para sa malulwating paglalakbay ni Ibarra.
a.Nagtayo b.Bumili c. Nagtirik d.Nakita

III. Panuto: Tukuyin ang mga sumusunod na tauhan batay sa kanilang mga
katangian.Isulat ang titik ng tamang sagot.
11.Marangal na tao na nakulong at namatay sa loob ng bilangguan.
a. Crisostomo Ibarra b. Elias c. Don Rafael Ibarra d. Padre Damaso
12.Babaeng itinakwil ang pagiging Pilipina kahit sino huwag lang ang kapwa niya Pilipino.
a.Donya Consolacion b. Maria Clara c. Pia Alba d. Donya Victorina
13.Taong maraming alam subalit baliw ang tingin ng iba sa kanya dahil sa di-karaniwang niyang
paniniwala.
a. kapitan Tiyago b. Rafael Ibarra c. Don Anastacio d. Padre Damaso
14. Babaeng may malaswang bibig at pag-uugali.
a.Consolacion b. Sisa c. Victorina d. Tiya Isabel
15.Paring nagpahukay sa libingan ni Don Rafael Ibarra.
a. Padre Salvi b. Padre Martin c. Padre Damaso d. Padre Sibyla
IV.A. Panuto: Piliin ang kasingkahulugan ng salitang italisado sa bawat
pangungusap.
16.Isa siyang matapat at maaasahang cacique sa aming distrito.
a.makapangyarihan c.mayaman
b.mapagkawanggawa d.pilantropo
17.Maraming Katoliko ngayon ang hindi na nagingilin at nag-aayuno.
a.hindi kumakain c.hindi nagsisimba
b.hindi nangungumpisal d.hindi nakikinabang
18.Tunay na isang kapariwaraan ang malulong ang mga kabataan sa ipinagbabawal na gamot.
a.kamatayan c.kasawian
b.kahangalan d.kabiguan
19.Pagkatapos ng mahaba-habang panahon, ang kanilang hidwaan ay naayos din.
a.usapan c.di pagbabati
b.pagtatalo d.di-pagkakaunawaan
20.Dahil sa walang tigil niyang paghahambalos sa bata, ito’y napahandusay at nawalan ng
malay.
a.paghahampas c.pagpapalo
b.paghahagupit d.pagbabambo
IV.B.Hanapin sa kahon ang kasalungat na kahulugan ng salita o pariralang may
salungguhit sa bawat pangungusap.Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Buong lugod maingay na maingay umimik
Gastador napatayo natatawa
21.Walang-kibo si Padre Salvi habang naghuhubad ng kasuotan.
22.Nawalan kaya ng sikapat ang kuripot?
23.Tahimik na tahimik kaya tumuloy si Sisa sa kusina.
24.Naroon ang mga sakristan at katulong na bantulot na tumanggap sa kaniya.
25.Napahagulgol si Sisa at napaupo sa isang bangko.
V. Tukuyin kung sino ang sumusunod at isulat sa sagutang papel ang tamang sagot.

26.Paraluman ng guwardiya sibil


27.Nag-aruga kay Maria Clara
28.Asawa ni Sisa
29.Taong marangal na nakulong sa loob ng bilangguan
30.Matalik na kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa bayan ng San Diego
31.Maybahay ni Don Tiburcio na mahilig magpanggap ng Taga-Europa
32.Isang lalaking nagtatago sa batas,tagapagligtas ni Ibarra
33.Matandang may kakaibang isipan,kilos at pakikitungo sa kapwa
34.Kinakatawan ng Hari ng España
35.Español nagpapanggap na doctor

VI. Isulat ang T kung tama ang diwa ng pangungusap, M kung ito ay mali.Itama ang salitang
may salungguhit.

36.Ang Noli Me Tangere ay inihandog ni Rizal sa Bayan.


37.Ang tanging baon ni Ibarra na galing kay Maria Clara nang siya ay magtungo sa Europa ay
dahon ng Sampaguita.
38.Hinimok ni Elias si Mang Tasyo na manirahan sa piling ng mga di-binyagan.
39.Ayon kay Padre Salvi,ang pagdarasal ang nagpagaling kay Maria Clara.
40.Buhat ng mag mongha si Maria Clara,si Kapitan Tiyago ay mahilig na sa pag-inom ng alak.

VIII.Panuto :Isulat ang titik S kung sanhi at B kung bunga ang mga sumusunod.
41.___________Nakatulog ang marami sa mahabang sermon ni Padre Damaso.
42.___________Pinasaringan ni Padre Damaso si Ibarra at ang ama nito.
43.___________Palagi na lamang umiiyak si Maria Clara at di pinakikinggan ang pagalo ng
kanyang tiya.
44.__________Naging iskomulgado si Ibarra.
45__________Namundok si Tandang Pablo.

IX.46-50 Ipaliwanag ang pahayag na ito.(5puntos)

“ Lahat po tayo’y may kaaway sapagkat ang tunggalian ay batas ng buhay.”


Key Answer
Filipino 9

1.B
2.D
3.D
4.C
5.B
6.B
7.C
8.A
9.A
10.C
11.C
12.D
13.C
14.A
15.C
16.A
17.B
18.C
19.B/D
20.A/C
21.UMIMIK
22.GASTADOR
23.MAINGAY NA MAINGAY
24.BUONG LUGOD
25.NATATAWA
26.Donya consolacion
27.Kapitan Tiyago
28.Pedro
29.Don Rafael Ibarra
30.Alperes
31.Donya Victorina
32.Elias
33.Pilosopo Tasyo
34.Kapitan Heneral
35.Don Tiburcio
36.T
37.M
38.M
39.M
40.M
41.B
42.S
43.B
44.B
45.B
46-50-Paliwanag

You might also like