You are on page 1of 2

G10 LQ 4th W1 – W6

HUGOTERONG PAGSUSULIT
I. Pagkilala. Kilalanin ang mga sumusunod na tauhan batay sa pahayag (Hindi ‘yung nag-hi lang sa’yo kayo na,
bonding din ‘pag may time).

Basilio Ginoong Pasta Kabesang Tales Huli Imuthis Metusalem


Maximo Viola Placido Penitente Isagani Don Custodio Simoun Valentin
Ventura
1. Siya ang tumulong kay Rizal para maipalimbag ang El Filibusterismo
2. Siya ang mayamang mag-aalahas na nagbalik para magsagawa ng isang paghihiganti.
3. Siya ang naghahangad ng karapatan sa pagmamay-ari ng lupang sinasaka na inaangkin ng mga prayle.
4. Siya ang nakatuklas sa tunay na pagkatao ni Simoun.
5. Siya ang anak ni Tales na umaasa na magkakahimala ang birhen.
6. Siya ang mag-aaral na nawalan ng ganang mag-aral dahil sa kaniyang naranasan sa loob ng klase.
7. Siya ang ginamit ni Mr. Leeds para patamaan si Padre Salvi na kahintulad sa pangyayari sa buhay ni Ibarra.
8. Siya ang tinutukoy na Pilipino na inanyayahan Padre Fernandez upang makapagpahayag ng saloobin sa akademya.
9. Siya ang pinaniniwalaang pinakamatandang taong namalagi sa daigdig.
10. Siya ang tinaguriang Buena Tinta na siyang magdededisyon sa Akademya ng Wikang Kastila.

II. Tama o Mali. Isulat ang TAMA kung Tama ang pahayag at MALI kung Mali. (Hindi ‘yung alam mo nang mali,
ipipilit mo pang tama. Taas ng pride teh?)

11. Sina Jose Gomez, Mariano Burgos at Jacinto Zamora o GOMBURZA ang tatlong paring martir na pinag-alayan ng El Fili ni Rizal.
12. Layunin ni Ben Zayb na matuklasan ang mga kadayaan ni Mr. Leeds para mapahiya ito kaya siniyasat niya agad ito pagkatapos ng
palabas.
13. Mas pinili ni Simoun ang uminom ng lason dahil mas nanaisin niyang mamatay kaysa mahuli ng buhay.
14. Si Ginoong Pasta ang isa sa pinakabantog na abogado sa Maynila na tanungan ng mga prayle sa oras ng kagipitan.
15. Si Kapitan Tiyago ang tumulong kay Basilio para makapag-aral ng medisina kapalit ng kaniyang pagsisilbi rito.
16. Ang El Filibusterismo ay salitang Latin na may salin sa Filipino na “Ang Paghahari ng Kasakiman.”
17. Hindi naging madali para kay Tatay Selo ang naging sitwasyon ng kaniyang pamilya na naging dahilan ng kaniyang pagkalumpo.
18. Ang pagkakabilanggo ni Basilio ang dahilan kung bakit nakumbinsi ni Padre Camorra si Huli para humingi ng tulong.
19. Si Pepay ang ginamit ng mga mag-aaral para mapapayag si Ginoong Pasta na maipasa ang Akdemya ng Wikang Kastila.
20. Mas pinili ni Simoun na buhayin si Basilio upang makasama niya sa kaniyang paghihiganti.

III. Pagtapat-tapat. Hanapin sa Hanay B ang hinihingi ng bawat pahayag sa Hanay A (Sa madaling sabi, wag
pagsamahin ang hindi magkabagay. Ihanap ng ka-forever. Tulay yarn?). Isulat ang titik ng wastong sagot sa
inyong papel.

A. B.
______21. Kabanata 4 A. Mga Pandaraya
______22. Kabanata 13 B. Tawanan at Iyakan
______23. Kabanata 18 C. Si Pilato
______24. Kabanata 27 D. Ang Kasal
______25. Kabanata 39 E. Ang Palabas
______26. Kabanata 7 F. Placido Penitente
______27. Kabanata 9 G. Si Kabesang tales
______28. Kabanata 25 H. Ang Mitsa
______29. Kabanata 34 I. Klase sa Pisika
______30. Kabanata 12 J. Si Simoun
K. Ang Prayle at ang
Pilipino

IV. Pagtukoy. Tukuyin ang ang nawawalang pamagat o bilang ng kabanata. (Tama nga sila, kung sino ang wala,
siyang hinahanap).
31. Kabanata 1 __________
32. Kabanata 20 _________
33. Kabanata 29 _________
34. Mga Binunga ng mga Paskin ________________
35. Ang Kagipitan ni Ben Zayb _________________
IV. Maramihang Pamimilian. Piliin lamang ang titik ng wastong sagot. (Hindi ‘yung pinili mo lahat. ‘Wag kang
salawahan. Ano ito, raffle lang? More entries, more chances of winning?)

36. Pinabuod sa’yo ng guro ang mga pangyayari sa El Filibusterismo gamit ang mga piling pangyayari, ano ang wastong
pagkakasunod-sunod ng mga piling pangyayari?
1. Sa araw ng kasal, inihandog ni Simoun ang regalong lampara na tatapos sa lahat ng mga panauhing naroon.
2. Natuklasan ni Basilio na si Simoun at Ibarra ay iisa at sa halip na paslangin ni Simoun ay pinaanib niya si Basilio.
3. Unang pinuntahan ni Basilio ang puntod ng kaniyang ina sa Bayan ng San Diego at nakita niya si Simoun sa kaparehong
lugar.
4. Nagsimula sa isang paglalakbay ng Bapor Tabo na patungong Laguna lunan sina Simoun, Basilio, Isagani at iba pang
pasahero.
5. Nalaman ito ni Isagani kaya inihagis ang lampara at bigong naisakatuparan nina Simoun at Basilio ang kanilang paghihiganti.
A. 4-2-3-1-5 B. 4-3-2-1-5 C. 4-1-2-3-5 D. 4-2-3-5-1

37. Pinapipili kayo ng inyong guro ng isang tauhan sa El Filibusterismo upang alamin ang positibo at negatibong ugali ng tauhan.
Si Quiroga ang tauhan na iyong napili. Ano ang ginampanan ni Quiroga sa nobela?
A. Si Quiroga ay isang Intsik.
B. Si Quiroga ay isang Indio.
C. Si Quiroga ay isang Intsik na tumatanggap ng vale.
D. Si Quiroga ay isang Intsik na tumatanggap ng vale sa lahat ng mga kawani.

38. Pinakwento sa’yo ng kaklase mo ang buod ng “Kabanata II: Sa Ilalim ng Kubyerta”. Ano ang tamang pagkakasunud-sunod ng
mga pangyayari rito?
1. Seryosong nag-uusap si Basilio at Isagani
2 Tumaliwas si Kapitan Basilio sa isinusulong ng mga estudyante.
3. Inanyayahan ni Simoun na uminom ng serbesa ang mga estudyante.
4. Sa ilalim ng kubyerta matatagpuan ang mga karaniwang tao tulad ng mga Indio at mga Intsik.
5. Inilalahad nina Basilio at Isagani ang kanilang plano kay Kapitan Basilio.
A. 4-1-2-3-5 B. 4-1-5-2-3 C. 3-2-1-5-3 D. 4-5-1-2-3
39. Ipinalagay ng guro na ikaw ay kaklase ni Placido sa Pisika. Paano pinahiya ni Padre Millon si Placido?
A. Pinagtawanan ng mga kaklase dahil kay Padre.
B. Pinarami ni Padre ang kaniyang liban
C. Ininsulto, minura at dinagdagan ang liban ni Placido.
D. Pinalabas sa klase dahil naglalaro ng lato-lato si Placido

40. Pinalilikha kayo ng character mapping ng inyong guro sa Filipino tungkol kay Basilio. Alin sa mga sumusunod ang angkop na
paglalarawan kay Basilio?
A. Si Basilio ay inampon ni Kapitan Tiyago.
B. Si Basilio ay labindalawang taon nang ulila sa ina.
C. Si Basilio ay tutulong sa paghihiganti ni Simoun.
D. Si Basilio ay nakulong.

Munting Paalala:
“Ang TEST PAPER ay parang PAG-IBIG—hindi mo dapat DAYAIN.”
Dahil kung madaya ka, hindi ka marunong magmahal.  #sheesh#eurt#oms
-Sir Pits

You might also like