You are on page 1of 7

Ikatlong Kwarter

MAIKLING PAGSUSULIT Blg. 1


Filipino 10

Kabanata 18-22

A. Tukuyin ang inilalarawan ng bawat bilang.

1. Siya ang mahikerong pinanood nina Padre Camorra sa perya.


2. Dito nanirahan ang mahikero kaya siya natuto ng Kastila.
3. Siya ang nag-usisa kung may salaaming gamit ang mahikero.
4. Ito ang salitang binaggit ng mahikero bago lumitaw ang pugot na ulo.
5. Siya ang kaawa-awang lalaking pinatay at inagawan ng kasintahan.
6. Siya ang kinatatakutan ni Gautama o Suerdis.
7. Inagaw niya ang kasintahan ng lalaking nanggaling sa Gresya.
8. Dito pumunta ang mahikero upang makatakas sa mga prayle.
9. Siya ang ina ni Placido na ayaw pumayag sa paghinto niya sa pag-aaral.
10. Dito pumunta sina Simoun at Placido.
11. Ito ang tawag ni Simoun sa lalaking tagagawa ng bomba.
12. Siya ang tagapayo ni Don Custodio sa mga legal na usapin.
13. Ito ang naging pasya ni Don Custodio tungkol sa hiling ng kabataan.
14. Siya ang nagdala ng operetang Pranses sa Pilipinas.
15. Ipinagbabawal niya ang palabas.
16. Siya ang kasa-kasama ni Camoroncocido kung saan man may pagkakakitaan.
17. Ito ang hinihintay ng mga misteryosong lalaki upang simulan ang pagsalakay.
18. Sa kaniya ibinigay ni Macaraig ang tiket na dapat ay sa isa nilang kasamahan.
19. Siya ang sumalungat sa pagpapalabas ng opera ngunit kalaunan ay nanood din.
20. Siya ang tanging mag-aaral na nagsusulong ng Akademya na hindi nanood sa palabas.

Ikatlong Kwarter
MAIKLING PAGSUSULIT Blg. 2
Filipino 10

Kabanata 23-31

A. Tukuyin ang inilalarawan ng bawat bilang. Gawing gabay ang mga titik sa ibaba at isulat ang sagot sa sagutang
papel.

1. Siya ang hinintay kaya huling nagsimula ang palabas.


_o__r____r H__e___
2. Siya ang nilapitan ng kabataan ng Akademya upang mailakad kay Don Custodio.
_e__y
3. Siya ang mananayaw na pinuntahan ni Padre Irene sa palabas.
S_r__l_t__
4. Siya ang binisita ni Simoun at nagbalita sa kaniyang patay na si Maria Clara.
_a__l_o
5. Dito nais dalhin at itira ni Isagani si Paulita.
n_y__
6. Siya ang lalaking hinahangaan ni Donya Victorina.
_u_n_t_
7. Dito pakunwaring nagdiwang ang kabataan.
P_n__t___a M _ c _ _ _ s _ _ de B_e_ G__t_
8. Ito ang ipinalit ng kabataan sa tawag sa Lumpiang Baboy.
L_mp_a_g _r_ne
9. Siya ang bise-rektor ng UST.
P_dr_ _y_i_a
10. Siya ang propesor na kumausap kay Isagani.
_a_r_ F_rn__d__

B. Basahin ang pangunahing pahayag. Piliin ang titik ng pahayag na may kinalaman dito. Kung kapwa tama ang
pahayag, isulat ang c.

11. Humanga ang katedratiko sa husay ni Isagani dahil


A. malawak ang nauunawaan tungkol sa nangyayari sa paligid.
B. bawat sinasabi niya ay mayroon siyang sinasabi.
12. Si Ben Zayb ay tinutuligsa ng kalaban niyang mamamahayag na si
A. Horacio
B. Primitivo
13. Hinanap ni Quiroga si Don Custodio upang itanong kung
A. ligtas ba ang mga Intsik na magbukas ng bagong negosyo.
B. dapat bang magdala na rin ng baril ang mga Intsik.
14. Naging laman ng bali-balita ang
A. barkong pandigmang nakadaong sa dalampasigan.
B. pakikipagtulungan ng kabataan sa mga tulisan.
15. Ibinalita ni Padre Irene kay Kapitan Tiago ang pagkakakulong ni Basilio kaya
A. binawi ng kapitan ang mana ng binata.
B. nalagutan siya ng hininga.

C. Isa-isahin ang mga hinihinging impormasyon ng mga sumusunod.


16-18 Ang kabataang nakalaya
19-20 Ang mga nilapitan nina Juli at Hermana Bali
21-22 Mga pinagtalunang isusuot ni Kapitan Tiago
23-25 Mga pinamanahan ni Kapitan Tiago

D. Punan ang patlang upang mabuo ang diagram. (26-30)

Kaguluhang Naganap

Ikatlong Kwarter
MAIKLING PAGSUSULIT Blg. 3
Filipino 10

Kabanata 32-39

A. Isulat sa sagutang papel kung sino/ano ang inilalarawan ng bawat bilang.


1. Nang makalaya, mabilis niyang nilakad ang papeles upang tumungo ng Europa.
2. Siya at si Sandoval ang nakapasa sa pagsusulit.
3. Bumaliktad siya sa kaniyang ipinaglalaban at itinangging kasama siya sa akademya. Kaya siya napiling
pakasalan ni Paulita.
4. Dahil sa kaniya, nagkaroon ng malaking puhunan si Don Timoteo.
5. Ito ang kemikal na laman ng lampara na ikinagulat ni Basilio.
6. Siya ang dating may-ari ng bahay na pinagdausan ng handaan.
7. Sa kanila ikinumpara ni Ben Zayb ang bagong kasal at tila umaakyat sa bundok Olimpus.
8. Siya ang panauhing hinintay ni Don Timoteo.
9. Siya ang totoong nasugatan dahil sa pagkadulas malapit sa ilog.
10. Ito ang bilang ng tulisan na nahuli na nagsabing malapit sa heneral ang namumuno sa kanila.

B. Piliin at isulat ang titik ng pahayag na kaugnay ng panimulang sugnay. Kung kapwa magkaugnay, isulat ang C.

11. Ipinagbawal ng heneral na ibalita ang tungkol sa kasal dahil


A. magiging kasiraan ito sa pangalan niya.
B. ayaw na niya itong maalala.
12. Naisip ni Ben Zayb na bumuo ng bagong kwento tungkol sa kasal upang
A. mapagtakpan ang gulong nangyari.
B. maipagtanggol ang heneral at bumango ang pangalan niya.
13. Pumunta si Chichoy sa pamilya Orenda para
A. magtanong tungkol sa mga plano ng pamahalaan.
B. ipamalita ang nangyari sa kasalan.
14. Hindi umiimik si Isagani habang pinag-uusapan ang kasalan sapagkat
A. siya ang tinutukoy na magnanakaw.
B. siya ang naghagis ng lampara.
15. Bandang huli, si Isagani ay
A. nagsisi sa kaniyang ginawa.
B. nagpasalamat sa kaniyang ginawa.
16. Ang paraan ng pagbabalita ni Ben Zayb ay nagpapakita ng
A. kawalang-kalayaan sa pagpapahayag.
B. may kinikilingan at pawang gawa-gawa lamang.
17. Pinatay ni Matanglawin ang hukom sa Tiani dahil
A. ito ang humatol na ibigay sa korporasyon ang kaniyang lupa.
B. ipinaghiganti niya ang mga pinagkaitan ng katarungan sa kanilang lugar.
18. Naaalala ni Matanglawin ang kasawian ng kaniyang pamilya kaya
A. naging malupit siya maging sa mga walang sala.
B. nadamay ang maraming bayan sa kaniyang paghihiganti.
19. Ang mga tao ay naipit sa sitwasyon na
A. mapagparusang pamahalaan.
B. mapanirang mga tulisan
20. Pitong magsasaka ang hinuli at pinarusahan
A. dahil ito ang mga lumusob sa mga bayan at nanggulo.
B. upang maipakitang may ginagawa ang pamahalaan sa kanilang tungkulin.

C. Sagutin ang tanong. (21-25)

Sinabi ni Padre Florentino na “Ang galit ay lumilikha ng mga dambuhalang kriminal.”


Ano ang ibig niyang ipahiwatig dito? Sino-sino ang mga tinutukoy niya rito?

Ikatlong Kwarter
MAHABANG PAGSUSULIT
Filipino 10

Kabanata 18-39

A. Isulat ang Tama kung wasto ang salitang may salungguhit. Kung mali, isulat ang tamang salita o mga salitang bubuo
sa diwa ng pangungusap.

1. Si Mr. Leeds ay isang Espanyol na magaling sa mahika.


2. Si Cambyses ang kinatatakutan ni Gautama o mas kilala bilang Suerdis.
3. Nanginginig si Padre Salvi matapos na marinig si Imuthis.
4. Pinayuhan ni Kabesang Andang si Placido na ipagpatuloy ang pag-aaral.
5. Si Quiroga ang nakasama ni Placido sa pagpunta kay Maestro.
6. Ang tinutukoy na dakilang tagahatol ay si Ben Zayb dahil sa kaniya nakasalalay ang mga proyekto kung
ipatutupad o hindi.
7. Dinala ng operetang Aleman ang Les Cloches de Corneville na naging usa-usapan.
8. Walang pakialam si Cornelio sa nangyayari sa paligid kahit narinig niyang may mangyayaring gulo.
9. Si Don Primitivo ang nagsalin sa Kastila ng wikang pinanonood nina Paulita at tiya nito.
10. May isang bakanteng upuan na inilaan kay Simoun.

B. Isa-isahin ang mga sumusunod.

11-13 Mga planong inihanda ni Simoun


14-16 Mga panauhing dumalo sa kasal
17-20 Mga salitang nabasa mula sa lampara

C. Suriin ang nawawalang detalye. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

21. Maria Clara : Simoun :: Juli : _______


22. _______ : hindi nanood :: Padre Irene : nanood sa palabas
23. Custudioning : Don Custodio :: _______ : Pepay
24. Isagani : tapat kung magmahal :: _______ : taksil
25. _______ : El Grito :: Horacio : ibang pahayagan

D. Tukuyin ang inilalarawan ng bawat bilang. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

26. Siya ang namahala sa iniwang kayamanan ni Kapitan Tiago.


A. Padre Camorra
B. Padre Sibyla
C. Padre Irene
D. Padre Salvi

27. Upang ipakitang ang pari ay may magandang-loob, ito ang kaniyang ginawa.
A. Kukunin niya sa sariling bulsa ang dapat sanang mana ni Basilio.
B. Magbibigay ang pari sa Santo Papa.
C. Tutustusan din niya ang matrikula ng mga mag-aaral.
D. Tutulong siya sa korporasyon.
28. Ito ang naging puno’t dulo ng gulong nangyari sa kabataan.
A. Ang paskil na nakita raw sa unibersidad
B. Ang paghuli sa mga mag-aaral
C. Ang pamamaril ng mga gwardya sibil
D. Ang pagsusulong ng akademya
29. Siya ang nagsabing si Padre Camorra ang maaaring makatulong sa paglaya ni Basilio.
A. Hermana Bali C. Kabesang Ambeng
B. Hermana Penchang D. Kapitana Loleng
30. Tinanggap ng kawani ang regalong dala nina Juli kahit hindi niya ito matulungan. Ito ang ugaling ipinakita niya
bilang opisyal ng pamahalaan.
A. mapanlait
B. mapagsamantala
C. walang awa
D. walang kaya

E. Ipakita ang pagkakatulad at pagkakaiba ng katangian ng mataas na kawani at ng gobernador-heneral gamit ang Venn
diagram. (31-35 puntos)

F. Sagutin ang tanong. (36-40)

Sino sa mga tauhan sa El Filibusterismo ang tinutukoy ni Padre Florentinong makapagpapamalas ng pag-ibig,
sakripisyo, at kaasalan upang tunay na magtagumpay? Patunayan ang iyong sagot.

You might also like