You are on page 1of 1

Awit Kay Inay

Isa sa mga paksa na halos nagpaiyak sa lahat ng aking mag-aaral sa ika-10 Baitang nitong 2018. Lalo na
nang pinapanuod ko sa kanila ang isang bidyu (isang komersyal mula sa bansang Thailand) na may
kaugnayan sa paksang ito. “Si Sir nagpapaiyak,” sambit ng aking mag-aaral matapos ang aming klase.

Sa puntong ito, dahil hangad ng kagawaran na matamo ng mga mag-aaral ang malaking bahagi ng
kanilang grado (Performance Task-50%), minabuti ko na bigyan sila nang pagkakataon na lapatan nila ng
sariling interpresentasyon ang awit na ito sa pamamagitan ng isang live na music video na gagawin
mismo sa loob ng klasrum.

Noong una, kinuhaan ko lang sila ng bidyu para magamit ko bilang isang pangangailangan ng guro sa
pagtatapos ng taon. Ngunit nang unti-unti kong natatapos maghapon ang kanilang presentasyon,
nabago ang plano at naisip ko na mula sa iba’t ibang senaryo na kanilang ipinakita ay bubuo na lang ako
ng isang awput (music video) na magsisilbing larawan ng kanilang husay at galing bilang mga mag-aaral
na may malikhaing pag-iisip.

HINDI KO ITO NATAPOS.

Hindi dahil mahirap mag-edit. Hindi dahil mahirap buoin ang watak-watak. Hindi dahil maraming
ginagawa ang isang guro. Kundi dahil nawalan ako ng dahilan, ng layunin, ng hangarin.

Maraming araw ang lumipas. At sa pagkakataong ito, muli kong pinagpatuloy ang nasimulan.

SA WAKAS, NATAPOS KO RIN (kaya naman pala nang isang araw).

Hindi dahil madali na lang mag-edit. Hindi dahil may nasimulan nang buoin ang watak-tawak. Hindi dahil
bakasyon at wala nang masyadong ginagawa. Kundi dahil nagkaroon ako ng dahilan, ng layunin, ng
hangarin.

Ito ay ang lalong iparamdam sa ating mga nanay ang kanilang halaga sa sakripisyo at walang sawang
pagmamahal na ibinibigay sa atin.

HAPPY MOTHER’S DAY po sa aking Nanay at sa lahat ng Nanay sa buong mundo.

Sana po ay magustuhan ninyo ang music video na ito mula sa mga magagaling at mahuhusay na mag-
aaral ng ika-10 Baitang (PNHS).

Awit Kay Inay

Music and Lyrics by: Vehnee Saturno

Performed by: Hannah Precillas

Interpreted by: Grade 10 Students

SY. 2018-2019

You might also like