You are on page 1of 2

Don Bosco Technical Institute - Makati

Senior High School Department


Komunikasyon at Pananaliksik
Akademikong Taon 2020-2021

Pangalan: FLORESCA, Mar Anglo A. MP12


12-2-22 10-09-20

Panuto: Ang mga mag-aaral ay susulat ng isang tula na ginagabayan ng elemento nito at
mekaniks na inihanda ng guro.

Mekaniks:
1. Mayroong apat na saknong, ang bawat saknong ay may tig-apat na taludtod. Walang
labis, walang kulang.
2. Ang pantigan ay nasa bilang na lalabindalawahin.
3. Dahil ito ay nasa pantigang lalabindalawahin, inaasahan ang paggamit ng sesura sat ula.
Upang magabayan na may sesura ang bawat taludtod ay gagamitin ng mag-aaral ang
palihis na simbolo (/) upang katawanin ang sesura.
4. Naipakikita ang tugmaan sa bawat saknong.
5. Pinalilitaw ang tono o damdaming namamayani sa tula sa pamamagitan ng angkop na
pagpili ng salita.
6. Nakagagamit ng limang tayutay (maaring limang magkakatulad na uri ng tayutay) Ang
tayutay sat ula ay kulay luntian upang madaling makilala.
7. Maging malikhain at malaya sa pipiliing paksa.
8. Nagagamit ang mga salitang : bato, gumamela, unan, walis, champorado, hamog, buhok,
kwintas at ang mga salitang binanggit ay gawing kulay asul.

Ang mga mag-aaral ay lilikha ng tula na mayroong apat na saknong na may tig-apat na taludtod.
Ang tula ay dapat kinakikitaan ng mga elemento nito – walang labis, walang kulang. Gayung
sinusunod ang elemento, hinahayaan ang mag-aaral na pumili ng papaksain ng kanilang tula
ngunit gagamitin ang mga salitang ito: bato, gumamela, unan, walis, champorado, hamog,
buhok, kwintas at ang mga salitang binanggit ay gawing kulay bughaw.

Pamantayan:
5 puntos Matalinghagang pagpili at paggamit ng tayutay
5 puntos Mahusay na naipakikita ang mga elemento ng tula (tugmaan at pantigan)
5 puntos Pagiging matapat sa paggamit ng mga hinandang salita (aytem #8)
5 puntos Kaisahan at kalaliman ng tema ng tula
5 puntos Kalinawan ng imaheng naibibigay ng tula
30 puntos Kabuoan
Sana Masaya
Ni MarFloresca

Hindi ko Alam kung bakit ganito,


Sa Tuwing pipili ng storyang gusto?
Hindi alam kung masaya o malungkot.
Puso’y unan unti-unting naging bato.

Bakit lagi nalang?


Masaya kung damdamin winawalis paalis.
Palagi nalang umaasa sa mga bagay na walang kasiguraduhan.
Palagi na lang nasasaktan sa nakakalungkot na katapusan.

Para ba sabihing wag nang umasa?


Kagaya ng aking panlasa
Sa matamis mong champoradong hindanda tuwing umaga?
Wala kanang ata naintindihan sa pinagsasabi ko.

May natutunan naman ako


Natutunan ko walang permamente sa mundo.
Walang storyang pwede maging totoo.
Sana maging masaya ako hanggang pumuti ang mga buhok ko.

You might also like