You are on page 1of 6

PAALAM NA" (Farewell Song/Tribute Song) – Grade 6

Original Song Composed & Sung by:


Michael Eunico N Llevado

Verse:
Masakit mang isipin
Na tayo ay maghihiwalay-hiwalay,
Kanya-kanyang pangarap
Ay kailangang abutin ng isa’t isa.

Pre-Chorus:
Hindi ko na namalayan
Na hanggang dito nalang ang ating pagsasama-sama

Chorus:
Paalam na Ang dami kong natutunan
Sa paglalakbay na ito,
Paalam na ang lnyong mga bawat payo
Ay nakasulat na sa puso ko.

Bridge:
Mga alaalang lungkot at saya,
Mga kwentuhan at tawanan sa maghapon,
Mga pagbibirong walang katapusan,
Kailanma’y hinding-hindi ko ito malilimutan.

Chorus:
Paalam na ang dami kong natutunan
Sa paglalakbay na ito,
Paalam na ang inyong mga bawat payo
Ay nakasulat na sa puso ko.

Coda:
Maraming salamat, paalam na paalam na,
Hanggang sa muli paalam na paalam na.
Sa aming awit"(GRADUATION SONG) Mga kamag-aral
Grade 6 Ating dalhin ang aral
Ng kahapong nagdaan
[Verse I]
Bago tuluyang lumisan [Bridge]
Sa’ting paaralan Mula ngayon hanggang
Kayo ay sa awit namin Bukas at kailanman
Pasasalamatan Ang pag-abot ng pangarap
Ala-alang iiwanan Manantiling nagliliyab
Sa aming isipan
Ito ay sa awit lagi na [Repeat] Chorus
Mapakikinggan Dahil sa inyo
Mga magulang at guro
[Pre-chorus 1] Sa pag-aaruga at pagtuturo
Ooohhh, salamat Dahil sa inyo
Alam naming ito’y Kami ngayon ay narito
Hindi sapat Mga kamag-aral
Ooohhh, salamat Ating dalhin ang aral
Kami ngayon sa inyo ay Mula ngayon hanggang
Nakaharap Bukas at kailanman (2x)

[Chorus]
Dahil sa inyo
Mga magulang at guro
Sa pag-aaruga at pagtuturo
Dahil sa inyo
Kami ngayon ay narito
Mga kamag-aral
Ating dalhin ang aral
Ng kahapong nagdaan
Mula ngayon

[Verse II]
Bago tuluyang matapos
Ang kasalukuyan
Awit ng pagkakaibigan
Sana’y ‘di makaligtaan
Ala-alang iiwanan sa ating isipan
Ito ay sa awit,
Ating muling maririnig

[Pre-chorus 2]
Ooohhh, kaibigan
Alam nating ito’y
Walang hanggan
Ooohhh, saan man
Tayo dalhin ng panahon may
Pagkakataong bumangon

[Repeat] Chorus
Dahil sa inyo
Mga magulang at guro
Sa pag-aaruga at pagtuturo
Dahil sa inyo
Kami ngayon ay narito
PANGAKO – KINDERGARTEN MOVING UP SONG
O kay sarap alalahanin nang ako ay bata pa
Doon sa kindergarten tunay na kay saya
Mahal na mga guro saki'y nag-alaga
Kung kaya sa puso't isip ko'y di mawawala
At ngayon sa araw na ito
Tanggapin po ninyo ang pasasalamat ko
Sa aking guro at sa magulang ko
Lahat ng ito'y alay sa inyo
Mabuting asal at ang karunungan
Ito'y di mawawaglit kailan pa man
Mahaba pa ang panahon na aking lalakbayin
Upang tuluyang maabot ang pangarap na maging akin
Kami ngang kabataan ang pag-asa ng bayan
Kung kaya't pagbubutihan ang aking pag-aaral
Lahat ng tinuro'y di kalilimutan (lahat ng tinuro'y di kalilimutan)
Upang maging gabay sa kinabukasan
At ngayon sa araw na ito
Tanggapin po ninyo ang pasasalamat ko
Sa aking guro at sa magulang ko
Lahat ng ito'y alay sa inyo
Mabuting asal at ang karunungan
Ito'y di mawawaglit kailan pa man
Ang pangakong pagbubutihan ko
Upang ikarangal ng magulang ko
At magbigay dangal sa bayan ko
Pangako kong ito'y alay sa inyo
Awit ng Pasasalamat sa Ama’t Ina – Tribute Song KINDERGARTEN
Kaybuti ng Panginoon
Ang tulad ko'y binigyan n'ya ng buhay na puno ng kulay
Wala na akong mahihiling
Dahil sa handog niyang walang katulad na mga magulang
Kapag ako'y nalulumbay handa akong kalingain
Kapag ako'y nagkukulang unawa ang laan sa 'kin
Salamat sa Panginoon 'pagkat binigyan n'ya ako
Ng mga magulang na lubos lubos ang pagsinta
Katulad ng pag-ibig ni Hesus sa mundong ito
Salamat oh Panginoon para sa aking ama't ina
Purihin ang Panginoon
Sa buhay ng aking mga magulang 'di s'ya nagkulang
Dahil sa kanilang buhay
Ang aral ni Hesus ay natutunan ipinamuhay
Kaya't sa aking pagtanda ang aral ay dala dala
Ang bilin ni ama't ina sa puso'y iuukit na
Salamat sa Panginoon 'pagkat binigyan n'ya ako
Ng mga magulang na lubos lubos ang pagsinta
Katulad ng pag-ibig ni Hesus sa mundong ito
Salamat oh Panginoon
Salamat sa Panginoon 'pagkat binigyan n'ya ako
Ng mga magulang na lubos lubos ang pagsinta
Katulad ng pag-ibig ni Hesus sa mundong ito
Salamat oh Panginoon para sa aking ama't ina

You might also like