You are on page 1of 16

4

MUSIKA

Ikatlong Markahan – Modyul 1


Unang Linggo
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay


at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

Para sa mag-aaral:

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang mga sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi nito. Gumamit ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
3. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain
at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari
ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o
sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
Ano ang target ko?

Sa alinmang awitin, mas mainam na may bahaging


naghahanda o introduction sa tagapakinig. Ito ay maaaring isang
maikling himig o tugtuging instrumental na tinutugtog bago
magsimula ang awitin. Bukod sa napagaganda nito ang awitin,
nagbibigay ito ng tamang tono o pitch sa isang mang-aawit.
Sa katapusan naman ng awitin o tugtugin, may mga
karagdagang ideya ang kompositor upang magkaroon ng isang
magandang pagtatapos ang isang awitin o tugtugin at tinatawag
itong coda.

Ano ako magaling?


Awitin ang pitch name ng Kodaly Method hand sign at
sabayan ng kamay.

Ano ang balik-tanaw ko?

Anong mga nota ang makikita natin sa staff. Lagyan ng pitch


name ang mga nota sa ibaba .

__ __ __ __ __ __ __ __
Ano ang gagawin ko?

Awitin ang “Paruparong Bukid”. Bilugan ang introduction at


ikahon ang coda.

Ano pa ang gagawin ko?


Gawain: Gumawa ng sariling introduction at coda ng mga
awitin. Pwedeng pumalakpak,pumadyak , o tumalon.
• Bahay kubo
• Leron leron sinta
Ano ang natamo ko?

Ang introduction ay himig na tinutugtog o inaawit bilang


paghahanda sa kabuuan ng pag-awit. Ang introduction o sa mas
pinaikling tawag ay intro, ang nagtatakda ng mood ng kanta. Ito rin
kadalasan ang nagtatakda ng pitch ng awitin, kung ito ba ay
mababa o mataas. Mahalaga rin ang intro dahil maaring dito
nakasalalay kung magiging interesado ba ang mga makikinig sa
awit. Kung sa intro palang ay naiingayan na sila or hindi na nila ito
agad gusto, maaring hindi na nila pakinggan ang buong awitin.
Ang coda ay bahagi ng isang awit o tugtugin na nagsisilbing
panapos o pangwakas na bahagi ng komposisyon. Kung ang
introduction ay maririnig sa unang bahagi ng kanta, ang coda
naman ay maririnig sa bandang dulo ng awit. Ito rin ang nagbibigay
ng ibang tunog sa awit, o ‘yung palabok na tunog para mas maging
makapal at makulay ang awitin.

Ano ang kaya kong gawin?

Ano ang kahalagahan ng isang introduction at ng coda sa


kaayusan at kagandahan ng isang awitin o tugtugin?

Ano pa ang kaya kong gawin?


Panuto: Pakinggan ang pinaka paburitong ninyong kanta at
tukuyin ang Introduction at Coda nito.
4
MUSIKA

Ikatlong Markahan – Modyul 2


Ikalawang Linggo
Ano ang target ko?

Kung ang tula ay binubuo ng mga taludtod, ang musika ay may


mga musical phrases na magkakaugnay at nakabubuo ng isang
musical idea.
Ang antecedent phrase at consequent phrase ay dalawang
parirala na bumubuo sa isang musical idea. Kadalasan ang
antecedent phrase ay may papataas na himig at ang consequent
phrase naman ay may papababang himig.

Ano ako magaling?


Panuto: Ang Part I ay kakantahin ng mababang boses
at ang Part II ay mataas na boses.
Part I: Kaming mga babae, kami’y sumasayaw
Part II: Kaming mga lalaki, kami’y napapa-wow
Part I: Sumayaw, katawan ay igalaw
Part II: Pumalakpak, mga paa’y ipadyak.

Ano ang balik-tanaw ko?

1. Mahalaga ba ang introduction at coda sa isang awitin?Bakit?


2. Ano ang introduction at coda?
Ano ang kahulugan?

Sa kantang Ugoy ng Duyan ni Levi Velerio. Ang Antecendent Phrase ay


makikita sa bahaging may bilog at ang Consequent phrase ay makikita
naman sa bahaging may guhit parisukat.
Ano pa ang gagawin ko?

Pakingggan ang musikang Ode to Joy (https://www.youtube.com/watch?v=a23945btJYw)

1. Bilugan ang bahagi ng consequent phrase at parisukat naman


ang bahagi ng antecedent phrase.
2.Paano mo nalalaman na ito ay consequent phrase at antecedent
phrase?
3. Pinapaganda ba nito ang isang awitin?Paano?
4
MUSIKA

Ikatlong Markahan – Modyul 3


Ikatlong Linggo
Ano ang target ko?

Sa bawat kumposisyon ng musika awitin o instrumental


ito ay mayroong mga bahaging tinatawag ng similar phrase at
contrasting phrase. Similar Phrase ito ay isang melodiya o ritmo
na napapaloob sa apat o limang measure na magkakapareho ang
tono o pagkakasulat at Contrasting Phrase ang melodiya o ritmo
ay magkaiba

Ano ako magaling?


Tingnan ang melodiya at ritmo ng unang dalawang measure ng phrase 1
at phrase 2 ito ay may pagkakalintulad.

Tingnan direksyon ng melodiya at ritmo sa ng dalawang phrase.


Makikita na ito ay magkaiba o contrasting sa unang phrase.
Ano ang balik-tanaw ko?

Panuto: Pakinggan ang kantanga “When His Majesty Dances


Merrily” https://youtu.be/xRUTNTpSylA
bilugan ang bawat phrase na makikita at sulatan sa itaas ng
bilog kung ito ay similar o contrasting phrase.
Ano ang gagawin ko?

Suriin at Isulat sa patlang kung ito ay Similar Phrase o Contrasting


Phrase.
Ano pa ang gagawin ko?
Sagutan:
1.Ano ang bumubuo sa isang Phrase?
2.Ano ang pagkakaiba ng Similar Phrase at Contrasting
Phrase?

Ano ang natamo ko?

Sa bawat kumposisyon ng musika awitin o instrumental ito ay


mayroong mga bahaging tinatawag ng similar phrase at contrasting
phrase. Similar Phrase ito ay isang melodiya o ritmo
na napapaloob sa apat o limang measure na magkakapareho
ang tono o pagkakasulat at Contrasting Phrase ang melodiya o
ritmo ay magkaiba

Sanggunian:
• K-12, Musika at Sining IV,Pp. 68-71
• Our World of Mapeh, Vibal
• https://brainly.ph/question/1944537
• https://www.coursehero.com/file/p4g0g0g/sa-isang-mang-aawit-Sa-katapusan-naman-ng-
awitin-o-tugtugin-may-mga-karagdagang/
Development Team of the Module
Writers: MOISES S. IMINGAN
Editors:
Content Evaluator: JERICHO V. CASTRO
Language Evaluator:
Reviewers: JERICHO V. CASTRO

Illustrator: MA. CRISTINA JAVIER


Layout Artist: CAMILLE JEWEL L. GARCIA
Management Team: DR. MARGARITO B. MATERUM, SDS
DR. GEORGE P. TIZON, SGOD Chief
DR. ELLERY G. QUINTIA, CID Chief
MR. SHOJI G. GERONA. EPS, MAPEH
DR. DAISY L. MATAAC, EPS – LRMS/ALS

For inquiries, please write or call:

Schools Division of Taguig city and Pateros Upper Bicutan Taguig City

Telefax: 8384251

Email Address: sdo.tapat@deped.gov.ph

You might also like