You are on page 1of 32

Modyul sa MAPEH

ELEMENTARYA
Ikatlong Markhan
MUSIKA at SINING

4
MAPEH – Ika-apat na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Module 1: Musika at Sining
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Magkagayon man, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan partikular sa Dibisyon ng Las Pinas na naghanda at nag-saayos
nito. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang anumang gamit maliban sa modyul na
ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o


ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.maging sa
mga manunulat nito

Inilathala ng Kagawaran ng
Edukasyon Dibisyon ng Las Pinas
Lungsod ng Las Pinas
Dr. Joel T. Torrecampo CESO VI
Tagapamanihala ng mga Paaralang Panglungsod
Lungsod ng Las Pinas

Bumuo sa Pagsusulat ng
Modyul
Manunulat:
Salve Jean P. Servano / Maria Leonora B. Lara
Tagasuri:
Willy V. Damian / Georgen G. Agbay / Joel C. Balanquit

Tagalapat:

Tagapamahala:

EPS sa MAPEH: Fatima T. Yusingbo

Inilimbag sa Pilipinas ng Dibisyon ng Las Pinas Kagawaran ng Edukasyon –


Rehiyon: NCR
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang MAPEH 4 ng Alternative Delivery Mode
(ADM) Modyul para sa araling MUSIKA AT SINING.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang sinuri at nilapatan ng
mga edukador mula sa pambulikong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12.
Ang tulong-aral sa musika at sining ay nilinang upang makatulong at higit na
mapagbuti ang kaalaman at umaasang makauugnay ang mag-aaral sa
mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang
kakayahan, bilis. oras at panahon. Naglalayon din itong matulungan ang mag-
aaral upang makamit ang mga kasanayang pang-21 siglo habang isinasaalang-
alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang
kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro

Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o


estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-
aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Maigting na pagsubaybay ay
kinakailangan upang mas higit na maunawaan ang nilalaman at sinasaad ng
modyul na ito. Inaasahan din na maitatala ang pag-unlad, pagkatuto nila
habang sila ay nagkakaroon ng independyenteng pagkakataon at madiskubre
ang kanilang mga sariling kakayahan at tuluyang maging simula ng kanilang
sariling pagkatuto, kaalaman at katalinuhang taglay. Bukod dito, inaasahan
din na higit na pagtuunan na hikayatin, gabayan, at bigyan ng masidhing
motibasyon ang mag-aaral habang isinasagawa at inunawa ang mga gawaing
nakapaloob sa modyul na ito.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa MAPEH 4 ng Alternative Delivery Mode (ADM)
Modyul ukol sa MUSIKA AT SINING.
Ang modyul na ito ay nilikha upang matugunan ang inyong pangangailangan
at kasidhiang ipagpatuloy ang pag-aaral sa abot ng iyong kakayahan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral o anumang asignatura at
magampanan ito ng lubusan habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Inaasahan
din na matugunan nito ang iyong pangangailangan sa mga paksa na iyong
kakaharapin at pagtutuunan ng pansin gamit ang iyong higit na pag-unawa.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad at
kasidhian sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala


sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang


pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit
ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

ALAMIN
Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat para sa mga mag-aaral. Dito
ay nakapaloob ang mga mahahalagang kaalaman, mga aralin na makakatulong
sa higit na pagkatuto at tuluyang pagkakaintindi sa nilalaman. Ito ay
magagamit sa mga susunod pang aralin sapagkat ito ay nakabase sa mga aralin
na may pagkakatugma sa mga susunod pang pag-aaralan. Ang mga aralin ay
may pagkakasunod na mga ideya upang mas magkaroon ng higit na motibasyon
na pag-aralan sa abot ng makakaya. At sa huli ay magkaroon ng higit na
pagkatuto at tuluyang maging bihasa ng higit pa sa kapasidad na hinihingi.
Intindihin lamang mabuti at sa kalaunan ay higit itong maiintindihan
Ang Modyul na ito ay hinati sa dalawang bahagi:
• 1. Musika
• 2. Sining
MUSIC Lessons
Lesson 1 – Identifies aurally and visually the introduction and coda (ending) of a
musical piece (MU4FO-llla-1)

Lesson 2 – Identifies aurally and visually the antecedent and consequent in a musical
piece (MU4FO-IIa-2)

Lesson 3 - Recognizes similar and contrasting phrases in vocal and instrumental music
such as melodic and rhythmic:(MU4FO-llla-b-3)

Lesson 4 - Performs similar and contrasting phrases in music such as melodic and
rhythmic. (MU4FO-llld-5)

Lesson 5 - Identifies as vocal or instrumental, a recording of the following (solo, trio,


ensemble, and duet). (MU4TB-llle-2)

Lesson 6 - Identifies aurally and visually various musical ensembles in the


community (MU4TB-lllf-3)

Lesson 7 - Applies dynamics in a simple music score using the symbols p (piano) and
f (forte) (MU4DY-ll)

ARTS Lessons
Lesson 1 - Discusses the texture and characteristics of each material. (A4EL-llla)

Lesson 2 - analyzes how existing ethnic motif designs are repeated and alternated.
(A4PL-lllb)

Lesson 3 - Demonstrates the process of creating relief prints and how these relief
prints make the work more interesting and harmonious in terms of the
elements involved (A4PL-Iilc)

Lesson 4 - Designs ethnic motifs by repeating, alternating or by radial arrangement.


(A4PR-llid)

Lesson 5 - Creates a relief master or mold using additive and subtractive Processes.
(A4PR-liid)

Lesson 6 - Creates simple, interesting, and harmoniously arranged relief prints from a
clay design (A4PR-Iiif)

Lesson 7 – Prints reliefs with adequate skill to produce clean prints with a particular
design motif (repeated or alternated) (A4PR-Iiig)

Lesson 8 - Creates the relief mold using found material: hard foam, cardboard shapes
glued on wood; strings and buttons, old screws, and metal parts glued on
wood or cardboard. (A4PR-Iili)
MUSIC
Aralin
Introduction and Coda
1 Competency: Identifies aurally and visually the introduction
and coda (ending) of a musical piece (MU4FO-llla-1)

Balikan
Awitin ang “Tao, Tao po” habang ipinapalakpak ang rhythm nito.

https://www.youtube.com/watch?v=lvB-ZU9G8wo

Tuklasin
Mahilig ka banag umawit o may kakilala ka bang kasama sa bahay na
hindi kumpleto ang maghapon kung hindi nakaririnig na musika?
Sa musika, may mga simbolong inilalagay ang isang kompositor
upang mas mapaganda ang isang awitin.

6
Suriin
Tingnan at pakinggan ang
awiting ito.
1. Tukuyin ang panimulang
himig o introduction ng
awiting ito.
2. Ano ang panapos na himig
o coda ng awiting ito?
3. Ano ang masasabi mo sa
awiting ito?
https://www.youtube.com/watch?v=ZKkMAk7GTI Sa alinmang awitin, mas
8 mainam na may bahaging
naghahanda o introduction na maaaring maikling himig o tugtuging
instrumental na tinutugtog bago magsimula ang awitin.
Bukod sa napapaganda nito ang awitin, nagbibigay ito ng tamang
tono o pitch sa isang mang-aawit.
Sa katapusan naman ng awitin o tugtuugin, may mga karagdagang
gawain o idea ang kompositor upang magkaroon ng magandang pagtatapos
ang isang awitin o tugtugin at tinatawag itong coda.

Pagyamanin
Panuto: Sa tulong ng iyong kasama sa bahay, gawaan ng sariling
introduction at coda and awitin sa ibaba. Pagsanayang awitin at ipakita sa
harap ng iyong kasama sa bahay. Maaaring ivideo at ipadala sa messenger
ng guro.

https://www.youtube.com/watch?v=ThjUJx_odgI&t=4s
7
Aralin
Antecedent and Consequent
2 Competency: Identifies aurally and visually the antecedent and
consequent in a musical piece (MU4FO-IIa-2)

Balikan
Sa nakaraang aralin, natutuhan mo ang mga simbolong inilalagay ang
isang kompositor upang mas mapaganda ang isang awitin. Ito ay tinatawag
na introduction at coda.
Pagkatapos ng araling ito, inaasahang matukoy sa pamamagitan ng
pakikinig at pagtingin ang antecedent phrase at consequent phrase ng isang
awit.

Tuklasin
Kung ang tula ay binubuo ng mga taludtod, ang musika ay may mga
musical phrases na magkakaugnay at nakabubuo ng isang musical idea. Ito
ang antecedent at consequent phrases.
Awitin natin ang kantang “Tayo’y Magpasalamat”

https://www.youtube.com/watch?v=ru3OBwA8sF0
Pagmasdan awiting ito. Bigyang pansin ang bawat taludtod ng awiting
ito. Makikita sa awiting ito ang antecedent phrase at consequent phrase.

Suriin
Ang mga antecedent and consequent phrases ay magkakaugnay. Ang
dalawang ito ay ang bumubuo ng musical idea. Kadalasan ang antecedent
phrase ay mataas at ang consequent phrase naman ay mababa.
8
Pakinggan at awitin ang awiting Ugoy ng Duyan. Tukuyin ang
antecedent at consequent ng awiting ito.
1. Alamin ang
mga phrases ng
awit.
2. Ilan ang
musical phrase sa
kantang “Ugoy ng
Duyan”?
3. Tukuyin ang
antecedent at
consequent ng
awitin.
https://www.youtube.com/watch?v=q_gOQVLVUJI

Pagyamanin
Panuto: Maghanap ng kapareha. Kung ikaw ay babae ang hahanapin mong
kapareha ay lalaki o kaya ang kuya o tatay. Kung ikaw naman ay lalaki ang
hahanapin mo ay naming kapareha ay babae o kaya si Nanay o si Ate. Ang
babae ay bibigkas ng chant na pataas na tono samantalang ang lalaki sa
pababang tono.
Babae: Kaming mga babae, kami’y sumasayaw
Lalaki: Kaming mga lalaki, kami’y napapawow.
Babae: Sumayaw, katawan ay igalaw
Lalaki: Pumalakpak, mga paa’y ipadyak

Aralin Similar and Contrasting

3 Phrases
Competency: Recognizes similar and contrasting phrases
in vocal and instrumental music: (MU4FO-llla-b-3)

Balikan
Pakinggang Mabuti ang awitin at sabayan ito.

9
Tuklasin
Melodic phraser ang tawag sa grupo o pangkat ng mga tono at himig
sa isang awitin. Rhythmic phrase ang tawag sa grupo o pangkat ng mga
note at rest batay sa palakumpasan sa isang bahagi ng awit o koposisyon.
Ano ang paborito mong gamit na ibinigay sa iyo ng iyong magulang o
kaibigan? Paano mo ito napapahalagahan?
Narito ang isang awitin na tungkol sa isang dalagang nawalan ng
singsing na minana niya sa kaniyang ina.
Basahin ang titik ng awiting “Atin Cu Pung Singsing” na awitin mula
sa Pampanga.

https://www.youtube.com/watch?v=gVZgJGC8u2k

Pagyamanin
Panuto: Pakinggan at awitin ang mga awiting nakasulat sa ibaba. Tukuyin at
isulat ang MK kung ang musical phrase ay magkahawig at DMK kung di-
magkatulad. Gawin ito sa kwaderno.
a. “Ako ay may Lobo” - Ako ay may lobo lumipad sa langit
- Di ko na makita, pumutok na pala
b. “Twinkle, Twinkle Little Star”
- Twinkle Twinkle little star
How I wonder what you are
- Up above the world so high
Like a diamond in the sky

10
Aralin Similar and Contrasting

4 Phrases
Competency: Performs similar and contrasting phrases in music.
(MU4FO-llld-5)

Balikan
Sa musika, ang pagsasama-sama ng mga note at rest ang
dahilan ng pagkabuo ng melodic at rhythmic phrase na nakatutulong sa
pagbibigay ng kulay, ganda at kahuluan ng isang awit.

Tuklasin
Ang unang rhythmic phrase ay nagpapakita ng pariralang magkatulad
dahil sa pag-uulit ng melodic at rhythmic phrase. Samantala, ang nasa
ikalawa naman ay di- magkatulad magkaiba ang kanilang melodic phrase at
rhythmic phrase. Ang himig at rhythm ay naiiba sa mga naunang phrase at
sumasalungat sa daloy ng himig.
Awitin ang kantang “London Bridge” matutukoy mo ba kung ang mga
musical phrase ay magkahawig o di- magkatulad?

https://www.youtube.com/watch?v=0-Y7Qi3fMs0

11
Suriin
Suriin ang mga rhythmic phrase, sa pamamagitan ng pagtapik sa mesa
o upuan. Kaya mo bang matukoy ang magkahawig at di-magkatulad na
phrase?
Alin sa dalawa ang nagpapakita ng pariralang magkapareho? Alin sa
dalawa ang ngpapakita ng magkaibang parirala?

Ano ang kaibahan ng melodic phrase sa rhythmic phrase?

Melodic phrase ang tawag sa pangkat ng mga tono o himig na bahagi


ng isang awit. Rhythmic phrase ang tawag sa pangkat ng mga note at rest
batay sa palakumpasan sa isang bahagi ng awit o komposisyon.
Pariralang magkatulad kung ito ay binubuo sa pamamagitan ng pag-uulit ng
melodic phrase at rhythmic phrase sa mas mataas o mababang tono.
Pariralang di- magkatulad kung ito’y binubuo ng magkaibang melodic
phrase at rhythmic phrase. Ang himig at rhythm ay naiiba sa mga naunang
phrase o sumasalungat sa daloy ng himig.

Pagyamanin
Panuto: Sa tulong ng kasama sa bahay, maghanap ng mga
awiting may magkahawig na melodic phrase at di-magkatulad na
rhythmic phrase. Isulat ang sagot sa iyong kwaderno. Ivideo at
maaaring ipadala sa messenger ng guro.

Aralin
Iba’t ibang uri ng Tunog
5 Competency: Identifies as vocal or instrumental, a recording of
the following. (MU4TB-llle-2)

Balikan
Ang tinig ng tao ang isa sa mga pangunahing instrumento sa musika.
Gaya ng tunog ng iba’t ibang instrument, may timbre ang bawat tinig dahil
sa kapal at laki ng vocal chord. Mayroong makapal, malambing, matinis,
magaralgal, maindayog, pailong at bahaw na tinig.

12
Tuklasin
Tingnan ang mga sumusunod na larawan ng mga mang-aawit.

solo (Moira dela Torre) duet (KZ Tandingan at TJ Monterde)

Trio: TNT Boys (Francis Concepcion, Ensemble


Mackie Empuerto, Keifer Sanchez) Philippine Philharmonic Orchestra

Solo- kapag ang umaawit ay isang tao lamang.


Duet- Kapag magkasabay na umaawit ang dawang tao. Maaaring ito ay babae
at lalaki parehong babae o kaya naman ay parehong lalaki.
Pangkat/ Grupo- kapag ang umaawit ay binubuo ng dalawa o higit pang
mang-aawit
Ensemble- groupo ng mga musikero na tumutugtog ng magkakasama.

Suriin
Makikilala natin ang kaibahan ng tunog ng mga instrumentong ginamit
at tinig ng tao o mga taong kumakanta sa pamamagitan ng pakikinig sa
kakaibang katangian o kulay ng bawat tunog tulad ng makapal, malambing
mataas, mababa, maindayog, mataginting, magaan,at makalansing. Mabilis
din nating matukoy kung anong uri ng boses ang bawat isa kung ang
umaawit ay bata, lalaki, babae, solo,duet,choral o pangkat na mang-aawit.
May mga mang-aawit na maganda pakinggan kung mag isa lamang na
kakanta (Solo), ngunit mas gaganda kung may kapareha sa pagkanta (Duet)
o maramihan (Grupo) o sasamahan ng tunog ng instrumentong musical
(ensemble).

13
Pagyamanin
Panuto: Tukuyin kung ito ay Solo, Duet, Trio o Pangkatan. Isulat ang sagot
sa iyong kwaderno.

Aralin
Iba’t ibang uri ng Tunog
6 Competency: Identifies aurally and visually various musical
ensembles in the community (MU4TB-lllf-3)

Balikan
Ang musika ay parte na ng ating pamumuhay. Mula sa binyag, kasal,
pista, kahit sa simpleng pagsasama-sama ng pamilya, maging sa pagsamba
at kahit sa libing, ito ay may kaakibat na musika. Ang tunog ng mga musical
instrument ay nagbibigay sa atin ng ibat-ibang damdamin, lalo na kung ang
mga ito ay naririnig natin sa isang malikhaing pagtugtog na naka grupo.
Sa araling ito, matutuhan mo ang iba’t ibang uri ng tunog.

Tuklasin
Ang mga instrumentong musikal ba ay mas magandang pakinggan
kung ito ay sinasamahan din ng iba pang instumentong musical? Anu- ano
ang mga instrumentong nabanggit ang nakita nyo na sa personal? Narinig na
patugtugin? Ano ang inyong naramdaman habang ito ay piapatugtog?

Ang iba’t-ibang musical ensemble ay iba’t-ibang grupo na binubuo ng


iba’t-ibang musical instruments. Maari makita ang mga ito sa inyong
komunidad. Nakakatulong ang musika para mapagaan o mailabas ang ating
damdamin sa pamamagitan ng pagtugtog ng musical instrument o pakikinig
dito.

14
Suriin
Musical ensembles ang tawag sa ibat-ibang grupo na tumutugtog na
binubuo ng iba’t-iba ang musical instruments. Sa Pilipinas, mayroon tayong
sarili nating Musical Ensembles na riyan, ang mga sumusunod:
1. Rondalla- ito ay karaniwang binubuo ng Lima na string instruments or
instrumentong de kuwerdas. Ito ay pagpapangkat ng mga tunog batay sa
diin(acent) o tagal (duration) maaring regular o di-regular ang ritmo ng isang
awit o tugtugin.

A. Gitara- Ito ay isang instrumentong pang-musika na


may anim na kuwerdas. Tinutugtog ito sa pamamagitan ng
pagdiin sa kuwerdas na nasa bandang itaas na bahagi ng
gitara ng kanan o kaliwang mga daliril habang ito ay
kinakalabit ng mga kanan o kaliwang darili sa ibabang bahagi
ng gitara o kung minsan ay ginagamitan ng pick.

B. Bandurya- Ito ay isang katulad ng maliit na gitara


ngunit may 14 na kuwerdas.

C. Octavina- Ito ay may anyong kagaya ng sa guitar


ngunit mayroong 14 na kuwerdas at kapareho ng tuning ng
sa Laud.

D. Laud- Ito ay may anyong kagaya ng sa guitar ngunit


mayroong 12 kuwerdas. Halos magkamukha sila ng banduria
ngunit ang leeg nito ay mas mahaba kesa sa banduria.

E. Baho de Arko- Ito ay pinaka malaking instrument sa


Rondalya, kasingtaas ito ng tao kaya’t ang tumutugtog nito
ay nakatayo. Apat lamang ang kuwerdas nito.

2. Drum and Lyre Band- Ito ay karaniwang binubou ng percussion


instrument or mga instrumentong de pukpok at ito ay nahahati sa dalawang
klase, iba’t-ibang klase ng drums at lyre. Ang ganitong klase ng ensemble ay
iniindakan ng mga majorettes.

A. Lyre- ay isang instrumentong pang musika na gawa sa


kahoy or metal at pinupukpok para tumunog. Ito ay may 24 na
pahabang metal o kahoy na pupukpukin pra tumunog. Ang
bawat isa dito ay may nakalaan na tunog.

B. Bass drum- malaki at malapad na uri ng drum.


Pinapatugtog sa pamamagitan ng pagpalo ng isa o
dalawang drumstick na may malambot na balat sa dulo.
Madagundong at malaki ang tunog nito.

15
C. Snare Drum- o side drum o kilala din sa tawag na
Karakatak. Ito ay maliit na uri ng drums na ang mgkabilang panig
ay nababalutan ng balat. Ang ilalim na panig ay may nakaharang
na metal na liston. Ang ibabaw na bahagi naman ay walang liston
at ito ang hinamapas ng dalawang patpat na tinatawag na
drumstick upang tumunog. Ito ay walang tiyak na tono.

D. Pompiyang o cymbals- ito ay dalawang malapad at


manipis na instrumentong tanso. Pinaghahampas ang dalawang
ito sa isa’t isa upang tumunog. Maari rin itong ibitin o ipatong

3. Bamboo Ensemble- mga instrumentong gawa sa kawayan.


Pinapatugtog sila sa pamamagitan ng pag-ihip, pagkalog o pagpalo, at pagtipa
o pagkalabit.

A. Gabbang- native xylophone sa katimugan ng Pilipinas.


Tinatawag din itong gambang ng mga taga Samal.
Hinahampas ito ng dalawang patpat o mallet na may goma
sa dulo.

B. Kubing- ito ay isang jaw harp ng Tiruray. Kinikilala din


ito sa ibang bansa dahil sa kanyang magandang tunog at
malawak na timbre. Tinatawag din itong kumbing ng Bagobo,
Lideng ng Bilaan, Kobing ng Maranao at Samal at Kulaing ng
Tausug at Yakan.

C. Sagaypu o Saggeypo- ito ay gawa sa anim na kawayan na


may iba’t- ibang haba.

Pagyamanin
Panuto: Pumili ng isang instrumentong pangmusika sa bawat pangkat at
iguhit ito sa isang malinis na papel.

Aralin Paggamit ng Dynamics sa

7 Competency:
Musical Score
Applies dynamics in a simple music score using
the symbols p (piano) and f (forte) (MU4DY-lllf-1)

Balikan
Sa natapos na aralin, napag-aralan natin ang mga uri ng tunog
gamit ang iba’t ibang uri ng instrumenting pang musika.

16
Tuklasin
Sa araling ito ay ating malalaman kung ano nga ba ang Dynamics at
mga simbolong ating ginagamit para dito.
Tulad ng isang awitin na ating napakikinggan, ito’y nagiging kaaya-aya
at maganda dahil maayos itong naipapahayag ng mang-aawit. Ang bawat
salita at linya ng awitin ay may mga katumbas na nota na maaaring awitin
ng mahina o malakas. Ito ay tinatawag na dynamics, na nagbibigay kulay sa
awitin na ating naririnig. Ang pagpapahayag ng damdamin ng awitin ay
magiging kanais-nais dahil sa Dynamics.
Pagmasdan at pag-aralan ang tsart ng awitin sa ibaba.

https://www.youtube.com/watch?v=J6jIzp1RkuI
Pansinin ang bahagi ng awiting may mga simbolong p at f. Nauunawaan mo
ba ang kahulugan ng mga ito?

Suriin
May iba’t ibang antas nang lakas o hina ang mga tugtugin sa ating
kapaligiran. Sa musila, isang paraan upang maipahayag ang damdamin sap
ag-awit ay sa pamamagitan ng makabuluhang paghina at paglakas ng tinig.
Tinatawag itong Dynamics. Hindi lamang ito nagpapakita ng emosyon ng awit
kundi upang maging akma ang musika sa gamit nito. Ang mga awitin para
sa pagpapatulog ng bata ay inaawit nang mahina. Pinapatugtog naman nang
malakas ang bandang martsa sa piyesta.
Ang simbolong p ay piano na kumakatawan sa mahinang pag-awit o
pagtugtog. Samantalang ang f ay forte na sumisimbolo sa malakas na pag-
awit o pagtugtog. Ang mga simbolong ito ay tinatawag na Dynamics na isa sa
maraming elemento ng Musika.

17
Ang Dynamics ay elemento ng Musika na tumutukoy sa paglakas
o paghina ng isang awitin o tugtugin.
→ Ang p(piano) ay ginagamit para sa mahinang pag-awit o pagtugtog.
→ Ang f(forte) naman ay para sa malakas na pag-awit o pagtugtog.

Pagyamanin
Panuto: Sa tulong ng kasama sa bahay, awitin ang sumusunod na mga
awitin. Isulat ang p kung ito ay inaawit ng mahina at f kung malakas.
1. Ugoy ng Duyan
2. Happy Birthday to You
3. Tulog na Bunso
4. Silent Night
5. Paru-parong Bukid

18
4

SINING
IKATLONG MARKAHAN

19
SINING
Aralin
TEKSTURA
1 Competency: Discusses the texture and characteristics of each
material. (A4EL-llla)

Alamin
Maraming mga produktong gawa sa Pilipinas na ikinakalakal sa ibang
bansa na nagugustuhan ng mga dayuhan dahil sa tibay at kakaibang
ganda.Karaniwang makikita sa mga produkto ang iba’t ibang disenyo na
nagpapakilala ng lugar o pangkat na pinagmulan nito.

Tuklasin
Karaniwang naipakikita ng mga Pilipino sa kanilang mga gawang
produkto ang iba’t ibang disenyo na nagpapakilala sa lugar o pangkat na
kinabibilangan nila. Marami sa produktong ito ang kinakalakal sa ibang
bansa at ang mga ito ay nagugustuhan ng mga dayuhan dahil sa ganda at
tibay ng mga ito.
Taglay ng mga produktong ito ang iba’t ibang tekstura (texture). Ang
mga basket,banig,at bag na yari sa yantok,ay may teksturang matigas at
magaspang. May mga bag naman na malalambot at makikinis. Ang tekstura
ng icing bagay ay naaayon sa uri ng materyal na ginamit dito.

Suriin
Ilan sa mga produktong Pilipino:

Iba’t ibang tekstura ang taglay ng mga produktong ito. Basket, banig at
bag na yari sa yantok ay may matigas at magaspang na tekstura. Ang ibang
bag naman ay may teksturang malalambot at makikinis. Ang tekstura ay
maaring makinis, madulas, makapal, mapino, mabako, manipis o
magaspang. Nalalaman ang tekstura ng isang bagay sa pamamagitan ng
pandama o paghipo o teksturang taktil at pagmamasid o pagtingin o
teksturang biswal.
20
Pagyamanin
Disenyong Panggilid (Border Design)
Kagamitan: oslo paper, cardboard, pandikit, butones, hair clip, barbecue
sticks, barya ng iba’t ibang halaga, mga dahon na may iba’t ibang hugis at
tekstura, acrylic paint, paint brush, gunting, dyaryo, at lumang plastic.

Mga Hakbang sa Paggawa:


1. Pumili ng mga dahon na may iba’t ibang laki at tekstura.
2. Ayusin ang mga napiling dahon. Ang disenyong gagawin ay maaaring
katulad ng mga disenyo sa iyong paligid o komunidad. Iayos ang mga ito
sa ibabaw ng mesang paggagawaan.
3. Kulayan ang mga dahon ng acrylic paint (kulayan lamang ang bahagi ng
dahon na may tekstura para lumitaw ang disenyo)
4. Ayusin ang mga dahon sa gilid ng oslo paper. Pagkatapos maihanay ang
mga dahon, maaari na ipatong ang oslo paper sa mga nakaayos na dahon
sa ilalim nito.
5. Idiin nang maigi ang kamay sa ibabaw ng oslo paper para bumakat ang
mga tekstura nito na nasa ilalim.
6. Alisin nang marahan ang oslo paper (at ang mga dahon na nasa ilalim
nito).
7. Patuyuin ang papel na may disenyong panggilid. Ipaskil na ito sa exhibit
area upang makita rin ng iba at maghanda sa pagpapahalaga.
8. Linisin at ayusin ang lugar na pinaggawaan ng proyekto o disenyo.

Sanggunian:
• https://pixabay.com/photos/baskets-crafts-sales-stand-3339638/
• https://pixabay.com/potos/fabric-wool-textile-texture-103/1932/

Aralin CONTRAST NG PAKURBA AT

2 TUWID NA LINYA
Competency: Analyzes how existing ethnic motif designs are repeated
and alternated. (A4PL-lllb)

Balikan
Tukuyin ang tekstura ng mga disenyong nasa larawan.

21
Tuklasin
Magsaliksik tungkol sa mga disenyong etniko o ethnic pattern designs
mula sa mga magazine o iba’t ibang babasahin.
Bigyan ng pagkakataon ang mga bata na maipakita o maibahagi ang
kanilang mga nakalap na larawan. Hayaan silang magbigay ng sariling
kuro-kuro tungkol dito.

Suriin
Mayaman ang Pilipinas sa sining at kultura. Dahil ito sa kontribusyon
ng iba’t ibang pangkat-etniko. Nakabatay ang kanilang mga disenyo sa mga
bagay-bagay na matatagpuan o makikita sa kanilang kultura at lugar o
kapaligiran. Nagtataglay ang mga ito ng contrast sa pamamagitan ng
paggamit ng mga linyang tuwid at pakurba, paputol-putol at patuldok-
tuldok, parisukat at pabilog, at iba pa.

Iba’t ibang Uri ng Linya sa Disenyo

1. Inuulit na tuwid na linya – ito ay nagpapakita ng linyang hindi


gumagalaw dahil nagpapahiwatig din ito ng kapayapaan, kalungkutan,
kaayusan, katatagan at iba pa.
2. Inuulit na pakurbang linya – ito ay halimbawa ng linyang gumagalaw.
Nagpapakita ito ng aksyon, kasiglahan o kalikutan.
3. Inuulit na pakurba at tuwid na linya – ito ay nagpapakita ng
pinagsamang gumagalaw at hindi gumagalaw na linya.

Pagyamanin
Eco Bag na may Disenyong Etnikong Motif
Kagamitan: recycled paper bag o eco bag, watercolor o acrylic paint, paint
brush, gunting, folder o cardboard
1. Umisip ng disenyo na nais mong mailimbag sa recycled paper bag. Ang
mga disenyong gagamitin ay hango sa etnikong motif na napag-aralan o
anumang disenyong ibig mong idibuho na.
2. Kumuha ng cardboard at gupitin sa nais na hugis. Maaari kang gumawa
ng dalawa o tatlong uri ng hugis. Gumupit din ng mga linyang tuwid at
pakurba para sa isang panig ng paper bag.
3. Pagkatapos makagawa ng mga disenyo, ayusin ang paper bag sa mesa.
Kailangang pantay ang pagkakalatag nito sa mesa.
22
4. Gamit ang paint brush, pahiran ng acrylic paint o watercolor ang ginupit
na motif at mga linyang tuwid at pakurba. Maingat na ilapat sa paper bag.
5. Ulitin nang ilang beses ang bilang 4 (pasalit-salit o inuulit) upang
makabuo ng disenyo sa iyong bag.
6. Patuyuin ang paper bag. Itanghal (i-display) ito sa harap ng klase.

Sanggunian:
• Musika at Sining Kagamitan ng mag-aaral p. 208-211
• Musika at Sining Kagamitan ng Guro p. 268-271
• https://www.youtube.com/watch?v=Rb1A2wYqwIc&feature=share

Aralin Relief Printing


3
Competency: Demonstrates the process of creating relief prints and
how these relief prints make the work more interesting
andharmonious in terms of the elements involved (A4PL-Iilc)

Balikan

Ang mga linyang ito ang kadalasang nakikita natin sa disenyong etniko.
Mayroon itong iba’t ibang katangian na ipinahihiwatig.
Ano ba ang katangian ng tuwid na linya?
Ano naman ang katangian ng pakurbang linya?

Tuklasin
Tingnan ang larawan.

Ano ang napansin mo sa larawan? Maganda bang tingnan ang iba’t


ibang kulay na ginamit rito? Sa tingin mo ba gumamit ng lapis ang taong
gumawa nito? Ano kaya ang nasa kamay ng taong gumawa ng disenyo?
Madali kaya itong gawin?
Mapapansin natin na ang gumuhit ng larawan ay hindi gumamit ng
lapis upang mabuo ang disenyo. Bagkus ay gumamit siya ng stamp upang
mailipat ang disenyo mula rito patungo sa papel.

23
Ang tawag dito ay “relief printing”. Ang relief prints ay mga disenyo,
letter print, slogan/logo na makikita sa mga papel, tela, tarpaulin at iba
pang materyales upang hindi paulit ulit ang pagguhit o pagpinta.

Suriin
Tingnan ang larawan.

Ang disenyong ito ay binubuo ng paulit-ulit na hugis o porma.


1. May bakas ba ng lapis ang disenyo?
2. Gumamit ba ng krayola o colored pen ang gumuhit nito?
3. Sa tingin mo ba ay perpekto ang pagkaguhit ng bawat cubes sa gilid ng
papel?
4. Kung pagagawain ka ng disenyong tulad nito gamit ang lapis at krayola
lamang, sa tingin mo ba ay magagawa mo nang perpekto ang hugis at
porma nito?

Ang disenyong ito ay tinatawag na “Vegetable Relief Print”. Ito ay pag


iimprinta ng disenyo gamit ang mga gulay gaya ng patatas, kalabasa, sayote
at iba pa. inuukit ang gulay gaya nito:

Tapos kukulayan
gamit ang acrylic paint at
ipi-press ito sa papel.
Paulit-ulit itong gagawin
hanggang makabuo ng
gustong disenyo.

Pagyamanin
Vegetable Relief Print
Kagamitan: bond paper, patatas o sayote, acrylic paint o fabric paint, paint
brush
Mga Hakbang sa Paggawa:
1. Ihanda ang mga kagamitan.
2. Hiwain ang patatas o sayote. Umukit ng disenyong gusto mo.
3. Maglagay ng acrylic paint sa lalagyan at pinturahan ang inukit na disenyo.
4. Ilapat sa papel ang dulo ng patatas o sayote na may acrylic paint. Gawin ito
nang paulit-ulit hanggang sa dumami ito at makuha ang hinangad na disenyo.

Sanggunian:
• https://youtu.be/nHZoXgOCmgO

24
Aralin Relief Printing: Ethnic Motif

4 Design
Competency: Designs ethnic motifs by repeating, alternating or by
radial arrangement. (A4PR-llid)

Balikan
Tingnan ang larawan.

Ito ay isang halimbawa ng “Vegetable Relief Print”. Iniimprinta ang


disenyo gamit ang mga gulay gaya ng stalk ng okra at capsicum o atsal. Ano
ang napansin ninyo sa larawan? Paulit-ulit lang ba ang disenyo?

Tuklasin
Tingnan ang mga larawan.

Ang mga disenyo sa larawan ay binubuo ng iba’t ibang uri ng linya.


May paulit-ulit na tuwid na linya at paulit-ulit na linyang pakurba. Sa unang
dalawang larawan ay paulit-ulit na linyang pakurba ang ipinakikita rito. Ano
ba ang ipinahihiwatig nito? Ito ba ay tila gumagalaw o hindi?
Sa ikatlong larawan naman ay paulit-ulit na tuwid na linya ang
ipinakikita rito. Ito ba ay tila gumagalaw o hindi?

Suriin
Panuto: Tingnan ang mga larawan.

25
A B C
Napansin mo ba na ang pagkakahanay ng mga disenyo ay paulit-ulit
at pasalit-salit lang?
Alin sa mga larawan ang nagpapakita ng pag-uulit ng mga hugis at
linya o repeating arrangement?
Alin sa mga larawan ang nagpapakita ng paikot na mga hugis at linya
o radial arrangement?
Alin sa mga larawan ang nagpapakita ng pasalit-salit na mga hugis at
linya o alternating arrangement?
Binubuo ang etnikong motif ng mga hugis at linya sa pamamagitan ng
pag-uulit, pagsasalit,-salit at radial na ayos (o paikot) ng mga hugis at linya
upang magkaroon ng kagandahan at kaaya-ayang motif designs.

Pagyamanin
Panuto: Kulayan ng berde o green ang mga disenyong paulit-ulit.
Asul o blue naman sa pasalit-salit na disenyo at pula o red sa may paikot o
radial na pagkakahanay na disenyo.

Sanggunian:
▪ MAPEH 4 TG
▪ https://youtu.be/VHaSJ2jXXlK

Aralin Makasining na Dibuho Gamit ang

5 Relief Master o Mold


Competency: Creates a relief master or mold using additive and
subtractive Processes. (A4PR-liid)

26
Balikan
Ang relief printing ay isang kakaibang pamamaraan ng paglilimbag.
Ito ay ginagawa sa pamamagitan ng paglilipat o pagpaparami ng disenyo
gamit ang isang relief master o molde.

Tuklasin
Tingnang mabuti ang mga suusunod na relief prints.

Ano-anong hugis at kulay ang nakikita mo sa mga larawan?


Paano inayos ang mga disenyo at hugis?

Suriin
Ang mga larawan sa ibaba ay halimbawa ng mga larawang
nagtataglay ng iba’t ibang disenyo.

Ano ang napansin nyo sa mga hugis at kulay? Ito ba ay inuulit lamang?

Pagyamanin
Gumawa ng iba’t ibang relief prints o molde na gamit ang lumang karton.
Gumamit ng disenyong pangkat-etniko sa paggawa ng molde.
Sanggunian:

https://www.esquiremag.ph/culture/design/philippine-indigenous-fabrics-are-making-a-comeback-
a00225-20171017-ifrm
https://www.artbarblog.com/print-making-with-cardboard/
https://stporteracadmy.brooklyn.org/art-wcck-4-6-2020/
https://www.auntanne.com/SurfaceDesign/VegetableStamps/HowToCutig.gif

27
Aralin Relief Prints mula sa Disenyong

6 Gawa sa Luwad
Competency: Creates simple, interesting, and harmoniously arranged
relief prints from a clay design (A4PR-Iiif)

Balikan
Masdan ang sumusunod na larawan.

Ano ang tawag natin sa mga ito? Ito ay mga halimbawa ng relief master
o molde na maaaring gamitin sa paglilipat o pagpaparami ng disenyo.

Tuklasin
Tingnan at suriin ang mga larawan na nasa ibaba.

Paano mo ilalarawan ang ayos ng mga kulay at disenyo?

Suriin
Pag-aralang mabuti ang mga kagamitan, mga larawan sa mga hakbang
sa paggawa ng relief master o molde para sa relief printing na isasagawa mo
mamaya
Mga Larawan sa Paggawa

28
Kagamitan: luwad (plastic clay), dyaryo
Mga Hakbang sa Paggawa:
1. Takpan ng lumang dyaryo ang mesang gawaan.
2. Ilabas ang dalang luwad.
3. Pagulungin o diinan sa mesa ang luwad hanggang lumambot.
4. Gumawa ng disenyong may iba’t ibang hugis.
5. Siguraduhin na ang bahaging ididiin sa papel o materyales na paglalagyan
ng disenyo ay pantay.
6. Patuyuin ito para magamit sa relief printing.
Tanong:
1. Bakit mahalaga na maglagay ng dyaryo sa mesang pinaggagawaan sa
tuwing ikaw ay gumagawa ng gawaing sining?
2. Sa paggawa ng iba’t ibang hugis ng disenyo, anong prinsipyo ng sining ang
maaari mong gamitin?

Pagyamanin
Panuto: Iguhit sa papel ang iyong plano na disenyong may iba’t ibang hugis
na gagamitin mo sa relief printing. Iayos ang mga ito ng may ritmo o paulit-
ulit.

Sanggunian:
https://artfulparent.com/create-colorful-clay-relief-tiles-for-kids-with-air-drying-clay/

Aralin Paglilimbag ng Disenyo sa Table

7 Mat
Competency: Creates simple, interesting, and harmoniously arranged
relief prints from a clay design (A4PR-Iiif)

29
Balikan
Panuto: Ayusin ang pagkakasunud-sunod na mga hakbang sa paggawa ng relief
master gamit ang clay design. Isulat ang letrang A-E sa patlang.
______1. Gumawa ng disenyong may iba’t ibang hugis.
______2. Pagulungin o diinan sa mesa ang luwad upang lumambot.
______3. Ilabas ang dalang luwad.
______4. Takpan ng lumang dyaryo ang mesang gawaan.
______5. Siguraduhin na ang bahaging ididiin sa papel o materyales na
paglalagyan ng disenyo ay pantay. Patuyuin ito para magamit sa relief printing.

Tuklasin
Ang disenyong etniko ay tunay na nakalulugod at kaakit-akit sa
paningin. Hanggang sa kasalukuyan, ginagamit pa rin ito bilang disenyong
pansulok, panggitna, pangkalahatan, at panggilid sa tela, kumot, malong,
plorera, gusi at punda ng unan. Isa na rito ang disenyo ng mga Kalinga sa
Lalawigang Bulubundukin (Mt. Province).
Sa kanilang mga disenyo ay makikita ang paggamit nila ng malalaki
at maliliit na hugis na nagdudulot ng contrast sa mga disenyo.

Suriin
Suriing mabuti ang mga disenyong etniko sa ibaba.

Sagutin ang mga tanong:


1. Ano ang napapansin mo sa mga disenyo?
2. Ano-anong mga hugis ang nasa disenyo?

Pagyamanin
Panuto: Gumawa ng plano na may disenyong etniko na ginagamitan ng
paulit-ulit o pasalit-salit na disenyo sa papel. Ayusin ang malalaki at maliliit
na disenyo nang paulit- ulit o pasalit-salit bilang disenyong pansulok,
panggitna, pangkalahatan at panggilid.
30
Sanggunian:
• Musika at Sining LM p.227-229
• nDZhfVth4Z1GtM%252C_&vet=1&usg=AI4_-
kRq2ISu3pZzVr3fubHbhHEJ3aqmsg&sa=X&ved=2ahUKEwir26Xj_5HrAhUWPnAKHWvL
Bb0Q9QEwAnoECAoQIg&biw=1366&bih=657#imgrc=jgusovw9fU6i2M

Aralin Paggawa ng Relief Mold


8
Competency: Creates the relief mold using found material: hard foam,
cardboard shapes glued on wood, strings, and buttons, old
screws, and metal parts glued on wood or cardboard. (A4PR-Iili)

Balikan
Ang disenyong etniko na likas sa Mountain Province ay tunay
na nakalulugod at kaakit-akit sa paningin. Hanggang sa kasalukuyan ay
ginagamit pa rin ito. Kadalasan din itong ginagamit na disenyo sa
paglilimbag.

Tuklasin

Ang paglilimbag ay isa sa mga gawaing pansining na magagawa sa


pamamagitan ng pag-iiwan ng bakas ng isang kinulayang bagay. Ang
paglilimbag na ito ay tinatawag ding relief mold. Ang relief mold ay maaari
ding isagawa sa pamamagitan ng iba’t ibang bagay na matatagpuan natin
sa ating paligid at sariling pamayanan.
Sa pamamagitan ng kulay, mapayayaman ang ganda ng mga gawaing
sining dahil ito ay nagpapakita ng damdamin at imahinasyon.

Mga kagamitan sa paligid na maaaring gamitin sa paglilimbag:


- Hard foam - cardboard shapes glued on wood
- Strings and buttons - old screw and metal parts glued on cardboard

Suriin
Suriing mabuti ang mga sumusunod.

Paggawa ng Relief Mold Gamit ang Lumang Tsinelas

Ang mold ay maaaring lumang tsinelas (patapong bagay) na gagawing


parang rubber stamp. Isa sa kinakailangang gamit ay kutsilyo o cutter para
sa paghiwa o pangporma ng hugis upang maging nakaalsang molder sa
pagprint sa katsa na gagawing table mat.
31
Hakbang sa Paggawa:
1. Ihanda ang mga kagamitan tulad ng pintura, katsa o anumang telang
kasinlaki ng table mat o panyo at lumang tsinelas.
2. Lagyan ng lumang dyaryo o magazine ang mesang gagamitin. Ayusin ang
tela sa ibabaw nito nang maayos.
3. Mag-isip ng isang disenyo na binubuo ng iba’t ibang hugis na maliliit at
malalaki gamit ang lumang tsinelas.
4. Kunin ang disenyo mula sa lumang tsinelas at dahan-dahang lagyan ng
pintura ng likod nito.
5. Dahan-dahang idikit ang bahaging may pintura ng disenyo mula sa
lumang tsinelas sa tela paulit-ulit hanggang mabuo ang disenyong
naisip. Pagkatapos, patuyuin.

Pagyamanin

Panuto: Punan ang graphic organizer.

Sanggunian:

• Grade 4 TG (PAHINA 288-290)


• Grade 4 LM (PAHINA 230-231)
• https://www.google.com/search?q=PAGLILIMBAG&tbm=isch&ved=2ahUKEwic59b2hNvq
AhX04TgGHZEjBtcQ2- EPkceYuA0&bih=821&biw=1707#imgrc=5LK0VHb2vy-YPM
• https://www.youtube.com/watch?v=YYdCjYrvTao

32

You might also like