You are on page 1of 12

MAPEH 3

MUSIC • ARTS • PHYSICAL EDUCATION • HEALTH


Music – Ikatlong Baitang
Unang Markahan – Modyul 5: Payak na Ostinato
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula
sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o


ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Dibisyon ng Pasig


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Komite sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Joan M. Balat


Editors: Dennis Didulo Liza A. Alvarez, EPS - Science/STEM/SSP
Tagasuri: Dennis Didulo Teresita P. Tagulao, EdD, EPS
• Nilalaman: Alvin P. MAnuguid, Sheryl D. Mathematics, ABM
Nazareno Joselito E. Calios, EPS - English/SPFL/GAS
• Wika: Criselda M. Baccay, Eden P. Concepcion Ma. Teresita E. Herrera, EdD, EPS
• Teknikal: Mary Ann F. de Jesus Filipino/GAS/Piling Larang
Tagaguhit: Gino B. Diaz Bernard R. Balitao, EPS - AP/HUMSS
Tagalapat: Elinette B. Dela Cruz Norlyn D. Con
Alvin P. Manuguid
de, EdD, EPS
Management Team: MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports
Ma. Evalou Concepcion A. Agustin Perlita M. Ignacio, PhD, EPS - EsP
OIC-Schools Division Superintendent Librada L. Agon, EdD, EPS
Carolina T. Rivera, CESE EPP/TLE/TVL/TVE
Assistant Schools Division Superintendent Dulce O. Santos, PhD, EPS
Manuel A. Laguerta, EdD Kindergarten/MTB-MLE
Chief, Curriculum Implementation Division Susan L. Cobarrubias, EdD, PSDS - Special
Victor M. Javeña, EdD Education Program
Chief, School Governance and Operations Division Wilma Q. Del Rosario, EPS - LRMS/ADM

Inilimbag sa Pilipinas ng Dibisyon ng Pasig City

Department of Education – National Capital Region


Office Address: Caruncho Avenue, San Nicolas, Pasig City
Telefax: 641-88-85, 628-28-19
E-mail Address: division.pasig2016@gmail.com
MAPEH 3
MUSIC • ARTS • PHYSICAL EDUCATION • HEALTH

Unang Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 5
Payak na Ostinato
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Music 3 ng Modyul 5 para sa
araling Payak na Ostinato
Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan
sa Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong
Lungsod, Kgg. Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng
mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang
kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong
hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral


ay makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain
ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan
ang mag-aaral na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-
lalo na ang 5 Cs (Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking
and Character) habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang


pinakakatawan ng modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman


ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding
subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang
pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula
sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang
isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Music 3 Modyul 5 ukol sa mga Payak na
Ostinato.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob
ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang
oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong


maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makompleto ang Modyul.
PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga
dapat mo pang malaman sa paksa.
BALIK-ARAL
Dito masusukat ang I iyong matutuhan at naunawaan
sa mga naunang paksa.
ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang paksa sa Modyul na
ito.

MGA PAGSASANAY
Pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay na dapat
sagutan ng mga mag-aaral..

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibubuod ang mahahalagang konsepto
na dapat bigyan halaga
PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga..

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral
MGA INAASAHAN

Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:


• nailalarawan kung ano ang ostinato;
• natutukoy kung anong ostinato pattern ang
maaaring gamitin sa isang awit; at
• nakakalikha ng payak na ostinato pattern.

PAUNANG PAGSUBOK

Pagsasanay 1: Tukuyin kung ang mga nakasaad sa bawat


bilang sa graphic organizer ay may
kaugnayan sa ostinato. Bilugan ang bilang
ng tamang sagot.

1. Instrumentong
panritmo

1. Inuulit- 5. Ryhthmic
ulit patterns
OSTINATO

3. Pansaliw sa 4. May iba't


mga awit ibang tinig

SDO_Pasig_Q1_Music_1_Modyul_1
BALIK-ARAL
Panuto: Tukuyin kung tama o mali ang mga pangungusap.
Isulat sa patlang ang T kung ito ay tama at M naman
kung mali.
_____1. Ang musika ay may beat o pulso.
_____2. Ang pulso ng musika ay maaaring mabagal o
mabilis ngunit pantay-pantay ang daloy nito.
_____3. Mararamdaman mo ang beat ng musika.
_____ 4. Maaaring mabilis ang musika ngunit mabagal
ang beat o pulso nito.
_____5. Maaaring maramdaman o makuha ang beat ng
musika sa pamamagitan ng pagtapik o
pagpalakpak.

ARALIN
Nakapakinig ka na ba ng awit na may saliw ng tambol,
marakas, o tamborin? Halina at makinig ng awit na may saliw
ng tambol, marakas o tamborin at pansinin mo ang rhythm
nito.
Ano ang napansin mo?
Mapapansin mo na ang rhythm ng tambol, marakas, o
tamborin na ipinansaliw dito ay pare-pareho at paulit-ulit na
tinutugtog. Ang tawag natin sa rhythm na ito na pauli-ulit at
ipinangsasaliw sa awit ay ostinato.
Ang bagal o bilis ng ostinato ay umaayon din sa bagal
o bilis ng awit. Pangkaraniwan na ang isang mabilis na awit

SDO_Pasig_Q1_Music_1_Modyul_1
ay may mabilis na ostinato, at ang isang mabagal na awit
ay may mabagal na ostinato.
Ang ostinato ay maaaring tugtugin ng mga
instrumentong perkusyon o panritmo katulad ng tambol,
marakas, tamborin, o ng kahit na anong instrument na
pinapalo, hinahataw o inaalog.
Ang sumusunod na rhythmic patterns ay mga uri ng
ostinato na nasa measure na 2s, 3s, at 4s.

Pansinin ang mga simbolong . Ibig sabihin nito ay


uulitin mo sa simula ang buong rhythmic patterns
pagkatapos mo itong ipalakpak o tugtugin.
Mapapansin sa rhythmic patterns sa itaas na may mga
inuulit-ulit dito sapagkat ang ostinato ay maaaring buuin ng
isa, dalawa, tatlo o higit pang kombinasyon na rhythmic
patterns na inuulit-ulit.
Dapat lang tandan na ang ostinato at ang awit na
sinasaliwan nito ay magkakapareho ng sukat o measure.
Ang awit na nasa measure na 2s ay dapat na may ostinato
na nasa measure rin na 2s, ang awit na nasa 3s ay may
ostinato na 3s din, at ang awit na nasa 4s ay dapat na may
ostinato rin na nasa 4s.

SDO_Pasig_Q1_Music_1_Modyul_1
MGA PAGSASANAY
Pagsasanay 1
Panuto: Sundan ang mga hakbang.
Mga Hakbang:
1. Sundan sa legend kung paano ipapalakpak,
itatapik o ipipitik ang ostinato patterns na nasa
ibaba. Gawin ito ng dalawang beses.

CCS S T CC S S T CC S S T CC S S T
Legend:
C – Clap (ipalakpak ang mga kamay)
S – Snap (i-snap ang mga daliri)
T- Tap (i-tap ang dalawang kamay sa mga hita)
2. Awitin ang “Are You Sleeping Brother John?”
habang ito ay sinasaliwan ng ostinato na nasa
itaas.

Pagsasanay 2
Panuto: Gamit ang ostinato na nasa Pagsasanay 1, umisip ng
isang kanta na maari ring saliwan nito. Kantahin ito
habang sinasaliwan din ng ostinato.

SDO_Pasig_Q1_Music_1_Modyul_1
Pagsasanay 3
Panuto: Pag aralan ang ostinato pattern na nasa ibaba.
Tugtugin ito gamit ang pet bottles na may lamang
butil ng munggo o bigas. Umisip ng kantang nasa
measure na 3s at isaliw ang ostinato habang
umaawit.

PAGLALAHAT

Punan ang mag patlang ng tamang salita o parirala.


Piliin sa loon ng kaho ang tamang sagot.

ostinato pattern ostinato instrumentong panritmo

Ang ___________ ay paulit-ulit na rhythmic patterns na


ginagamit na pansaliw sa awit.
Ang ostinato ay maaaring tugtugin gamit ang
_______________ at iba pang pinanggagalingan ng tunog.

PAGPAPAHALAGA
Panuto: Lagyan ng tsek ang angkop na pangungusap sa
tanong. Bakit mahalaga ang kahalagahan sa
ostinato?
_____ 1. Magagamitan ng angkop na pansaliw ang isang
awit.
_____ 2. Magiging malikhain sa paggamit ng iba’t-ibang
ostinato.
5

SDO_Pasig_Q1_Music_1_Modyul_1
PANAPOS NA PAGSUSULIT
Panuto: Lagyan ng tsek ( √ ) ng patlang kung tama ang
isinasaad ng bawat sa bawat bilang at ekis ( X )
naman kung hindi.

_____1. Ang ostinato ay paulit-ulit na rhythmic patterns


na ginagamit na pansaliw sa awit.
_____2. Ang ostinato ay maaaring isagawa sa
pamamagitan ng pagtugtog ng mga
instrumentong panritmo.
_____3. Ang pagkamalikhain ay makatutulong yupang
makagawa ng isang magandang ostinato.
_____4. Maaari ring tugtugin anga ostinato gamit ang
iba’t ibang pinaggagalingan ng tunog.
_____5. Ang bahagi ng ating katawan ay hinggi
maaaring gamitin na pantugtog ng ostinato.

SDO_Pasig_Q1_Music_1_Modyul_1
SUSI SA PAGWAWASTO
5.

4.
T 5.
M 4. 3.
T 3.
T 2. 2.
T 1. 1.
Balik Aral Paunang Pagsubok

2. √
x 5. 1. √
√ 4. Pagapapahalaga
√ 3. panritmo
√ 2. 2. Instrumentong
√ 1. 1. Ostinato
Panapos na Pagsubok Paglalahat

SANGGUNIAN
Ferrer, Edgar R. et al. MAPEH and Me 3. Missionbook
Publishing Inc. 2013
Ilagan, Amelia M. et al. MAPEH 3 Kagamitan ng Mag-aaral.
Book Media Press Inc. 2014
K to 12 Grade 3 Learning Materials in Music. 2014.
https://www.slideshare.net/lhoralight/music-grade-3
Referente, Milagros et al. Musika, Sining at Edukasyongn
Pagpapalakas ng Katawan 4. Educational Resources
Corporation. 2008

SDO_Pasig_Q1_Music_1_Modyul_1

You might also like