You are on page 1of 14

MAPEH 3

MUSIC • ARTS • PHYSICAL EDUCATION • HEALTH


Music – Ikatlong Baitang
Unang Markahan – Modyul 3: Pagpalakpak, Pagtugtog, at Pagsasakilos ng
Rhythmic Pattern na nasa 2s, 3s, at 4s.
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula
sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o


ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Dibisyon ng Pasig


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Komite sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Joan M. Balat


Editors: Dennis Didulo
Tagasuri: Dennis Didulo
• Nilalaman: Alvin P. Manuguid Liza A. Alvarez, EPS - Science/STEM/SSP
Sheryl D. Nazareno Teresita P. Tagulao, EdD, EPS
• Wika: Criselda M. Baccay/Eden P. Concepcion Mathematics, ABM
• Teknikal: Mary Ann F. de Jesus Joselito E. Calios, EPS - English/SPFL/GAS
Tagaguhit: Gino B. Diaz Ma. Teresita E. Herrera, EdD, EPS
Tagalapat: Elinette B. Dela Cruz Filipino/GAS/Piling Larang
Alvin P. Manuguid Bernard R. Balitao, EPS - AP/HUMSS
Norlyn D. Con
Management Team:
Ma. Evalou Concepcion A. Agustin de, EdD, EPS
OIC-Schools Division Superintendent MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports
Carolina T. Rivera, CESE Perlita M. Ignacio, PhD, EPS - EsP
Assistant Schools Division Superintendent Librada L. Agon, EdD, EPS
Manuel A. Laguerta, EdD EPP/TLE/TVL/TVE
Chief, Curriculum Implementation Division Dulce O. Santos, PhD, EPS
Victor M. Javeña, EdD Kindergarten/MTB-MLE
Chief, School Governance and Operations Division Susan L. Cobarrubias, EdD, PSDS - Special
Education Program
Wilma Q. Del Rosario, EPS - LRMS/ADM

Inilimbag sa Pilipinas ng Dibisyon ng Pasig City


Department of Education – National Capital Region
Office Address: Caruncho Avenue, San Nicolas, Pasig City
Telefax: 641-88-85, 628-28-19
E-mail Address: division.pasig2016@gmail.com
MAPEH 3
MUSIC • ARTS • PHYSICAL EDUCATION • HEALTH

Unang Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 3
Pagpalakpak, Pagtugtog, at Pagsasakilos
ng Rhythmic Pattern na nasa 2s, 3s, at 4s
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Music 3 ng Modyul 3 para sa
araling Pagpalakpak, Pagtugtog at Pagsasakilos ng Rhythmic Pattern na
nasa 2s, 3s, at 4s.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng


mga edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod
Pasig na pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng
Pansangay na Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa
pakikipag-ugnayan sa Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng
butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor Ma. Regis N. Sotto, upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng
Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral


ay makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain
ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan
ang mag-aaral na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-
lalo na ang 5 Cs (Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking
and Character) habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang


pinakakatawan ng modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman


ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding
subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang
pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula
sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang
isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Music 3 Modyul 3 ukol sa mga Pagpalakpak,
Pagtugtog, at Pagsasakilos ng Rhythmic Pattern na nasa 2s, 3s, at 4s.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob
ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang
oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong


maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makompleto ang Modyul.
PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga
dapat mo pang malaman sa paksa.
BALIK-ARAL
Dito masusukat ang I iyong matutuhan at naunawaan
sa mga naunang paksa.
ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang paksa sa Modyul na
ito.

MGA PAGSASANAY
Pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay na dapat
sagutan ng mga mag-aaral..

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibubuod ang mahahalagang konsepto
na dapat bigyan halaga
PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga..

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral
MGA INAASAHAN

Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:


• naisasagawa ang pagpapalakpak, pagtugtog o
pagsasakilos ng mga rhythmic pattern nang may
steady beat;
• nakagagawa ng naaayon na pagpalakpak,
patugtog o pagsasakilos ng mga rhythmic
pattern; at
• naisasagawa ang pagpalakpak, pagtugtog o
pagsasakilos ng mga rhythmic pattern nang may
kasiyahan.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Ipalakpak ang sumusunod na rhythmic pattern.

2
C

SDO_Pasig_Q1_Music_1_Modyul_1
BALIK-ARAL
Panuto: Bumuo ng rhythmic patterns na nasa 2s, 3s, 4s na
may tig-dalawang measure.

2
C

3
C
4
3

ARALIN

Matatandaan na ang rhythmic pattern ay binubuo ng


mahahaba at maiikling tunong na sinsisimbolo ng notes at
rests.
Ang haba o ikli ng tunog at katahimikan na ito ay
isinasaad ng bilang ng kumpas ng notes at rests.
Balikan natin ang talahanayan ng bilang ng kumpas ng
notes at rests.

SDO_Pasig_Q1_Music_1_Modyul_1
Stick Bilang ng
Pangalan Simbolo
Notation Kumpas
half note 2

quarter note 1

eighth note 𝟏 𝟏
+
beamed 𝟐 𝟐

half rest 2

quarter rest 1

Ngayon naman ay suriin mo ang talahanayan na


nasa ibaba kung ang mga bilang ng kumpas na ito ay iyong
ipapalakpak gamit ang mga rhythmic syllable.

Stick Bilang ng Rhythmic Paraan ng


Notation Kumpas Pattern Pagpalakpak

2 da -a

1 da

½ +½ di -di

2 shh

1 Sh-m

(Photo source: https://www.canva.com)

SDO_Pasig_Q1_Music_1_Modyul_1
Ang da-a ay may isang palakpak na tumatagal
ng dalawang kumpas. Sa unang kumpas ay pumapalakpak
at iikot ang buong kamay nang paharap nang magkadikit
pa rin ang palad sa pangalawang kumpas.
Maaari nating ihambing ang isang kumpas na
may tagal ng isang segundo.
Ang da naman kung iyong matatandaan sa
aralin noong ikaw ay nasa Baitang I at 2, ay may isang
palakpak. Maaari nating ihambing ang haba nito sa isang
segundo.
Ang di-di ay may dalawang maiikling palakpak na
magkasunod. Pantay-pantay ang ikli ng dalawang
palakpak na ito na gagawin mo sa loob ng isang segundo.
Sa shh naman ay ibubuka ang iyong dalawang
kamay. Hindi mo ito ipapalakpak sapagkat ito ay walang
tunog. Tatagal ang iyong pagbuka ng iyong kamay ng isang
segundo.
Pagdating sa sh-m ay ibubuka mor in ang iyong
mga kamay. Ito ay tatagal ng dalawang segundo. Sa bilang
1 ay ibuka mo ang iyong mga kamay at iikot ito nang
magkahiwalay sa bilang 2.
Tandaan lamang na sa pagpapalakpak o
pagtugtog ay kailangang hindi nagbabago ang pulso nito.
Ang pulso ng awit ay maihahalintulad sa tibok ng iyong
puso. Maaari itong bumagal o bumilis pero pantay-pantay
ang daloy nito.
Isa pa ring dapat tandaan sa pagpalakpak o
pagtugtog ng mga rhythmic pattern ay mas malakas nang
bahagyan ang unang bilang.

SDO_Pasig_Q1_Music_1_Modyul_1
MGA PAGSASANAY
Pagsasanay 1
Panuto: Isulat sa patlang ang mga rhythmic syllable ng mga
note at rest na makikita sa rhythmic patterns na nasa
ibaba. Pagkatapos ay ipalakpak ang mag ito.
Tiyakin na steady o hindi magbabago ang pulso o
beat ang awit.

2
C
___ ___ ___ _____ ___ ___ ___

_____ ___ ___ ___ ___ _____ ____ ___ ___ ___

_____ ___ __ __ ___ __ __ __ __ __ __ __

Pagsasanay 2
Panuto: Ipalakpak ang rhythmic pattern ng awit ng “Are You
Sleeping Brother John?” Pagkatapos ay awitin niyo ito
habang ito ay iyong ipinapalakpak. Tiyakin na steady
o hindi magbabago ang pulso o beat ng awit.

4 Are you sleeping? Are you sleeping?

Brother John Brother John

SDO_Pasig_Q1_Music_1_Modyul_1
Morning bells are ringing Morning bells are ringing
Brother John

Ding, dong, ding Ding, dong, ding

Pagsasanay 3
Panuto: Lagyan ng angkop na galaw o kilos ang awit na “Are
You Sleeping Brother John?” habang ito ay inaawit.

PAGLALAHAT

Ano ang natutuhan mo sa ating aralin ngayon? Tukuyin


ang isinasaad ng bawat bilang.
1. Ang _____ (eatb) ay nadarama natin sa musika.
2. Ang _____ (seatdy eatb) ay may pantay na daloy,
maaaring mabagal o mabilis.
3. Napapanatili ang steady beat sa pamamagitan ng
patuloy na _______ (pglgawaa) hanggang katapusan
ng isang awit.

SDO_Pasig_Q1_Music_1_Modyul_1
PAGPAPAHALAGA
Lagyan ng ang angkop na sagot.
Ang kaaalaman sa steady beat ay isang mabuting
paraan upang:
_____ 1. malinang ang ating kakayahan sa pagtugtog at
pagkanta.
_____ 2. hikayatin tayong maging mahusay iba’t- ibang
galaw.

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Basahing Mabuti ang isinasaad ng bawat bilang.


Isulat sa patlang ang letra ng tamang sagot.
____ 1. Ito ay nadarama natin, may pantay na daloy at
maaaring mabagal o mabilis.
A. rhythm C. sukat
B. steady beat D. tunog
____ 2. Anong stick notation o simbolo ang iniuugnay
sa mahabang tunog?
A. B. C. D.
____ 3. Alin sa mga larawan ang may natural na steady
beat?
A. B. C. D. A, B, at C

SDO_Pasig_Q1_Music_1_Modyul_1
____ 4. Alin sa sumusunod ang maaaring gawin upang
maipakita ang beat ng musika.
A. pagpalakpak C. a at b
B. pagtapik D. wala sa nabanggit
____5. Ito ay binubuo ng iba’t ibang notes at rests na
inayos sa loob ng measure.
A. beat C. rhythm
B. rhythmic pattern D. steady beat

SDO_Pasig_Q1_Music_1_Modyul_1
SUSI SA PAGWAWASTO

da-a shh da da da di-di da shh da-a da sh-m da-a 4

da da da di-di sh-m shh da da di-di da-a 3

da shh di-di da da da da-a 2

Pagsasanay 1

B 5.
C 4.
C 3.
A 2. 3. paggalaw
B 1. 2. steady beat
1. 1. beat
Pagsusulit
Pagpapahalaga Panapos na Paglalahat

SANGGUNIAN
Ferrer, Edgar R. et al. MAPEH and Me 3. Missionbook
Publishing, Inc. 2013
Ilagan, Amelia M. et al. MAPEH 3 Kagamitan ng Mag-aaral.
Book Media Press Inc. 2014
K to 12 Grade 3 Learning Materials in Music. 2014.
https://www.slideshare.net/lhoralight/music-grade-3
clock, Photo source: https/www.canva.com
Referente, Milagros et al. Musika, Sining at Edukasyong
Pagpapalakas ng Katawan 4. Educational Resources
Corporation. 2008

SDO_Pasig_Q1_Music_1_Modyul_1

You might also like