You are on page 1of 8

Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang
kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang
pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano
gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang
hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa
iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing
nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang mga sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat
ang anumang bahagi nito. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
3. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong
kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa
bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto
at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
Modyu
l
Tamang Tono
2
Alamin Natin

Sa araling ito, inaasahang ikaw ay:


makakaawit ng isang awit nang may tamang tono.

Subukin Natin

Panuto: Lagyan ng tsek (√) ang kahon kung ang pangungusap


ay tama at ekis (X) naman kung mali.
1. Ang melody ay gumagalaw sa iba‘t-ibang direksyon.

2. May ilang nota na maaaring tumaas o bumaba.

3. Mayroon ding melody na hindi nagbabago o nananatili


sa parehong antas.

4. Ang paggalaw ng melody ay maihahalintulad sa hugis


ng bundok, lambak, burol, at kapatagan.

5. Melodic contour ang tawag sa galaw ng musika.

Balikan Natin

Ibigay ang tunog ng mga sumusunod:

1. iyak ng sanggol - _______________________

2. tilaok ng manok - _______________________


1
3. ihip ng hangin - _______________________

4. busina ng sasakyan - _______________________

5. tunog ng tambol - _______________________

Tuklasin Natin

Ang melody ay gumagalaw sa iba‘t-ibang direksyon. May ilang


nota na maaaring tumaas o bumababa. Mayroon ding melody na
hindi nagbabago o nananatili sa parehong antas.

Kung alam mo ang tono ng awit na ito, awitin nang nasa


tamang tono kung hindi naman basahin ang liriko ng awit at
unawain.
https://www.youtube.com/watch?v=BJuk1itltEE

 Tungkol saan ang awit?

2
 Anong elemento ng kalikasan ang inilarawan sa awit?

 Gamit ang galaw ng kamay, gumawa ng balangkas ng


direksiyon ng musika habang ito ay iyong inaawit.

 Anong hugis ang iyong nabuo sa pagsunod sa direksiyon


ng himig ng awit?

Pagdugtungin natin ang mga linya upang maipakita ang


melodic
contour ng awit na “Kay GandangTingnan”.

Pagyamanin Natin
GAWAIN 1

Gamit ang krayola o pangkulay, iguhit sa kuwaderno ang


melodic contour ng mga sumusunod na awit.

a. Happy Birthday Song


https://www.youtube.com/watch?v=_z-1fTlSDF0

b. Rain, Rain Go Away


https://www.youtube.com/watch?v=di8Fq2zzaWU

GAWAIN 2

Awitin ang “Months of the Year” sa tonong “Ten Little Indians”


gamit ang mga sumusunod na instrumentong panritmo na makikita
sa paligid: tulad ng boteng walang laman, bao ng niyog, patpat, o
drum na plastik.

3
Tandaan Natin

Ang melody ay gumagalaw sa iba‘t-ibang direksyon.


Maaari itong maging hugisng burol, bundok, kapatagan, at
lambak.
Ang galaw na ito sa musika ay ang tinatawagna melodic
contour.

Ang melody ay linyang musika na binubuo ng pinagsama -


samang tono.
Ang melodic contour ay direksyon ng melodiya. Maaari
itong tumaas, bumaba o manatili lamang.

Isabuhay Natin

4
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na
tanong. Isulat sa patlang ang iyong sagot.

1. Anu-ano ang maaaring maging hugis ng melodiya?


__________________________________________________
2. Ano ang tawag sa galaw ng musika?
__________________________________________________
3. Paano maipapakita ang melodic contour?
__________________________________________________
4. Anu-ano ang mga direksyon ng melodic contour?
__________________________________________________
5. Ano ang melodiya?
__________________________________________________

Tayahin Natin

Panuto: Piliinsaloobngkahonangtamangsalitanabubuosa
pangungusap.

1. Ang melody ay gumagalaw sa iba‘t-ibang _________.


2. Ang ________ay maaaring maging hugis ng burol, bundok,
kapatagan, at lambak.
3. Ang galaw na ito sa musika ay ang tinatawag na ________________.
4. Ang melody ay ___________ ng musika na binubuo ng pinag-sama
-
samang tono.
5. Ang melodic contour ay direksyon ng melodiya. Maaari itong
__________ bumaba o manatili lamang.

direksyon melody melodic


contour

linya tumaas

5
Development Team of the Module
Writers: VIVIAN M. VILLASOTO
Editors:
Content Evaluator: RYAN GLESERIO P. PALAMOS
Language Evaluator:EDITHA F. MONVILLE

Reviewers:
Illustrator: MA. CRISTINA JAVIER
Layout Artist: CRISELLE G. FERRERAS, CAMILLE JEWEL L. GARCIA
Management Team: DR. MARGARITO B. MATERUM, SDS
DR. GEORGE P. TIZON, SGOD Chief
DR. ELLERY G. QUINTIA, CID Chief
MR. SHOJI G. GERONA, EPS - MAPEH
DR DAISY L. MATAAC, EPS – LRMS/ALS

For inquiries, please write or call:

Schools Division of Taguig city and Pateros Upper BicutanTaguig City

Telefax: 8384251

Email Address: sdo.tapat@deped.gov.ph

You might also like