You are on page 1of 42

Republic of the Philippines

Department of Education
National Capital Region
DIVISION OF CITY SCHOOLS – MANILA
Manila Education Center Arroceros Forest Park
Antonio J. Villegas St. Ermita, Manila

MAPEH
Baitang 1
Sariling Atin Ipagmalaki at
Mahalin
Quarter 2 Week 5 Module 5

Most Essential Learning Competencies:


… identifies similar or dissimilar musical lines with the use of:

 Body movements
 Geometric shapes

… paints a home/school landscape or design choosing


specific colors to create a certain feelings of mood

… executes locomotor skills while moving in different directions


at different spatial levels PE1BM-IIf-h-7

… realizes the importance of washing hands


PAANO GAMITIN ANG MODYUL?
Bago simulan ang modyul na ito, kailangang isantabi
muna ang lahat ng inyong pinagkakaabalahan
upang mabigyang pokus ang inyong gagawing pag-
aaral gamit ang modyul na ito. Basahin ang mga
simpleng panuto na nasa ibaba para makamit ang
layunin sa paggamit nito.
1. Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat
pahina ng modyul na ito.
2. Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa
aralin sa inyong kwaderno. Nagpapayaman ng
kaalaman ang gawaing ito dahil madali mong
matatandaan ang mga araling nalinang.
3. Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa
modyul.
4. Hayaan ang iyong tagapagdaloy ang magsuri sa
iyong mga kasagutan.
5. Pag-aralang mabuti ang naging katapusang
pagsusulit upang malaman ang antas ng iyong
pagkatuto. Ito ang magiging batayan kung may
kakailanganin ka pang dagdag na pagsasanay
para lalong malinang ang aralin. Lahat ng iyong
natutuhan ay gamitin sa pang-araw-araw na
gawain.
6. Nawa’y maging masaya ka sa iyong pag-aaral
gamit ang modyul na ito.

1
BAHAGI NG MODYUL

1. INAASAHAN – ito ang mga kasanayang dapat mong


matutuhan pagkatapos makompleto ang mga aralin
sa modyul na ito.
2. UNANG PAGSUBOK – ito ang bahaging magiging
sukatan ng mga bagong kaalaman at konseptona
kailangang malinang sa kabuuan ng aralin.
3. BALIK-TANAW – ang bahaging ito ang magiging
sukatan ng mga dating kaalaman at kasanayang
nalinang na.
4. MAIKLING PAGPAPAKILALA NG ARALIN – dito ibibigay
ang pangkalahatang ideya ng aralin
5. GAWAIN – dito makikita ang mga pagsasanay na
gagawin mo ng may kapareha.
6. TANDAAN - dito binubuo ang paglalahat ng aralin
7. PAG-ALAM SA MGA NATUTUHAN – dito
mapatutunayan na natutuhan mo ang bagong aralin
8. PANGWAKAS NA PAGSUSULIT – dito masusukat ang

iyong antas ng pagkatuto sa bagong aralin

2
UNANG PAGSUBOK
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pangungusap.
Iguhit ang kung ito ay tama at kung hindi.
1. Ang musika ay binubuo ng maliliit na bahagi na
tinatawag na phrase o music line.
2. May mga phrases o music lines na magkatulad at
mayroon ding magkaiba ang tono sa isang awit.

Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang sagot


sa linya.
_____3. Alin sa mga ito ang hindi mainit na kulay?

A. B.

C. D.

_____4. Ano dahon at langit ay nagpapakita ng anong


kulay ?
A. Malamig
B. Mainit
C. wala sa nabanggit
https://webstockreview.net/expl https://www.pinterest.ph/pin/58969076356385261/
ore/cloud-clipart-sky/
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Bilugan ang titik ng
inyong sagot sa iyong sagutang papel.

5. Ito ay ang paggalaw ng katawan mula sa isang lugar


patungo sa ibang lugar.
A. Kilos di-lokomotor
B. Kilos-lokomotor

3
6. Alin sa larawan ang nagpapakita ng kilos- lokomotor?
A. B.

Artist: Felix Ramirez Jr. Magat Salamat Elementary


School

Panuto: Lagyan ng tsek ( )ang tamang sagot.


7. Gawin ito upang di mahawaan ng sakit tulad ng covid-19.

From www.clipartlibrary.com From www.creazilla.com From www.clipartart.com


From www.mycutegraphics.com

8. Alin sa mga sumusunod ang maiiwasang mangyari kung


palagiang maghuhugas ng kamay.

From pinterest.com From pngitem.com From pinclipart.com From pinterest.com

https://www.google.com/search?q=check+icon&rlz=1C1CHBD_enPH885PH885&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved
=2ahUKEwjkl5ns84_qAhVTeXAKHYj_ACgQ_AUoAXoECBAQAw&biw=1366&bih=625#imgrc=KbAHKx31gZez-M

https://www.google.com/search?q=x+icon&rlz=1C1CHBD_enPH885PH885&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ah
UKEwjO2OXi8I_qAhXTZt4KHcW9D4gQ_AUoAXoECBAQAw&biw=1366&bih=625#imgrc=WpN2zvuP0g8E3M

https://eedncr.files.wordpress.com/2012/06/music-gr-1-teachers-guide-q12.pdf
https://www.slideshare.net/lhoralight/k-to-12-grade-1-learners-material-in-music- and-art-q1q4

4
MUSIC
Aralin 5: Magkatulad at Magkaibang Phrases
O Music Lines

Inaasahan
Sa araling ito , pag-aaralan ang pagtukoy sa
magkatulad o magkaibang phrases o music lines gamit
ang kilos ng katawan at geometric shapes
asa
Simulan natin.
Mag- isip at gumawa!
BALIK-TANAW

Panuto: Narito ang awit na “Doggie, Doggie” Awitin ito


habang iginuguhit sa hangin ang bahaghari (rainbow)
upang maipakita kung saan nagsisimula at nagtatapos
ang bahagi ng awit.
Doggie Doggie
Awiting pambata ni K. Forrai

Doggie Doggie where’s your bone ?


Someone stole it far from home,
Who stole the bone?
I stole the bone.
https://www.youtube.com/watch?v=f5UW59eRlEo

Tanong: Ilang bahagi mayroon ang awit?

5
Ang musika ay binubuo ng maliliit na bahagi na
tinatawag na phrase o music line. Ang mga phrases o
music lines ng isang awit ay maaaring magkakatulad o
magkakaiba ang tono.
https://eedncr.files.wordpress.com/2012/06/music-gr-1-teachers-guide-q12.pdf
https://www.slideshare.net/lhoralight/k-to-12-grade-1-learners-material-in-
music- and-art-q1q4

Gawain

Pagmasdan muli ang awit


Doggie Doggie
Awiting pambata ni K. Forrai

1 Doggie Doggie where’s your bone ?


2 Someone stole it far from home,
3 Who stole the bone?
4 I stole the bone.
https://www.youtube.com/watch?v=f5UW59eRlEo

Mapapansin na ang awit ay may apat na phrases o


music lines.
Narito ang 2- line staff na nagpapakita ng tono ng awiting
“Doggie Doggie” . Suriin kung alin sa apat na phrases ang
magkatulad at magkaiba ang tono. Bigyan ng pansin ang
kinalalagyan ng nota ng bawat phrase o music line.

1 ________

2 ________ 1 ________

6
Z
3________

4 ________

Ang una at pangalawang phrases o music lines ay


magkatulad kung kaya ito ay parehong minarkahan ng
bilog.
Ang pangatlong phrase o music line ay naiiba sa
pangalawa kung kaya ito ay minarkahan ng hugis
parisukat.
Ang pangatlo at pang-apat na phrases o music lines
ay magkatulad kung kaya ito ay parehong minarkahan ng
parisukat.

Gawain

Pinatnubayang Gawain
Narito ang awiting “Are You Sleeping”. Sa tulong ng iyong
tagapatnubay, tukuyin kung aling phrases o music lines
ang magkatulad at magkaiba ang tono. Gumamit ng
mga hugis , , at . Sundin ang halimbawa
sa ibaba. (Pagtutulungan at Malalim na Pagiisip)

7
Are You Sleeping?
___________ Are you sleeping?
___________ Are you sleeping?
___________ Brother John,
___________ Brother John,
___________ Morning bells are ringing!
___________ Morning bells are ringing!
___________ Ding, ding, dong.
___________ Ding, ding, dong.

https://allnurseryrhymes.com/are-you-sleeping-brother-john/

Malayang Pagsasanay
Awitin ang “Are You Sleeping “ at lagyan ng kilos ng
katawan ang bawat phrase o music line na magkatulad
at magkaiba ang tono. (Pagkamalikhain)
Are You Sleeping?
Are you sleeping?
Are you sleeping?
Brother John,
Brother John,
Morning bells are ringing!
Morning bells are ringing!
Ding, ding, dong.
Ding, ding, dong.

https://allnurseryrhymes.com/are-you-sleeping-brother-john/

8
TANDAAN

1. Ang musika ay binubuo ng maliliit na bahagi


na tinatawag
na phrase o music line.
2. Ang mga phrases o music lines ng isang awit
ay maaaring magkakatulad o magkakaiba
ang tono
https://eedncr.files.wordpress.com/2012/06/music-gr-1-teachers-guide-q12.pdf
https://www.slideshare.net/lhoralight/k-to-12-grade-1-learners-material-in-music- and-art-q1q4

PAG-ALAM SA MGA NATUTUHAN

Panuto: Narito ang 2- line staff na nagpapakita ng tono


ng awiting “Pandesal”. Markahan ng hugis ang
mga phrases o music lines na magkakatulad ang tono
at hugis kung magkaiba ng tono.
( Malalim na pag-iisip)

_______________

_______________

_______________

______________

https://www.google.com/search?q=hot+cross+buns+music+notation&rlz=1C1CHBD_enPH885PH885&tb
m=isch&source=iu&ictx=1&fir=hIOQYqvPF2-pQM%252CbIiZ3ph-DERgbM%252C_&vet=1&usg=AI4_-kTh-
aiBePJ0FXAlutPtD2Os9ZPEqw&sa=X&ved=2ahUKEwjm8cuEtZ_qAhVjyIsBHWT5B_oQ9QEwAHoECAkQFQ&
biw=1366&bih=625#imgrc=RWNNUequ8OsTdM

9
ART
Aralin 5 : Ang Aking Lugar

Pagkatapos ng araling ito inaasahang:


INAASAHAN
 Nakakapinta ka ng sariling “landscape” na makikita
sa pamayanan
 Nakakabuo ka ng likhang sining na may mainit at
malamig na kulay
 Naipagmamalaki mo ang nabuong likhang sining

Balik-tanaw
Panuto: Kulayan ang mga krayola ng
pangalawang kulay at isulat ang pangalan ng
bawat kulay.

http://clipart-library.com/clipart/8TxrRA6kc.htm

10
http://clipart-library.com/clipart/8TxrRA6kc.htm

http://clipart-library.com/clipart/8TxrRA6kc.htm

Maikling Pagpapakilala sa Aralin

Ang ating tirahan ay may iba’t-ibang uri, yari at anyo.


May ilang bahay na malaki, ang iba ay maliit.

https://www.buyandsellph.com/item/146755/house-lot-for-sale-
gagalangin-tondo-manila

11
https://www.pinterest.ph/pin/4579598558340142
Mayroon ding mataas at mababang bahay.
54/

https://www.pinterest.ph/pin/457959855834360705/

12
https://article.wn.com/view/2009/01/29/Relocating_squatters/

Ang iba ay gawa sa kahoy at kawayan at ang iba


naman ay gawa sa semento at mga bato.

https://www.facebook.com/angbuhaymagsasaka https://in.pinterest.com/pin/321022279662489360/http
/photos/pcb.346156172781256/346155926114614/? ://brokebackpacker-
type=3&theater northface.blogspot.com/2014/03/aguinaldo-
shrine-kawit-cavite.html

13
https://in.pinterest.com/pin/321022279662489360/ http://khantotantra.blogspot.com/2014/03/be
autiful-batanes-day2.html

May mga bahay na nakatayo sa lupa, sa gilid ng


kalsada, at kahit sa ibabaw ng tubig.

http://xiaozhuzhu1982.blogspot.com/2019/06/14-best-terrace-ng-bahay.html

https://tataraul.wordpress.com/2010/05/27/doon-po-sa-amin-kristal-ang-tubig/

14
https://www.facebook.com/BatangPinoyNgayonNoon/photos/pcb.652140998511621/652140711844983/?type=3&th
eater

Malamig na Kulay at Mainit na Kulay

Ang kulay ay mahalagang elemento sa isang disenyo


ng kahit anong bagay. Nagbibigay ito ng emosyon,
pakiramdam at nakakapag-paalala ng mga nakalipas na
karanasan. May kakayahan ang kulay na mag-bigay
kasiyahan at magbigay ng kapayapaan sa pakiramdam.
Madalas mong marinig ang mga salitang malamig na
kulay at mainit na kulay sa larangan ng sining o pag-
didisenyo.
Ano nga ba ang ibig sabihin ng malamig at mainit na
kulay?
Ano-ano ang mga ito ?

Mainit na Kulay
Ang mainit na kulay ay binubuo ng pula, kahel, dilaw
at lahat ng kombinasyon ng kulay na mula sa tatlong ito.

15
Ang mga kulay na ito ay madalas iugnay sa init o sikat ng
araw o apoy.

pula kahel dilaw


Malamig na Kulay
Ang malamig na kulay ay binubuo ng bughaw,
berde, lila at lahat ng kombinasyon ng kulay na mula sa
tatlong kulay na mga ito. Ang malamig na kulay ay may
kakayahang makapag-panatag ng pakiramdam at
magbigay ng relaksasyon. Ang malamig na kulay ay
nagpapaala sa atin ng tubig at langit.

berde bughaw/asul lila

16
Gawain 1
(5 Minuto)
Paano mo ilalarawan ang inyong bahay?
Iguhit ito sa loob ng kahon.

Ano ang masasabi mo sa iyong gawa?


Anong mainit at malamig na kulay ang iyong
ginamit?

17
Tandaan

Ang kulay ay nagpapakita at nakapagbibigay


ng emosyon o makiramdam.
Ang mainit na kulay ay binubuo ng pula, kahel,
dilaw.
Ang malamig na kulay ay binubuo ng bughaw,
berde, lila.

PAG-ALAM SA MGA NATUTUHAN

Pagnilayan Mo!

A. Ngayon naman sumilip ka sandali sa inyong


bintana tingnang mabuti ang makikita sa labas
ng inyong bintana. Iguhit mo ito at gumamit ng
mainit at malamig na kulay.

Paksa: Sa Aming Tahanan

Mga Hakbang sa Paggawa

1. Ihanda ang mga kagamitan sa pagguhit gaya ng


papel, lapis, water color at paint brush.
2. Iguhit ang nakita mong tanawin sa inyong bintana
gamit ang lapis at papel.
3. Kulayan mo ito gamit ang “water color”.
4. Tapusin ang gawain sa loob ng 15 minuto.

18
5. Tingnan ang iyong gawa kung kahawig ng nasa
labas ng inyong binata.
6. Pagkatapos mong gawin ang iyong proyekto ay
puwede mo itong patuyuin.
7. Ipagmalaki ang iyong likhang sining sa iyong
pamilya.

Ang Aming Tahanan

19
B.

Kulayan ang tsek kung naisagawa ang nasa bilang


at kung hindi. https://en.m.wikipedia.org/wiki/File:Symbol_thumbs_up.svg

KASANAYAN Naisagawa Hindi


Naisagawa

1. Naiguhit ko ang tanawin


mula sa aming bintana.

2. Nalapatan ko ng wastong
kulay ang aking likhang sining.

3. Nakatapos ako ng aking


gawain sa takdang oras.

4. Naipagmalaki ko ang aking


likhang sining sa aking
pamilya.

KABUUAN

20
PHYSICAL EDUCATION Aralin 5:
Pagsasagawa ng kilos-lokomotor habang
patungo sa iba’t ibang direksyon ayon sa
antas ng galaw.

INAASAHAN

Maisagawa ang iba’t ibang kilos-lokomotor.

BALIK-TANAW
Panuto: Basahin ang mga pangungusap. Lagyan ng tsek
(/) kung tama ang sinasaad at ekis (X) naman kung mali.
______1. Ang malaking lugar na kung saan ang mga bata
ay lubusang nakagagalaw ay tinatawag na
pangkalahatang espasyo.
______2. Ang paglalakad ay ang paghakbang ng tuloy-
tuloy mula sa iisang direksiyon.
______3. Walang hangganan ang pangkalahatang
espasyo upang magkalatkalat ang mga bata kung saan-
saan.
______4. Ang pagtakbo, paglakad at paglukso ay kilos di-
lokomotor.
______5. Pagtalon ang mabilis na paggalaw ng paa
patungo sa nais na direksyon.

21
MAIKLING PAGPAPAKILALA NG ARALIN

Artist: Felix Ramirez Jr. Magat Salamat Elementary School

Pagmasdan ang mga bata sa larawan. Ano-ano ang


kanilang ginagawa?

Nakita nating marami silang ginawang upang


maging masaya ang kanilang paglalaro. Ang mga galaw
na kanilang ginawa ay tinatawag nating kilos-lokomotor.

Ang kilos-lokomotor ay ang paggalaw ng katawan


mula sa isang lugar patungo sa ibang lugar.

paglakad pagtakbo pagtalon

Artist: Felix Ramirez Jr. Magat Salamat Elementary School

22
pagkandirit paglundag
Artist: Felix Ramirez Jr. Magat Salamat Elementary School

GAWAIN
Gawain 1: Pisikal na Aktibidad
Inaasahan: Maisagawa ang iba’t ibang kilos-lokomotor.

Panuto: Sundin ang sinasabi sa panuto.


(Maaaring lumahok ang magulang)

1. Sa inyong tahanan, tiyaking may maluwag na


espasyo upang maisagawa ang mga kilos.

2. Maghanda ng isang tugtog o awiting magpapasigla


ng inyong kalooban habang isinasagawa ang mga
kilos.

3. Gawin ang mga sumusunod kasabay ng pagbibilang


mula 1-8. Lagyan ng tsek(/) ang hanay ng kilos na
inyong naisagawa at ekis (X) naman kung hindi.

23
Kilos Naisagawa Hindi
naisagawa
Pagtalon
Paglakad
pagkandirit
Paglundag
Pagtakbo

Tanong:
1.Naisagawa mo ba ang lahat ng kilos?
2.Umalis ka ba sa iyong lugar?
3.Ano ang iyong naramdaman matapos mong gawin ang
mga kilos sa itaas?

TANDAAN

Ang paggalaw ng katawan mula sa isang lugar


patungo sa ibang lugar ay tinatawag na kilos-lokomotor.
Ito ay maaaring gawin kahit saang lugar o sa
panlahat na espasyo.

24
PAG-ALAM SA MGA NATUTUHAN

(Panuto: Alin ang nagpapakita ng kilos-lokomotor?


Bilugan ang tamang larawan ng iyong sagot.

1. 4.

Artist: Felix Ramirez Jr. Magat Salamat Elementary School

Artist: Felix Ramirez Jr. Magat Salamat Elementary School

2. 5.

Artist: Felix Ramirez Jr. Magat Salamat Elementary School

3.
Artist: Felix Ramirez Jr. Magat Salamat Elementary School

25
HEALTH Aralin 5
KAHALAGAHAN NG PAGHUHUGAS NG KAMAY

INAASAHAN
Sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga bata ay
inaasahang:
 Matutukoy ang kahalagahan ng paghuhugas ng
kamay.
 Matutukoy ang epekto dulot ng paghuhugas ng
kamay.
Balik-Tanaw
Panuto: Suriin ang mga larawan. Lagyan ng bilang 1 -6
ang wastong pagkakasunod-sunod sa paghuhugas ng
kamay.

From www.vectorstock.com From pngitem.com

From www.pngitem.com From thecompassforsbc.org

26
From www.netclipart.com
From faveclip.com

MAIKLING PAGPAPAKILALA NG ARALIN

Ang kamay ang isa sa may pinakamahalagang


papel na ginagampanan sa ating pang-araw-araw na
mga gawain. Malaking porsyento sa ating mga gawain
ang nakadepende sa ating mga kamay. Bukod ditto, sa
ating mga kamay din nakasalalay ang ating kalusugan.
Kung kaya’t mahalaga na panatilihing malinis ang ating
mga kamay sa araw-araw.

From www.kemri.com

27
Awitin:

“Maghugas ng Kamay”
https://www.youtube.com/
watch?v=ABvVEBxhP5Q

May bagong virus na kumakalat ngayon.


At naalarma ang buong nation.
Para di daw mahawa’y ito ang solusyon.
Kaya sunding mabuti ‘tong instruction.
Maghugas ng kamay para virus mamatay.
Iwasang ding humawak sa iyong mouth, nose at eyes.
Para Covid 19 hindi na makapuksa.
Mag-face mask at mag-alcohol maya’t maya.
Maghugas ng kamay para virus mamatay.
Iwasang ding humawak sa iyong mouth, nose at eyes.
Para Covid 19 hindi na makapuksa.
Mag-face mask at mag-alcohol maya’t maya.

Tanong :
1. Bakit mahalaga na panatilihing malinis ang mga
kamay?
2. Ano-ano ang mga epekto ng malinis na kamay?

28
Pag-aralan natin.

Kahalagahan ng paghuhugas ng Kamay

From www.pinterest.com

Ayon sa Toronto Public Health, ang mga kamay ay


nagdadala at nagkakalat ng mikrobyo. Ang paghawak sa
kamay, ilong at bibig ng hindi nililinis ang mga kamay ay
maaring magdala ng mikrobyo sa katawan. Ang mikrobyo
ay maari ding kumalat sa pamamagitan ng pagbahing o
pag-ubo sa mga kamay at pagkatapos ay humawak sa
isang bagay tulad ng hawakan ng pinto, telepono at iba.
Ang susunod na taong hahawak ng mga bagay na ito ay
maaring mahawaan ng mikrobyo at magkasakit.

29
Mga epeketo ng malinis na kamay dulot ng
paghuhugas.
Dahil ang kamay natin ay maaring maging daan
upang kapitan ng mikrobyo o magamit para makahawa,
mahalaga na palagiang maghugas ng kamay.
Sa palagiang paghuhugas ng kamay, maaring
maiwasan ang pagkakaroon ng mga sumusunod:

 Pagkakaroon ng sakit dala ng mikrobyo sa kamay.

From www.freepnglogos.com

 Pagkahawa sa ibang tao.

From www.vectorstock.com

30
 Pagkakaroon ng Covid-19.

From www.pixabay.com

Ngayong laganap ang Covid-19, isa sa mga mabisang


paraan upang maiwasan ang pagkakaroon nito ay ang
palagiang paghuhugas ng kamay. Sa pamamagitan ng
paghuhugas ng kamay, maiiwasan natin mahawa sa virus
na ito. Kaya mahalaga na palagiang maghugas ng
kamay upang mapangalagaan ang ating kalusugan.

Gawain

Panuto: Suriin ang mga larawan. Bilugan ang mga


larawan na nagpapakita ng epekto ng palagiang
paghuhugas ng kamay.

1. 3.

From www.pinterest.com From www.freejpg.com

31
2. 4.

From www.clipart.email

From www.pngitem.com

TANDAAN

Mahalaga ang palagiang paghuhugas ng


kamay upang maiwasan ang mikrobyo na
nagdudulot ng sakit.

32
PAG-ALAM SA MGA NATUTUHAN
Panuto: Isulat ang letrang T kung tama ang pinapahayag
ng pangungusap o letrang M kung mali. (Malalim na
pag-iisip)
_____1. Ang palagiang paghuhugas ng kamay ay
mahalaga upang maiwasan ang mikrobyo na nagdudulot
ng sakit.
_____2. Ang virus na covid-19 ay maaring maiwasan kung
palagiang naghuhugas ng kamay.
_____3. Ang paghawak sa ilong, mata at bibig ng hindi
naghuhugas ng kamay ay maaring magdala ng mikrobyo
sa katawan.
_____4. Maaring makakuha ng mikrobyo na nagdudulot ng
sakit kapag palagiang naghuhugas ng kamay.
_____5. Ugaliin na maghugas ng kamay tuwing gusto
lamang.

33
Reflective Learning Sheet

Pangalan: __________________________________
Baitang at Seksiyon: ________________

Let’s Think and Act!

REFLECTIVE LEARNING SHEET NO. 5

Panuto: Ibahagi sa mga kasama sa bahay ang


kahalagahan ng paghuhugas ng kamay. Hikayatin sila na
palagiang maghugas ng kamay. Kulayang ang
masayang mukha kung nagagawa ng buong pamilya
ang palagiang paghuhugas ng kamay o kulayan ang
malungkot na mukha kung hindi ito nagagawa.

34
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pangungusap.
Iguhit ang kung ito ay tama at kung hindi.
(Malalim na Pag-iisip)
1. Ang musika ay binubuo ng maliliit na bahagi na
tinatawag na phrase o music line.
2. May mga phrases o music lines na magkatulad at
mayroon ding magkaiba ang tono sa isang awit.

Panuto: Bilugan ang letra ng tamang sagot. Isulat ang


sagot sa linya.
3. Alin sa mga ito ang hindi mainit na kulay?

A. B.

C. D.

4. Anong dahon at langit ay nagpapakita ng anong


kulay ?
A. Mainit
B. Malamig
C. Wala sa nabanggit
https://www.pinterest.ph/pin/58969076356385261/
https://webstockreview.net/expl
ore/cloud-clipart-sky/

5. Ito ay ang paggalaw ng katawan mula sa isang lugar


patungo sa ibang lugar.
A. Kilos di-lokomotor
B. Kilos-lokomotor

35
6. Alin sa larawan ang nagpapakita ng kilos- lokomotor?
A. B.

Artist: Felix Ramirez Jr. Magat Salamat Elementary School

Panuto: Lagyan ng tsek ( )ang tamang sagot.


7 . Gawin ito upang di mahawaan ng sakit tulad ng covid-
19.

From www.clipartlibrary.com
From www.creazilla.com From www.clipartart.com
From www.mycutegraphics.com

8. Alin sa mga sumusunod ang maiiwasang mangyari


kung palagiang maghuhugas ng kamay.

From pinterest.com From pngitem.com From pinclipart.com From pinterest.com

36
Sanggunian

A. Aklat

Atanacio, Minerva Y. et.al. Active Mapeh, Magallanes


Publishing House.2014

DepEd BCD, August 2016. K to12 Health Grades 1-10 Curriculum


Guide. Pasig City: Department of Education

DepEd BCD, August 2016. K to12 Health Grade 1 Teachers Guide.


Pasig City: Department of Education
DepEd BCD, August 2016. K to12 Health Grade 1 Learners Materials.
Pasig City: Department of Education
MUSIC, ART, PHYSICAL EDUCATION AND HEALTH-LM
Nolasco, Quiling, R. Castro, Fernandez, Ramos, H. catsro,
Serafica. Living with Music, Art, Physical Education and
Health MAPEH 1, 2018.Quezon City: Vibal Group Inc.

Ruadap, Ma. Violeta E. Musika, Sining, Lakas at Sigla 1, St.


Augustine Publications, Inc.2016

B. Internet
Links for other sources and images used in this module:
https://www.ritemed.com.ph/articles/hand-hygiene-tamang-paraan-ng-paglilinis-ng-
kamay
https://www.toronto.ca/wp-content/uploads/2017/10/97b4-tph-handwashing-poster-tagalog-12-
2012.pdf
https://www.google.com/search?q=check+icon&rlz=1C1CHBD_enPH885PH885&sou
rce=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwjkl5ns84_qAhVTeXAKHYj_ACgQ_AUoAXoE
CBAQAw&biw=1366&bih=625#imgrc=KbAHKx31gZez-M
https://www.google.com/search?q=x+icon&rlz=1C1CHBD_enPH885PH885&source=l
nms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwjO2OXi8I_qAhXTZt4KHcW9D4gQ_AUoAXoECBA
QAw&biw=1366&bih=625#imgrc=WpN2zvuP0g8E3M
https://www.youtube.com/watch?v=f5UW59eRlEo
https://allnurseryrhymes.com/are-you-sleeping-brother-john/
https://www.google.com/search?q=hot+cross+buns+music+notation&rlz=1C1CHBD_
enPH885PH885&tbm=isch&source=iu&ictx=1&fir=hIOQYqvPF2-pQM%252CbIiZ3ph-
DERgbM%252C_&vet=1&usg=AI4_-kTh-
aiBePJ0FXAlutPtD2Os9ZPEqw&sa=X&ved=2ahUKEwjm8cuEtZ_qAhVjyIsBHWT5B_oQ9Q
EwAHoECAkQFQ&biw=1366&bih=625#imgrc=RWNNUequ8OsTdM
http://mgakulay.blogspot.com/

37
BUMUBUO SA PAGSULAT NG MODYUL
Management Team:
Maria Magdalena M. Lim, CESO V, Schools Division Superintendent
Aida H. Rondilla, CID Chief
Luis M. Anchilo, PSDS & Supervisor-In-Charge (MAPEH)
Lucky S. Carpio, EPS In Charge of LRMS
Lady Hannah C. Gillo, Librarian II
Albert James P. Macaraeg, PDO II
MUSIC 1
Manunulat: Rowena V. Sempio MT II ; Femeller L. Podador MT II ;
Jenny G. Francisco MT I ; Reynalda Dea B. Ingeniero MT I
Editor: Enrique T. Vallejo,Head Teacher VI,President Sergio Osmena Sr. High
School
Tagasuri: Enrique T. Vallejo,Head Teacher VI,President Sergio Osmena Sr.
High School
Tagaguhit : Reynalda Dea Ingeniero MT I
Tagalapat: Rowena V. Sempio, MT II
SINING
Manunulat: JINA BELLE V. PRIETO MT II, CATHERINE DC. ALBERTO
RONESA D. QUILING, CHRISTOPHER S. MILLAMA
Editor: ADULFO AMIT
Tagasuri: ADULFO AMIT
Tagaguhit: MINSIE M. DIWA
Tagalapat:
PHYSICAL EDUCATION 1
Writers: Charilyn T. Narag

Editors: Eileen Marie C. De Leon, HT-III

Reviewer: Eileen Marie C. De Leon, HT-III

Layout Artist: Charilyn T. Narag


HEALTH 1
Manunulat: Nelda O, Sabater, Mary Jane C. Bo,
Jovelyn C. Gallego, Sammera B. Santos
Editor: Ma. Teresa Nolasco
Tagasuri: Ma. Teresa Nolasco
Tagaguhit: Nelda O, Sabater, Mary Jane C. Bo, Jovelyn C. Gallego, Sammera
B. Santos
Tagalapat: Nelda O, Sabater, Mary Jane C. Bo, Jovelyn C. Gallego, Sammera
B. Santos

38
Copyright, 2020

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources


(Deped-BLR

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985


MAPEH 1
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

39
Susi sa Pagwawasto

40
41

You might also like