You are on page 1of 1

LIT12 Panitikan ng Umuunlad na Bansa

Ang Pantalan
(The Pier)
Ni Mori Ogwai

Buod

Ang pantalan ay mahaba. Isang nagdadalang taong babae ang bumaba mula sa
"jinrikisha" buhat sa himpilan ng tren. Kasama niya ang asawang konde na isang Guri ng
mga Seremonya sa Palasyo at ngayon ay mangingibang-lupa kasama ang biskonde sa
Londres sa atas ng pamahalaan. Ika-5 ng Marso ang araw na ito at malapit na ang
kanyang kabuwanan. Inihatid niya ang asawang konde sa pantalan. Marahan siyang
lumakad at nakita niya ang pag-akyat ng konde sa tulay at pagpasok nito sa barko kasama
ang biskonde. Nagmasid siya sa pantalan, napatingin sa gawing kanan na kinakikitaan ng
maraming bintanang bilog sa tagiliranng barko. Nakita niya ang mga babaeng
nagsisilbing sa barko at isa pang babae na nakatanaw sa pantalan sa ibaba na
kinaiinggitan niya. Pumasok siya sa loob ng barko na napipintahan ng itim upang tingnan
ang kamarote ng konde. Dumating ang isang lalakeng mukha kapitan ng barko upang
imbitahan sa bulwagan. Ang mga tao sa bulwagan ay nagpahayag ng kanilang hangad ng
isang maligayang paglalakbay sa konde at biskonde. Mag-uumpisa nang umalis ang
barko at ang mga taong namaalam ay sunod-sunod na naglabasan at siya rin ay bumaba
na. Tinahak niyang muli ang mapanganib na Andamyo upang makapanaog sa pantalan.
Kumilos na ang barko, isang panyolito ang iwinagayway mula sa tagiliran ng barko at sa
dulo ng pantalan bilang tanda ng pamamaalam. Pinamarisan ng iba ang gawang ito. Ang
asawa ng konde ay nais rin magwagayway ngunit hinawakan lang niya ito at hindi
inilabas dahil ang gayong kagaspangan ng ugali ay hindi niya magawa. Dahan-dahan

niyang ipinihit ang kanyang mga paa at lumakad siyang naliligid ng kanyang mga utusang babae .

Jestone V. Pipit BSEd IV-(Filipino) 9:00-10:30 TuTh

You might also like