You are on page 1of 2

SINOPSIS (Titanic)

Group-4
HUMSS-C Freud

Ang pelikulang Titanic ay isang masaklap na kwento ng pag iibigan na nabuo sa barko at
nagtapos sa pagkalunod nito: Nag sisimula ang kwento sa isang babaeng nagngangalang Rose, si
Rose ay maganda at may kasintahang mayaman na lalaki na nagngangalang Cal. Si Cal at Rose
matagal-tagal nang magkasintahan ngunit hindi totoong minahal ni Cal si Rose, at nung nalaman
ni Rose ito, nilamon siya ng kalungkutan sa kanyang puso at isipan. Nagtangkang tapusin ni
Rose ang kaniyang buhay sa pamamagitan ng pagtalon sa kalagitnaan ng paglalayag ny barko sa
malawak na karagatan ng Atlantic. Sa pagka muntikang pag talon ni Rose ay nakita siya ni Jack
at nasagip niya ang babaeng magiging kasintahan niya. Si Jack ay ipinanganak lamang na
mahirap at nabubuhos sa bisyong pagbabaraha. Naka sampa si Jack sa barkong Titanic dahil
nanalo ito sa sugal ng ticket para makasakay sa eksklusibong barko. Sina Jack at Rose ay
nagkamaigihan at tuloyan nang nahulog sa isa’t-isa. Nagkaroon sila ng mga maliligayang alaala
sa loob ng barko, naipinta pa ni Jack si Rose ng nakahubad. Sa kalagitnaan ng paglalayag ng
barko sa karagatan, isang gabi ay nakaiigtaan sa pananaw ng mga nagpapatakbo ng barko ang
isang malaking bato ng yelo at tuluyang sumalpok ang barko nito. Sa pagkabangga ng barko sa
bato ng yelo agad ito nagdulot ng malaking trahedya na naglubog sa barko. Nalaman ng dating
kasintahan ni Rose na si Cal ang pag-iibigan nilang dalawa ni Jack, agad nitong hinabol si Rose
gamit ang baril habang papalubog ang barko. Inuna ng mga marinong nakasampa sa Titanic ang
mga Babae at mga batang patungo sa mga bangkang ginagamit sa kagipitan. Hindi agad
sumakay si Rose sa isa sa mga bangka sa kadahilanang hindi niya makakasama si Jack sa mga
ito. at nangangamba siya sa kapakanan ni Jack. Tuluyang lumubog ang barko, mga bangkay ay
lumutang sa mayelong dagat. Ang mga bangka na puno ng mga nakaligtas ay tuluyang lumayo
sa pag-aakalang walang ibang tao na nabuhay sa trahedya. Sina Rose at Jack ay naiwan sa
gitnang dagat na puno ng bangkay. Walang ibang kinapitan sina Rose at Jack kundi isang kahoy
napint lamang. Si Jack ay hindi maka akyat sa pinto na pina patungan ni Rose upang 'di mamatay
sa ginaw kayat ito ang dahilan sa pagkamatay nito at tuluyang pagkawala niya sa karagatan. Sa
akalang walang ibang nakaligtas sa paglubog, ang mga marinong naghahanap ng buhay ay
nagpakalayo-layo na. May nakita si Rose na isang "emergency whistle" at agad niya itong
pinatunog upang marinig siya ng mga taong naghahanap ng mga nakaligtas sa trahedyang
paglubog ng barko. Naligtas si Rise at tuluyan nang iniwan si Jack sa ilalim ng madilim at
mayelong karagatan ng Atlantic.

Group 4:
Arlex Lumanta Nash Casunggay
Celin Salilin Gwyneth Bacoba
Janna Comendador Jannella Jhayne Dumalan
Jhana Castro Ken Delos Reyes
Mary Grace Mojado Mary Grace Maglasang

You might also like