You are on page 1of 21

Dr.

JOSE PROTACIO MERCADO RIZAL Y ALONZO REALONDA

IPINANGANAK NOONG HUNYO 19, 1861


SA CALAMBA, LAGUNA
NG MAG-ASAWANG DON FRANCISCO MERCADO
AT DOÑA TEODORA ALONZO

NAMATAY NOONG DISYEMBRE 30, 1896


SA BAGUMBAYAN (LUNETA), MAYNILA

Bakit kailangan nating pag-aralan ang buhay, mga ginawa at isinulat ni Dr. Jose Rizal?

Ang Republic Act No. 1425 na itinaguyod ng mga Senador na sina Claro M. Recto at Jose
Laurel Sr. at mga Kinatawan na sina Jacobo Gonzales, Lorenzo Tañada at Jose Laurel Jr. noong
1956 sa panunungkulan ni Pangulong Ramon Magsaysay ay nag-uutos na isama sa kurikulum
ang pag-aaral sa buhay, mga ginawa at isinulat ni Dr. Jose Rizal

Upang lalong maging mabisa at makabuluhan ang pagpapatupad ng R.A. No. 1425, naglabas ng
kautusan ang Kagawaran ng Edukasyon at Kultura na ngayon ay DepEd sa pamamagitan ng
MEC Order No. 22 s. 1978 na simula sa Taong Panuruan (School Year) 1982-1983 Filipino; ang
Wikang Pambansa ang gagamiting wikang panturo ng Kursong Rizal sa lahat ng dalubhasaan at
pamantasan.

1
Kabanata XI Sa Hong Kong at Macao (1888)
Nagpunta ng Hongkong sakay ng barkong Zafiro.
Tumuloy sa Otel Victoria at sinalubong ng mga naninirahang mga Pilipino doon sa pamumuno
ni Jose Maria Basa.

Samantala, si Jose de Veranda, dating kalihim ni Gob.Hen. Terrero ay naniniktik kay Rizal
habang siya’y nasa Hongkong.

Noong Pebrero 18, 1888, bumisita si Rizal sa Macao kasama si Basa. Sakay sila ng bangkang
Kiu-Kiang. Ikinagulat pa niya ang pagkakita kay Jose Veranda na sakay din ng naturang bangka.

Nagtuloy sila sa tahanan ni Don Juan Francisco Lecaros na isang Pilipinong nakapangasawa ng
Portuges. Isa itong mayaman na mahilig maghalaman. Karamihan sa kanyang mga tanim ay
buhat sa Pilipinas.

Pebrero 22, 1888, nagpunta ng Japan sakay ng barkong Oceanic. Hindi niya nagustuhan ang
pagkain sa barko subali’t ang barko ay malinis at maayos.

Narating ng Yokohama noong Pebrero 28, 1888.


Tumuloy sa Otel Grande. Kinabukasan nagpatuloy patungong Tokyo at tumigil sa Otel Tokyo.
binisita siya ni Juan Perez Caballero, Kalihim ng Legasyong Espanyol, at inanyayahan siya
nito na sa Legasyon manirahan na kanya namang tinanggap.

Si Caballero ay naging kaibigan. Sa kanyang liham kay Blumentritt inilarawan niya ang
Diplomatikong Kastila bilang “bata, maginoo, at isang mahusay na manunulat”, at “isang tunay
na diplomatiko na nakapaglakbay na sa iba’t-ibang lugar.”

Sa mga unang araw niya sa Tokyo, nahirapan siya sa kadahilanang hindi siya marunong ng
wikang Niponggo. Siya ay mukhang Hapon subali’t walang alam sa wika nito. Sa kanyang liham
kay Blumentritt nabanggit niya na bihira sa Tokyo ang nakakaintindi ng wikang Ingles na di
gaya sa Yokohama. Ang mga bata ay nagtatawa kapag naririnig siyang magsalita ng ibang wika.

Seiko Usui
Upang maiwasan ang lalo pang pagkapahiya, pinag-aralan niya ang wikang Niponggo at natuto
naman siya sa loob lamang ng ilang araw. Pinag-aralan din niya ang Japanese drama (kabuki),
sining, musika, at ang judo (self-defense). Nilibot din niya ang mga museo dito, aklatan, galeriya
ng sining at mga bantayog. Nakarating siya sa Meguro, Nikko, Hakone, Miyanoshita, at mga
magagandang pamayanan ng Japan.

Impresyon sa Japan
Ang mga nagustuhan ni Rizal sa Japan ay ang mga sumusunod:
1. kagandahan ng bansa, mga bulaklak, bundok, ilog at magagandang tanawin;
2. kalinisan ng paligid, mababait ang mga tao, at industriya;
3. kariktan ng kanilang damit at pagiging simple ng kababaihan;
4. ilan lang ang magnanakaw kung kaya’t maaari mong iwan ng bukas ang iyong tahanan;
5. bihira lang din ang pulubi sa kalye.

rickshaw
Sayonara, Japan

2
Noong Abril 13, 1888, sakay ng barkong Belgic, isang barkong Ingles, nilisan niya ang Japan
patungong Estados Unidos. Mabigat ang kanyang damdamin sa kanyang paglisan sa lupain ng
Cherry Blossom at sa kanyang minamahal na si O-Sei-San. Isa ito sa pinakamasasayang
kabanata sa kanyang buhay na hindi niya malilimutan.

Paglalayag sa Pasipiko
Sa kanilang paglalayag, kasakay niya ang isang pamilya. Si Reynaldo Turner at asawa nitong si
Emma Jackson (anak ng isang Ingles), mga anak nila at katulong mula sa Pangasinan. Isang
araw ay tinanong siya ng isa sa mga bata, “Kilala n’yo po ba ang isang sikat na lalaki buhat sa
Maynila na nagngangalang Richal? Sinulat niya ang nobelang ‘Noli Me Tangere.”

“Oo, hijo, ako si Richal,” sagot niya.

Sa katuwaan ng bata ay agad nitong tinawag ang ina at sinabing kasakay nila ang isang tanyag na
tao. Inasikaso siya ng ina ng bata na may kagalakan sapagka’t naglalayag silang kasama ang
isang kilalang tao.

Nakilala ni Rizal si Tetcho Suehiro, isang aktibistang mamamahayag at nobelistang Hapon.


Magkatulad ang kanilang mga paniniwala at simulain para sa kapayapaan at katubusan ng
kanilang lahi.

Magkasama sila sa mahabang paglalayag mula sa Yokohama hanggang San Francisco,


hanggang New York at hanggang marating nila ang London, kung saan sila naghiwalay noong
Disyembre 1, 1888.

Nakapaglathala ito ng isang nobela noong 1891 na pinamagatang “Nankai-no-Daiharan”


(Storm Over The South Sea) na isang kahalintulad ng Noli Me Tangere, habang siya’y
nanunungkulan bilang kasapi ng Imperial Diet (Parliamanto ng Japan). At pagkalipas ng tatlong
taon ay ang “O-unahara” (The Big Ocean), isang kahalintulad naman ng El Filibusterismo.

Kabanata XIII Pagbisita sa Estados Unidos


Dumaong ang barkong Belgic sa San Francisco noong Abril 26, 1888 at nakita ni Rizal ang
Amerika sa unang pagkakataon.
Ayon sa kanya, “Ang Amerika ay isang bansang may napakagaling na kalayaan subali’t ito ay
para lamang sa mga Puti.” Hindi pinayagang makababa ng barko ang mga sakay nito sa
dahilang may epidemya ng kolera sa Malayong Silangan kung saan sila nagmula. Ikinagulat nila
ito sapagka’t wala silang nalalamang epidemya ng kolera sa kanilang pinanggalingan noong
panahong iyon. Pinatutunayan pa ito ng Katibayan ng Konsul ng Amerika sa Japan at ng Britong
Gobernador ng Hongkong na ligtas ang lahat sa sakit na kolera.

Di kalaunan ay nalaman niya na ito ay dahil sa politika. Karga sa naturang barko ang may 643 na
manggagawang Intsik na papalit sa manggagawang puti sa paggawa ng riles.

Matapos ang isang lingo ay pinayagan na sila na nangasa “first class” na makababa nguni’t ang
mga Intsik at Hapon na nangasa “second at third class” ay hindi pa.

Nagtuloy siya sa Palace Hotel kung saan nabanggit niya sa kanyang “diary” ang pangalang
Leland Stanford, isang milyonaryang Senador ng California. Ang Senador na ito ang nagtatag
ng Unibersidad ng Stanford at Palo Alto, California.

3
Noong Mayo 6, 1888, Linggo, nilisan niya ang San Francisco patungong Oakland, sakay ng
“ferry boat”. Sa Oakland ay sumakay siya ng tren upang malibot ang kabuuan ng Amerika.
Dumaan ito ng Sacramento at doon sila nakapaghapunan. Kinaumagahan, nag-almusal sila sa
Reno, Nevada, sinasabing “Pinakamalaki, nguni’t maliit na lungsod sa buong mundo”,
napapalibutan ito ng disyerto at wala isa mang halaman o puno dito.

Martes, Mayo 8, narating nila ang Utah. Sa Ogden, nakakita na sila ng mga kabayo, oxen at
puno. May ilang maliliit na bahay sa malayo. Mula Ogden patungong Denver. Mayroon na
ditong mga bulaklak na kulay dilaw sa daan. Ang mga bundok sa malayo ay matatanaw na
nababalutan ng niyebe. Pinakamaganda ang Lawa ng Salt sa lahat. Sa gitna nito ay may
matatanaw kang mga bundok na gaya ng Isla ng Talim sa Laguna. Pagdating sa Ogden ay
lumipat si Rizal ng tren.

Miyerkoles, Mayo 9, binagtas nila ang bundok at ilog; ang ilog ay maingay at ang ingay nito ang
nagbibigay buhay sa walang buhay na lugar. Gumising sila sa Colorado, ikalimang estado na
dinaanan nila. Inakyat nila ang may kataasang lugar kung kaya’t makikita sa daraannan ang
niyebe.

Huwebes, Mayo 10, narating nila ang Nebraska. Isa itong patag. Narating nila ang Omaha, isang
malaking lungsod, pinakamalaki mula nang umalis sa San Francisco. Ang Ilog Missouri ay
dalawang beses na mas malaki kaysa Ilog Pasig. Tumawid ang tren sa tulay ng Missouri sa loob
ng dalawa’t kalahating minuto at sinapit nila ang Illinois.

Biyernes, Mayo 11, ay nasa Chicago na sila. Napansin niya na lahat ng tindahan ng sigarilyo
dito ay may estatwa ng Indian.

Sabado, Mayo 12, narating nila ang Talon ng Niagara. Hindi ito kasing ganda sa Los Baños
(Pagsanjan) nguni’t hamak na mas malaki ito.

Linggo, Mayo 13, sumapit sila sa isang malaking lungsod, ang Albany. Dinadaanan ito ng Ilog
Hudson na may magagandang halaman at hindi pahuhuli sa pinakamagandang ilog sa Europa;
at dito natapos ang paglalakbay nila sa buong kontinente.

Si Rizal sa New York


Matapos ang paglalakbay sa buong Amerika, tumigil siya ng tatlong araw sa New York na
tinawag niyang “malaking bayan”. Naglibot siya sa mga magagandang tanawin dito at
namangha sa libingan ni George Washington.

Mula sa New York, siya ay tumulak patungong Liverpool, sakay ng barkong City of Rome.
Namasdan niya ang tanyag na Estatwa ng Liberty sa pag-alis nila ng San Francisco.

Kabanata XIV Si Rizal sa London (1888-1889)


Mula Mayo 1888 hanggang Marso 1889, ay nanirahan si Rizal sa London, Inglatera. Pinili niya
ang bansang ito sa mga sumusunod na kadahilanan:
1. upang lumawak ang kaalaman sa wikang Ingles;
2. gumawa ng anotasyon sa “Sucesos delas Islas Filipinas” (Mga Makasaysayang
Pangyayari sa mga Pulo ng Pilipinas) ni Antonio Morga na tanging makikita lamang sa
Museo ng Britanya, London, Inglatera.
3. dahil sa higit na liberal ang kalagayang panlipunan at pampulitika sa London, ay nais ni
Rizal na ipagpatuloy ang pakikipaglaban sa kanyang bayan sa pamamagitan ng panitikan.

4
Ang paglalakbay niya mula New York papuntang Liverpool ay naging kaaya-aya. Nagkaroon
siya ng maraming kaibigan buhat sa ibang lahi. Pinakitaan niya ang mga ito ng husay niya sa
“yo-yo”. Sa mga batang Pilipino, ito ay isa lamang laruan nguni’t ipinakita niya kung paano ito
magagamit bilang sandata sa pakikipaglaban, bagay na nagustuhan ng mga bago niyang
kaibigan.

Kasakay niya sa barko ay ilang mga Amerikanong mamamahayag. Hindi siya nasiyahan sa
pakikipag-usap sa mga ito dahil hindi pa bihasa at kulang pa ang kaalaman ng mga ito tungkol sa
pulitika.

Ika-24 ng Mayo, 1888 ay dumaong ang City of Rome sa Liverpool, Inglatera. Tumigil siya dito
ng isang gabi at tumuloy sa Adelphi Hotel. Nasabi niya sa kanyang pamilya na ang Liverpool ay
isang malaki at magandang lungsod at ang pagiging tanyag ng pantalan o daungan nito ay
nararapat dahil sa angkin nitong ganda.

Pamumuhay sa London
Kinabukasan ay naglakbay na siya patungong London at doon ay pansamantalang nanuluyan sa
tahanan ni Dr. Antonio Ma. Regidor, isang desteradong Pilipino at abogado sa London. Nang
sumapit ang katapusan ng Mayo ay nakakita siya ng maayos na panuluyan sa No. 37 Chalcot
Crescent, Primrose Hill, sa tahanan ng mga Beckett. Ang mag-asawang Beckett ay mayroong
anim na anak, dalawang lalaki at apat na babae. Ang pinakamatanda sa babae ay si Gertrude na
tinatawag na Getti o Tottie ng kanyang mga kaibigan. Ang kanilang ama naman ay organista sa
simbahan ng St. Paul.

Maganda ang lugar ng kanilang tahanan para kay Rizal sapagka’t malapit lamang ito sa parke
gayundin sa Museo ng Britanya kung saan maaari siyang makapagsulat.

Nakilala ni Rizal si Dr. Reinhold Rost, ang “librarian” ng Kagawaran ng Ugnayan sa Ibang
Bansa (DFA) at isang dalubhasa sa mga wika at pamumuhay ng mga Malayo. Humanga ito kay
Rizal sa angkin niyang talino at pag-uugali kung kaya nirekomenda niya si Rizal sa namamahala
ng Museo ng Britanya. Tinawag pa niya itong “una perla de hombre” (perlas ng isang tao).

Ginugol niya sa Museo ng Britanya ang kanyang oras sa paggawa sa Sucesos ni Morga at
pagbabasa sa iba pang aklat ng kasaysayan ng Pilipinas. Madalas din niyang bisitahin si Dr.
Regidor upang makipagtalakayan ukol sa mga suliranin ng kanilang bayang Pilipinas.

Tuwing Linggo naman ay nakikipagkita siya kay Dr. Rost sa tahanan nito na ang talakayan
naman ay tungkol sa iba’t-ibang wika. Nakikipaglaro din siya rito ng “cricket” isang popular na
laro sa Inglatera at kung minsan naman ay “boxing" kalaro ang mga anak ni Dr. Rost.

Masaya at Malungkot na Balita Buhat sa Pilipinas


Nakarating kay Rizal ang malungkot na balita buhat sa Pilipinas ukol sa mga sumusunod:
1. pang-uusig sa mga Pilipino na lumagda sa Petisyon laban sa mga Prayle.
2. pang-uusig sa mga magsasaka ng Calamba kabilang na ang kanyang ama dahil sa hiling
ng mga ito ng reporma sa pagsasaka.
3. pag-atake sa kanya sa pahayagan ng dalawang senador ng Espanya na sina Senador Vida
at Salamanca sa Cortes at ni Desengaños (Wenceslao Retana) at Quioquiap (Pablo
Feced).
4. Pagpapatapon sa asawa ni Saturnina na si Manuel T. Hidalgo sa Bohol ng walang
kaukulang paglilitis.
5
5. pagkakakulong ng kaibigan niya sa UST na si Laureano Viado sa Bilibid dahil nakitaan
ito ng aklat niyang Noli Me Tangere sa kanyang tahanan.

Isang magandang balita naman na natanggap niya ay ang pagtatanggol ni Padre Vicente Garcia
sa kanyang Noli laban sa mga prayle. Nalaman niya ito kay Mariano Ponce. Labis ang naging
pasasalamat niya sa butihing pari na ito na maituturing na isang haligi ng Katedral ng Maynila.

Habang si Rizal ay nasa London, nagpadala siya ng artikulo sa Espanya upang ilathala sa
pahayagang La Solidaridad tulad ng “Filipinas Dentro de Cien Años” (Ang Pilipinas sa
Darating na Sandaang Taon) at ang “Sobre la Indolencia delos Filipinos” (Ang Tungkol sa
Katamaran ng mga Pilipino). Noong Pebrero 22, 1889 ay nagpadala siya ng “Liham Para sa
mga Kadalagahan ng Malolos”.

Anotasyon ng Aklat ni Morga


Isang mahalagang nagawa ni Rizal sa London ay ang anotasyon niya sa aklat ni Morga, ang
“Sucesos de las Islas Filipinas” na nalathalata sa Mexico noong 1609. Inuubos niya ang
kanyang panahon sa pagbabasa ng mga aklat na sinulat ukol sa kasaysayan ng Pilipinas ng iba’t-
ibang manunulat gaya nina Padre Chirino, Padre Colin, Padre Argensola, Padre Plasencia, at
iba pa. Sa lahat ng ito, ang pinakanagustuhan niya at maituturing na pinakamaganda ay ang
sinulat ni Dr. Morga.

Sa kanyang liham kay Blumentritt nasabi niya na ang gawa ni Morga ay isang mahusay na aklat;
masasabi na siya’y isang modernong mananaliksik. Hindi siya kakikitaan ng eksaherasyon sa
kanyang akda na ginagamit ng mga Kastila, bagkus ito’y isang simple nguni’t kailangang
intindihin ang bawat salita.

Maikling Pagdalaw sa Paris at Espanya


Noong Setyembre 1888 binisita ni Rizal ang Paris nang isang linggo para sa ilang gamit
pangkasaysayan sa Pambansang Aklatan ng Paris. Malugod siyang tinanggap ng mag-asawang
Juan Luna at Paz Pardo de Tavera, na noo’y may anak na ang pangalan ay Andres (palayaw ay
Luling). Matapos makuha ang mga kailangang impormasyon sa aklatan, siya’y nagbalik na muli
sa London.

Noong Disyembre 11, 1888, nagpunta si Rizal sa Madrid at Barcelona upang makipag-ugnayan
sa mga Pilipino doon tungkol sa mga gawaing propaganda para sa Reporma ng Pilipinas.
Nagkita sa unang pagkakataon ni Marcelo H. del Pilar at Mariano Ponce. Nangako ang mga ito
na makikipagtulungan sa laban nila tungo sa reporma.

Pasko sa London (1888)


Nagbalik si Rizal sa London noong Disyembre 24, 1888 at nagdiwang ng Pasko at Bagong Taon
kapiling ang mag-anak na Beckett. Unang pagkakataon niya itong makapagdiwang ng Pasko at
Bagong Taon sa Inglatera. Masaya niya itong ibinalita kay Blumentritt sapagka’t sa lahat ng
okasyon, ito ang pinakagusto niya, ang “Noche Buena”. Pinadalhan pa niya si Blumentritt ng
ginawa niyang busto ni Emperador Augustus bilang pamaskong handog at sa isa pang kaibigan
na si Dr. Carlos Czepelak, ang busto naman ni Julius Caesar.

Samantala nakatanggap naman siya ng aklat buhat kay Mrs. Beckett na “The Life and
Adventures of Valentine Vox, the Ventriloquist”, masaya niyang tinanggap ang regalo dahil
labis siyang humahanga sa Britong salamangkero dahil sa husay nito sa larangan ng ventrilogo.

Si Rizal Bilang Lider ng mga Pilipino sa Europa


6
Habang abala si Rizal sa kanyang mga gawaing pangkasaysayan, nabalitaan niyang bumubuo ng
isang samahan ang kanyang mga kaibigang Pilipino sa Barcelona. Ang samahan ay tinawag
nilang Asociacion La Solidaridad (Solidaridad Association) na naglalayong tumulong sa
pakikibaka para sa reporma. Naitatag ito noong Disyembre 31, 1888 sa pangunguna ni Galicano
Apacible bilang pangulo; Graciano Lopez Jaena bilang pangalawang pangulo; Manuel Santa
Maria bilang kalihim; Mariano Ponce bilang ingat-yaman at Jose Ma. Panganiban bilang
tagatuos (accountant).

Si Rizal ay napagkaisahan ng mga kasapi na gawing “honorary president” bilang pagkilala sa


kanyang pangunguna sa mga Pilipinong makabayan sa Europa.

Bilang tagapanguna sa kanyang mga kababayan sa Europa, sumulat si Rizal ng liham para sa
mga kasapi ng Asociación La Solidaridad noong Enero 28, 1889. Sa kanyang liham nakasaad
ang mataos na pasasalamat at karangalang gawin siyang “honorary president”.

Ang Pahayagang La Solidaridad


Itinatag ni G.Lopez Jaena ang makabayang pahayagang La Solidaridad noong Pebrero 15, 1889
sa Barcelona kung saan naging patnugot dito si Marcelo H. del Pilar. Isa itong panggabing
pahayagan na nagsisilbing kamay ng mapayapang pakikibaka tungo sa panlipunan at pulitikal na
reporma.

Ang layunin ng La Solidaridad ay ang mga sumusunod:


1. Gumawa ng mapayapang pagbabago para sa ikagagaling ng bayan.
2. Ipakita ang kaawa-awang kalagayan ng kolonya nang malunasan ito ng Espanya.
3. Pigilin ang mga masasama at makalumang lakas ng reaksyonaryo.
4. Itaguyod ang malaya at maunlad na kaisipan.
5. Mamuno sa mga mapayapang adhikain ng mga Pilipino.

Binati niya si Lopez Jaena at mga kasama nito sa pagbuo ng La Solidaridad at bilang tanda ng
kanyang pagsang-ayon at pakikiisa ay gumawa siya ng artikulo para dito na nalathala sa naturang
pahayagan.

Unang Artikulo sa La Solidaridad


Ang unang artikulo ni Rizal na lumabas sa La Solidaridad ay ang “Los Agricultores Filipinos”
(The Filipino Farmers). Nailathala ito noong Maso 25, 1889, anim na araw matapos niyang
lisanin ang London patungong Paris.

Mga Sinulat sa London


Nabalitaan din ni Rizal ang mga pag-atake ni Padre Rodriguez sa kanyang Noli habang siya ay
nagsasaliksik sa Museo ng Britanya. Bilang ganti, sumulat siya ng isang pulyeto na pinamagatan
niyang “La Vision del Fray Rodríguez” (The Vision of Fray Rodríguez) gamit ang sagisag-
panulat na Dimas-alang at ito’y ipinamahagi sa Barcelona.

Dito rin sa London niya isinulat ang “Liham Para Sa Mga Kababayang Dalaga ng Malolos”.
Hiling ito sa kanya ni Marcelo H. del Pilar upang papurihan ang mga kadalagahan sa Malolos at
upang mahikayat silang magtayo ng paaralan upang matutuhan nila ang wikang Espanyol sa
kabila ng pagtutol ni Padre Felipe Garcia, isang Kastilang kura ng Malolos. Ang pangunahing
layunin ng liham na ito ay ang mga sumusunod:
1. Ang Pilipina bilang isang ina ay nararapat na turuan ang kanyang anak ng pagmamahal sa
Diyos, sa bayan, at kapwa-tao;

7
2. Bilang isang ina, ang Pilipina ay karapat-dapat magalak tulad ng inang Spartan, na ibigay
ang kanyang mga anak na lalaki sa pagtatanggol sa Inang Bayan;
3. Ang Inang Pilipina ay dapat marunong pangalagaan ang sariling dignidad at karangalan;
4. Ang Inang Pilipina ay dapat pataasin ang antas ng kanyang talento bukod sa
pagpapanatiling mabuti ang kanyang angkan;
5. Ang pananampalataya ay hindi tungkol sa pagsasaulo ng mahahabang dasal at pagsusuot
ng mga banal na imahe kundi dapat na ipamuhay ang pagiging totoong Kristiyano sa
pamamagitan ng magagandang gawa at gawi.

Si Dr. Rost ay humiling din ng ambag na artikulo kay Rizal para sa kanyang Trubner’s Record
kung saan siya ang Editor. Bilang pagtugon, nagbigay siya dito ng dalawang artikulo. Ang
“Specimens of Tagal Foklore” na nalathala noong Mayo 1889 at ang “Two Eastern Fables” na
nalathala naman noong Hunyo 1889.

Gumawa din siya ng apat na eskultura gamit ang putik bago niya nilisan ang London.
Pinamagatan niya ang mga ito ng 1. “Prometheus Bound”, 2. “The Triumph of Death Over
Life”, 3. “The Triumph of Science Over Death”, at 4. ang magkakapatid na Beckett na iniwan
niya bilang alaala sa mga Beckett. Ang ikalawa at ikatlong eskultura ay binalot niya at ipinadala
sa kaibigan niyang si Propesor Blumentritt sa Leitmeritz

Adios, London
Ika-19 ng Marso, 1889, nagpaalam si Rizal sa pamilyang Beckett (partikular kay Gertrude) at
iniwan niya ang London. Malungkot siyang umalis patungong Paris dala ang magagandang
alaala sa kanya ng London.

Kabanata XV Pagbalik sa Paris at ang Eksposisyong Unibersal (1889)


Dahil sa Eksposisyong Unibersal ng 1889 lalong tumaas ang upa sa mga otel dahil na rin sa
dami ng mga turistang bumibisita sa Paris. Nahirapan siyang maghanap ng matitirhan hanggang
makakuha siya ng isang maliit na silid at kasama niya rito ang dalawang Pilipino, sina Kapitan
Justo Trinidad, Gobernadorcillo ng Sta. Ana, Maynila at isang estudyante mula sa Maynila na si
Jose Alberto. Bagama’t masaya ang buhay niya sa Paris, ginawa din niyang makabuluhan ito.
Madalas siya sa Bibliotheque Nationale (Pambansang Aklatan).

Namamasyal si Rizal sa mga kaibigan kapag wala siyang ginagawa o naiinip tulad nina Pardo de
Taveras, mga Ventura, Bousted at Luna. Naging ninong si Rizal sa pangalawang anak nina Juan
Luna at Paz Pardo de Tavera. Si Rizal ang nagbigay ng pangalan dito na “Maria de la Paz,
Blanca, Laureana, Hermenegildo Juana Luna y Pardo de Tavera”.

Si Rizal sa Eksposisyong Unibersal


Isa sa mga itinanghal sa Eksposisyong Unibersal sa Paris para sa pandaigdigang paligsahan sa
sining ay nilahukan nina Felix Hidalgo, Juan Luna, Felix Pardo de Tavera at Rizal. Nanalo ng
ikalawang gantimpala ang ipininta ni Hidalgo, ikatlong gantimpala naman ang kina Juan Luna at
de Tavera. Ang isinaling busto na iminodelo ni Rizal ay hindi pinalad na manalo.

Noong Marso 19, 1889, itinatag ni Rizal ang Samahang Kidlat na nabuo sa simpleng dahilan na
mapagsama-sama ang mga Pilipino sa Paris. Sumunod ang Indios Bravos na nabuo dahil sa
pagkakita nila sa mga Indiang Amerikano na hindi ikinahihiya ang kanilang balat at pagiging
Indio na dapat ding maging pag-uugali ng mga Pilipino na tinatawag ding Indio. At ang RDLM,
Redencion de los Malayos (Para sa Katubusan ng mga Malayo). Maraming manunulat ay hindi
binabanggit ito sa kanilang akda dahil sa isa itong lihim na samahan na ilan lamang ang
nakakaalaam. At ilan lamang din sa mga pinagkakatiwalaang kaibigan ni Rizal ang kasapi dito
8
gaya nina Gregorio Aguilera, Jose Ma. Basa, Julio Llorente, Marcelo H. del Pilar, Mariano
Ponce, Baldomero Roxas, at isang paring Pilipino na si Padre Jose Maria Changco.

Layunin ng lihim na samahan ayon kay Rizal ay “linangin ang kapakipakinabang na talento –
siyentipiko, sining, literatura, at iba pa – sa Pilipinas” at ang “katubusan ng lahing Malayo.”

Isinulat ni Rizal ang Por Telepono, isang satirika laban kay Padre Salvabador Font na siyang
pasimuno sa pagbabawal ng Noli Me Tangere sa Pilipinas. Ginamit dito ni Rizal ang sagisag-
panulat na Dimas-alang. Nailathala sa La Solidaridad ang mga sanaysay na Filipinas Dentro de
Cien Años at ang Sobre la Indolencia delos Filipinos.

Nailathala ang Anotasyon sa Aklat ni Morga


Masasabing pinakamagandang nagawa ni Rizal sa Paris ay ang paglalathala ng Anotasyon niya
sa aklat ni Morga na Sucesos na isinulat niya sa Museo ng Britanya. Inimprenta ito sa Garnier
Freres at ang epilogo naman ay sinulat ni Blumentritt sa hiling na rin ni Rizal.

Kabanata XVI Pagtungo sa Brussels, Belhika [Belgium] (1890)


Dahil sa magastos ang pamumuhay sa Paris at balakid ang labis na kasiyahan ng lungsod sa
pagsusulat ng El Filibusterismo, nilisan ni Rizal ang Paris noong Enero 28, 1890 patungong
Brussels, Kabisera ng Belhika (Belgium). Ang paniwala nina Marcelo H. del Pilar at Valentin
Ventura ay may iniiwasang babae si Rizal kaya siya aalis ng Paris gaya ng paglisan niya sa
London subali’t sinabi sa kanila ni Rizal na salapi ang dahilan dahil sa mataas ang antas ng
pamumuhay sa Paris.

Sa narinig ay inanyayahan siya ni Valentin Ventura na manuluyan sa kanilang tahanan ng


walang bayad; dahil sa mataas na pagpapahalaga sa kanyang pagkatao at dignidad hindi
tinanggap ni Rizal ang alok ni Ventura.

Sinamahan siya ni Jose Alberto sa Brussels at tumira sila sa 38 Rue Philippe Champagne na
pag-aari ng magkapatid na Suzanne at Marie Jacoby. Hindi naglaon ay umalis na si Jose Alberto
subalit pinalitan naman ito ni Jose Alejandro na isang estudyante sa pagiging inhinyero. Naging
abala si Rizal sa pagsusulat ng El Filibusterismo at sa pagpapadala ng mga artikulo sa
pahayagang La Solidaridad.

Mga Artikulong Nalathala sa La Solidaridad


Habang si Rizal ay nasa Brussels, nakasulat siya ng mga artikulong ipinadala niya at nalathala sa
La Solidaridad na pawang pagtatanggol sa kanyang mga kababayan sa Pilipinas. Ilan sa mga ito
ay ang mga sumusunod:
1. “A La Defensa” (To La Defensa), Abril 30, 1889. Tugon ito sa hindi maka-Pilipinong
sulat ni Patricio de la Escosura na nalathala sa “La Defensa” noong Marso 30, 1889.
2. “La Verdad Para Todos” (The Truth For All), May 31, 1889. Tugon ni Rizal laban sa
Kastila na umaakusa sa mga Pilipinong pulitiko bilang mangmang at tiwali.
3. “Vicente Barrantes’ Teatro Tagalo,” Hunyo 15, 1889. Inilahad dito ni Rizal ang
kamangmangan ni Barrantes ukol sa sining ng Teatrong Tagalog.
4. “Una Profanación” (A Profanation), Hulyo 31, 1889. Pagbatikos sa mga prayle na hindi
nagbigay ng Kristiyanong libing sa kanyang bayaw na si Mariano Herbosa. Asawa ito
ng kanyang kapatid na si Lucia. Si Mariano Herbosa ay namatay sa sakit na kolera.
5. “Verdades Nuevas” (New Truths), Huly 31, 1889. Tugon sa liham ni Vicente Belloc
Sanchez na nalathala sa La Patria sa Madrid noong Huly 4, 1889 na nagsabing “ang
pagbibigay ng reporma sa Pilipinas ay sisira sa kapayapaan at kapangyarihan ng mga
prayle dito.”
9
6. “Crueldad” (Cruelty), Agosto 15, 1889. Isang matalinong salag ni Blumentritt laban sa
mga pag-atake ng kanyang mga kaaway.
7. “Diferencias” (Differences), Setyembre 15, 1889. Tugon sa isang di-pantay na artikulong
“Old Truths” na nalathala sa La Patria noong Agosto 14, 1889 na ginawang katawa-tawa
ang mga Pilipinong humihingi ng reporma.
8. “Inconsequencias” (Inconsequences), Nobyembre 30, 1889. Depensa ni Antonio Luna
laban sa pag-atake ni Pablo Mir Deas sa pahayagang El Pueblo Soberano ng Barcelona.
9. “Llanto y Risas” (Tears and Laughter), Nobyembre 30, 1889. Panlalait ng mga Kastila sa
mga kayumangging Pilipino.
10. “Ingratitudes”, Enero 15, 1890. Isang tugon kay Gobernador Heneral Valeriano Weyler
na nagsabing “hindi nyo dapat hinahayaan ang inyong sariling lokohin ng mga walang
utang na loob na mga anak.”

Bagong Ortograpiya ng Wikang Tagalog


Sa kabila ng pag-aaral niya sa Europa at kaalaman niya sa iba’t-ibang wika, gayon pa rin ang
pagmamahal niya sa sariling wika. Nanguna siya sa pagpapayaman sa sariling wika. Ipinakilala
niya na ang mga letrang K at W ang dapat gamitin imbes na C at O na buhat sa Kastila. Kung
kaya’t ang mga salitang salacot ay nararapat na isulat bilang salakot at ang arao naman ay
nararapat na isulat ng araw.

Habang nasa Brussels ay nalathala ang artikulo niyang “Ortografia de la Lengua Tagala” (The
New Orthography of the Tagalog Language) sa La Solidaridad noong Abril 15, 1890. Sa
artikulo niyang ito inilahad ang gabay sa paggamit ng bagong Ortograpiya ng wikang Tagalog.
Bilang pagtanaw at sinseridad ay ibinigay niya ang kredito kay Dr. Trinidad H. Pardo de
Tavera na may akda ng “El Sanscrito en la Lengua Tagala” na inilathatala sa Paris noong 1884.

Pagpuna ni Rizal sa mga Pilipinong Nagsusugal sa Madrid


Habang nasa Brussels, nabalitaan ni Rizal na palaging sugal at pag-aaliw ang ginagawa ng
karamihan sa mga Pilipinong nasa Madrid ayon kay Juan Luna at Valentin Ventura, dahil
dito’y lumiham si Rizal upang paalalahanan ang mga Pilipinong ito. Subali’t sa halip na
sumunod sa payo ay nagalit at kinutya pa siya.

Nalalapit na Kamatayan
Nakarating kay Rizal ang masasama at malulungkot na balita buhat sa Pilipinas. Ang mga
prayleng Dominikano ay nagsampa ng kaso laban sa ama ni Rizal dahil sa hindi na kaya nitong
magbayad ng upa sa lupa. Dahil sa patuloy na pagtaas ng singil sa renta ng lupa. Inusig din ng
mga makapangyarihan ang mga bayaw niyang sina Antonio Lopez at Silvestre Ubaldo. Si
Manuel Hidalgo naman ay ipinatapon muli sa Bohol.

Nagdalamhati nang labis si Rizal sa mga balitang ito kaya’t madalas na niyang nakikita ang mga
pangitain ng kanyang nalalapit na kamatayan. Hindi siya natatakot na mamatay subali’t nais niya
munang matapos ang kanyang ikalawang nobela.

Sa gitna ng maraming hapis at pighati ay ipinasya ni Rizal na magbalik sa Pilipinas. Pinayuhan


pa niya si Graciano Lopez Jaena na huwag ng magtungo sa Cuba dahil sa lumalaganap na sakit
na “Yellow Fever” doon. Ayon kay Rizal, “Mas mahalaga at lalong dakila ang mamatay sa
sariling bayan na ipinagtatanggol at ipinaglalaban ang mithiin para sa kanya dahil baka
mawala pa sa atin ang isang pagkakataong ito na di na muling babalik.”

Nagpasiyang Pumunta sa Madrid si Rizal

10
Sa balak ni Rizal na umuwi ng Pilipinas, labis na nangamba ang lahat ng kanyang mga kaibigan
dahil batid nilang may malaking panganib na naghihintay sa kanya sa Pilipinas.

Gayunman, nagbago rin ang kanyang desisyon, hindi sa takot sa mga kaaway na Kastila kundi
upang magtungo sa Madrid at humingi ng payo kay Marcelo H. del Pilar bilang abugado ng
kanyang pamilya laban sa mga kasong inihain ng mga Dominikanong Order sa Calamba.

Kabanata XVII Mga Pighati at Kalungkutan sa Madrid (1890-1891)


Duwelo kina Antonio Luna at Wenceslao Retana
Dumalo si Rizal sa isang pagtitipon ng mga Pilipino sa Madrid noong Agosto 1890 kung saan
naroroon din ang kaibigan niyang si Antonio Luna na nakakarami na ng nainom na alak.

Dahil sa pagkabigo ni Antonio Luna sa pag-ibig ni Nellie Bousted at sa espiritu ng alak,


nakapagbitaw ito ng hindi magandang salita patungkol kay Nellie na narinig ni Rizal. Ayaw ni
Rizal na nakakarinig ng paglapastangan sa sinumang babae kung kaya hinamon niya ang
kaibigan sa isang duwelo.

Nabigla ang mga Pilipinong naroon at agad silang inawat. Alam nilang ang gayong alitan ay
hindi makakabuti sa adhikain nila sa Espanya. Nang mahimasmasan si Luna ay naliwanagan
siya. Nagpaumanhin sa kanyang ikinilos at naging mabuting magkaibigan silang muli.

Hindi mainitin ang ulo ni Rizal subali’t kapag dignidad ng kababayan, pamilya, kababaihan o
kaibigan ang nilalapastangan ay hindi niya ito mapapalampas kahit na masa-alang-alang ang
kanyang sariling buhay.

Isang Kastilang iskolar si Wenceslao E. Retana na nagsusulat tungkol sa mga prayle sa Espanya.
Palagi niyang tinutuligsa ang mga Pilipino kabilang si Rizal sa mga pahayagan sa Espanya.
Minsan ay walang pakundangan niyang isinulat na kaya napalayas ang pamilya at kaibigan ni
Rizal ay dahil sa hindi pagbabayad ng mga ito ng upa sa lupa ng mga Dominikano.

Ang mga ganitong paninirang puri ay hindi mapapalampas ni Rizal. Kaagad siyang nagpadala ng
sagot kay Retana na may kasamang paghamon sa isang duwelo. Tanging ang dugo o paumanhin
nito ang makakapaglinis sa dinumihang pangalan ni Rizal at kanyang mga kaibigan.

Kaagad din ay nagpalathala si Retana ng pagbawi sa kanyang isinulat at paghingi na rin ng


paumanhin sa kanyang iresponsableng pagsusulat na walang basehan. Napag-alaman din niya na
wala siyang laban kay Rizal sa espada man o baril.

Ang pangyayari ay nagpatahimik sa pagsulat ni Retana laban kay Rizal. Nabuo ang paghanga
niya kay Rizal at pagkalipas ng ilang taon, nasulat niya ang isang mala-aklat na talambuhay ng
pinakadakilang bayaning Pilipino na kanyang kinilala ang karunungan at pagkamartir.

Lalong nagpasakit sa damdamin ni Rizal nang matanggap ang liham ng kanyang kasintahang si
Leonor Rivera na siya’y ikakasal na kay Henry C. Kipping, isang Ingles, dahil sa kahilingan ng
ina ng dalaga. Humihingi ito ng kanyang pang-unawa.

Alitan nina Rizal at del Pilar


Dahil sa isyu ng pamumuno ng Kilusang Propaganda at ng pahayagang La Solidaridad ay
nagkaroon ng hidwaan at paghahati sa dalawang pangkat ang mga Pilipino sa Madrid – ang
maka-Rizal at ang maka-del Pilar.

11
Bagamat nagwagi na si Rizal bilang pinuno ng mga Pilipino sa Madrid sa ikatlong botohan ay
ipinasya pa rin niyang tanggihan ang pamumuno huwag lamang magkawatak-watak ang mga
Pilipinong nasa Espanya na patuloy ang pakikipaglaban para sa bayan. Nagbakasyon na lang si
Rizal sa Biarritz, isang lungsod na pang-turista sa Riviera, Pransiya.

Kabanata XVIII Bakasyon sa Biarritz, Riviera at si Nelly Bousted (1891)


Naisip niyang magbakasyon pansamantala upang maibsan ang nadarama. Napili niya ang tirahan
ng mga Bousted tuwing taglamig, sa Villa Eliada. Naging kaibigan niya ang mayamang si
Eduardo Bousted noong nanirahan siya sa Paris noong 1889-1890. Madalas niyang kalaro sa
fencing ang dalawang anak nito na sina Adelina at Nellie sa istudyo ni Juan Luna. Parati rin
siyang dumadalo kung may handaan sa tahanan ng mga Bousted.

Natapos ni Rizal ang El Filibusterismo


Sa Biarritz niya naging kasintahan si Nellie Bousted at dito rin niya tinapos ang huling kabanata
ng El Filibusterismo noong Marso 29, 1889 na sinimulan niya noong 1887 sa Calamba nang
magbalik siya sa Pilipinas.
Ang magandang kapaligiran ng Biarritz ay nakatulong ng malaki upang makalimutan niya ang
mapait na alaala sa Madrid. Higit sa lahat ay masaya niyang natapos ang kanyang ikalawang
nobelang El Filibusterismo.

Sa Paris at Pabalik sa Brussels


Nagpaalam siya sa maasikaso at palakaibigang mag-anak na mga Bousted noong Marso 30, 1891
at nagtuloy sa Paris sakay ng tren. Dumiretso siya sa kaibigan niyang si Valentin Ventura.

Noong Abril 4, 1891 ay sumulat siya sa kaibigan niyang si Jose Ma. Basa sa Hongkong at
sinabing nais niyang magpunta doon at manggamot para kumita. Hiniling din niya na pahiramin
siya nito ng pamasahe mula Europa hanggang Hongkong.

Kalagitnaan ng Abril ay nagbalik siya sa Brussels at masaya siyang tinanggap ng kasera niyang
sina Marie at Suzanne Jacoby, higit sa lahat ay si Petite Suzanne.

Pagtigil sa Kilusang Propaganda


Buhat ng bumaba siya mula sa pamumuno sa Madrid noong Enero 1891, iniwan na niya ang
Kilusang Propaganda. Naisip niya na ilathala ang pangalawang nobela at ituloy na lamang ang
panggagamot at kapag nakaipon ay saka niya ipagpapatuloy ang pagkilos para sa katubusan ng
lahi.

Mula sa Brussels noong Mayo 1, 1891 ay ipinaalam niya sa Kilusang Propaganda sa Maynila na
itigil na ang buwanang pagpapadala sa kanya ng pera at sa halip ay gastusin ito sa mas mahalaga
tulad ng edukasyon ng estudyanteng Pilipino sa Europa.

Humintino si Rizal sa Pagsusulat sa La Solidaridad


Kasabay ng pag-alis niya sa Kilusang Propaganda ay tumigil na din siya sa pagsusulat ng
artikulo sa La Solidaridad. Maraming kaibigan niya sa Espanya ang pumipilit sa kanya na
ipagpatuloy ang pagsusulat dahil nakakaakit ito ng hindi mabilang sa mga bansa sa Europa.

Maging si Marcelo H. del Pilar ay nakita ang kahalagahan ni Rizal sa Kilusang Propaganda at
La Solidaridad. Sinulatan niya si Rizal noong Agosto 7, 1891 at humingi ng paumanhin sa hindi
magandang namagitan sa kanila. Hiniling din niya na magpatuloy ito sa pagsusulat sa pahayagan
nilang La Solidaridad.

12
Sinagot ni Rizal ang liham ni del Pilar at sinabing siya’y nagulat sa tinuran nito tungkol sa di
magandang namagitan sa kanila sapagka’t naniniwala ito na hindi dapat pinag-uusapan ang
anuman na hindi naman nangyayari at kung nangyari man ito ay nararapat lamang na
papaglahuin na.

Ipinaliwanag din ni Rizal ang dahilan ng paghinto niya sa pagsusulat sa pahayagan:


1. kailangan niyang bigyan ng panahon ang kanyang aklat;
2. nais niya na ang ibang Pilipino ay makapagsulat din sa pahayagan;
3. pinakaimportante sa lahat na mayroong pagkakaisa; si del Pilar bilang nasa ituktok at
mayroon din naman sariling kaisipan si Rizal, makabubuting hayaan niya si del Pilar
mag-isa at mamuno dito sa paraang alam niya na hindi pakikialaman ni Rizal

Paghahanda sa Fili upang Mailimbag


Naging abala si Rizal sa pagsuyod ng bawat pahina ng El Filibusterismo upang maihanda ito sa
pagpapalimbag. Nang matatapos na niya ito noong Mayo 30, 1891, isinulat niya ito kay Jose
Ma. Basa at sinabing “Nakagayak na ang aking aklat sa pagpapalimbag; ang unang
dalawampung pahina ay naitama na at maaari nang maiimprenta. Kung matatanggap ko ang pera
ay makararating sa iyo ito ng Hulyo. Sinulat ko ito ng may higit na malasakit kaysa Noli at kahit
hindi ito gaanong masaya, mas malinaw ito at buo.

Kabanata XIX Nailimbag ang El Filibusterismo sa Ghent (1891)


Nilisan ni Rizal ang Brussels noong Huly 5, 1891 patungong Ghent, Belhika. Lumipat siya sa
Ghent dahil mas mura ang pagpapa-imprenta dito kaysa Brussels at upang maiwasan ang
dalagang si Petite Suzanne. Nakasama niya rito sina Jose Alejandro (mula sa Pampanga) at
Edilberto Evangelista (mula sa Maynila) parehong nag-aaral ng pagiging inhinyero sa
Pamantasan ng Ghent.

Nilibot niya ang mga pa-imprentahan upang humanap ng pinakamura at natagpuan niya dito ang
F. Meyer-Van Loo Press na pumayag ng hulugan. Isinanla niya ang ilan niyang alahas upang
paunang bayad at para sa mga susunod upang mailimbag ang kanyang nobela.

Ang pera na inaasahan ni Rizal buhat sa mga kaibigan ay hindi dumating. Nakatanggap siya ng
pera buhat kay Basa at P200 naman buhat kay Rodríguez Arias na napagbentahan sa Maynila ng
“Sucesos” ni Morga subali’t naubos na niya ito at kailangan pa niyang magbayad sa imprenta.

Inihinto ang paglilimbag noong Agosto 6 dahil wala na siyang maibayad sa imprenta.

Pagsagip ni Ventura sa Fili


Ang kalbaryo ni Rizal sa pagpapalimbag ng Noli ay naulit. Naubusan siya ng salapi sa Ghent,
katulad ng nangyari sa kanya sa Berlin noong 1886. Muntik na rin niyang itapon sa apoy ang
Fili kagaya noon sa Noli.

Nang mapag-alaman ni Valentin Ventura ang kalagayan ni Rizal ay kaagad niyang pinadalhan
ito ng kailangang halaga. Kaagad ding nagpatuloy ang pag-iimprenta ng Fili at natapos ito ng
Setyembre 18, 1891. Nagpadala siya ng dalawang kopya nito sa Hongkong – isa kay Basa at isa
naman para kay Sixto Lopez.

Sa kanyang kaibigan sa Paris na si Valentin Ventura na nagpahiram sa kanya ng halagang


kailangan upang matapos ang pagpapalimbag ng Fili ay ibinigay niya ang orihinal na
“manuscript” at isang kopya na may lagda niya. Pinadalhan din niya sina Blumentritt, Mariano
Ponce, G. Lopez Jaena, T.H. Pardo de Tavera, Antonio at Juan Luna, at ibang kaibigan.
13
Lahat ng mga Pilipinong makabayan sa Pilipinas at ibang bansa ay abot langit ang papuri sa
nobelang El Filibusterismo. Pinarangalan pa ito sa pahayagang “La Publicidad”, isang
pahayagan sa Barcelona na maaari lamang ihalintulad sa isang “Alexander Dumas” at maaaring
ituring na modelo at hiyas sa literatura ng Espanya.

Ang pahayagan namang “El Nuevo Regimen” sa Madrid ay inilathala ito ng serye. Subali’t ang
mga kopya na ipinadala sa Hongkong ay nakumpiska at nawala ang laman kung kaya’t naging
mahirap makakuha ng sipi nito, dahilan upang ang halaga nito ay tumaas at inabot ng halagang
400 pesetas bawat kopya.

Iniaalay ang Fili sa Gom-Bur-Za


Sa paglipas ng mga panahon ng kanyang paninirahan at pag-aaral sa ibang bansa ay hindi niya
malilimutan ang pagiging martir nina Padre Gomez, Burgos at Zamora.

Ang Manuscript at Ang Aklat


Ang orihinal na “manuscript ng El Filibusterismo sa mismong sulat-kamay ni Rizal ay nakalagay
sa bahagi ng “Filipiniana” sa Kagawaran ng Pampublikong Aklatan sa Maynila (Pambansang
Aklatan). Nabili ito ng pamahalaan buhat sa nagma-may-ari na si Valentin Ventura sa halagang
P10,000. Naglalaman ito ng 279 pahina ng mahahabang pilas ng papel.

Makikita dito ang mga pagtatama ni Rizal sa buong “manuscript”. Ilan lamang sa mga pahina
ang hindi binago ni Rizal.

Synopsis ng El Filibusterismo
Ang nobelang El Filibusterismo ay karugtong ng Noli Me Tangere. Higit itong mapaghimagsik
kaysa sa unang nobela.

Ang bayani ng El Filibusterismo ay isang mayamang mag-aalahas na si Simoun. Siya si


Crisóstomo Ibarra sa nobelang Noli Me Tangere na tinulungan ni Elias na makatakas sa mga
guardiya sibil sa pamamagitan ng Lawa ng Laguna. Hinukay ang inilibing niyang kayamanan at
tumakas patungong Cuba. Doo’y naging mayaman at naging kaibigan ang mga opisyal na
Kastila. Umuwi ng Pilipinas at malayang nakakilos. Naging makapangyarihan hindi dahil isa
siyang mayamang alahero kundi mabuting kaibigan at tagapayo ng Gobernador Heneral.

Sa panlabas, si Simoun ay kaibigan ng Espanya subali’t sa kaibuturan ng kanyang puso,


naghihimagsik siya laban sa mga mapang-abusong Kastila. Ang dalawa niyang balakin ay:
1. Iligtas si Maria Clara sa kumbento ng Santa Clara; at
2. Maglunsad ng rebolusyon laban sa mga Mapang-aping mga Kastila.

Ang nobelang El Filibusterismo ay nagsisimula sa barkong Tabo. Naglalayag ito sa Pasig mula
sa Maynila patungong Lawa ng Laguna. Sakay nito si Simoun, si Donya Victorina, isang maka-
Kastilang hinahanap ang asawang si Tiburcio de Espadaña na nang-iwan sa kanya.

Iba pang mga tauhan ng Fili ay si Cabesang Tales na pinalayas sa kanyang lupa sa Tiani ng mga
prayle tulad ng nangyari sa ama ni Rizal. Naging tulisan at binansagang Matanglawin. Ang anak
na babae nito na si Juli, kasintahan ni Basilio (anak ni Sisa), ay nagpakamatay huwag lamang
malapastangan ni Padre Camorra.

14
Nandiyan din sina Tandang Selo, lolo ni Juli at ama ni Cabesang Tales. Si Sandoval, isang
Kastilang estudiante na naniniwala sa mga estudyanteng Pilipino na nais matuto ng wikang
Espanyol. Padre Fernandez, Diminikanong pari at kaibigan ni Isagani, at iba pa.

Kagaya ng Noli, ang mga tauhan sa El Filibusterismo ay hango rin sa tunay na buhay.
Halimbawa, si Padre Florentino ay si Padre Leoncio Lopez na kaibigang pari ni Rizal sa
Calamba; ang makatang si Isagani naman ay si Vicente Ilustre, Batangueñong kaibigan ni Rizal
sa Madrid at si Paulita Gomez, ang babaeng nagmahal kay Isagani nguni’t nagpakasal kay
Juanito Pelaez, ay si Leonor Rivera.

Ang Kaibahan ng “Noli” at “Fili”


Ang mga nobela ni Rizal ay magkaiba sa maraming aspeto, bagaman isa lang ang may akda at
pareho ang mga tauhan, nakalalamang sa pagiging romantiko ang Noli; gawa ito mula sa puso.
Sa kabilang banda naman, ang Fili ay isang nobelang pampulitka; gawa mula sa utak - isang
aklat ng kaisipan; naglalaman ito ng pighati, pasakit, at lumbay.

Ang Ikatlong Nobela


Bago pa man iminungkahi ni Lopez Jaena ang pagsusulat ng panibagong nobela, naisip na ni
Rizal na gumawa ng pangatlong nobela. Noong Septyembre 22, 1891, apat na araw matapos
lumabas sa imprenta ang Fili, nasabi niya kay Blumentritt, “Naisip ko na ang gumawa ng
ikatlong nobela, isang makabago na hindi masyado ang pulitika, subali’t maglalaro ito hinggil sa
magandang pag-uugali. Kaugalian at gawi ng mga Pilipino, at dalawang Kastila lamang, ang
kura paroko at ang Tenyente ng Guardia Sibil lamang. Ibig ko itong maging katawa-tawa, upang
makapagpatawa sa kabila ng kalungkutan.”

Noong Oktubre 18, 1891, sakay ng barkong Melbourne patungong Hongkong, inumpisahan
niyang sulatin sa Tagalog ang kanyang ikatlong nobela. Ipinagpatuloy niya ito pagsapit sa
Hongkong subali’t sa hindi malamang dahilan ay hindi niya ito natapos.

Ang nobelang nabanggit ay wala pang pamagat. Binubuo ito ng 44 pahina sa panulat ni Rizal,
nanatili lamang na “manuscript” at nakalagak ngayon sa Pambansang Aklatan sa Maynila.

Ang hindi natapos na nobela ay nagsisimula sa burol ni Príncipe Tagulima, anak na lalaki ni
Sultan Zaide ng Ternate, sa Malapad-na-Bato, isa itong malaking bato sa gilid ng Ilog Pasig. Si
Sultan Zaide, kasama ang kanyang pamilya at mga tagasunod ay nabihag ng mga Kastila sa
digmaan ng Moluccas at dinala sila sa Maynila. Pinangakuan sila ng magandang pagtrato nguni’t
nalimutan ito ng mga Kastila na hinayaan silang mangamatay ng miserable.

Ang bayani sa nobela ay si Kamandagan na mula sa angkan ni Lakan-Dula, ang huling hari ng
Tondo. Pinaghandaan nito ang pagpapabalik ng kalayaan ng kanyang mga ninuno. Isang araw ay
sinagip ang dalawang babaeng apo buhat sa dalawang pagsasamantalang Kastilang – ang kura at
ang encomendero ng Lawa ng Laguna.

Iba Pang Nobela ni Rizal na Hindi Natapos


Bukod sa ikatlong nobela ni Rizal, mayroon pa siyang ibang nobela na hindi natapos. Isa rito ay
may pamagat na “Makamisa” na nakasulat sa Tagalog. Natapos lamang ni Rizal dito ang
dalawampung pahina sa dalawang kabanata.

Ang nobelang “Dapitan” ay inumpisahan din niyang sulatin noong siya ay ipinatapon sa doon.
Ito ay isang paglalarawan ng pamumuhay at kaugalian sa nasabing bayan. Inabot ito ng 8 pahina.

15
Ang nobela namang “Pili”, isang bayan sa Laguna, ay hindi rin tapos. Nakagawa na siya dito ng
147 pahina. Ilan sa mga tauhan nito ay sina: Padre Agaton, isang prayleng Kastila; Kapitan
Panching at Kapitana Barang; Cecilia, ang maganda nilang anak; Isagani, kasintahan ni Cecilia;
Kapitan Crispin, kalaban ni Panchong; at si Dr. Lopez.

Isa pang hindi natapos na nobela ni Rizal ay tungkol kay Cristobal, estudyanteng Pilipino na
buhat sa pag-aaral sa Europa. Nakagawa siya rito ng 34 na pahina. Ilan sa mga tauhan dito ay
sina: Cristóbal, nag-aral ng 12 taon sa Europa; Amelia, kasintahan niya; Kapitan Ramon, ang
ama ni Cristóbal; prayleng Dominicano; prayleng Franciscan; at isang Kastilang Tenyente ng
Guardia Sibil.

Mayroon pa siyang isinulat sa dalawang “notebooks” – sa unang notebook ay may 31 pahina


samantalang sa ikalawa naman ay 12 pahina. Nakalarawan dito ang abang kalagayan ng Pilipinas
sa wikang Espanyol.

Kabanata XX Si Rizal bilang Manggagamot sa Hongkong (1891-1892)


Matapos mailathala ang El Filibusterismo, nilisan ni Rizal ang Europa patungong Hongkong.
Nanirahan siya roon mula Nobyembre, 1891 hanggang Hunyo, 1892. Iniwan niya ang Europa
dahil sa pagkakaiba ng pananaw nila hinggil sa pulitika ni M.H. del Pilar at ibang mga Pilipino
sa Espanya at upang mapalapit sa pinakamamahal na bayang Pilipinas at kanyang pamilya.
Ipinaalam niya kay del Pilar ang balak na pagtigil sa usaping pampulitika sa Espanya upang
mapanatili ang pagkakaisa ng mga Pilipino doon, sa kabila ng paghihiwalay nila ay naroon pa rin
ang mataas na paggalang niya rito.

Pamamaalam sa Europa
Noong Oktubre 3, 1891, dalawang linggo matapos mailimbag ang El Filibusterismo, umalis na si
Rizal sa Ghent patungong Paris. Namalagi siya rito ng ilang araw upang magpaalam kina Luna,
Pardo de Tavera, Ventura at mga kaibigan niya rito. Nagtuloy siya sa Marseilles sakay ng tren at
duon sumakay ng barkong Melbourne patungong Hongkong. Bitbit niya ang rekomendasyon ni
Luna para kay Manuel Camus na naninirahan sa Singapore, at 600 sipi ng Fili.

Naging matiwasay ang paglalayag nila ayon na rin sa liham niya kay Blumentritt. Mahigit 80 ang
nasa “first-class” na karamihan ay Europeo. Kagaya ng mga unang paglalayag ay pinahanga sila
ni Rizal sa talento nito sa iba’t-ibang wika at sa galing niya sa pagguhit.

Isang gabi habang naghahapunan, dahil sa mag-isa lamang siyang Asyano ay mag-isa rin siya sa
lamesa. Sa katabing lamesa ay mga dalagang Aleman na nagkakasayahan habang kumakain.
Isang malakas na alon ang humampas sa barko na nagpabukas sa pintuan ng kainan. “Kung
maginoo ang lalaking ito ay isasara niya ang pintuan,” ang wika ng isa sa mga dalagang
Aleman sa wika nila. Nang marinig ito ni Rizal ay tumalima siya at isinara ang pinto at
ipinagpatuloy na ang kanyang pagkain. Matapos maghapunan ay nakipagkuwentuhan siya sa
mga dalaga sa wikang Aleman.

Pagdaong sa Hongkong
Narating nila ang Hongkong noong Nobyembre 20, 1891. Sinalubong siya ng mga kaibigan
kabilang na si Jose Ma. Basa. Nagtuloy siya sa 5 D’ Aguilar St., No. 2 Rednaxola Terrace, kung
saan itinayo din niya ang kanyang klinika.

Noong Disyembre 1, 1891 ay sumulat siya sa kanyang magulang. Nagpaalam siya na ibig na
niyang umuwi. Sa parehong petsa ay nakatanggap naman siya ng sulat mula sa kanyang bayaw
na si Manuel T. Hidalgo, ipinaparating sa kanya ang masamang balita tungkol sa pagpapatapon
16
sa 25 katao buhat sa Calamba, kabilang ang ama, Neneng, Sisa, Lucia, Paciano. Sinabi pa nito na
gumagawa ito ng liham upang ipaliwanag sa Reyna ng Espanya ang kalagayan nila sa Calamba
upang humingi ng katarungan. At kung hindi makikinig ang Reyna ay susulat naman ito kay
Reyna Victoria ng Inglatera.

Bago sumapit ang Pasko ng 1891, labis ang galak niya sa pagdating sa Hongkong ng kanyang
amang si Don Francisco kasama ang kuya niyang si Paciano at bayaw na si Silvestre Ubaldo.
Di naman naglaon ay si Donya Teodora naman ang dumating kasama ang kanyang mga kapatid
na sina Lucia, Josefa at Trinidad.

Si Donya Teodora ay 65 taong gulang na noon at halos ay bulag na. Nang nagdaang taon ay
nakaranas ito ng kalupitan at kawalang katarungan buhat sa mga Kastila. Pinaglakad ito buhat sa
Calamba hanggang Santa Cruz dahil lamang sa hindi nito paggamit ng apelyido nilang
Realonda. Pinalaya lamang sa kabutihang loob ng Gobernador ng Laguna na naawa sa kanya.

Panggagamot ni Rizal sa Hongkong


Namuhay sila sa Hongkong sa pamamagitan ng kanyang panggagamot. Si Dr. Lorenzo Marques
na isang Portugesong manggagamot ang tumulong sa kanya upang dumami ang kanyang mga
kliyente. Naging tanyag si Rizal dito dahil sa kanyang husay at galing. Marami ang kanyang
napagaling kabilang ang mga Ingles, Intsik, Portugeso at Amerikano. Ang kanyang ina naman ay
nakapagbasa at nakasulat matapos niyang operahan ang kaliwang mata.

Ilan sa mga kaibigan niya sa Europa ay pinapurihan siya at nag-alok ng tulong sa kanyang
panggagamot sa Hongkong. Mula sa Bearritz ay natanggap niya ang pagbati ni Mr. Bousted
noong Marso 21, 1892, si Dr. Ariston Bautista Lin naman mula sa Paris ay pinadalhan siya ng
aklat na “Diagnostic Pathology” ni Dr. H. Virchow, lakip ang pagbati nito at isa pang aklat na
“Traite Diagnostique” ni Mesnichock. Nag-alok din si Don Antonio Vergel de Dios na siyang
bibili ng aklat at instrumento na kakailanganin niya sa panggagamot.

Taglay ni Rizal ang katangian ng isang mahusay na manggagamot. “Kung itinuon lamang niya
ang kanyang buhay sa panggagamot, maaaring itinanghal siyang isa sa pinakamahusay na
manggagamot sa larangan ng Optalmologo sa buong Asya.” Ang wika ni Dr. Geminiano de
Ocampo, isang kilalang Pilipinong Optalmologo.

Dahil sa hindi magandang kalagayan ng mga taga-Calamba sa pamumuno ni Gobernador


Valeriano Weyler, naisip ni Rizal na itatag ang isang kolonya ng mga Pilipino sa Hilaga ng
Borneo (Sabah). Inisip niyang ilipat ang mga Pilipinong walang ari-arian sa mayamang lupaing
pag-aari ng Inglatera at iukit sa kagubatan nito ang isang “Bagong Calamba”.

Noong Marso 7, 1892 ay nagtungo si Rizal sa Sandakan sakay ng barkong Menon upang
makipag-usap sa pamahalaang Ingles para sa pagtatayo ng isang kolonyang Pilipino.
Pinuntahan niya ang lupain sa itaas ng Ilog Bengkoka sa baybayin ng Maradi na inalok ng
Kompanya ng British North Borneo. Nagtagumpay siya sa kanyang pagtungo doon. Pumayag
ang pamahalaang Ingles ng Borneo na bigyan sila ng 100,000 acres ng lupa, maayos na pantalan
at mahusay na pamahalaan; lahat ito ay walang bayad. Muli siyang nagbalik sa Hongkong.

Ang mga kaibigan ni Rizal sa Europa – sina Juan at Antonio Luna, Lopez Jaena, Blumentritt,
Dr. Bautista Lin, at iba pa – ay sinang-ayunan ang kanyang pag-kolonya sa Borneo. Sumulat pa
si Lopez Jaena kay Rizal na nais nitong sumama sa kolonya sa Borneo, “Nais kong sumama sa
iyo sa Borneo. Ipagbukod mo ako ng lupain na maaari kong pagtamnan ng tubo. Personal

17
akong magpupunta upang asikasuhin ang tubuhan at ang paggawa ng asukal. Bigyan mo ako
ng detalye.” Ani Lopez Jaena sa sulat niya kay Rizal.

Si Hidalgo, ang bayaw ni Rizal na Batangueño ang tumutol dito. “Ang iyong iniisip tungkol sa
Borneo ay hindi maganda. Bakit natin iiwan ang Pilipinas, ang ating sintang Bayan? Ano na
lang ang sasabihin ng ating kapwa? Para saan ang ating mga sakripisyo? Bakit tayo tutungo
sa isang banyagang lupain nang hindi pa natin nagagawa ang lahat ng pwede nating gawin
para sa kapakanan ng Inang Bayan na humubog sa atin mula sa kuna? Sabihin mo sa akin!”
Wika ni Hidalgo kay Rizal.

Nagkaroon ng malaking pagbabago sa Pilipinas na nagbigay ng pag-asa kay Rizal. Naalis si


Weyler sa kanyang tungkulin at pinalitan siya ni Gobernador Eulogio Despujol, ang Konde ng
Caspe. Pinahayag nito sa mga Pilipino ang isang mahusay na pamamalakad ng gobyerno.

Sa pag-asang tapat si Gobernador Despujol sa kanyang pangako, sumulat si Rizal ng pagbati at


inalok ang kanyang pakikipagtulungan dito noong Disyembre 23, 1891. Tatlong buwan na ang
nakakalipas ay wala pa itong sagot kung kaya’t gumawa siya ng ikalawang liham noong Marso
21, 1892 at ibinigay sa kapitan ng barko upang masigurong makararating sa mga kamay ni
Gobernador Despujol. Sa kanyang liham ay hinihiling niya na payagan ang mga walang ari-
ariang mga Pilipino na manirahan sa Borneo.

Muli ay hindi sinagot ni Despujol ang liham ni Rizal, sa halip ay ipinarating nito sa Konsul ng
Hongkong na sabihin kay Rizal na hindi nito mapapayagan na lumipat sa Borneo ang mga
Pilipino sa dahilang kulang sa manggagawa ang Pilipinas at hindi rin makabayan na lumisan at
magbungkal ang mga Pilipino sa isang banyagang lupain.

Pagsusulat sa Hongkong
Sa kabila ng pagiging abala sa panggagamot at ng proyekto niya sa Borneo ay nagpatuloy si
Rizal sa pagsusulat.

Isinulat niya ang “Ang Mga Karapatan Nang Tao,” salin sa Tagalog ito ng “The Rights of
Man” na hango sa Rebolusyon ng Pransiya noong 1789. Kasabay nito ay ang “A la Nacion
Española” (To the Spanish Nation), isang apela sa Espanya na maitama ang mga pagmamalabis
sa mga magsasaka ng Calamba. Isa pa ay ang “Sa Mga Kababayan” (To my Countrymen),
isinulat ni Rizal noong Disyembre 1891, na nagsasaad ng kalagayan ng pagsasaka sa Calamba.

Nagpadala din si Rizal ng mga artikulo sa pahayagang Ingles ng Hongkong na “The Hong Kong
Telegraph”. Ang editor ng naturang pahayagan ay ang kaibigan niyang si Frazier Smith. Ang
pahayagan ay nakararating sa Pilipinas kung kaya nababasa ito ng mga Pilipino. Natuklasan ito
ng mga Kastila na agad ipinagbawal ang pagpasok ng naturang pahayagan.

Noong Marso 2, 1892 isinulat ni Rizal ang “Una Visita a la Victoria Gaol” (A Visit to Victoria
Gaol), dahil sa pagbisita niya sa kulungan ng Hongkong. Ikinumpara niya ang kalagayan at ng
pamamalakad sa kulungan ng Espanya sa makabago at makataong pamamalakad ng Ingles.

Upang mabigyang diin ang proyekto niyang kolonisasyon sa Borneo, sumulat siya ng artikulo sa
Pranses, “Colonisation du Brithish North Borneo, par de Famillas de Iles Philippines”
(Colonization of British North Borneo by Familias from the Philippine Islands). Isa pang artikulo
sa gayon ding tema na isinulat ni Rizal sa Espanyol ay ang “Proyecto de Colonización del
British North Borneo por los Filipinos” (Project of the Colonization of British North Borneo by
the Filipinos).
18
Ang pinakamahalagang isinulat ni Rizal sa Hongkong ay ang Konstitusyon ng La Liga Filipina
na naimprenta sa Hongkong noong 1892. Upang mailigaw ang mga Kastila, isinaad sa naturang
konstitusyon na inilimbag ito sa “London Printing Press, No. 25, Khulug Street, London”.

Ang ideya o kaisipan ng pagtatatag ng samahang makabayan para makatulong sa lipunan ay


balakin ni Jose Ma. Basa subali’t si Rizal ang lumikha ng konstitusyon nito. Ipinadala ni Rizal
ang kopya ng konstitusyon nito kay Domingo Franco, kaibigan niya sa Maynila.

Pagpasya na Magbalik sa Maynila


Noong Mayo 1892 ay ipinasya ni Rizal na magbalik sa Maynila. Ang desisyon ay dahilan sa
mga sumusunod:
1. Ilahad ng buo kay Gobernador Despujol ang proyekto niyang Kolonisasyon ng Borneo;
2. Itatag ang La Liga Filipina sa Maynila; at
3. Ipakita kay Eduardo de Lete na mali ito sa pag-atake sa kanya sa Madrid; na siya ay
nanahimik na sa Hongkong at iniwanan na ang ipinaglalaban nila; na siya ay duwag at
oportunista;

Ang pag-atake ni de Lete kay Rizal ay nalathala sa La Solidaridad noong Abril 15, 1892.
Nagprotesta si Rizal kay del Pilar na siyang editor ng La Solidaridad. Sinabi niyang
“Naniniwala ako na masyadong pangahas si Lete sa pagsusulat ng artikulo, at pinayagan mo
ito na madala ka. Kaibigan o kaaway, kung nasaktan man ako, mas lalong masasaktan ang
interes ng Pilipinas. Pero malay natin, baka ito ang mas mabuti para sa lahat. Ako’y niliglig
hanggang sa magising, pagkatapos ng aking pananahimik ay muli akong nagbalik… Muli
kong bubuhayin ang Propaganda at itatayo ang La Liga.”

Huling Sulat sa Hongkong


Ang mga kaibigan at pamilya ni Rizal ay tutol sa kanyang muling pagbabalik. Para sa kanila ay
isa itong pagpapakamatay. Binalaan din siya ng kapatid niyang si Trinidad subali’t maging ang
kamatayan ay hindi mapagbabago ang pasya ni Rizal na magbalik sa kanyang Inang Bayan.

Ipinagdiwang niya ang ika-31 niyang kaarawan sa Hongkong. Bilang pahiwatig ng kamatayan,
nang sumunod na araw, Hunyo 20, sumulat siya ng dalawang liham at isinara niya na may
tagubilin sa labas ng sobre. “bubuksan lamang matapos ang aking kamatayan,” at ibinigay
niya ito sa kanyang kaibigang si Dr. Marques upang itago. Ang una liham ay pinangalanan
niyang: “SA AKING MGA MAGULANG, MGA KAPATID, AT MGA KAIBIGAN” at ang
ikalawa naman ay: “PARA SA MGA PILIPINO”.

Pagdakip kay Rizal


Pagkaalis ni Rizal sa Hongkong, tumelegrama kay Gobernador Despujol ang Kastilang Kónsul
na siyang nagbigay ng katiyakan ng kanyang kaligtasan. Sinabi nito sa Gobernador na si Rizal ay
nasa bitag na. Ika-21 ng Hunyo ay isinampa ang isang kaso laban kay Rizal at mga kasamahan.

Payapang naglalakbay si Rizal kasama ang kapatid patawid ng Karagatang Tsina, wala silang
kaalam-alam sa bitag na binabanggit ng Konsul.

Kabanata XXI Muling Pagbabalikbayan at ang La Liga Filipina


Ang muling pagbabalik ni Rizal sa Maynila noong Hunyo, 1892 ay naglalayon ng masidhing
pagbabago. Naniniwala siyang nasa panibagong yugto na ang ipinaglalaban nilang kalayaan para
sa mga Pilipino; at kailangan itong ipaglaban dito mismo sa sariling bayan at hindi sa Espanya.
Sabi pa niya sa mga kababayan sa Europa, “Ang digmaan ay nasa Pilipinas, doon tayo dapat
19
magtagpo… Doo’y matutulungan natin ang isa’t-isa. Doo’y sama-sama tayong magdurusa o
di kaya’y magtatagumpay.”

Pagdating sa Maynila kasama ang Kapatid


Dumaong si Rizal sa Maynila kasama ang kapatid na si Lucia, ang balo ni Mariano Herbosa,
noong Hunyo 26, 1892 ng tanghali at nagtuloy sa Hotel de Oriente sa harapan ng Simbahan ng
Binondo.

Ika-4 ng hapon ay nagtungo siya ng Malakanyang upang makipag-usap kay Gobernador Heneral
Eulogio Despujol. Pinabalik siya sa ika-7 ng gabi. Nang magbalik siya, napapayag niya ang
gobernador na patawarin ang kanyang ama subali’t hindi ang buo niyang pamilya. Sinabi nito
sa kanya na muli siyang magbalik ng Miyerkoles, ika-29 ng Hunyo.

Matapos ang pag-uusap nila ni Gobernador Despujol ay binisita niya ang kanyang mga kapatid –
una ay si Sisa (Narcisa, asawa ni Antonio Lopez), sumunod naman ay si Neneng (Saturnina,
asawa ni Manuel Hidalgo).

Kinabukasan naman ng ika-6 ng gabi ay lumisan siya sakay ng tren sa Istasyon ng Tutuban
patungong Malolos, Bulacan, San Fernando, Pampanga, Tarlac, Tarlac at Bacolor, Pampanga
upang bisitahin ang kanyang mga kaibigang makabayan at kasama sa adhikain.

Sa sumunod na araw ay nagbalik siya ng Maynila. Nalalaman niya na sinusubaybayan siya ng


pamahalaan sa bawat pinupuntahan niya. Ang mga tahanang binisita niya ay pinasok din ng mga
Guardiya Sibil at nakasamsam ito ng mga sipi ng Noli at Fili at ilang pulyeto ng paghihimagsik.

Makailan pa siyang ipinatawag ni Gobernador Despujol na nagresulta sa pagbawi ng parusang


pagpapatapon sa kanyang mga kapatid subali’t mahigpit nitong tinutulan ang tungkol sa Borneo.

Pagtatatag ng La Liga Filipina


Noong ika-3 ng Hulyo, 1892, matapos makipag-usap kay Gobernador Despujol ay dumalo si
Rizal sa pagpupulong ng mga makabayan sa tahanan ni Doroteo Ongjunco, isang Pilipinong
Intsik sa Ylaya, Tondo, Maynila. Kabilang sa mga dumalo ay sina Pedro Serrano Laktaw
(Panday Pira), Domingo Franco (Felipe Leal), Jose A. Ramos (Socorro), Ambrosio Salvador,
Bonifacio Salvador (Harem), Deodato Arellano, Agustin de la Rosa, Moisés Salvador (Araw),
Luis Villareal (Ilaw), Mariano Crisóstomo, Numeriano Adriano (Ipil), Estanislao Legaspi,
Teodoro Plata, Andres Bonifacio, Apolinario Mabini (Katabay), at Juan Zulueta.

Ipinaliwanag dito ni Rizal ang layunin ng sa pagtatatag ng La Liga Filipina at inilahad ang din
niya Konstitusyon nito na isinulat niya sa Hongkong. Nagandahan sila at sinang-ayunan ang
pagtatatag ng La Liga Filipina.

Konstitusyon ng La Liga Filipina


Ang layunin ng La Liga Filipina na nakapaloob sa Konstitusyon nito ay ang mga sumusunod:
1. Pag-isahin ang buong arkipelago.
2. Pantay na proteksiyon sa bawat naisin at pangangailangan.
3. Depensa laban sa anumang uri ng dahas at kawalang katarungan.
4. Paghikayat sa edukasyon, agrikultura at pangangalakal.
5. Pag-aaral at pagpapatupad ng reporma.

Ang moto ng La Liga Filipina ay: Unus Instar Omnium (One Like All)

20
Ang pamamahala ng liga ay nakaatang sa Supreme Council o Pinakamataas na Konseho.
Binubuo ito ng pangulo, kalihim, ingat-yaman at taga-usig. May konseho din sa bawat lalawigan
at sa bawat bayan.

Lahat ng Pilipino na may pagmamahal at malasakit sa Inang Bayan ay malayang makakasapi.


Dalawang piso bawat isang kasapi ang bayad sa pag-anib at 10 sentimo naman kada buwan.

Pagdakip at Pagkakulong ni Rizal sa sa Fort Santiago


Ika-6 ng Hulyo ay nagpunta si Rizal sa Palasyo ng Malakanyang upang ipagpatuloy ang
pakikipag-usap sa gobernador heneral. Sa pag-uusap nila ay may inilabas si Gobernador
Despujol na pulyeto na diumano’y natagpuan sa punda ng unan ni Lucia. May pamagat itong
Pobres Frailes (Poor Friars) na isinulat ni Padre Jacinto at inilathala ng Imprenta de los Amigos
del Pais, Maynila. Isa itong pag-atake laban sa mayayamang Dominikanong Prayle na
nangamkam ng yaman na taliwas sa kanilang sinumpaan at ipinapangaral.

Labis na itinanggi ni Rizal ang nasabing pulyeto. Sa kabila ng kanyang mariing pagtanggi at
paghingi ng kaukulang paglilitis ayon sa pagkakapantay-pantay sa batas ay dinakip pa rin siya.
Ikinulong siya sa Fort Santiago at hindi pinayagan na dalawin.

Nalathala sa Gaceta de Manila kinabukasan ang pagkadakip kay Rizal. Lumikha ito ng galit sa
mga Pilipino lalo na sa mga kasapi ng bagong tatag na La Liga Filipina. Kasabay na inilathala
dito ang utos ng gobernador na pagpapatapon kay Rizal sa isa sa mga isla sa Timog.

Ilang sandali pagkalipas ng hatinggabi ng Hulyo 14, dinala si Rizal sa barkong Cebu na
maglalayag patungong Dapitan. Magsisimula itong maglayag ng ika-1 ng madaling-araw
patungong timog na magdadaan sa Mindoro at Panay hanggang sapitin ang Dapitan sa ika-17 ng
Hulyo sa ganap na ika-7 ng gabi.

Nang sapitin nila ang Dapitan, inihabilin ni Kapitan Delgras si Rizal kay Kapitan Ricardo
Carnicero, ang komandante ng Dapitan. Dito nagsimula ang parusa sa kanya na tatagal
hanggang ika-31 ng Hulyo, 1896 o may kabuuan na apat na taon.
Kabanata XXII Desterado sa Dapitan (1892-1896)
Kabanata XXIII Huling Paglalakbay ni Dr. Jose Rizal (1896)
Kabanata XXIV Huling Pagbabalikbayan at Ang Paglilitis
Kabanata XXV Isang Martir sa Bagumbayan

arnold c. eugenio, llb

21

You might also like