You are on page 1of 2

Ang Ikalawang Paglisan o Paglalakbay ni Dr.

Jose Rizal
[1888 – 1891]

1888 – Si Jose Rizal ay 27 yrs. old at isa nang manggagamot at kilalang manunulat.

Dahilan kung bakit umalis muli si Rizal sa Pilipinas


a. tinutugis siya ng mga makapangyarihang kaaway o kalaban
b. napapalagay o di mapakali ang kanyang pamilya sa Calamba sa panganib kung siya’y mananatili sa bansa

SI RIZAL SA HONGKONG AT MACAO

BIYAHE PATUNGO SA HONG KONG

Pebrero 3, 1888 – sumakay si Rizal sa barkong Zafiro patungo sa HongKong


Pebrero 7, 1888 – nakarating sa Amoy, China si Rizal dahil;
a. hindi mabuti ang kanyang pakiramdam
b. malakas ang ulan
c. narinig niyang marumi ang lungsod

Sa paglalakbay na ito, dala ni Rizal ang 800 na kopya ng unang edisyon ng El Filibusterismo.

Pebrero 8, 1888 – dumating na siya sa HongKong at nanuluyan sa Victoria Hotel. Malugod siyang
sinalubong ng mga Pilipinong residente na sinasabi ring mga Pilipinong takas mula sa Marianas na hinuli ng mga Espanyol noong 1872, kabilang
sila;
 Jose Maria Basa (abogadong tumakas sa Marianas aat biktima ng terorismo ng Espanya ng 1872)
 Balbino Maurico
 Manuel Ynarte (anak ni Francisco Ynarte, alkalde mayor ng Laguna)

Jose Sainz de Varanda - isang opisyal na Espanyol na sumusubaybay o nagmamanman kay Rizal sa Hongkong.
[pinaniniwalaang komisyon siya ng mga awtoridad na Espanyol para magespiya kay Rizal]

Pebrero 16, 1888 – sumulat si Rizal kay Blumentritt para ipahayag ang mga hindi magandang
nangyayari sa kanya
- sa araw din na iyon, isinulat ni Rizal ang “Ang Hong Kong”, ayon kay Rizal ang Hong Kong daw ay “maliit ngunit malinis na
lungsod. Maraming Portuges, Hindu, Ingles, Tsino at Hudyong nainirahan dito. May mga Pilipino rin at karamihan ay naipatapon
sa Marianas Islands noong 1872. Sila ay mahihirap, mababait at mahiyain at mga dating mayayamang mekaniko, industriyalista,
at namumuhunan.”

PAGBISITA SA MACAO

Pebrero 18, 1888 – lulan ng barkong Kiu Kiang, nagtungo si Rizal at Basa sa Macao
- nagulat si Rizal nang makita niya si Jose Sainz de Varanda, na isa sa mga pasahero nito, na sumusunod sa kanya

Don Juan Francisco Lecaros – isang Pilipino na nakapag-asawa ng Portugess at sa kanyang


bahay nanuluyan sila Rizal at Basa habang nasa Macao

Pebrero 19, 1888 – nakakita si Rizal ng prusisyong Katoliko; ang mga deboto ay nakasuot ng asul at lila na
damit at may hawak na kandilang walang sindi
Pebrero 20, 1888 – lulan ng barkong Kiu Kiang, bumalik si Rizal at Basa sa Hong Kong

Sa dalawang araw niya sa Macao, binista niya ang teatro, kasino, katedral, simbahan, pagoda, harding botanikal at basar. Nakita niya ang bantog na groto ni
Camoens, pambansang makata ng Portugal.

Ayon kay Rizal ang Macao “ay maliit, mababa, at malungkot. Marami ritong junk, rampan, at kakaunting barko. Mukha itong malungkot at tila patay na.”

Pebrero 22, 1888 - nilisan ni Rizal ang Hongkong sakay ng barkong Oceanic, pag-aari ng Estados Unidos,
patungo sa bansang Japan

MGA KARANASAN SA HONG KONG


a. Maingay na pagdiriwang ng Bagong Taon ng Pebrero 11- 13, 1888.
b. Ang kaibahan ng tanghalan ng mga Tsino, paraan ng pagganap at paglalarawan ng mg galaw ng mga tauhan.
c. Ang masaganang piging kung saan ang mga panauhin ay inaanihan ng labis na pagkain.
d. Ang mga Dominikano ang pinakamayamang ordeng pangrelihiyon dahil sa maraming negosyo at paupahan. Mayroon ding salapi na nakadeposito sa mga
bangko na tumutubo ng malaking interes.
e. Sa sementeryo sa Hong Kong na sa mga Katoliko, Protestante at Muslim, sa mga Protestante ang pinakamaganda dahil maayos at inaalagaan ang mga
halaman at malinis ang daanan.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
ANG PAGBABALIK AT PAGTATAG NG LA LIGA

Tulad ng nakalista sa konstitusyon na inihanda ni Rizal, ang layunin ng Liga ay:


 Upang magkaisa ang buong kapuluan sa isang compact, malusog, at homogenous na katawan;
 Parehong proteksyon sa bawat gusto at pangangailangan;
 Pagtatanggol laban sa lahat ng karahasan at kawalan ng katarungan
 Paghimok ng pagtuturo, agrikultura, at komersiyo; at
 Pag-aaral at paggamit ng mga reporma.
ANG IKALAWANG PAGBABALIK

Hunyo 26, 1892 - nagbalik si Rizal sa Maynila kasama ng kanyang kapatid na si Lucia at tumigil sa Hotel de Oriente.

Sa hapon ng nasabing araw nagtungo si Rizal sa Malacanang upang makipagkita sa Gobernador Heneral ngunit pinabalik siya ng gabi at nakausap si Despujol.

Binisita niya ang kanyang kapatid na si Narcisa at si Neneng.

Kinabukasan, sumakay si Rizal ng tren at dinalaw ang kanyang mga kaibigan sa Malolos, Bulacan; San Fernando, Pampanga; Tarlac, Tarlac; at Bacolor, Pampanga.
Ang kanyang mga paglalakbay ay sinusundan ng mga Espanyol at mga bahay na kanyang binisita pagkatapos ng ilang araw ay sinalakay ng mga kawal
Espanyol.

Sa mga sumunod na araw ay muling nakipagkita si Rizal kay Despujol.

PAGTATAYO NG LA LIGA FILIPINA

Hulyo 3 – itinatag ni Rizal ang La Liga Filipina sa bahay ni Doroteo Ongjungco sa Kalye Ylaya, tondo Maynila.
Ang pagpupulong ay dinaluhan ng mga sumusunod:
a. Pedro Serano Laktaw
b. Domingo Franco
c. Jose Ramos
d. Ambrosio Salvador
e. Bonifacio Arevalo
f. Agustin de la Rosa
g. Moises Salvador
h. Luis Villareal
i. Faustino Villaruel
j. Mariano Crisostomo
k. Numeriano Adriatico
l. Estanislao Legaspi
m. Teodoro Plata
n. Andres Bonifacio
o. Juan Zulueta

PAG-ARESTO AT PAGPAPATAPON

Hulyo 6, 1892 - sa isang pakikipag-usap ni Rizal kay Despujol ay inaresto siya sa dahilan sa bintang na
pagdadala ng mga polyetong kontra-simbahan.

Ipinakulong si Rizal at mahigpit na pinababantayan sa Fort Santiago. Sumunod na araw inilabas ang kautusan na ipatapon si Rizal sa Dapitan. Dinala si Rizal sa
Dapitan sa pamamagitan ng barkong Cebu.

You might also like