You are on page 1of 1

Ang Sining Ng Panubok Bilang Pagkakakilanlan Ng Pangkat-Etnikong Panay Bukidnon Sa

Kanlurang Kabisayaan

Randy M. Madrid

Abstrak

Pangunahing layunin ng artikulong ito ang makapaglatag ng makabuluhan at makahulugang


pagtalakay sa kahalagahan ng katutubong sining bilang kongkretong representasyon ng
kasaysayan at kalinangan ng mga Panay Bukidnon ng Kanlurang Kabisayaan. Nakatuon ito sa
panubok (katutubong sining ng pagbuburda) bilang isang imaheng biswal na nakaugnay sa mas
malawak na kalikhaang materyal at kung paano sinasalamin nito ang interaksyon ng mga
mamamayan sa kanilang kapaligiran na nagbibigay ng natatanging pagkakakilanlan. Magiging
dulog at lapit ng pag-aaral ang paglalapat ng mga impormasyong pangkasaysayan at
pangkalinangan upang maihain ang naratibong magbibigay-buhay sa ugnayan ng kalikhaang
materyal sa kabuluhan at kahulugan nito sa daloy ng pang-araw-araw na pamumuhay ng mga
katutubo. Magsisilbing kapamaraanan ang paggamit ng etnograpiya bilang epektibong lente
upang saklawin ang diskurso at diskusyon ng kalinangang bundok na malayang naipapahayag
sa sining ng panubok.

https://ejournals.ph/article.php?id=11801

You might also like