You are on page 1of 3

KABANATA 21 - ANG PAGBABALIK AT PAGTATAG NG LA LIGA

A. Ang Ikalawang Pagbabalik


1. Hunyo 26, 1892 - nagbalik si Rizal sa Maynila kasama ng kanyang kapatid na si Lucia at
tumigil sa Hotel de Oriente.
2. Sa hapon ng nasabing araw nagtungo si Rizal sa Malacanang upang makipagkita sa
gobernador heneral ngunit pinabalik siya ng gabi at nakausap si Despujol.
3. Binisita niya ang kanyang kapatid na si Narcisa at si Neneng.
4. Kinabukasan, sumakay si Rizal ng tren at dinalaw ang kanyang mga kaibigan sa Malolos,
Bulacan; San Fernando, Pampanga; Tarlac, Tarlac; at Bacolor, Pampanga. Ang kanyang mga
paglalakbay ay sinusundan ng mga Espanyol at mga bahay na kanyang binisita pagkatapos ng
ilang araw ay sinalakay ng mga kawal Espanyol.
5. Sa mga sumunod na araw ay muling nakipagkita si Rizal kay Despujol.
A. Pagtatayo ng La Liga Filipina
1. Hulyo 3, itinatag ni Rizal ang La Liga Filipina sa bahay ni Doroteo Ongjungco sa Kalye
Ylaya, tondo Maynila.
2. Ang pagpupulong ay dinaluhan ng mga sumusunod:
a. Pedro Serano Laktaw
b. Domingo Franco
c. Jose Ramos
d. Ambrosio Salvador
e. Bonifacio Arevalo
f. Agustin de la Rosa
g. Moises Salvador
h. Luis Villareal
i. Faustino Villaruel
j. Mariano Crisostomo
k. Numeriano Adriatico
l. Estanislao Legaspi
m. Teodoro Plata
n. Andres Bonifacio
o. Juan Zulueta
A. Pag-aresto at Pagpapatapon
1. Noong Hulyo 6, 1892 - sa isang pakikipag-usap ni Rizal kay Despujol ay inaresto siya sa
dahilan sa bintang na pagdadala ng mga polyetong kontra-simbahan.
2. Ipinakulong si Rizal at mahigpit na pinababantayan sa Fort Santiago.
3. Sumunod na araw inilabas ang kautusan na ipatapon si Rizal sa Dapitan.
4. Dinala si Rizal sa Dapitan sa pamamagitan ng barkong Cebu.

KABANATA 22 - TAPON SA DAPITAN


A. Ang Buhay ng Isang Tapon
1. Hulyo 15, 1892 - nakarating si Rizal sa Dapitan at ipinagkaloob kay Kapitan Ricardo
Carnicero ang komandante ng hukbong Espanyol sa lugar.
2. Dala ni Rizal ang sulat ni Padre Pablo Pastells na superior ng mga Jesuita para kay Padre
Antonio Obach ang paring Jesuita sa Dapitan. Ang sulat ay naglalaman ng mga kondisyon
upang si Rizal ay makatira sa kumbento.
3. Pansamantalang nanirahan si Rizal sa kuwartel na pinamumunuan ni Kapitan Carcinero na
kanyang naging kaibigan.
4. Setyembre 21, 1891 - nakatanggap sina Rizal, Carcinero at isang Espanyol ng Dipolog ang
gantimpala na ang kanilang ticket bilang 9736 ay nanalo ng ikalawang gantimpalang P20,000.
Ang naging hati ni Rizal ay P6,200. Ibinigay niya ang P2,000 sa kanyang ama at P200 kay Jose
Ma. Basa sa Hongkong at ang natira ay kaniyang ginamit sa pagbili ng lupa sa Talisay na isang
kilometro ang layo sa bayan ng Dapitan.
5. Ngkaroon ng isang mahabang sulatan sina Rizal at Pastells ukol sa usapin ng relihiyon na
naglalaman ng mga paniniwalang pangrelihiyon ni Rizal.
a. Ginagamit ng mga prayle ang relihiyon sa pansariling kapakinabangan.
b. Ang sariling pagpapasiya ay biyaya ng Diyos sa lahat ng tao.
1. Hindi nagtagumpay si Pastell na maibalik si Rizal para sa simbahan.
2. Hinamon ni Rizal ang isang Pranses na si Mr. Juan Lardet ng duwelo dahilan sa
pagbebenta kay Rizal ng mga kahoy na mababa ang kwalidad.
3. Inilipat ni Padre Pastells si Padre Francisco Sanchez sa Dapitan upang muling akitin si
Rizal na magbalik sa simbahan. Ngunit hindi rin ito nagtagumpay.
4. Nakatanggap na rin si Rizal ng mga panauhin sa Dapitan at nakasama niya ang kanyang
mga kapamilya at nagpatayo na ng bahay sa Talisay.
5. Nagpadala ang mga prayle ng isang tao na may alyas na Pablo Mercado (Florencio
Namanan) upang isangkot si Rizal sa mas malaking kaso.
6. Nagtrabaho si Rizal sa Dapitan bilang isang manggagamot. Ang kanyang mga pasyente ay
mga mahihirap na hindi makabayad at mga mayayaman na nagbabayad ng malaki sa kanyang
paglilingkod. Nang tumira ang kanyang ina sa Dapitan sa loob ng isa at kalahating taon,
ginamot din ito ni Rizal. Nakilala ang kahusayan ni Rizal sa panggagamot kahit na siya ay nasa
Dapitan, sinasadya sya ng mga pasyente mula sa iba't ibang panig ng daigdig. Naging interes din
ni Rizal ang mga lokal at halamang gamot.
7. Itinayo ni Rizal ang isang sistema ng patubig sa Dapitan upang magkaroon ng malinis na
tubig sa bawat bahay ng Dapitan.
8. Mga Proyektong Pangkomunidad sa Dapitan:
a. Paglilinis ng mga latian upang mawala ang malaria
b. Paglalagay ng pailaw sa lansangan ng Dapitan
c. Pagpapaganda ng liwasan at ang paglalagay ng mapa ng Mindanao sa plasa.
1. Ang malaking panahon ni Rizal ay ginamit din niya sa pagtuturo ng mga kabataan sa
Dapitan. Tinuruan niya ang mga ito ng mga aralin sa wika, heograpiya, kasaysayan, matematika,
gawaing industriyal at iba pa. Ang oras ay mula alas 2:00 hanggang 4:00 ng hapon.
2. Mga ambag ni Rizal sa Agham sa Dapitan
a. Pinasok ni Rizal ang mga kagubatan at baybay dagat ng Dapitan para sa paghahanap ng
mga specimen upang ipadala niya sa mga museo ng Europa.
b. Nakapag-ipon siya ng 346 na uri ng mga kabibi.
c. Natagpuan niya ang species ng Draco rizali Apogonia rizali at Rhacophorus rizali.
1. Ang pag-aaral ng mga wika ay ipinagpatuloy ni Rizal sa Dapitan. Sa panahong ito ay
natutunan niya ang wikang Bisaya, Subuanin, at Malayo.
2. Ang kahusayan sa larangan ng sining ay makikita pa rin kay Rizal sa panahon ng
pagkakatapon niya sa Dapitan. Gumuguhit siya ng mga bagay na nakaakit sa kanya at nililok
niya ang (1) Paghihiganti ng Ina: (2) ang ulo ni Padre Guericco; (3) estatwa ng isang babaeng
taga-Dapitan.
3. Ginamit din ni Rizal ang kanyang panahon sa Dapitan bilang isang magsasaka. Umabot ng
70 hektarya ang lupang kanyang pag-aari na tinaniman niya ng abaka, niyog, punong kahoy,
tubo , mais, kape, at cocoa. Ginamit din ni Rizal ang modernong pagsasaka sa pamamagitan ng
pag-aangkat sa Estados Unidos ng mga makabagong makinarya.
4. Ang pagnenegosyo ay isa sa mga naging gawain ni Rizal sa Dapitan. Nakipagsosyo siya kay
Ramon Carreon , mangangalakal na taga-Dapitan sa negosyo ng pangingisda, koprahan at
abaka. Itinayo din ni Rizal ang kooperatiba ng mga magasasaka sa Dapitan upang mabawasan
ang monopolyo ng mga Tsino sa lugar.
5. Naging malikhain si Rizal sa Dapitan sa pamamagitan ng paglikha ng mga sumusunod;
a. sulpukan - isang pagsindi ng sigarilyo na gawa sa kahoy
b. makina sa paggawa ng bricks
1. Si Josephine Bracken.
a. Namatay si Leonor Rivera noong Agosto 28, 1893 dahilan sa panganganak.
b. Dumating si Josephine Bracken (edad 17) sa Dapitan upang samahan ang kanyang ama-
amahan na si George Taufferupang mapagamot kay Rizal. Dala nila ang isang tarheta ni Julio
Llorente.
c. Nagmahalan sina Rizal at Josephine at nagbalak na magpakasal ngunit ayaw silang ikasal
ni Padre Obach ng walang permiso ng arsobispo ng Cebu.
d. Umalis si Tauffer sa Maynila at naiwan si Josephine sa Dapitan upang makisama kay Rizal.
e. Sa unang bahagi ng 1896, nakunan si Josephine sa kanilang anak ni Rizal.
1. Dumating sa Dapitan noong Hunyo 1896 si Dr. Pio Valenzuelaupang ipaalam kay Rizal ang
ukol sa Katipunan. Hinikayat ni Valnzuela ang pamumuno ni Rizal sa Katipunan na tinaggihan
naman niya.
2. Nagboluntaryo si Rizal upang maglingkod sa hukbong Espanyol bilang isang seruhano sa
Cuba. Ang kanyang kahilingan ay tinugon naman ni Gob. Hen. Ramon Blanco na sumagot sa
kanyang sulat noong Hulyo 1896 na nagsasabi ng pagsang-ayon sa kanyang plano.
3. Nilisan ni Rizal noong Hunyo 31, 1896 sakay ng barkong Espanakasama nina Josephine,
Narcisa, at pamangking si Angelica.

You might also like