You are on page 1of 23

ANG PANGALAWANG

PAGLALAKBAY NI RIZAL

Noong Pebrero 3, 1888 ay umalis si Rizal dahil mapanganib ang


kanyang buhay, ang kanyang pamilya at mga kaibigan at upang maging malaya
sa pagsulat para lalong mapagsilbihan ang sariling bayan kung susulat sa ibang
bansa

 HONGKONG
Sumapit siya sa Hongkong noong Pebrero 8, 1888 sa pamamagitan ng
Bapor Zafiro. Siya ay masayang tinanggap nina 1) Jose Maria Basa; 2) Manuel
Yriarte at 3) G, Licaroz.
Dito sa Hongkong nalaman ni Rizal na ang mga prayle ay may negosyo
sa Hongkong, paupahang bahay at bangko.
Nakatagpo ni Rizal si G. Balbino Mauricio, isa sa mga kusang umalis
sa Pilipinas at tumira sa Hongkong upang makaiwas sa pag- uusig ng mga
Kastila.
Ipinakilala rin si Rizal kay Jose Sainz de Veranda na Kalihim
ni Gob. Hen. Terrero na inutusang maging tagasubaybay sa mga kilos ni Rizal.
Noong ika-11 ng Pebrero, 1888 ay nagsimula ang pagdiriwang ng Pasko
ng mga Intsik. Ang pagdiriwang ay tumagal ng tatlong araw. Ang ikatlong araw
ay tinatawag sa Pilipinas na Bagong Taon ng mga Intsik.
Sa Hongkong kinagiliwan ang panonood ng mga dulang Intsik dahil
pinag-aralan niya ang dula at wikang intsik, pamumuhay, kaugalian at kultura.

Paksa ng mga dula


a. pag-iimbot sa salapi
b. pagmamalasakit sa mga dukha
c. kalagayan ng matapat at wagas na pag-ibig

Iba pang nalaman sa Hongkong


a. Maingay ang selebrasyon ng mga Intsik ng bagong taon
b. Maingay ang teatrong Intsik at maingay din ang mga
nanunuod at musika.
c. Pulang damit ang tanda ng kasal
d. Ang babaing ikakasal ay nahihiya at tinatakpan ng abaniko ang
mukha.
e. Mahilig sila sa salu-salong lauriat samantalang ang panauhin ay
pinagsisilbihan ng iba’t ibang putahe ng pagkain.
Ang Hongkong,” isinulat ni Rizal kay Blumentritt noong Pebrero 16, 1888,
“ay maliit ngunit napakalinis na lunsod. Maraming Portuges, Hindu, Ingles, Tsino
at Hudyong naninirahan dito. May mga Pilipino rito, na ang karamiha’y
naipatapon sa Marianas Islands noong 1872. Sila’y mahihirap, mababait, at
mahiyain. Sila’y dating mayayamang mekaniko, industriyalista at
namumuhunan.”

 Macau
Noong Pebrero 18, 1888, si Rizal ay pumunta sa Macau kasama si Basa .
Ang Macau ang isang kolonyang Portuges na malapit sa Hongkong. “Ang lunsod
ng Macau,” isinulat ni Rizal sa kanyang talaarawan, “ay maliit, mababa, at
malungkot. Marami itong junk,
sampan, at kakaunting barko. Mukha itong patay na.”

Sila ay tumuloy sa bahay ni G. Juan Francisco Lecaros, isang Pilipinong


mayaman na nakapag-asawa ng isang babaing Portuges, nag-aalaga ng mga
halama’t bulaklak at marami rito’y nanggaling sa Pilipinas.

Sa dalawang araw ni Rizal sa Macau, binisita niya ang teatro, kasino,


katedral, simbahan, pagoda, harding botanikal, at bazaar. Nakita niya ang
bantog na Groto ni Camoens, pambansang makata ng Portugal. Noong Pebrero
20, 1888 ay bumalik sina Rizal at Basa sa Hongkong.

 Japan, Ang Emperyong Sinisikatan ng Araw

Maagang-maaga sa araw ng Martes, Pebrero 28, 1888,


dumating si Rizal sa YOKOHAMA. Tumigil siya sa Otel Grande.

Nang sumunod na araw, nagtungo siya sa TOKYO at kumuha ng silid sa


Otel Tokyo. Tumuloy siya rito mula Marso 2 hanggang Marso
1. Humanga siya sa lunsod ng Tokyo. Isinulat niya kay Blumentritt, “mas mataas
ang antas ng pamumuhay sa Tokyo kaysa sa Paris. Malalapad at malalaki ang
mga kalsada.”

Sa unang araw sa Tokyo, nahihiya si Rizal dahil hindi siya marunong ng


wikang Hapon. Hawig siya ng mga Hapon ngunit hindi makapagsalita sa wika
nila. Nahirapan siya sa pamimili dahil hindi siya maunawaan at pinagtatawanan
siya ng mga batang Hapon. Para maiwasan ang ganitong kahihiyan, nagpasya si
Rizal na pag- aralan ang wikang Hapon. Dahil isinilang na linggwista, ilang araw
lamang ay natuto na siyang magsalita. Pinag-aralan niya ang dramang Hapon
(KABUKI), sining, musika, at JUDO (sining ng pagtatanggol sa sarili). Binisita
niya ang Meguro, Nikko, Hakone, Miyanoshita at ang mga kahali-halinang bayan
ng Japan.

Mga impresyon ni Rizal sa Japan

1. Ang kagandahan ng bansa – mga bulakak, kabundukan, batis at


magagandang tanawin.
2. Ang kalinisan, pagiging magalang, at kasipagan ng mga Hapon.
3. Ang magagandang damit at simpleng halina ng mga
Haponesa.
4. Kakaunti ang magnanakaw sa Japan kaya naiiwang bukas ang
kanilang mga bahay kahit umaga o gabi, at sa silid ng otel ay
maaaring mag-iwan ng pera sa ibabaw ng mesa.
5. Bihira ang mga pulubi sa mga kalsada ng lungsod, di gaya sa
Maynila at iba pang lunsod.

Isang hapon ng tagsibol, nakita ni Rizal na naparaan ang isang


magandang Haponesa. Nakilala niya ito sa tulong ng mga empleyado sa
tinutuluyan. Siya si Seiko Usui, isang haponesang maganda, kabighabighani,
mahinhin at matalino. Siya ay tinawag ni Rizal sa pangalang O-SEI-SAN. Si Seiko
Usui ay anak ng isang Samurai.
Tinulungan ni Seiko Usui si Rizal sa maraming paraan. Siya ay naging
gabay, tagasalin, at guro ni Rizal. Siya ang kasama sa pag- oobserba ni Rizal sa
mga bantayog at bayan sa paligid ng Tokyo. Tinulungan niya si Rizal sa pag-
unawa nito sa wikang Niponggo at kasaysayan ng Japan.

Sayonara, Japan. Noong Abril 13, 1888 ay sumakay si Rizal sa Belgic,


barkong Ingles, sa Yokohama patungong Estados Unidos. Malungkot niyang
nilisan ang Japan dahil alam niyang di na niya muli makikita ang magandang
Land of Cherry Blossoms at maiiwan din niya si O-sei-san. Ang 45 na araw na
pagbisita niya sa Japan ay tunay na naging masayang bahagi ng kanyang buhay.
Sa pagtawid sa dagat pasipiko, nalulungkot man ay naging maganda rin
ang paglalakbay. Isang pasahero ang kinaibigan ni Rizal, siya si Tetcho Suehiro,
patnugot ng Akebon Shimbu (Bukang Liwayway). Si Tetcho ay isang palabang
Hapon na mamamahayag, nobelista, at kampeon ng mga karapatang pantao na
pinalayas ng pamahalaang Hapon.

Magkapatid sina Rizal at Suehiro sa diwa. Pareho silang makabayan,


mahigpit na kaaway ng kawalan ng katarungan at tiraniya. Pareho silang
nagmamahal sa kapayapaan at ginagamit ang kanilang panulat bilang armas sa
pakikipaglaban para sa kapakanan at kaligayahan ng kanilang kababayan.

Noong 1889, pagkabalik ng Japan, inilathala ni Suehiro ang kanyang


talaarawan tungkol sa biyahe niya. Ang talaarawan ay nagtataglay ng mga
magagandang impresyon tungkol kay Rizal. Noong 1891, inilathala niya ang
nobelang politikal na NANKAI-NO- DAIHARAN (Sigwa ng Katimugang Dagat) na
nahahawig sa Noli Me Tangere. Pagkaraan ng tatlong taon (1894), nailathala
niya ang isa pang nobela, O-UNABARA (Malaking Dagat) na hawig din sa El
Filibusterismo.

 Amerika
Unang nakita ni Rizal ang Amerika noong Abril 28, 1888. Ang pagdating
niya sa dakilang bansang ito ay nabahiran ng di- makatwirang pagtrato sa mga
lahi dahil nakita niya ang masamang pagtrato sa mga Tsino at Negro ng mga
puting Amerikano.

Dumaong ang barkong Belgic na lulan si Rizal noong Abril 28, 1888 sa
SAN FRANCISCO. Tumigil siya doon ng dalawang araw. Ang pangulo ng Estados
Unidos sa panahong ito ay si GROVER CLEVELAND.

Noong Mayo 6, 1888 – Linggo, nilisan ni Rizal ang San Francisco


patungong OAKLAND, siyam na milya sa ibayo ng Look ng San Francisco, lulan
ng bangkang pantawid.

Sa Oakland, smukay siya ng tren para sa kanyang pagbibiyahe sa


kabuuan ng kontinente. Maagang-maaga kinabukasan, nag- agahan siya sa
RENO, NEVADA, na ngayo’y glamorosong tinaguriang “Ang Pinakamalaking
Maliit na Lungsod sa Buong Mundo.”

Noong Mayo 13, 1888 narating ni Rizal ang NEW YORK at nagwakas na
ang kanyang pagbibiyahe sa kontinenteng Amerika. Tumigil siya ng tatlong
araw sa lungsod na ito, na kung tawagin niya’y “malaking bayan.” Binisita niya
ang magaganda at makasaysayang tanawin. Humanga siya sa laki at naging
inspirasyon niya ang monumentong handog kay GEORGE WASHINGTON. Ukol
sa dakilang Amerikano, isinulat niya kay Mariano Ponce: “Siya ay dakilang tao,
na sa palagay ko’y walang katulad sa bansang ito.”
Noong Mayo 16, 1888, nilisan niya ang New York patugong LIVERPOOL
lulan ng CITY OF ROME. Ayon kay Rizal, ang barkong ito ang “pangalawang
pinakamalaking barko sa buong mundo sunod sa GREAT EASTERN.” Masayang-
masaya siya nang makita ang higanteng STATUE OF LIBERTY sa isla ng BEDLOE
nang mapadaan ang kanilang barko sa daungan ng NEW YORK.

May mga magaganda at pangit na impresyon si Rizal sa Estados


nidos. Ang mga magaganda ay:

1. Maunlad ang bansa na nakikita sa malalaking lunsod, lupaing


agrikultural, mga umuunlad na industriya at abalang mga
pagawaan.
2. May enerhiya at mapursige ang mga Amerikano.
3. Likas na maganda ang bansa
4. Mataas ang antas ng pamumuhay
5. May mga oportunidad para sa mabuting buhay para sa
mahihirap na imigrante.

Isang pangit na impresyon ni Rizal sa Amerika ay ang kawalan ng


pantay-pantay na pagtrato sa mga lahi. Ang ganitong pagtrato ay taliwas sa mga
prinsipyo ng demokrasya at kalayaang ipinagmamalaki ng mga Amerikano
ngunit di naman nila isinasagawa.

 London

Pagkaraang bisitahin ang Estados Unidos, tumira si Rizal sa London mula


Mayo 1888 hanggang Marso 1889. Pinili niya ang lunsod na ito na maging
bagong tahanan niya sa tatlong kadahilanan:
1. Madagdagan ang kanyang kaalaman sa wikang Ingles
2. Mapag-aralan at mabigyan ng anotasyon ang SUCESOS DE LAS
ISLAS FILIPINAS ni Antonio Morga, isang pambihirang sipi na nakita
niya sa Museo ng Britanya.
3. Ang London ay isang ligtas na lugar para maipagpatuloy niya ang
pakikipaglaban sa pagmamalupit ng mga Espanyol.

Noong Mayo 25, 1888, isang araw pagkaraang dumaong sa Liverpool,


pansamantalang tumigil siya bilang panauhin sa tahanan ni Dr. Antonio Ma.
Regidor, abogado sa London. Pagkatapos ay nangupahan siya sa pamilyang
Beckett. Dito niya nakilala ang panganay na anak na si Gertrude Beckett na
tinatawag sa pangalang “Gettie” o “Tottie.” Ang ama ni Gertrude ay isang
organista sa simbahan ng St. Paul.

Nakilala ni Rizal si Dr. Rheinhold Rost, bibliotekaryo ng Ministeryo ng


Ugnayang Panlabas at awtoridad sa mga wika at kaugaliang Malayo. Humanga si
Rost kay Rizal sa kanyang talino at ugali kaya tinawag niya itong “una perla de
hombre’ (isang perlas ng kalalakihan).

Mga balita mula sa Pilipinas:

1. Sa loob ng 24 na oras, pinaalis ng namamahala ng asyenda ang higit


na 20 pamilya dahil tutol sa pagtaas ng upa.
Kolonel Francisco Olive – pinuno sa Lupon ng nagpaalis sa mga
magsasaka.
2. Namatay ang bayaw – Mariano Herbosa (Kolera) at di inilibing bilang
isang Kristiano.
3. Ipinatapon sa Bohol si Manuel Hidalgo (bayaw).
4. Nabilanggo nang walang paglilitis ang kaibigan niyang si
Laureano Viado dahil sa hawak na sipi ng Noli.

Habang abala si Rizal sa pag-aaral sa kasaysayan sa London, napag-


alaman ni Rizal na ang mga Pilipino sa Barcelona ay nagbabalak na magtatag ng
isang samahan ng mga makabayang Pilipino na naglalayong makiisa sa krusada
para sa pambansang reporma. Ang samahan ay tinawag na ASOCIACION LA
SOLIDARIDAD. Ang mga opisyal nito ay sina Galicano Apacible, Graciano Lopez
Jaena, Manuel Santa Maria, Mariano Ponce at Jose Maria Panganiban. Nagkaisa
ang lahat ng miyembro na gawing pangulong pandangal si Rizal.

Noong Pebrero 15, 1889, itinatag ni Graciano Lopez Jaena ang makabayang
pahayagang LA SOLIDARIDAD sa Barcelona, kung saan siya naninirahan. Ang
pahayagan ay lumalabas tuwing makalawang linggo at opisyal na pahayagan ito
ng Propaganda. Ang mga layunin nito ay:

1. makapagtrabaho nang mapayapa para sa repormang panlipunan at


pampulitikal
2. mailarawan ang mga kalunos-lunos na kalagayan ng Pilipinas nang
ang Espanya ay makagawa ng remedyo ukol dito.
3. labanan ang masasamang puwersa ng reaksyonaryo at pagkasinauna.
4. magtaguyod ng mga ideyang liberal at kaunlaran
5. maging kampeon ng mga lehitimong aspirasyon ng mga Pilipino sa
buhay, demokrasya at kaligayahan.

Mga akda ni Rizal sa London at Paris:

1. LOS AGRICULTORES FILIPINOS (Mga Magsasakang Pilipino – Nalathala


ito sa La Solidaridad noong Marso 25, 1889.
2. LA VISION DEL FRAY RODRIGUEZ (Ang Pananaw ni Padre Jose
Rodriguez) – isang polyeto na nailathala sa Barcelona sa kanyang sagisag
na Dimasalang.
3. LIHAM SA MGA DALAGA NG MALOLOS – Isinulat noong Pebrero 22,
1889 sa kahilingan ni Marcelo H. del Pilar.
4. SPECIMENS OF TAGAL FOLKLORE (Mga Halimbawa ng Alamat ng mga
Tagalog) – Bilang tugon sa kahilingan ni Dr. Rost.
5. TWO EASTERN FABLES (Dalawang Pabula ng Silangan)
6. Anotasyon ng Aklat ni Morga

 Paris, France

Ang Paris ay nag-uumapaw sa saya dahil sa doon naganap ang


Pandaigdigang Eksposisyon. Maraming bisita mula sa iba’t ibang bahagi ng
daigdig. Sa kabila ng masasayang salu-salo at nakasisilaw na liwanag ng lunsod,
ipinagpatuloy ni Rizal ang kanyang pagpupursige sa makabagong sining,
panitikan at makabayang gawain.

Ang panahon niya sa paris ay hinati-hati niya. Ginugol niya ang dalawang
oras sa himnasyo at sa pakkikipag-iskrima sa ilalim ng dalubhasang gurong
Pranses. Dito’y nakipagpalitan siya ng ulos kina Valentin Ventura at magkapatid
na Bousted at Luna, ang tatlo at apat na oras ay ginugol niya sa pagsusulat at
pagdalaw sa mga kaibigan.
Nakilala niya si Edward Bousted na isinilang sa Pilipinas kaya malapit sa
mga Pilipino at nakapag-asawa ng isang Pilipina. Nakilala niya ang mga anak
nitong sina Nelly at Adelina.

Tulad ng ordinaryong turista sa dayuhang lupa, manghang- mangha si


Rizal sa pagbubukas ng eksposisyon noong May 6, 1889. Ang pinakamagandang
pantawag-pansin ng eksposiyong ito ay ang EIFFEL TOWER na may taas na 984
piye (feet). Ang tower ay ginawa ni Alexander Eiffel, bantog na inhenyerong
Pranses.

Dinaluhan ni Rizal ang seremonyang pagbubukas at nasaksihan nila ang


paggupit sa laso ni Pangulong Sadi Carnot – Pangulo ng Ikatlong Republikang
Pranses. Isa sa mga itinanghal sa Eksposisyon ang paligsahan sa sining na
sinalihan nina Felix R. Hidalgo, Juan Luna, Felix Pardo De Tavera at Jose Rizal.

Mga Nagawa Ni Rizal Sa Paris

Itinatag ang samahang:


1. PILIPINOLOGIST – pandaigdigang samahan na pinamumunuan nina:
a. Dr. Ferdinand Blumentritt (taga-Austria) – pangulo
b. G. Edmund Pauchut (Pranses) – pangulo
c. Dr. Reinhold Rost (Aleman) – kagawad
d. Dr. Antonio Ma. Regidor (Pilipino-Kastila) – kagawad
e. Dr. Jose Rizal (Pilipino) – kalihim

Layunin ng Samahan
a. Upang suriin ang Pilipinas sa makasiyentipiko at
makasaysayang pananaw.
b. Maakit ang ibang lahi sa pag-aaral ukol sa Pilipinas at
Pilipino nang maituwid ang mga maling pahayag ng ibang
mananalaysay.

2. KIDLAT – pnasamantalang samahan na mananatili habang


idinadaos ang Ekposisyon. Mga kasapi ay Pilipino.

Layunin: Mapagsama-sama ang mga kabataang Pilipino na nasa


kabisera ng Pranysa.

3. INDIOS BRAVOS – Itinatag pagkatapos matunghayan ang palabas na


itinanghal ng mga Amerikanong Indiyan na sa pagtatanghal nila ay buong
pusong ipinagmalaki ang kanilang mga sarili. Sinabi ni Rizal sa kanyang
kababayan na sa halip namagalit okaka’y ikahiya kung tawaging
Indio, dapat ipagmalaking ang mga Pilipino ay mga Indiong
matatapang at magagaling.

Layunin: Ituwid ang maling paniniwalang masama ang


maging Indio

4. SAMAHANG R.D.L.M – Inisyal na lihim nangalan ng samahan – Redencion


de los Malayos (Para sa Katubusan ng mga Malayo)
- Ayon kay Dr. Leoncio Lopez-Rizal, apo ni Jose Rizal, ang
simbolo ng samahan ay isang bilog na hinati sa tatlong
bahagu ng dalawang halos bilog na hugis na sa bahaging
gitna aty magkadikit na letrang I at B (Indios Bravos) at
mga letrang
R.D.L.M. ay nasa labas, itaas, ibaba, kaliwa at kanang gilid
ng bilog.
Layunin: Pagpapalaganap ng makabuluhang dunong, ang
pang-agham, pansining at pampanitikan sa Pilipinas.

Maliban sa pagkakatatag ng mga nasabing samahan, pinakatampok na


nagawa ni Rizal sa PARIS ang pagkakalimbag noong 1890 ng SUCESOS ni
MORGA na nilagyan niya ng anotasyon. Ito’y kanyang ginawa sa Museo ng
Britanya. Ito ay inilimbag ng Garnier Freres.

Inihandog ni Rizal ang bagong edisyon ng Aklat ni Morga sa mga Pilipino


nang sa gayo’y malaman nila ang marangal nilang nakaraan.

Upang lalong mapayaman ang kanyang kaalaman, nanaliksik si Rizal sa


BIBLIOTHEQUE NATIONALE, Pambansang aklatan ng Paris at dito lalong
napayaman ang kanyang kaalamang pangkasaysayan. Ang kaalaman niya sa
iba’t ibang wika ay nakatulong sa kanya sa pagbabasa.

Habang nasa Paris, sinulat ni Rizal ang sanaysay na FILIPINAS DENTRO


DE CIEN AÑ OS (Ang Pilipinas sa Loob ng Sandaang Taon). Sinulat din niya ang
SOBRE LA INDOLENCIA DE LOS FILIPINOS (Hinggil sa Katamaran ng mga
Pilipino) at POR TELEPONO (Ang Telepono).

Habang nasa Paris si Rizal, sa Barcelona noong Pebrero 15, 1889 ay


itinatag ni Graciano Lopez Jaena ang LA SOLIDARIDAD na siya rin ang naging
patnugot at si Mariano Ponce ang tagapamahala. Ang La Solidaridad ang
opisyal na pahayagan ng KILUSANG PROPAGANDISTA.
Layunin sa pagtatatag ng La Solidaridad:
a. Ilantad ang mga masasamang kalagayan ng Pilipinas upang
maiwasan ito.
b. Pagbabago sa pamahalaan at sa simbahan

 Brussels, Belgium

Noong Enero 28, 1890, nilisan ni Rizal ang Paris patungong Brussels
na kabisera ng Belgium.. Dalawang dahilan ang nagbunsod kay Rizal para
lisanin ang Paris:

a. mahal ang pamumuhay sa Paris dahil sa Pandaigdigang


Eksposisyon.
b. Bigyan ng panahon ang pagsulat ng El Filibusterismo

Una siyang nanirahan sa bahay paupahan na pinamamahalaan ng


magkapatid na SUZANNE at MARIE JACOBY, pagkatapos ay lumipat sa bahay
paupahan ni JOSE ALEJANDRO. Dito naging abala si Rizal sa pagsusulat ng
kanyang pangalawang nobela. Hindi siya nag-aksaya ng kahit isang oras. Bukod
sa pagsusulat ng nobela, sumulat din siya ng mga artikulo para sa LA
SOLIDARIDAD at mga liham para sa kanyang pamilya at kaibigan.
Mga Artikulong Nailathala sa LA SOLIDARIDAD

1. A LA DEFENSA (Para sa La Defensa), Abril 30, 1889. Ito ay tugon sa isang


sulating laban sa mga Pilipino na isinulat ng isang Espanyol, sI PATRICIO
DE LA ESCOSURA, na nailathala sa LA DEFENSA noong Marso 30, 1889.

2. LA VERDAD PARA TODOS (Ang Katotohanan Para sa Lahat), Mayo 31,


1889. Ang pagtatanggol ni Rizal sa panunuligsa ng mga Espanyol na ang
mga katutubong local na opisyal ay ignorante at napakasama.

3. ‘VICENTE BARRANTES’ TEATRO TAGALO, Hunyo 15, 1889. Sa artikulong


ito ibinunyag ni Rizal ang pagiging ignorante ni Barrantes tungkol sa mga
sining panteatro ng mga Tagalog.

4. UNA PROFANACION (Isang Paglapastangan), Hulyo 31, 1889. Mapait na


pagpuna sa mga Prayle dahil sa pagtanggi nila ng Kristiyanong paglibing
kay MARIANO HERBOSA sa Calamba dahil ito ay bayaw ni Rizal, asawa ni Lucia
na namatay sa kolera noong Mayo 23, 1889.

5. VERDADES NUEVAS (Mga Bagong Katotohanan), Hulyo 31, 1889. Sagot


sa mga liham ni Vicente Belloca Sanchez na nailathala sa LA PATRIA,
pahayagan sa Madrid, noong Hulyo 4, 1889, na naninindigan na ang
pagbibigay ng mga reporma sa Pilipinas ay bubuwag sa mapayapa at
mapagkalingang pamamahala ng mga Prayle.

6. CRUELDAD (Mga Kalupitan) Agosto 15, 1889. Mahusay na pagtatanggol


kay Blumentritt sa panunuligsa ng kanyang mga kaaway.

7. DIFERENCIAS (Mga Di-pagkakasundo) Setyembre 15, 1889. Tugon sa


artikulong “Matatandang Katotohanan” na nailathala sa LA PATRIA
noong Agosto 14, 1889 na kinukutya ang mga Pilipinong nanghihingi ng
mga reporma.

8. INCONSEQUENCIAS (Mga Walang Halaga) Nobyembre 30, 1889.


Pagtatanggol kay Antonio Luna laban sa panunuligsa ni Pablo Mir Deas sa
pahayagang EL PUEBLO SOBERANO.

9. LLANTO Y RISAS (Mga Luha at Katatawanan) Nobyembre 30, 1889.


Pagtutol sa di-pantay-pantay na pagtrato ng mga Espanyol sa mga lahi at
mababang pagtingin sa mga Pilipino.

10. INGRATITUDES (Kawalan ng Utang na Loob), Enero 15, 1890. Tugon kay
Gobernador Heneral Valeriano Weyler na habang bumibisita sa Calamba,
ay sinabihan ang taumbayan na di nila dapat payagan ang sarili na
malinlang ng mga hungkag na pangako ng kanilang mga walang utang na
loob na anak.

Bagong Ortograpiya ng Wikang Tagalog. Sa kabila ng kanyang


Europeong edukasyon at kanyang kaalaman sa mga dayuhang wika, minahal pa
rin ni Rizal ang kanyang katutubong wika. Una siya sa pagtataguyod ng
Filipinisasyon ng ortograpiya nito. Halimbawa, ang letrang “k” at “w” sa Tagalog
ay dapat gamitin para sa Espanyol na “c” at “o.” Kaya ang Tagalog na salitang
“salacot” ay dapat na isulat na “salakot” at ang “arao” ay dapat palitan ng “araw.”

Habang nasa Brussels, ang kanyang aritikulong SOBRE LA NUEVA


ORTOGRAFIA DE LA LENGUA TAGALA (Bagong Ortograpiya ng Wikang
Tagalog) ay nailathala sa LA SOLIDARIDAD noong Abril 15, 1890. Sa
artikulong ito, inilatag niya ang mga panuntunan ng bagong ortograpiyang
Tagalog, at buong katapatan at mababang loob, ibinigay niya ang
karangalan sa pagbabaybay sa bagong ortograpiyang ito kay DR.
TRINIDAD PARDO DE TAVERA.

Binatikos ni Rizal ang Pagsusugal ng mga Pilipinong nasa Madrid. Sa


Brussels, natanggap ni Rizal ang balita mula kina JUAN LUNA at VALENTIN
VENTURA na ang mga Pilipino sa Espanya ay sinisira ang magandang ngalan ng
kanilang nasyon dahil sa labis na pagsusugal. Hiningi ng kanyang dalawang
kababayan na gumawa siya ng hakbang dito. Sumulat si Rizal kay M.H. DEL
PILAR noong Mayo 28, 1890 para paalalahanan ang mga Pilipino sa Madrid na
hindi sila pumunta sa Europa upang magsugal kundi para maipaglaban ang
kalayaan ng Inang Bayan.

Ang mga Pilipinong sugarol sa Madrid ay nagalit nang malaman ang mga
pangaral ni Rizal. Kinutya nila si Rizal at tinawag na PAPA (Papa ng Roma) sa
halip na PEPE.

Masamang Balita Mula sa Bayan. Habang nasa Brussels, nabahala si


Rizal sa mga sulat na natatanggap niya mula sa Pilipinas. Ang suliraning pang-
agraryo sa Calamba ay lalong lumala. Tinaasan ng mga namamahala ng
asyendang Dominikano ang upa hanggang sa ayaw nang bayaran ng kanyang
ama ang di- makatwirang upa. Dahil sa katapangang ipinakita ni DON
FRANCISCO, nagsunuran ang ibang kasama ay ayaw na rin nilang magbayad ng
upa.

Nagsampa ng kaso ang ordeng Dominikano para mabawi sa pamilyang


Rizal ang kanilang lupa sa CALAMBA. Samantala, inusig naman ang mga kasama,
pati na ang pamilyang Rizal. Si Paciano at mga bayaw na sina ANTONIO LOPEZ
at SILVESTRE UBALDO ay pinatapon sa Mindoro. Isa pang bayaw, si MANUEL
HIDALGO ay ipinatapon sa Bohol.

Pangitain ng Kamatayan. Sa panahon ng kalungkutan, nanaginip si


Rizal nang masama dulot ng madalas niyang pag-aalala sa naghihirap niyang
pamilya sa Calamba. Bagaman hindi mapamahiin, nararamdaman niyang hindi
magtatagal ang kanyang buhay. Hindi na siya natatakot na mamatay ngunit
gusto niyang matapos muna ang kanyang pangalawang nobela bago niya
puntahan ang kanyang libingan. Ang pangitain ng maagang kamatayan ay
ipinaalam niya kay M.H. del Pilar sa isang liham.

Paghahanda Para sa Pag-uwi. Sa gitna ng mga pagdurusa ng kanyang


pamilya, nagbalak na umuwi si Rizal. Ayaw niyang manatili sa Brussels at
nagsusulat ng mga aklat habang ang kanyang mga magulang, kamag-anak at
kaibigan ay inuusig sa Pilipinas.

Nang malamang si Graciano Lopez Jaena ay nagpaplanong magtungo sa


Cuba, sinabi niyang hindi dapat magtungo roon para lamang mamatay sa yellow
fever sa halip ay magtungo sa Pilipinas at doo’y mamatay nang ipinagtatanggol
ang kanyang mga mithiin. Idinagdag pa niya ‘Minsan lamang tayo mamamatay,
at kung hindi pa tayo mamamatay nang maayos, patatakasin natin ang isang
pagkakataon na hindi na muling mapapasaatin.’

Lahat ng mga kaibigan, kasama na sina Blumentritt, Jose Maria Basa at


Ponce ay natakot sa plano ni Rizal na bumalik sa Pilipinas. Binalaan nila si Rizal
sa panganib na naghihintay sa kanya sa sariling bayan.

Pinagwalang bahala ni Rizal ang babala ng mga kaibigan. Walang banta


ng kapahamakan ang makapagpapabago ng kanyang plano.

Gayunman, isang pangyayari ang nagpabago ng kanyang isip. Isang


liham mula kay Paciano ang nagkukuwento sa pagkatalo ng kanilang kaso laban
sa mga Dominikano. Bagaman ganito ang nangyari sa Maynila, inapela nila ang
kaso sa Korte Suprema sa Espanya kaya nangangailangan ng isang abogadong
hahawak nito sa Madrid. Sinulatan ni Rizal si del Pilar para kuning abogado.
Ipinaalam din niya kay del Pilar na pupunta siya sa Madrid para personal na
pangasiwaan ang kaso.

Bunga ng pag-iisip sa kinasapitan ng kanyang mga kamag- anak, isinulat


ni Rizal ang kahambal-hambal na tulang “A MI…” (Sa Aking Musa). Hindi
makikita sa tulang ito ang kariktan ng “Sa Mga Bulaklak ng Heidelberg” at hindi
ng “Para sa Kabataang Pilipino,” ngunit maramdamin ang tono ng tula.

Dalawang bagay ang nagbigay-saya kay Rizal habang naghahanda siya


papuntang Madrid. Una, tag-araw noon sa Belgium at maraming kasiyahan dito
na kung ipagdiwang ay tila isang karnabal. Pangalawa’y ang kanyang
pakikipagkaibigan kay PETITE SUZANNE JACOBY. Larawan ng isang maginoo si
Rizal kaya nabighani sa kanya si Petite. Nalulumbay siya sa dayuhang lupa at
napakalayo ni Leonor Rivera. Hindi kataka-taka sa isang normal na binata ang
maghanap at makatagpo ng ligaya sa piling ng isang magandang dilag. Maaaring
umibig siya kay Petite ngunit hindi siya nagpakababa’t pumasok sa isang pag-
iibigang may bahid ng panlilinlang. Gaya ng ibang babae, si Suzanne ay umibig
kay Rizal kaya lumuha siya nang lisanin ng binata ang Brussels patungong
Madrid.

 Madrid, Spain

Dumating si Rizal sa Madrid noong unang bahagi ng Agosto, 1890.


Sinikap niyang gamitin ang lahat ng legal na pamamaraan para makamtan ang
katarungan para sa kanyang pamilya at mga magsasaka sa Calamba ngunit siya
ay nabigo. Sunod-sunod ang kanyang kabiguan at kasawian hanggang sa
naramdaman niyang kay bigat ng krus na kanyang pinapasan. Ikinasal pa ang
kanyang pinakamamahal ni si Leonor Rivera sa isang inhenyerong Ingles na si
HENRY KIPPING na siyang pinili ng kanyang ina. Mailban dito, nagkaroon pa ng
mga hamunan at hidwaan.

1. JOSE RIZAL VS. ANTONIO LUNA

Ang mga Pilipinong nasa Madrid ay nagkaroon ng isang salu-salo.


Nag-inuman ang mga nagsidalo. Naging matabil ang mga panauhin at sa
pagkukuwentuhan naging kung anu- ano na ang pinapaksa. Isa sa mga
nalasing ay si Antonio Luna, isang binatang masama ang loob dahil sa
pagkabigo kay Nellie. Sa kabiguan, sinisi si Rizal. Dala ng selos at
kalasingan, masamang salita ang binitiwan tungkol kay Nellie. Sa
panahon ding ito, mainit ang ulo ni Rizal dahil bigo kay Leonor at hindi
pumapayag na bastusin ang mga babae kaya nagalit sa sinabi ni Luna.
Hinamon ni Rizal si Luna sa isang duelo. Si Rizal ay mahusay sa
pamamaril at si Luna naman ay mahusay sa eskrimahan. Nahimasmasan
si Luna kaya humingi ng paumanhin at di natuloy ang duelo.
2. JOSE RIZAL VS. WENCESLAO RETANA

Sa isang okasyon, hinamon ni Rizal si Retana, karibal sa panulat,


dahil sa isang artikulong sinulat at inilathala ni Retana sa pahayagang La
Epoca na nagsasaad na ang pamilyang Rizal, kamag-anak at mga kaibigan
ay hindi nagbabayad ng upa ng lupa sa Calamba kaya pinaalis sa
Calamba. Humingi ng paumanhin si Retana kaya di natuloy ang duelo.
Naging magkaibigan ang dalawa at isa sa mga manunulat ng talambuhay
ni Rizal si Retana.

3. JOSE RIZAL VS. MARCELO H. DEL PILAR

Noong pagtatapos ng 1890, nagkaroon ng hidwaan hinggil sa


pamumuno sina Rizal at del Pilar. Si Rizal ay talentong talento
samantalang si del Pilar ay magaling na abogado at mamamahayag.
Nakilala si del Pilar sa kanyang matapang na editorial sa La Solidaridad,
ang pahayagang binili mula kay Pablo Riazares. Pinalitan ni del Pilar si
Graciano Lopez Jaena bilang patnugot.

Sinikap ni Rizal na mapuspos sa kanyang mga kababayan ang


kanyang mga idealismo dahil naniniwala siyang magkakaroon ng
prestihiyo ang kilusang propaganda at makuha ang paggalang ng mga
Espanyol, kailangang maging mataas ang kanilang panuntunan sa
moralidad, dignidad at diwa ng pagdurusa. Sa kasamaang palad, hindi
sang-ayon ang kababayan sa kayang idealismo.

Ang editorial ng La Solidaridad sa ilalim ng pangangasiwa ni del


Pilar ay lalong nagpalawak ng hidwaan nina Rizal at del Pilar. Hindi
sinang-ayunan ni Rizal at ang kanyang mga kaibigan ang patakarang
editorial dahil taliwas sa mga pananaw politikal ni Rizal.

Noong Enero 1, 1891, ang mga Pilipino sa Madrid ay nagkaroon


ng pagtitipon upang ayusin ang hidwaan nina Rizal at del Pilar.
Nagkasundo ang mga Pilipino na sila ay pipili ng kanilang magiging
pinuno na tatawaging Responsible na siyang mangangasiwa ng mga
kalakaran sa komunidad na Pilipino at magsasaayos ng patakarang
editorial ng La Solidaridad. Tinutulan ito ni del Pilar kaya ang
proposisyon na ibigay sa Responsible ang pangangasiwa ng La
Solidaridad ay inabandona. Ang pulong ay nagpatuloy sa paghalal ng
kanilang pinuno. Ang siyamnapung Pilipino ay nahati sa dalawang
magkasalungat na grupo, ang RIZALISTA at PILARISTA.

Sa una at ikalawang botohan, nanalo si Rizal ngunit hindi nakamit


ang dalawa- katlong boto para maiproklama siyang Resposible. Sa
pangatlong butuhan, buong pusong nakiusap si Mariano Ponce sa mga
kababayan na ihalal si Rizal. Pinakinggan ng ilang Pilarista kaya nanalo si
Rizal. Ayaw ni Rizal na manatiling dalawang pangkat ang mga Pilipino sa
Madrid kaya ipinasya niyang hindi tanggapin ang pagiging Responsible
at nagpasyang mapunta sa Biarritz upang tapusin ang nobelang el
Filibusterismo.

 Biarritz, France
Para maibsan ang sama ng loob na dulot ng kanyang mga kabiguan sa
Madrid, nagpasyang magpunta si Rizal sa Biarritz, isang bakasyunang lunsod sa
napakagandang French Riviera.

Sa kanyang pagdating sa Biarittz, mainit siyang sinalubong ng mga


Bousted, lalung-lalo na si G. Bousted na tunay na malaki ang paghanga sa kanya
dahil sa angkin niyang talino. Dahil sa kabiguan sa pag-ibig kay Leonor,
naghahanap ng lugod ang pusong nasugatan – isinaalang –alang ang pagsinta
kay Nellie Bousted. Si Nellie noo’y minahal ni Antonio Luna ngunit ito ay binigo
ng dalaga. Bunga ng pampalakas-loob mula sa kanyang mga kaibigan, niligawan
ni Rizal si Nellie na nagpakita rin ng pagkagiliw sa kanya. Sa kasamaang palad,
hindi naging masaya ang wakas ng kanilang pag- iibigan. Hindi tinanggap ang
alok na kasal ni Rizal dahil sa dalawang bagay:

1. hindi pumayag si Rizal na tumiwalag sa Katolisismo para


yumakap sa pananampalatayang Protestantismo at
2. ayaw ng ina ni Nellie na maging manugang si Rizal. Hindi niya
hangad na itaya ang kaligayahan ng anak sa isang lalaking salat
sa mga material na bagay, isang manggagamot na walang
pasyenteng nagbabayad, isang manunulat na di naman kumikita
sa kanyang panulat, isang repormistang tinutugis ng mga Prayle
at opisyal ng pamahalaan ng sariling bayan.

Bagaman hindi sila nagkatuluyan, nanatiling magkaibigan sina Nellie at


Rizal.
Sa kabiguan sa pag-ibig, pinagtuunan ni Rizal ang pagsusulat. Noong
Marso 29, 1891, natapos niya ang EL FILIBUSTERISMO.

Noong Marso 30, 1891 nagpaalam si Rizal sa mabubuting


Bousted at nagtuloy siya sa PARIS. Mula Paris, sinulatan niya ang kanyang
kaibigang si Jose Maria Basa sa Hongkong at ipinahayag ang pagnanais nitong
magpunta sa kolonyang ito ng Gran Britanya para doon ipagpatuloy ang
panggagamot sa mata (ophthalmology). Sa kalagitnaan ng Abril, 1891,
nagbalik si Rizal sa Brussels.

Mula nang magbitiw sa pamumuno sa Madrid noong Enero 1891, dahil na


rin sa mga pang-iintriga, nagbitiw si Rizal sa kilusang propaganda. Ninais niyang
ipalathala ang pangalawang nobela, maging manggagamot, at kalaunan, kapag
kumikita na siya, umaasa siyang maging masigasig ang pangangampanya para
sa katubusan ng sariling bayan.

Mula Brussels, noong Mayo 1, 1891, ipinaalam niya sa mga awtoridad ng


Propaganda sa Maynila na ikansela ang buwanan niyang panustos at ilaan ang
salapi sa mas mainam na gawain.

Kasabay ng pagbibitiw sa kilusang propaganda, itinigil na rin ni Rizal ang


pagsusulat ng mga artikulo sa LA SOLIDARIDAD.

 Ghent, Belgium

Noong Hulyo 5, 1891, nilisan ni Rizal ang Brussels para magtungo sa


Ghent, isang kilalang siyudad-unibersidad sa Belgium. Dito ay nakatagpo niya
sina Jose Alejandro (mula Pampanga) at Edilberto Evangelista (mula Maynila) ,
na kapwa nag-aaral ng Inheyeria sa kilala sa buong mundo na Unibersidad ng
Ghent.

Sa Ghent niya ipinalimbag ang El Filibusterismo. Nahanap niya ang F.


MEYER VAN LOO PRESS na nakapagbigay sa kanya ng mababang presyo ng
paglalathala. Isinanla niya ang kanyang mga alahas nang sa gayon ay maibigay
niya ang mga paunang bayad habang inililimbag ang kanyang nobela.

Kinulang si Rizal sa panustos sa pagpapalimbag sa El Filibusterismo.


Nalaman ni Valentin Ventura ang suliraning ito kaya kaagad siyang nagpadala
ng kinakailangan nitong pondo. Dahil sa tulong na pinansyal na ito,
naipagpatuloy ang pagpapalimbag ng El FILI.

Masayang –masaya si Rizal sa pagkakalimbag ng Fili kaya kaagad siyang


nagpadala ng kopya nito sa HONGKONG – isa para kay Basa at ang isa ay para
kay Sixto Lopez. Sa kanyang kaibigan sa Paris, kay Valentin Ventura ibinigay
ang orihinal na kopya na may kasamang lagda.

Abot-langit ang papuring tinanggap ng nobela mula sa mga Pilipinong


nasa ibang bansa at gayundin sa mga nasa Pilipinas. Kung ang Noli ay inihandog
ni Rizal sa INANG BAYAN , ang nobelang El Fili nama’y inihandog niya sa tatlong
paring martir (GOMBURZA).

Ang mga Di-Natapos na Ikatlong Nobela ni Rizal.

1. Noong Oktubre 18, 1891, sumakay si Rizal ng barkong MELBOURNE sa


Marseilles patungong Hongkong. Habang naglalayag ay sinimulan niya
ang ikatlong nobelang isusulat niya sa Tagalog dahil inilaan niya ito sa
mga mambabasang tagalog. Ang ikatlong nobela ay hindi natapos sa ilang
kadahilanan. Ang natapos na nobela ay wala pang pamagat. Nasa
manuskrito pa ito at ngayo’y pinag-iingatan ng Aklatang Pambansa ng
Maynila.

2. MAKAMISA, nobelang Tagalog.

3. Ang DAPITAN na nakasulat sa Espanyol. Isinulat niya ito habang nasa


Dapitan na naglalarawan sa buhay at kaugalian ng bayan.

4. Ang nobela sa Espanyol tungkol sa buhay sa PILI, isang bayan sa Laguna.

5. Isang walang pamagat tungkol kay CRISTOBAL, isang estudyanteng


Pilipino na kababalik lamang mula sa Espanya.

 Hongkong

Noong Nobyembre 20, 1891 ay sumapit si Rizal sa Hongkong. Siya ay


masayang tinanggap ng mga Pilipino roon.

Mapapansin na maraming Pilipino roon sapagkat noong himagsikan sa


Cavite noong 1872, maraming Pilipino ang pinaghinalaan ang ipinatapon o
nagtago rito. Isa na rito si Jose Maria Basa.

Nanirahan si Rizal sa Blg. 5 Daang D, Aguilar, Blg. 2


Rednaxela Terrace. Sa pook ding ito nagbukas ng klinika. Habang nasa Hongkong
ay nabalitaan niya ang pagpapatapon sa dalawampu’t limang tao sa Calamba
kabilang dito ang kanyang ama, Neneng, Sisa at Paciano. Pagkalipas ng dalawang
linggo ay dumating sa Hongkong ang kanyang ama, si Paciano at ang bayaw
niyang si Silvestre Ubaldo. Hindi nagtagal at sumunod ang kanyang ina at kapatid
na sina Lucia, Josefa at Trinidad. Naging masaya ang pasko nina Rizal noong 1891
sapagkat nagkasama-sama ang kanyang pamilya. Doon din sa Hongkong ay
muling inoperahan ang mata ng ina na naging matagumpay.

Mga Akdang sinulat ni Rizal sa Hongkong na nalathala sa


Hongkong Telegraph

1. ANG MGA KARAPATAN NG TAO – ito’y isang salin sa Pilipino na ipinahayag ng


Himagsikang Pranses noong 1789.
2. A LA NACION ESPAÑ OLA (Para sa Bansang Espanya) – ito’y kahilingan sa
Espanya na wastuin ang mga kamaliang ginagawa sa naninirahan sa Calamba.
3. SA MGA KABABAYAN – Lumabas noong 1891, ito’y nagpapaliwanag sa
kalagayan ng pagsasaka sa Calamba.
4. KATARUNGAN SA PILIPINAS – ito’y isinulat ni Rizal sa wikang Ingles na
anyong liham noong Pebrero 1, 1892.
5. UNA VISITA A LA VICTORIA GOAL (Ang Pagdalaw sa Victoria Goal) – ito’y
nagpapahayag ng pagdalaw ni Rizal sa bilangguang kolonya ng Hongkong. Dito’y
ipinamalas ang pagkakaiba ng malupit na paraan sa bilangguang Kastila sa
makabago at makatarungang bilangguan ang Britanya.
6. LA MANO ROJA (Ang Mapulang Kamay) – nalathala noong Hunyo 1892 sa Hongkong.
Ito’y pumupuna sa mga sunog sa Maynila.

Maliban sa mga nabanggit na mga akda, sinulat din ni Rizal ang saligang
batas at tuntunin ng LA LIGA FILIPINA na nalathala sa Hongkong noong 1892.

Si Rizal ay hindi nasisiyahan sa kalagayan ng mga taga- Calamba. Binalak na


magpatayo ng bagong Calamba sa hilagang Borneo. Noong Marso 7, 1892, pumunta
sa Sandakan upang makipag-usap sa mga kolonyang Pilipino sa Borneo. Tinignan ang
lupain sa tabi ng Ilog Bengkola sa lawa ng Maradu na siyang inilaok ng British North
Borneo Company. Pumayag ang mga awtoridad ng Ingles sa Borneo – sina G. Preyer
(katiwala ng North Borneo Development Co.) at si G. Alex Cook (pansamantalang
kalihim ng pamahalaan). Inialok kay Rizal ang 100,000 acres na lupa nang libre.
Sinang-ayunan ni Gob. Hen. Valeriano Weyler ang proyekto ni Rizal ngunit pinalitan
ito ni Gob. Hen. Eulogio Despujol na hindi sumang-ayon sa imigrasyon ng mga
Pilipino sa Borneo. Sinabi ni Despujol na kulang ang mga manggagawa sa Pilipinas.

Noong Hunyo 21, 1892, umalis sina Jose Rizal at Lucia sa Hongkong
Patungong Maynila sa hangaring matulungan ang mga kababayan at para sa
pagkakatatag ng LA LIGA FILIPINA. Sila ay pinagkalooban ng espesyal na pasaporte
ng konsul heneral ng Espanya para sa kanilang kaligtasan. Habang tinatawid nina
Rizal at Lucia ang dagat Tsina, ang konsul heneral sa Hongkong ay nagpadala ng
telegrama kay Gob. Hen. Eulogio Despujol na bumagsak na si Rizal sa bitag ng mga
Espanyol. Dumating sila sa Maynila noong Hunyo 26, 1892.

ANG MULING PAGBABALIK NI


RIZAL SA PILIPINAS
Ika-26 ng Hunyo, araw ng Linggo, 1892 nang si Rizal at Lucia ay
dumating sa Pilipinas. Sila ay sinalubong ng maraming karabinero at isang
komandante. Ang mga sumalubong ay may kasama ring kapitan at isang
sarhento ng mga guwardiya sibil na kapwa nagbabalatkayo.

Buhat sa Adwana, ang magkapatid ay tumuloy at nagpatala sa HOTEL DE


ORIENTE. Ikaapat ng hapon nang si Rizal ay nagsadya sa Malacañ ang upang
makipagkita kay Gob. Despujol ngunit siya’y pinagsabihang bumalik sa ikapito
ng gabi. Si Rizal ay nagbalik ngunit ibang bagay ng natamo nito. Ipinagkaloob
ang kalayaan ng kanyang ama ngunit ang kapatid at ang mga bayaw ay hindi.
Pagkagaling sa palasyo, nakipagkita siya sa kanyang mga kapatid na sina
Narcisa at Saturnina.

Nang gabi ring iyon, siya ay nakipagkita kina APOLINARIO MABINI,


ANDRES BONIFACIO, AMBROSIO SALVADOR, TIMOTEO PAEZ, PEDRO
SERRANO LAKTAW AT DEODATO ARELLANO, mga Pilipinong kilala sa pagiging
makabayan. Ipinaliwanag ni Rizal ang layunin ng LA LIGA FILIPINA. Nang mga
sumunod na araw, si Rizal ay naging abala. Alam na alam ng maraming siya ay
nasa Maynila kaya marami ang naghangad na makipagkita at makipag-usap sa
kanya.

Kinabukasan, ika-6 ng umaga, si Rizal at ang kanyang mga kaibigan ay


nagtungo sa (Tutuban) himpilan ng tren na patungong Bulacan. Dinalaw nila
ang Malolos, San Fernando at Tarlac, at sa pagbabalik, ang Bacolor.

Sa lahat ng mga dinalaw nila, si Rizal ay buong puso at masayang


tinanggap ng mga mamamayan, samantalang bawat kilos niya ay
minamanmanan ng mga espiya ng pamahalaan. Lahat ng tahanang pinuntahan
niya ay hinalughog at lahat ng Pilipinong kasama niya ay pinaghinalaan din.

 ANG LA LIGA FILIPINA

Gabi ng ika-3 ng Hulyo, 1892, isang linggo na ang nakaraan mula nang
sila’y dumating buhat sa Hongkong, nang itatag ni Rizal ang Liga sa tahanan ni
DOROTEO ONGJUNCO, sa daang ILAYA, TONDO, MANILA. Ang makasaysayang
pagtitipong ito ay dinaluhan ng maraming Pilipinong makabayan. Sa ilalim ng
pamamahala ni Rizal, ang mga pinuno ng bagong samahanag sibikong ito ay
inihalal. Ang mga nahalal na pinuno ay sina:
Pangulo: AMBROSIO SALVADOR
Piskal : AGUSTIN DE LA ROSA
Ingat-Yaman: BONIFACIO AREVALO Kalihim:
DEODATO ARELLANO

Mga Layunin ng Liga na isinasaad ng Konstitusyon

1. mapag-isa ang buong kapuluan sa isang katawang buo, malakas at


magkakauri.
2. proteksyon ng bawat isa para sa pangangailangan ng bawat isa.
3. pagtatanggol laban sa lahat ng karahasan at kawalang katarungan.
4. pagpapaunlad sa edukasyon, agrikultura at
pangangalakal.
5. pag-aaral at pagpapairal ng mga pagbabago.
Motto ng La Liga Filipina: Bawat Isa’y Katulad ng Lahat

 FORT SANTIAGO

Sa pagbabalik ni Rizal sa Malacañ ang, tinanong siya ng gobernador-heneral


kung tunay ang kanyang hangad na bumalik sa Hongkong. Sumagot siya ng “oo”.
Ipinabatid ng gobernador-heneral na si Rizal pala ay may dalang ilang “pahayag”
(POBRES FRAILES) na natagpuan umano sa kanyang mga dala-dalahan. Itinanggi ito ni
Rizal. Nang tanungin siya kung sino ang may-ari ng mga unan at banig na
napagkunan ng pahayag, sinabi niya na ang mga iyon ay sa kanyang kapatid na
babae. Dahil dito, sinabi ng gobernador na ipapadala na siya sa KUTA NG SANTIAGO.

Ang POBRES FRAILES (Kaawa-awang mga Prayle) ay isang satiro laban sa


mga mayayamang Dominikanong nagpayaman nang nagpayaman labag sa kanilang
sumpang mamumuhay ng buhay- mahirap.

Sa araw ding ito, lumabas sa GACETA DE MANILA, isang pahayagan ang mga
dahilan ng kautusang pagpapatapon kay Rizal:

1. Ang pagkakalathala ni Rizal sa ibang lupain ng mga aklat at artikulong laban


sa at nagsasaad ng di-pagkamatapat sa Espanya, hayagang labag sa
Katolisismo at laban sa mga prayle.
2. Ang mga natagpuang “pahayag” (bundle of handbills) na pinamagatang
POBRES FRAILES na ang pagkakalathala ay labag sa mga ugali ng samahang
relihiyoso.
3. Ang pagkakahandog ng El Filibusterismo sa tatlong diumano’y taksil
(GOMBURZA); at ang sinabi ng bayani sa dahon ng pamagat ng nobela na “ang
kaligtasan lamang ng mga Pilipino sa masasamang bisyo at iba pang
pagkakamali ng pamahalaang Espanya ay ang pagtitiwalag ng Pilipinas sa
Inang Bayan.”
4. Ang pagnanais ni Rizal sa pamamagitan ng kanyang mga pagsisikap at sulatin
na alisin sa puso ng mga Pilipino ang kabutihan at kayamanan ng Katolisismo.

Mula sa pagkakabilanggo sa Kuta ng Santiago ay ipinatapon si Rizal sa


Dapitan

 BUHAY SA DAPITAN

Sa pamamagitan ng bapor CEBU, si PADRE PABLO PASTELLS superior ng


Samahang Heswita sa Pilipinas ay nagpadala ng liham kay PADRE ANTONIO
OBACH, Heswitang Misyoneryo ng Dapitan. Sa liham na ito’y sinabi ni Padre
Pastells na si Rizal ay maaaring tumira sa bahay ng misyonero sa ilalim ng mga
sumusunod na kondisyon:

a. makikibahagi siya sa ritwal at seremonya ng simbahan at


mangungumpisal ng kanyang nakalipas.
b. Mula ngayon (Hulyo 17) ay kikilos siya bilang huwarang sakop ng
Espanya.

Hindi sinang-ayunan ni Rizal ang mga kondisyong ito kaya sa bahay nina
Kapitan RICARDO CARNICERO nanirahan. Naging magkaibigan at maganda ang
relasyon nina Carnicero bilang tanod at Rizal bilang preso.
Humanga si Carnicero sa magagandang katangian at personalidad ni
Rizal. Madalas silang magsalo sa pagkain at masayang nagkakausap. Nalaman ni
Carnicero na si Rizal ay hindi basta-bastang preso, at lalong hindi siya
pilibustero. Naging maganda ang ulat ni Carnicero kay Gob. Despujol hinggil kay
Rizal.

Sa panig ni Rizal, hinangaan niya at iginalang ang mabait at mapagbigay


na kapitang Espanyol. Bilang tanda ng kanyang paghanga, sumulat siya ng tula
at inihandog kay Kapitan Carnicero sa kanyang kaarawan noong Agosto 26,
1892 – ang A DON RICARDO CARNICERO.

Nanalo sa Loterya sa Maynila. Dumating sa Dapitan ang barkong


koreong BUTUAN. Isinuot ni Kapitan Carnicero ang magara niyang uniporme
dahil naisip niyang may darating na isang Espanyol na may mataas na
tungkulin. Iniutos din sa taumbayan na magpunta sa dalampasigan at siya’y
nagtungo doon kasama ang banda musiko. Ang barko’y walang sakay na opisyal
ngunit dala nito’y magandang balita. Ang tiket bilang 9736 na pag-aari nina
Kapitan carnicero, Dr. Jose Rizal at Francisco Equilor (Espanyol) ay nanalo ng
pangalawang gantimpalang P20,000.00 sa loterya sa Maynila. Ang naging
bahagi sa premyo (6,200.00) ay napunta kay Rizal. Ibinigay ni Rizal sa kanyang
ama ang P2,000.00, P200.00 sa kaibigang si Jose Maria Basa sa Hongkong at ang
natira ay ibinili niya ng lupang sakahan sa may baybay dagat sa Talisay.

Tahimik, maganda at kaaya-aya ang buhay ni Rizal sa Dapitan. Nagpatayo


ng tatlong bahay – isang parisukat, isang heksagonal at isang octagonal; lahat ay
yari sa kawayan, kahoy at nipa. Ang mga Rizal ay nanirahan sa parisukat, sa
oktagonal ay mga batang lalaking tinuturuan at sa heksagonal na bahay ay mga
alagang manok.

Nanirahan si Rizal sa Dapitan sa loob ng apat na taon. Nagsanay siya rito


bilang isang manggagamot, guro, artista, magsasaka, inhenyero, manlilikha,
mangangalakal, linggwista, manunulat, siyentipiko, mangingisda at
mananalaysay.

Noong ika-28 ng Agosto 1893, tumingkad ang kalungkutan ni Rizal dahil


sa pagkamatay ni Leonor Rivera; tanging si Josephine Bracken lamang ang
kasiyahan.

Si Rizal at ang KATIPUNAN. Si ANDRES BONIFACIO, ang dakilang


ANAKPAWIS ay nagpursige para sa isang rebolusyon. Ang lihim na samahang
itinatag niya noong Hulyo 7, 1892 ay tinawag na KKK-ANB at parami na nang
parami ang kanilang mga kasapi.

Sa isang lihim na pulong ng KKK sa bayan ng Pasig noong May 2, 1892,


napagkasunduang si DR. PIO VALENZUELA ang magiging sugo sa Dapitan nang
sa gayon ay maipaalam kay Rizal ang balak ng Katipunan na maglunsad ng
rebolusyon alang-alang sa kalayaan.

Noong Hulyo 15, 1892, umalis ng Maynila si Dr. Valenzuela sakay ng


bapor VENUS. Para maitago ang kanyang misyon ay nagsama siya ng isang bulag
na ang ngalan ay RAYMUNDO MATA, at isang gabay. Hindi sinanga-yunan ni
Rizal ang mapangahas na balak ni Bonifacio na isulong ang bansa sa isang
madugong rebolusyon. Naniniwala siyang hindi pa lubusang handa ang kilusan
dahil sa dalawang bagay:

1. hindi pa handa ang taumbayan


2. kailangan pang mangalap ng pondo at armas bago maging handa sa isang
rebolusyon.

Nagprisintang Doktor ng Militar sa CUBA. nabatid ni Rizal kay


Blumentritt na kahambal-hambal ang kalagayang pangkalusugan sa Cuba na
noon din ay may nagaganap na himagsikan.Noong Disyembre 17, 1895
nakipagkita si Rizal kay Gob. Hen. Ramon Blanco upang ialay ang paglilingkod
bilang manggagamot sa Cuba.

Noong Hulyo 1, 1896 isang liham ang kanyang tinanggap na


nagsasaad na tinatanggap ng pamahalaan ang kanyang alok na maging Doktor sa
Cuba. Sa galak, ay naisulat niya ang EL CANTO DEL VIAJERO (Ang Awit ng
Manlalakbay) ang sagot – kailangang kukuha ng pases si Rizal mula sa
komandante Politiko-Militar upang makapunta sa Maynila at tutungo sa Espanya
upang tanggapin ang tungkulin mula sa Ministro ng Digmaan bilang
manggagamot.

Hulyo 31, 1896 – umalis sa Dapitan sa Bapor Espanya.

Agosto 6, 1896 – dumating sa Maynila ngunit ang bapor na sasakyan sana ay


umalis na (Isla de Luson).

Agosto 23, 1896 – nasa baybayin sina Rizal nang naganap ang paghihimagsik
sa Pugad-Lawin.

Setyembre 2, 1896 – Inilipat sa Bapor Isla de Panay; nasa magandang


kamarote si Rizal.

Setyembre 8, 1896 – dumating sa Singapore – Colombo – Aden – Port Said –


Suez Canal.

Setyembre 30, 1896 – tumanggap si Rizal ng pahatid-kawad mula sa Kapitan


ng bapor – A. Alemany.

Oktubre 3, 1896 – dumaong ang bapor sa Barcelona; dito binigyan ng 3


pares ng guardia sibil bilang tanod ni Rizal.

Oktubre 6, 1896 - ginising nang maaga si Rizal upang ihanda ang kagamitan
pinalakad patungong Monjuich habang ang bantay ay
sakay ng kabayo. Ibinilanggo habang hinihintay ang Bapor
S.S. Colon kung saan isasakay si Rizal patungong Maynila.

Nobyembre 3, 1896 – dumating sa Maynila at dinala sa piitang kuta ng


Santiago mahigpit ang tanod, di pinahihintulutang
makausap ninuman.

Nobyembre 10, 1896 – maraming Pilipino ang nabihag at


pinahirapan ng mga Kastila sa Bagumbayan.

 PAGLILITIS KAY RIZAL

Noong Nobyembre 20, 1896, sinimulan ang paunang imbestigasyon. Si Rizal, ang
akusado ay humarap sa huwes, KORONEL FRANCISCO OLIVE. Limang araw siyang
inimbestigahan. Ipinalaam sa kanya ang mga salang ibinibintang sa kanya.

Dalawang klase ng ebidenysa ang iniharap kay Rizal: ang Testimonial at ang
Dokumental. Ang ebidensyang dokumento ay binubuo ng labinlimang eksibit. Ito ang
mga sumusunod:

1. Sulat ni Antonio Luna kay Mariano Ponce na nagpapakita ng koneksyon ni Rizal


sa kampanya para sa pagbabago ng bansa.
2. Sulat ni Rizal sa kanyang pamilya na nagpapahayag na ang deportasyon ay
mainam dahil mahihikayat nito ang taumbayan na kasuklaman ang panunupil.
3. Sulat mula kay Marcelo H. del Pilar kay Deodato Arellano na nagsasangkot kay
Rizal sa kilusang Propaganda sa Espanya.
4. Isang tulang pinamagatang “KUNDIMAN” na diumano ay sinulat ni Rizal
5. Sulat ni Carlos Oliver sa isang di-kilalang tao na naglalarawan kay Rizal bilang
tagapagligtas ng Pilipinas mula sa panunupil ng Espanya.
6. Isang dokumento ng mga Mason na kumikilala kay Rizal para sa kanyang
serbisyong makabayan.
7. Isang liham na may lagdang Dimasalang para kay Tenluz na nagpapahayag na
naghahanda siya ng isang mapaglilikasan ng mga Pilipinong inuusig ng mga
Espanyol.
8. Liham ni Dimasalang sa isang di-kilalang komite na nanghihingi ng tulong para sa
makabayang simulain.
9. Sulat mula sa di-kilalang tao sa patnugot ng Hongkong telegraph na kinokondena
ang pagpapatapon kay Rizal sa Dapitan.
10. Sulat ni Ildefonso Laurel na tinitingala siya ng mga Pilipino bilang kanilang
tagapagligtas.
11. Sulat ni Ildefonso Laurel kay Rizal na nagpapaalam sa isang di- kilalang sinulatan
tungkol sa pagkakaaresto sa pagkakatapon nina Doroteo Cortez at Ambrosio
Salvador.
12. Isang sulat ni del Pilar na nagrerekomenda sa pagtatag ng isang espesyal na
organisasyon, hiwalay sa Masonerya para matulungan ang mga Pilipino.
13. Sipi ng talumpati ni Emilio Jacinto para sa isang pagtitipon ng
Katipunan kung saan isinisigaw ang “Mabuhay ang Pilipinas!
Mabuhay ang Kalayaan! Mabuhay si Doktor Jose Rizal! Magkaisa!”
14. Sipi ng talumpati ni Jose Turiano Santiago sa pagtitipon din ng
Katipunan kung saan ang mga katipunerong naroroon ay sumigaw na “Mabuhay
ang iginagalang na Doktor Jose Rizal! Kamatayan sa
Bayang Manunupil!”
15. Tula ni Laong Laan na pinamagatang “Talisay,” kung saan ang awtor ay
pinakakanta ang kalalakihang mag-aral ng Dapitan ng isang awit tungkol sa
pakikipaglaban para sa kanilang karapatan.
Ang mga testimonya ay binuo ng pasalaysay na testimonya nina Martin
Constantino, Aguedo del Rosario, Jose Reyes, Moses Salvador, Jose Dizon,
Domingo Franco, Deodato Arellano, Ambrosio Salvador, Pedro Serrano Laktaw,
Dr. Pio Valenzuela, Antonio Salazar, Francisco Quison at Timoteo Paez.

Pagkaraang mapag-aralan ang kaso, isinumite ni Heneral Don Nicolas de


la Peñ a ang sumusunod na rekomendasyon:

1. ang akusado ay kaagad na lilitisin;


2. kailangang ikulong siya;
3. isang kautusan ng pagsamsam ang ipinagtibay sa kanyang pag-aaring
nagkakahalaga ng isang milyong piso bilang bayad-pinsala;
4. kailangan siyang ipagtanggol sa hukuman ng isang opisyal ng
sandatahan, hindi ng isang abogadong sibilyan.

Ang tanging karapatang ibinigay kay Rizal ng awtoridad ay ang piliin ang
abogadong magtatanggol sa kanya. Ito ay limitado dahil binigyan siya ng
listahang pagpipilian. Ang pinili niya ay si TENYENTE LUIS TAVIEL DE
ANDRADE na kapatid ng bantay niya sa Calamba noong 1887 na si Jose.

Noong Disyembre 11, 1896, ang mga impormasyon hinggil sa kaso ay


binasa ni Rizal sa loob ng kanyang selda kasama ang kanyang tagapangtanggol.
Inakusahan siyang “pangunahing tagapagtatag at buhay na kaluluwa ng
insureksyong Pilipino, ang tagapagtatag ng mga samahan, pahayagan at librong
nag-aapoy at nagpapalaganap ng mga ideya tungkol sa rebolusyon.”

Noong Disyembre 15, 1896, sumulat si Rizal ng isang manipesto sa


taumbayan na nakikipag-usap na tigilan na ang di-kailangang pagdanak ng dugo
at makipaglaban para sa kalayaan sa pamamagitan ng edukasyon at pagsisikap.

Pasko na nang Disyembre 25, 1896. Sa araw na ito’y nagsasaya ang


buong Kakristiyanuhan sa pagdiriwang ng kapanganakan ni Kristo ngunit ito
ang pinakamalungkot na pasko sa buhay ni Rizal.

Alas otso ng umaga, Disyembre 26, 1896, sinimulan na ang paglilitis.


Sinikap ni Andrade na ipagtanggol si Rizal subalit maliwanag na ang paglilitis ay
patunay ng kawalan ng katarungan ng mga Espanyol. Hindi lamang ito katawa-
tawa, walang totohanang paglilitis ang nangyari. Si Rizal, na isang sibilyan ay
nilitis ng isang hukumang militar na binubuo ng mga di-kilalang opisyal militar.
Bago pa man ay may hatol na ang kaso; ipinagpalagay na siyang maysala. Ang
hukumang militar ay nagkaisa nang hindi siya bigyan ng hustisya, bagkus ay
akusahan at ikondena siya. Tinanggap nito ang mga ibinibintang kay Rizal at
testimonyal laban sa kanya at isinawalang bahala ang mga argumento at
katibayang pabor sa kanya. Higit sa lahat, hindi binigyan si Rizal ng karapatan
na makaharap ang mga saksi laban sa kanya.

Noong Disyembre 28, 1896, inaprubahan ni GOBERNADOR- HENERAL


CAMILO POLAVIEJA ang desisyon ng hukumang militar at ipinag-utos na barilin
si Rizal sa ganap na 7:00 ng umaga ng Disyembre 30, 1896 sa Bagumbayan
(Luneta).
 PAGKAMARTIR SA BAGUMBAYAN

Pagkatapos ng hukumang-militar, nagbalik si Rizal sa kanyang selda sa


Fuerza Santiago para ihanda ang kanyang sarili sa kanyang naging kapalaran. Sa
kanyang huling 24 oras sa lupa – mula alas sais ng umaga ng Disyembre 29,
1896 hanggang alas sais ng umaga ng Disyembre 30 – naging abala siya sa
pagtanggap ng mga bisita, kasama na ang kanyang paring Heswita, Josephine
Bracken, at mga miyembro ng kanyang pamilya, ang kabalitaan ng isang
pahayagang Espanyol (Santiago Mataix), ilang kaibigan, at lihim niyang tinapos
ang kanyang pahimakas. Bilang Kristiyano at martir na bayani, maluwag niyang
tinanggap ang mamatay para sa kanyang mahal na bayan, na tinawag niyang
“Perlas ng Dagat Silangan” sa kanyang huling tula.

6:00 ng umaga, Disyembre 29, 1896, binasa kay Rizal ni KAPITAN


RAFAEL DOMINGUEZ na inatasan ng Gobernador na mamahala sa mga
paghahanda sa pagbitay ng kinondenang preso – na babarilin siya sa likod ng
isang iskuwad na Espanyol sa ganap ng alas siyete ng umaga.

7:00 ng umaga, isang oras pagkaraang basahin ang sentensyang


kamatayan, dinala si Rizal sa kapilya ng preso, kung saan siya namalagi. Ang
mga una niyang panauhin ay sina Padre Miguel Saderra Mata at Padre Luis Viza.

8:00 ng umaga, dumating si Padre Antonio Rosell para palitan


si Padre Viza. Pagkatapos kumain ng agahan, dumating si Ten. Luis Taviel de
Andrade at pinasalamatan siya ni Rizal.

9:00 ng umaga, dumating si Padre Federico Faura. Ipinaalala ni Rizal sa


kanya ang sinabi niyang siya ay mapupugutan ng ulo dahil sa pagsulat ng Noli.

10:00 ng umaga, dinalaw siya nina Padre Jose Vilaclara (guro ni Rizal sa
Ateneo) at Vicente Balaguer (misyonerong Heswita sa Dapitan).

Mula 12:00 hanggang 3:30 ng hapon, naiwang mag-isa si Rizal sa


kanyang selda. Marahil ang mga oras na ito’y ginugol niya sa pagsusulat ng
kanyang huling tula ng pamamaalam na itinago niya sa kanyang alcohol na
lutuan na iniregalo ni Paz Pardo de Tavera (asawa ni Juan Luna).

3:30 ng hapon, bumalik si Padre Balaguer para para talakayin ang


pagbawi niya sa mga ideyang anti-katoliko sa kanyang mga sulatin at pagsapi sa
masonerya.

4:00 ng hapon, dumating ang ina ni Rizal. Lumuhod si Rizal at hinagkan


ang mga kamay ng ina pagkatapos ay humingi ng tawad. Pagkaraa’y dumating si
Trinidad. Sa kanya ibinigay ni Rizal ang alcohol na lutuan sabay bulong sa Ingles
“May laman sa loob.”

6:00 ng gabi, tinanggap ni Rizal ang isang bagong panauhin na si Don


Silvino Lopez Tuñ on, ang Dekano ng katedral ng Maynila.

8:00 ng gabi, huling hapunan ni Rizal. Ipinaalam niya kay Kapitan


Dominguez na pinatatawad na niya ang kanyang mga kaaway.

9:30 ng gabi, dinalaw si Rizal ni Don Gaspar Cestañ o, ang piskal ng Royal
Audencia de Manila.
10:00 ng gabi, ang burador ng pagbawi na ipinadala ng arsobispong anti-
Pilipino na si Bernardino Nozaleda ay isinumite ni Padre Balaguer kay Rizal
para lagdaan ngunit hindi ito ginawa ni Rizal dahil napakahaba nito at di niya ito
gusto.

Ika- 30 ng Disyembre 1896

3:00 ng umaga ng Disyembre 30, 1896, nakinig ng misa si


Rizal, nangumpisal at nangumunyon.

5:30 ng umaga, ang huli niyang agahan. Pagkatapos ay gumawa siya ng


dalawang liham para sa kanyang pamilya at para sa nakatatandang kapatid na
Paciano. Dumating si Josephine Bracken, kasama ang kapatid ni Rizal na si
Josefa. Lumuluhang nagpaalam si Josephine kay Rizal at bago umalis, niyakap
niya sa huling pagkakataon at ibinigay ang huling regalo – isang relihiyosong
aklat at imitation of Christ na may lagdang “Sa aking mahal at malungkot na
asawa Josephine. Disyembre 30, 1896.”

6:00 ng umaga, habang naghahanda ang mga sundalo para sa pagmartsa


sa bagumbayan, sinulatan niya ang kanyang mga mahal na magulang.

6:30 ng umaga, tumunog ang trumpeta hudyat para simulan ang


pagmartsa sa Bagumbayan. Apat na sundalong may ripleng de- bayoneta ang
nangunguna sa martsa. Nasa likuran si Rizal na payapang naglalakad, nasa gitna
siya ng kanyang tagapangtanggol na si Luis at dalawang Heswitang pari.

Eleganteng tingnan si Rizal sa suot niyang itim na terno, itim na


sumbrero, itim na sapatos, puting polo at itim na kurbata. Nakatali ang kanyang
mga braso, mula siko, ngunit ang pagkakatali ay di gaanong mahigpit para
maigalaw niya ang kanyang mga braso.

Sa mga huling sandali ni Rizal binasbasan siya ng isa sa mga pari.


Pagkaraa’y hiniling niya sa komandante ng iskuwad na barilin siya nang
nakaharap sa kanila. Hindi pinagbigyan ang kanyang kahilingan dahil mahigpit
ang utos ng kapitan na barilin siya nang nakatalikod.

Masama man ang loob, tinalikuran ni Rizal ang mga babaril sa kanya at
humarap sa dagat. Isang Espanyol na manggagamot, si DR. FELIPE RUIZ
CASTILLO, ang humiling at pinayagan na damhin ang pulso ni Rizal. Nagulat ang
Doktor dahil normal ang kanyang pulso.

Tumunog ang mga tambol. Sa gitna ng pagtatambol, may sumigaw na


“Magpaputok,” at nag-unahan sa pagputok ng mga baril na nakaumang kay
Rizal. Kahit napakahirap, nagawa ni Rizal na ipihit sa kanan ang kanyang
pinagbabaril na katawan at bumagsak sa lupa nang nakaharap ang mukha sa
sumisikat na araw. Eksaktong 7:03 ng umaga nang mamatay siya sa kasibulan
ng kanyang kahustuhang gulang – edad 35, limang buwan at 11 araw.
Inilarawan ni Rizal ang kanyang pagkamatay sa kanyang pahimakas ng
tula sa ikatlong taludtod.

Mamamatay akong natatanaw


Sa likod ng dilim ang bukangliwayway Kung
kailangan mo ang pulang pangkulay, Dugo ko’y
gamitin sa kapanahunan
Nang ang liwanag mo ay lalong kuminang!

You might also like