You are on page 1of 4

Rizal

 Pumunta si Rizal sa Hong Kong noong Pebrero 3, 1888, lulan ng barkong Zafiro
 Tatlong kadahilanan kung bakit hindi bumaba si Rizal noong tumigil ang barko
noong Pebrero 7: 1. Hindi mabuti ang kanyang pakiramdam 2. Malakas ang ulan
noong araw na iyon 3. Narinig niyang marumi ang lungsod (Amoy) *Dumating
siya sa Hong Kong noong Pebrero 8

 Otel Victoria – ang pinagtuluyan ni Rizal sa Hong Kong  Nang dumating siya
sa Hong Kong, sinalubong siya ng mga Pilipinong residente, kabilang na sina Jose
Maria Basa, Balbino Mauricio, at Manuel Ynarte  Jose Sainz de Varanda –
dating kalihim ni Gobernador Heneral Terrero na naniktik kay Rizal habang ito ay
nasa Hong Kong

 “Ang Hong Kong” – titulo ng isinulat ni Rizal kay Ferdinand Blumentritt na


nagsasaad nang iba’t ibang mga taong naninirahan doon at kanilang mga kalagayan

 Pebrero 18 – Si Rizal ay tumungo sa Macao kasama ni Jose Maria Basa  Kiu-


Kiang – barkong sinakyan ni Rizal patungong Macao  Sila ay nanirahan sa
pamamahay ni Juan Francisco Lecaros, isang Pilipinong kasal sa Portuges. * Si
Lecaros ay mayaman at inilalaan niya ang kanyang panahon sa pagtatanim ng iba’t
ibang halaman maging mga bulaklak

 Sa pagpunta ni Rizal sa Macao, binisita niya ang teatro, kasino, katedral,


simbahan, pagoda, harding botanikal, at basar  Groto ni Camoens – nakita niya
sa kanyang pagpunta sa Macao *Camoens – pambansang makata ng Portugal 
Noong Pebrero 20, bumalik si Rizal at Basa sa Hong Kong lulan ng Kiu Kiang

1. Maingay na selebrasyon ng Bagong Taon ng mga Tsino na nangyari mula ika-11


ng Pebrero (Sabado) hanggang ika-13 (Lunes) 2. Maingay na teatrong Tsino, na
may maingay na manonood at maingay na musika

* Sa sining pandrama ng mga Tsino natuklasan ni Rizal ang mga: A. Lalaking


nakasakay sa isang patpat – lalaking nangangabayo B. Aktor na nagtataas ng binti
– pumapasok sa bahay C. Pulang damit – tanda ng kasal D. Babaing ikakasal ay
nahihiyang nagtatakip ng abaniko E. Lalaking may hawak ng panghagupit –
sasakay na ng kabayo
3. Ang salu-salong lauriat *lauriat – iba’t ibang putahe ng pagkain 4. Ang Ordeng
Dominiko ang pinakamayamang orden sa Hong Kong 5. Sa mga sementeryo sa
Hong Kong na pagmamay- ari ng Protestante, Katoliko, at Muslim, ang sa mga
Protestante ang pinakamaganda dahil maayos at inaalagaan ang mga halaman dito
at malinis din ang mga daan

 Lulan ng Oceanic, nilisan ni Rizal ang Hong Kong noong Pebrero 22,1888
*Oceanic – barko ng Estados Unidos

 Japan kilala bilang Land of Cherry Blossoms  Si Rizal ay bumisita sa Japan


mula noong Pebrero 28 hanggang Abril 13, 1888  Umibig si Rizal kay O-Sei-San
(Seiko Usui sa tunay na buhay) na siyang naghilom sa sugatang puso niya *Hindi
nagtagal ang pag-iibigan ng dalawa sapagkat kinailangang ipagpatuloy ni Rizal
ang paglaban para sa karapatan ng mga kababayan

 Pebrero 28, 1888 – nakarating si Rizal sa Yokohama  Si Rizal ay nanatili sa


Otel Grande

 Nang sumunod na araw na pagpuntang Yokohama, si Rizal ay pumuntang


Tokyo at kumuha ng silid sa Otel Tokyo *Siya ay nanatili dito mula Marso 2
hanggang Marso 7  Humanga si Rizal sa kagandahang mayroon ang lungsod ng
Tokyo

 Juan Perez Caballero – kalihim ng Legasyong Espanyol na inanyayahan si Rizal


na doon tumuloy sa Legasyong Espanyol  Tinanggap ni Rizal ang imbitasyon sa
dalawang dahilan: 1. Makapagtitipid siya sa gastusin 2. Wala naman siyang dapat
itago sa mga mapang-usig na mata ng mga awtoridad

 Si Rizal ay nag-aral ng wikang Hapon sapagkat ang mga tao sa Tokyo ay hindi
gaanong nakakaintindi ng Ingles at siya rin ay hindi gaanong marunong sa wikang
ito  Pinag-aralan din niya ang dramang Hapon (kabuki), sining, musika at judo
(sining ng pagtatanggol sa sarili)  Binisita niya ang Meguro, Nikko, Hakone,
Miyanoshita at ang mga kahali-halinang bayan ng Japan

 Nang naglalakad si Rizal sa isang kalye sa Tokyo, nakarinig siya ng bandang


tinutugtog ang isang klasikal na musika ni Strauss. Namangha siya at napatigil. Sa
kalaunay nalaman ni Rizal na ang bandang ito ay mga Pilipino
1. Ang kagandahan ng bansa – mga bulaklak, kabundukan, batis, at magagandang
tanawin nito 2. Ang kalinisan, pagiging magalang at kasipagan ng mga Hapon 3.
Ang magagandang damit at simpleng halina ng mga Haponesa

4. Kakaunti ang magnanakaw sa Japan 5. Bihira ang mga pulubi sa lungsod


*Ngunit may isang hindi nagustuhan si Rizal sa Japan, ito ang rickshaw, isang
popular na paraan ng transportasyon sa Japan, na hinihila ng kalalakihan

 Azabu ng Tokyo – kung saan nakita ni Rizal si O- Sei-San at dito rin ang lugar
ng Legasyong Espanyol  Binisita nina Rizal at Seiko Usui ang mga interesanteng
tanawin ng lungsod – ang Galerya ng Sining Imperyal, Aklatang Imperyal, mga
unibersidad, ang Shokubutsuen (Harding Botanikal), mga parke sa lungsod at
magagandang bantayog

 27 taong gulang si Rizal ng umibig ito kay O-Sei- San (23 taong gulang)  Ang
pagkakasundo nila sa mga interes sa sining ang naging daan para sa kanilang pag-
iibigan  Naging gabay, tagasalin, at guro ni Rizal si O-Sei- San  Ang ganda at
pag-ibig ni Seiko Usui ay muntik nang magpabago ng pasya ni Rizal

 Noong Abril 13, 1888, sumakay si Rizal sa Belgic, barkong Ingles, patungong
Estados Unidos  Ang 45 na araw na pagbisita niya sa Japan ay tunay na naging
masayang bahagi ng kanyang buhay

 Matagal na ipinagluksa ni O-Sei-San ang paglisan ni Rizal na siyang unang


nagpatibok ng kanyang puso  1897 – Ikinasal si O-Sei-San kay G. Alfred
Charlton, isang Ingles na guro ng kimika sa Peers’ School sa Tokyo  Yuriko –
ang isang anak na babae nina Usui at Charlton

 Nang namatay si G. Charlton, si O-Sei-San ay nanirahan sa distrito ng Shinjuko


sa Tokyo  Nalampasan niya ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ngunit
nawasak ang kanyang bahay ng bombang pinasabog ng Estados Unidos noong
1944  Mayo 1, 1947 – namatay si O-Sei-San at inilibing siya sa puntod ng
kanyang asawa sa Sementeryo ng Zoshigawa

 Tetcho Suehiro – isang palabang Hapon na mamamahayag, nobelista, at


kampeon ng mga karapatang pantao, na pinalayas ng pamahalaang Hapon  Sina
Rizal at Tetcho ay parehong makabayan, mahigpit na kaaway ng kawalan ng
katarungan at tiraniya, at ginagamit ang kanilang panulat bilang armas sa
pakikipaglaban para sa kapakanan at kaligayahan ng kanilang kababayan

 Abril 13–Disyembre 1, 1888 – naging magkaibigan si Rizal at Tetcho ng walong


buwan  Naging taga-hanga ni Rizal si Tetcho  Pagkaraan ng pagkakahiwalay ni
Rizal at Tetcho, tumungong London si Rizal upang isagawa ang pangkasaysayang
pananaliksik na may kinalaman sa Mora sa Museo ng Britanya

 Noong 1889, pagkabalik sa Japan, inilathala ni Tetcho ang kanyang talaarawan


tungkol sa biyahe niya  Pagkaraan ng pagkalimbag ng kanyang talaarawan,
nagretiro bilang patnugot ng Choya, at pumasok sa larangang ng politikal si Tetcho

 1890 – nahalal si Tetcho bilang miyembro ng mababang kapulungan ng Unang


Imperyal na Diet (parlamentong Hapon)  1891 – inilathala niya ang nobelang
politikal na Nankai-no-Daiharan (Sigwa sa Katimugang Dagat) na nahahawig sa
Noli Me Tangere  1894 – nailathala niya ang O-unabara (Malaking Dagat) na
hawig din sa El Filibusterismo

 Namatay si Tetcho sa edad na 49 (Pebrero 1896) sanhi ng atake sa puso

You might also like