You are on page 1of 6

UNANG PAGLALAKBAY NI RIZAL

Matapos ang ikaapat na taon ng pag-aaral ng medisina sa Unibesidad ng Pilipinas, nagdesisyon si Rizal na
ipagpatuloy ang pag-aaral sa Espanya. Kadakip nito ng pag-aaral, bitbit ni Rizal ang sikretong misyon na pag-
aralan ang kultura at pamumuhay ng mga espanyol. Lihim ang kanyang pag-alis kung saan ginamit niya ang
pangalan ng kanyang pinsan na si Jose Mercado ng Biñan.

1. Singapore (Mayo 9, 1882) – nanatili siya rito ng 2 araw sa Hotel de la Paz; nakita niya ang
Botanical Garden, magagandang templo ng mga buddhist at estatwa ni Sir Thomas Standford
Raffles (founder of Singapore).
2. Colombo, Ceylon (Sri Lanka) Mayo 18, 1882 – Sakay ng barkong Djemnah nagtungo sya sa isang
siyudad sa Ceylon; mas maganda daw ito kaysa Singapore
3. Naples at Marseilles France (Hunyo 12, 1882) – siyudad sa Italya na puno ng mga gawaing pang
negosyo,Pinuntahan nya ang tanyag na lugar na Chatae D’IF kung saan ikinulong si Dantes sa kanyang
paboritong nobela na Monte Cristo.
4. Barcelona, Spain (Hunyo 16, 1882) – pinakamalaking siyudad sa Cataluña at pangalawa naman sa
pinakamalaki sa Espanya, Malugod na tinanggap si Rizal ng mga ilan niyang kamag-aral niya noon sa
ateneo.
5. Madrid – Sumapi si Rizal sa Circulo Hispano-Filipino at sinimulan niya isulat ang nobelang Noli Me
Tangere. Dito nya tinapos ang kursong Medisina sa Universidad Central de Madrid noong Hunyo 12,
1884. Nang Sumunod na taon ay natapos niya ang Kursong Pilosopiya.
6. Leizpig, Alemanya (Agosto 14, 1886) - nakipanayam siya sa Univesidad ng Liepzig sa kasaysayan ng
pag-aaral sa kaganapang pang-tao
7. Berlin, Alemanya (Nobyembre 1, 1886) – narating nya ang Berlin kung saan siya tinanggap ng Sirkulo
Siyentipiko. Dito nya pinaghusay niya ang kaalaman niya sa optalmohiya sa tulong ng ilang mga
kaibigan. Namuhay siya sa kahirapan. Siya ay nagutom, nagkasakit ngunit hindi ito naging hadlang
upang mailathala ang kanyang nobelang Noli Me tangere. Dito nakipag-ugnayan sa mga magagaling na
taong agham
8. Paris – dito siya nagpakadalubhasa sa panggagamot. Pumasok siya bilang isang katulong sa kilalang
manggagamot doon na si Dr. Louis De Wrecket na Malaki ang naitulong sa kanya sa pagdadalubhasa
sa paggamot ng mga mata.
9. Leimeritz, Bohemia (Mayo 13, 1887) – kung saan naghihintay si Prop. Ferdinand Blementritt. Sinasabi
na magaganda ang mga ala-ala ni Rizal sa lugar na ito.
10. Heidelberg – makakasaysayang lungsod na Alemanya, at kilalang-kilala ito sa makalumang
Universidad at kaakit-akit na lugar.

PAGLALAKBAY NI RIZAL SA EUROPA KASAMA SI VIOLA

1. Viena, Austria (Mayo 20, 1887) – Sina Rizal at Viola ay dumating sa Viena upang makipagkita kay
Norfenfals, sa rekomendasyon ni Blumentritt, na isang magaling nobelista noong panahong iyon.
2. Switzerland (Hunyo 2, 1887) – Magkasama si Rizal at Viola sa pagbisita sa Schaffhausen na itinuturing
kaakit-akit na lugar sa nasyon ng alpine. Pagkatapos ay kinakailangan magbalik ni Viola ng Barcelona at
si Rizal ay nagpatuloy sa kanyang paglalakbay.
3. Italy (Hunyo 23, 1887) – Dito pinuntahan ni Rizal ang lugar ng Turin, Milan, Venice at Florence.
4. Roma (Hunyo 27, 1887) - (“Walang-hanggang Lungsod” at tinatawag ding “lungsod ng mga Cesar”) •
Inilarawan nya kay Blumentritt ang “karangyaan na siyang Roma” na isinulat nya noong Hunyo 27, 1887
• Pagbisita nya sa Pista ni San Pedro at San Pablo noong Hunyo 29 sa kauna-unahang pagkakataon sa
Vatican o “Lungsod ng mga Papa” at kabisera ng Kakristiyanuhan
5. Dresden – dito nya nakilala si Dr. Adolph B. Meyer;
6. Leitmeritz, Bohemia – dito niya nakilala si Blumentritt
7. Prague
PANGALAWANG PAGLALAKBAY

1. Hongkong
a. Pebrero 3, 1888- sumakay si Rizal sa barkong Zafiro patungo sa Hongkong at nakarating sa
Amoy, China noong Pebrero 7, 1888.
b. Nagdala siya ng 800 na kopya ng unang edisyon ng El Filibusterismo.
c. Victoria Hotel – dito nanuluyan si Rizal sa pagdating sa Hongkong.
d. Jose Sainz de Varanda – isang opisyal na Espanyol na sumusubaybay o nagmamanman kay
Rizal o Hongkong.
2. Macau
a. KIU KIANG – ito ang barkong sinakyan ni Rizal patungong Macau noong Pebrero 18, 1888. At
nakita niya dito si Jose Sainz Veranda na sumusunod sa kanya.
b. Don Juan Francisco Lecaros – Pilipino na nakapag-asawa ng Portugese at sa kanyang bahay si
Rizal ay nanuluyan habang sila ay nasa Macau.

3. Japan
a. Sa kanyang paninirahan sa legasyon ay naging matalik niyang kaibigan si Juan Perez
Caballero at kanyang sinabi na ang diplomat ay isang bata, matalino, at mahusay na
manunulat.
b. Nakilala nya si Seiko Usui na siyang nagturo kay Rizal ng Nihonggo

4. Estados Unidos
a. Abril 28, 1888- dumating si ang barkong Belgic sa daungan ng lunsod ng San Francisco kung
saan hindi pinayagan ang mga pasahero na makababa ng barko at sila ay kinuwarentenas dahil
sa takot ng mga Amerikano na ang mga ito’y mayroong sakit na kolera.
b. Narating n Rizal ang New York noong Mayo 3, 1888 at kanyang sinabi na ang lungsod ay isang
napakalaking bayan.
c. Mula sa New York si Rizal ay sumakay ng barkong City of Rome na nagdala sa kanya patungo
ng London.
5. London
a. Nanatili si Rizal dito upang humusay siya sa Ingles, mapag-aral at anotahin ang Morga’s
Sucesos de Las Islas Filipinas (nasa British Museum) at huli, ligtas siya rito na nakikipaglaban
sa mga Espanyol
6. Paris
a. January 1890, bumalik siya sa Paris kung saan may lumalaganap na epidemya
7. Brussels
a. Kapitolyo ng Belgium
b. Kama nya dito si Jose Albert
8. Madrid
a. Bumalik siya sa Madrid upang matamo ang hustisya para sa pamilya pero bumalk din siya sa
Brussels
b. Nakitira siya sa mga Bousteads sa Lungsod ng Biarritz
9. Ghent
a. Dito inimprenta ang El Filibusterismo
10. Hongkong
a. Nagkaroon sila ng Family Reunion sa Hongkong
b. Dito siya nagpraktis ng kanyang propseyon sa medisina. Naging Opthalmis Surgeon at
matagumpay na inoperahan ang kaliwang mata ng kanyang ina.
Ang Mga Paglalakbay ni Rizal Pabalik sa Pilipinas
2. Ang Unang Pagbabalik
3. Bakit bumalik si Jose Rizal sa Pilipinas? 1. Gamutin ang katarata ng kanyang ina2. Paglingkuran ang kanyang
mga kababayan 3. Makita ang epekto ng Noli Me Tangere4. Itanong kung bakit hindi na sumusulat sa kanya si
Leonor Rivera
4. Ang paglakbay patungong Maynila• Mula Roma, tumungo siyang Marseilles.• Hulyo 3, 1887 – sumakay si
Rizal sa barkong Djemnah• Dumaraan ang barko sa Suez Canal• Hulyo 30, 1887 – nakarating sa Saigon at
sumakay ng Haipong• Agosto 2, 1887 – umalis patungong Maynila• Agosto 5, 1887 – nakarating sa Maynila
5. Ang mga ginawa sa Djemnah• 50 ang pasahero• 4 na Ingles, 2 Aleman, 3 Tsino, maraming Pranses, 1
Pilipino• Si Rizal ang naging tagapagsalin ng mga wika ng mga pasahero dahil isa siyang lingguwista•
Nakipaglaro ng ahedres• Nakipagkwentuhan sa mga pasahero• Nagbasa ng ilang libro
6. Pagdating sa Maynila• Bumisita sa ilang mga kaibigan• Napansin na walang pinagbago ang Maynila• Nariyan
pa rin ang mga lumang gusali, simbahan, kalsada, bangka sa pasig, at ang pader na pumapalibot sa lungsod
7. Maligayang pag-uwi sa Calamba• Agosto 8, 1887 – nagbalik si Rizal sa Calamba kung saan sinalubong siya
ng mga kapamilya na napaiyak pa sa tuwa• Nag-aalala si Paciano para sa kaligtasan ni Rizal kaya hindi siya
iniiwanang mag-isa• Nagbukas siya ng klinika sa Calamba• Ngunit di pa raw maooperahan ang katarata ng ina
dahil hindi pa ito ―hinog.‖• ―Dr. Uliman‖ ang tawag sa kanya ng mga pasyente dahil galing siyang Alemania
(Aleman = German)
8. Maligayang pag-uwi sa Calamba• Nagbukas din siya ng himnasio para sa mga kabataan, kung saan itnuro
niya ang gymnastics, pag-eskrima, at pamamaril• Hindi na siya nakipagkita kay Leonor Rivera muli dahil ayaw
ng ina niya na maging manugang si Rizal
9. Ang kaguluhang dulot ng Noli Me Tangere• Inimbitahan siya ni Gobernador Heneral Emilio Terrero sa Palasyo
ng Malacañang.• Ito‘y dahil may subersibong ideya raw ang Noli.• Ngunit paliwanag ni Rizal na ipinapahayag
lamang niya ang katotohanan.• Nakakuha si Rizal ng isang kopya mula sa isang kaibigan upang ipakita sa
Gobernador Heneral.• Binigyan niya ng tagapagbantay si Jose Rizal dahil alam niyang nanganganib ang buhay
niya.• Don Jose Taviel de Andrade – tagapagbantay ni Rizal
10. Ang kaguluhang dulot ng Noli• Ang isang lupon ng mga guro sa Santo Tomas ay nagsabing ―eretikal,
walang galang, nakasisirang-puri sa simbahan, di- makabayan, subersibo, at mapaminsala sa pamahalaan ng
Espanya• Nagpahayag ng ulat si Padre Salvador Font na nagrerekomenda ng pagbawal sa ―importasyon,
paggawa ng kopya, at pagpalaganap‖ ng aklat sa Pilipinas
11. Ang kaguluhang dulot ng Noli• Si Padre Jose Rodriguez ay naglathala ng walong polyetong pinamagatang
Cuestiones de Sumo Interes para tuligsain ang Noli at iba pang mga sulating kontra-Espanyol. Ito ay ang mga
sumusunod:
12. Walong polyeto1. Bakit di ko dapat basahin ang mga iyon?2. Mag-ingat sa mga ito. Bakit?3. At ano ang
masasabi mo sa akin tungkol sa salot?4. Bakit nagtatagumpay ang mga walang galang?5. Sa palagay mo ba‘y
walang purgatoryo?6. Mayroon ba o walang impiyerno?7. Ano ang iyong palagay sa mga libelong ito?8.
Kumpisal o walang hanggang kapahamakan?
13. Ang kaguluhang dulot ng Noli• Kahit sa espanya, abot ang alingawngaw ng Noli Me Tangere.• Tinutuligsa ito
ng mga senador na sina Hen. Jose de Salamanca, Hen. Luis de Pardo, at Sr. Fernando Vida.• Siniraan ni
Vicente Barrantes ang Noli sa pahayagang La España Moderna.
14. Tagapagtanggol ng Noli• Mga repormistang Pilipino• Padre Sanchez – paboritong guro ni Rizal; nagtanggol
at pumuri ng nobela sa publiko• Don Segismundo Moret – dating Ministro ng Korona• Dr. Miguel Morayta –
mananalaysay at estadista• Professor Blumentritt – propesor at edukador• Rev. Vicente Garcia – ang matalinong
nagpatanggol sa Noli sa pamamagitan ng pagsagot sa mga argumento ni Padre Rodriguez
15. Ang Argumento ni Rev. Vicente Garcia1. Hindi isang ―ignoranteng tao‖ si Rizal dahil nagtapos siya sa mga
unibersidad ng Espanya at nakatanggap ng karangalang iskolastiko.2. Hindi tinutuligsa ni Rizal ang Simbahan at
Espanya dahil ang pinupuna niya sa Noli ang mga masasamang opisyal at tiwaling prayle lamang.3. Kung
sinasabi ni Padre Rodriguez na kasalanang mortal ang pagbasa ng Noli, ibig sabihin ay siya rin ang gumawa ng
mortal na kasalanan dahil binasa niya ang Noli.
16. Sina Rizal at Taviel de Andrade• Si Taviel ay isang Tenyente na naging abogado ni Rizal.• Dito ikinwento ni
Rizal ang mga nangyari sa kanya sa Santo Tomas; ang diskriminasyon sa mga Pilipinong estudyante, ang pag-
away sa kanila ng mga estudyanteng Espanyol, at ang pagkasugat niya rito at ang paggamot sa kanya ng tatay
ni Leonor Rivera.• Ayon kay Taviel, ang kinakalaban ng nobela ni Rizal ang gobyerno, relihiyon, at ang mga
kastilang kawani ng karangalan ng Espanya.• Katwiran naman ni Rizal na bilang manunulat, kinakalaban niya
ang lahat, pati sarili niya dahil ang mga sinusulat niya ay nakaugat sa katotohanan.
17. Sina Rizal at Taviel de Andrade• At nais iparating ni Rizal sa Espanya na ang hinihiling nila ay ang
pagkakapantay-pantay—isang mapayapang pagbabago sa pamamagitan ng edukasyon.• Nagtaka rin si Taviel
kung bakit iniwan ni Rizal si Leonor at pumuntang Europa at kung sino ang nagtustos sa kanya.• Sabi ni Rizal na
pinagpunta siya ni Paciano upang mag- aral ng medisina at gawin ang nararapat sa bayan. Doon, mas natuto
siya at mas malaya siyang naglabas ng baho ng pamahalaang Espanyol sa Pilipinas. At nang itinanong ni Rizal
kay paciano kung paano si Leonor, ang sabi sa kanya, ―Ang sarili mo lang ba ang iisipin mo?‖
18. Problemang Agraryo ng Calamba (ayon kay Rizal)1. Ang asyenda ng mga Dominikano ay binubuo ng buong
bayan ng Calamba.2. Di-makatwirang pagtaas ng upa sa lupa ang ipinapataw sa mga kasama.3. Ang may-ari ay
di nagbibigay ng pera para sa mga pistang bayan, edukasyon, at pagpapaunlad ng agrikultura.4. Nawawalan ng
lupa ang mga kasamang naghihirap sa bukid dahil sa kung-anu-anong dahilan.5. Pag nahuli sa pagbayad ng
renta ang mga kasama, mataas na interes ang ipapataw sa kanila. At pag di nila ito maibayad, kukunin ang
kanilang mga ari- arian.
19. Pagpaalam sa Calamba• Kailangan nang lumisan si Rizal mula sa Pilipinas dahil ang mga magulang niya ay
nakatatanggap ng mga pagbabanta sa buhay ni Rizal.• Sila at ang mga kaibigan at kaanak ni Rizal ay nagpayo
sa kanyang mangibang-bayan. Pati na rin ang Gobernador-general na ang naguutos sa kanyang lumisan.•
Umalis lang siya dahil 1.)manganganib ang buhay ng kanyang pamilya at kaibigan kung mananatili pa siya sa
Pilipinas at 2.)mas makakalaban siya sa mga kaaway kung sa ibang bansa siya magsusulat.
20. Ang Ikalawang Pagbalik
21. Bakit ba siya bumalik ulit?• Mapanatili ang pagkakaisa ng Kilusang Propaganda sa Europa (nag-aaway sila
doon kung si Rizal ba o si del Pilar ang dapat pangulo kaya umalis si Rizal)• Kausapin si Despujol para alamin
kung magbabago ba ang pasya nito• Itatag ang La Liga Filipina• Tingnan muli kung maooperahan na ang
katarata ng kanyang ina
22. Ang pangalawang pagbabalik• Hunyo 26, 1892 – dumating si Rizal sa Manila kasama ni Lucia• Ika-4 ng
hapon – Pumunta sa Malacañang upang makipagusap kay Despujol. Sinabihan syang bumalik sa ika-7 ng gabi.•
Bumalik siya sa Malacañang. Pumayag si Despujol na patawarin ang tatay niya ngunit hindi ang iba pang
miyembro ng pamilya at bumalik sa Miyerkules.
23. Ang pangalawang pagbabalik• Bumisita siya sa kanyang mga kaibigan sa Gitnang Luzon noong ika-6 ng
gabi ng Hunyo 27, 1892.• Bumalik siya sa Manila noong ika-5 ng hapon sa Hunyo 28.• Pinapanood siya ng mga
espiya ng gobyerno sa bawat galaw niya.• Ang mga nabisita niyang mga bahay ay nilusuban ng Guardia Civil na
kumuha ng mga kopya ng Noli at Fili at ng ilang mga ―subersibong‖ papel.
24. Iba pang mga pakikiusap kay Despujol• Hunyo 29 (Miyerkules) – hindi nagwagi si Rizal sa pagkumbinsi kay
Despujol na ipawalang-bisa ang parusang pagtatapon, ngunit may pag-asa pa para sa kanyang mga kapatid na
babae• Hulyo 3 (Linggo) – tinanggal na ni Despujol ang pagtatapon sa mga kapatid na babae
25. Pagtatag ng la Liga Filipina• Hulyo 3, 1892 – pumunta si Rizal ang isang pagtitipon sa bahay ni Doroteo
Ongunco sa Ylaya Street, Tondo, Manila.• Ang layunin nito ay bumuo ng bagong grupong nagnanais na
direktang isama ang mga tao sa reporma
26. Layunin ng La liga Filipina• Ipagkaisa ang Pilipinas sa isang katawang buo, malakas, at magkakauri•
Proteksyon ng bawat isa sa pangangailangan ng bawat isa• Pagtanggol laban sa mga karahasan at kawalang-
katarungan• Pag-unlad ng edukasyon, agrikultura, at pangangalakal• Ang pagpapaaral at pagpapairal ng mga
pagbabago
27. Ang mga dumalo sa pagtitipon• Pedro Serrano Laktaw (guro) • Mosies Salvador (contractor)• Domingo
Franco (tobacco) • Luis Villareal (sastre)• Jose Ramos (pintor) • Mariano Crisostomo• Ambrosio Salvador
(landlord) (gobernadorcillo ng Quiapo) • Numeriano Adriano• Bonifacio Arevalo (dentista) • Estanislao Legaspi•
Deodato Arellano (bayaw ni • Teodoro Plata Marcelo H. del Pilar) • Andres Bonifacio• Ambrosio Flores (retired •
Apolinario Mabini lieutenant) • Juan Zulueta• Agustin dela Rosa (bookkeeper)
28. Mga Opisyal ng la Liga Filipina• Pangulo: Ambrosio Salvador• Kalihim: Deodato Arellano• Ingat-yaman:
Bonifacio Arellano• Fiscal: Agustin dela Rosa
29. Ang Pagdakip at pagkulong sa Fuerza Santiago• Hulyo 6, 1892 – Bumalik si Rizal sa Malacanang upang
ituloy ang mga pakikinayam nito kay Despujol; ngunit pinakita sa kanya ang mga subersibong babasahin na
natagpuan daw sa punda ng unan ni Lucia• Pobres Frailes – pamagat ng mga papel na nakita raw sa punda ng
unan ni Lucia na isinulat ni Padre Jacinto• Itinatanggi ni Rizal na ang mga papel na iyon ay nasa kanya o sa
bagahe Lucia na tiningnan sa Hong Kong.• Ikinulong si Rizal sa Fuerza Santiago at ginawang inkomunikado.• Ito
ay nagdulot ng galit ng maraming Pilipino nang ipalabas sa Gaceta de Manila nang sumunod na araw (Hulyo 7).
30. Ang Pagtapon sa Dapitan• Noong Hulyo 7 din, ipinahayag ni Despujol sa Gaceta ang pagpapatapon ni Rizal
sa Dapitan.• Hulyo 15 – dinala si Rizal sa barkong Cebu na patungong Dapitan pagkatapos ng hatinggabi (12:30
ng Hulyo 15 talaga).• Hulyo 15 – ala-una ng umaga umalis ang barko.• Hulyo 17 – dumating siya sa Dapitan
nang ika-7 ng gabi
31. Simula ng Destiyero sa Dapitan• Sabi ni Padre Pastells kay Padre Obach na maaaring tumira si Rizal sa
kumbento kung• 1. ipapahayag niya ang kanyang pagkakamali at maging maka-Espanya at kontra- rebolusyon•
2. mangumpisal at makibahagi sa mga seremonya ng simbahan• 3. kikilos siya bilang huwarang sakop ng
espanya at isang lalaki ng relihiyon
32. Sa Dapitan• Hindi pumayag si Rizal sa mga kundisyong ito kaya nanirahan siya sa bahay ni Kapitan
Carcinero• Humanga si Carcinero sa magandang katangian ni Jose Rizal at nalaman niyang di lang basta preso
si Rizal at hindi rin filibustero• Pinayagan niya si Rizal na pumunta kahit saan sa Dapitan gamit ng kabayo basta‘t
mag-uulat siya kay carcinero bawat linggo.
33. Sa Dapitan• Setyembre 21, 1892 – dumating ang barkong Butuan na may dalang mabuting balita. Ang
nanalong tiket sa loterya ng maynila ay pagmamayari nina Carcinero, Rizal, at Francisco Equilor.• Ang ₱ 20000
ay kanilang pinaghati-hati; ang ₱ 6200 napapunta kay Rizal. Ibinigay niya ang ₱2000 sa ama, ₱200 kay Basa sa
Hong Kong, at ang natira ay pinambili ng sakahan sa Talisay.• Ang loterya lamang ang naging bisyo ni Rizal,
kahit sa Europa.
34. Sa Dapitan• Mula Agosto 1983 – binibisita siya ng kanyang mga kapamilya• Sa parisukat na bahay –
tinitirhan ni Rizal• Sa hexagonal na bahay – mga manok ni Rizal• Sa octagonal na bahay – mga mag-aaral ni
Rizal• Dito na niya inoperahan ang kanyang ina. Ngunit naimpeksiyon ang mata nito dahil tinanggal niya ang
benda. Mabuti na lang at naigamot na rin ni Jose.
35. Mga Pinagawa Para sa Dapitan• Sistemang patubig• Inalis ang mga latiang pinaninirahan ng mga lamok•
Sistemang pang-ilaw• Nagtatag ng paaralan
36. Mga Kontribusyon sa Agham• Kumolekta ng iba‘t-ibang uri ng insekto, ibon, ahas, butiki, palaka, kabibe, at
halaman• Isang panibagong paraan ng pag-preserba ng mga specimen gamit ang dahon ng bayabas at
avocado• Nakatuklas ng kakaibang species sa Dapitan na pinangalan sa kanya
37. Si Josephine Bracken• Si Josephine ay isang Irish na naulila sa ina at pinaapon na lang.• Walang
makakapagpagamot kay George Taufer, ang ama-amahan ni Josephine, kaya hinanap nila si Rizal.• Sa unang
tingin pa lang, magkaibigan na sina Rizal at Bracken. Nagpakasundo silang magpakasal pagkaraan ng ilang
buwang panliligaw, ngunit sabi ni Padre Obach na kailangan nila ang permiso ng Obispo ng Cebu.• Nagalit si
Taufer nang malaman niya ito dahil ayaw niyang mawalay kay Josephine, kaya nagtangkang magpakamatay
siya. Pero pinigilan siya ni Rizal.
38. Si Josephine Bracken• Sinamahan muna ni Josephine si Taufer sa Maynila, tapos bumalik na sa Hong Kong
si Taufer. Si Josephine naman ay nanirahan sa pamilyang Rizal bago bumalik sa Dapitan.• Dahil ayaw silang
ipakasal ni Padre Obach, sina Rizal at Bracken ay naghawak kamay at nagpahayag ng pagiging kasal sa harap
ng Diyos. Dahil dito, pinag- tsi-tsismisan sila sa Dapitan.• Nabuntis si Josephine noong unang bahagi ng 1896.
Nanganak siyang isang buwang masyadong maaga, at sa kasamaang palad, namatay ang anak nila ni Rizal 3
oras pagkatapos ng pagpapanganak.
39. Si Rizal at ang katipunan• Balak ng Katipunan na maglunsad ng isang rebolusyon para sa kalayaan.•
Ipinagkasundo noong Mayo 2, 1896 na si Pio Valenzuela ay ang ipapadala sa Dapitan upang ipaalam kay Rizal
ang kanilang layunin.• Hunyo 21, 1896 dumating si Valenzuela sa Dapitan. Malugod siyang tinanggap ni Rizal sa
bahay ngunit para sa kanya, di pa handa ang kilusan dahil 1.)di pa handa ang taumbayan at 2.)kailangan pa ng
sapat na armas at pondo para makapagsimula ng rebolusyon• Di rin siya sang-ayon sa planong iligtas siya dahil
nangako na siya sa mga awtoridad
40. Paalis ng Dapitan• Noong Disyembre 17, 1895, sinulatan ni Rizal si Ramon Blanco na iaalay niya ang
kanyang serbisyo bilang manggagamot sa Cuba.• Hulyo 1, 1896 – itinanggap ng pamahalaan ang kanyang alok•
Hulyo 30, 1896 – dumating ang liham na nagsasaad na isang Komandante Politiko Militar ang magbibigay sa
kanya ng permiso para makabalik sa Maynila at kunin ang pasaporte.
41. Paalis ng Dapitan• Hulyo 31 – nagtapos na ang 4 na taong pagkakatapon sa Dapitan ni Rizal• Espanya –
pangalan ng barkong nagdala sa kanya papuntang Maynila• Funeral march ni Chopin – tinugtog ng banda sa
laot ng Dapitan
42. Muntik nang makapuntang Cuba• Agosto 6 – dumating ang Espanya sa maynila• Isla de Luzon – ang
barkong sasakyan sana ni Rizal papuntang Espanya ngunit di na niya naabutan dahil nakapalaot na ito agad•
Agosto 6 – inilipat si Rizal sa barkong Castilla kung saan siya tumuloy habang hinihintay ang barkong pa-
Espanya
43. Muntik nang makapuntang Cuba• Setyembre 2 – inilipat siya sa barkong Isla de Panay papuntang
Barcelona• Setyembre 7 – dumaong ang barko sa Singapore; bumaba ang ilang pasahero at namasyal;
pinayuhan si Rizal na manatili sa Singapore para sa kanyang kaligtasan ngunit di siya nakinig• Oktubre 3 –
dumating sa Barcelona ngunit nakakulong sa kanyang kwarto sa barko• Oktubre 6 – inilipat siya sa bilangguang
Monjuich at nung hapon ay isinakay sa barkong Colon patungong Maynila
44. Ang Huling Pagbabalik sa Pilipinas• Oktubre 8 – sinisi si Rizal sa madugong rebolusyon sa Pilipinas•
Oktubre 11 – kinumpiska ang talaarawan niya at pinag-aralan ang mga nakasulat dito ngunit wala silang
makitang ebidensiyang magagamit sa kanya• Nobyembre 2 – binalik sa kanya ang talaarawan
45. Ang Nabigong Pagligtas sa Singapore• Sinubukan ni Hugh Fort na ihiling sa Hukuman ng Singapore na
ipalabas ng barko si Jose Rizal.• Hindi ito malagdaan ni Lionel Cox dahil may hukbong militar ang Espanya sa
barko.
46. Pagdating sa Maynila• Nobyembre 3 – dumaong ang Colon sa Maynila• Inilipat siya sa Fuerza Santiago•
Patuloy pa rin sa pagkokolekta ng ebidensiya ang mga awtoridad
47. Pagpili ni Rizal sa kanyang Tagapagtanggol• Ang karapatan lamang na binigay kay Rizal n mga Espanyol ay
ang piliin ang abogadong magtatanggol sa kanya.• Noong Disyembre 8, Pista ng Immaculada Concepcion, isang
listahan ng 100 na una at ikalawang tenyente ng Sandatahang Espanyol ang pinakita kay Rizal. Pinili niya si
‗Don Luis Taviel de Andrade, Unang Tenyente ng Sandatahang Lakas.• Sa katunayan, si Ten. Luis Taviel de
Andrade ay ang kapatid pala ni Ten. Jose Taviel de Andrade, ang ―bantay‖ ni Rizal noong nasa Calamba siya
noong 1887. Tinanggap naman ni Luis Taviel de Andrade ang kanyang pagkakapili bilang manananggol ni Rizal.
48. Paghanda para sa paglilitis• Disyembre 11 – binasa ni Rizal ang impormasyon ukol sa kanyang kaso•
Inakusahan siya ng :pangunahing tagapagtatag at buhay na kaluluwa ng insureksyong Pilipino, at ang
tagapagtatag ng mga samahan, pahayagan, at librong nagpapaapoy at nagpapalaganap ng mga ideya hinggil sa
rebolusyon.‖• Ipinagtanggol man niya ang sarili na wala siyang sala sa kasong rebelyon, inamin din niya ang
pagsulat ng Konstitusyon ng La Liga Filipina
49. Paghanda para sa paglilitis• Ipinadala ang mga papeles ng kaso ni Rizal sa Malacanang noong Disyembre
13, ang araw na naging Gobernador Heneral si Camilo de Polavieja.• Disyembre 15 – nagpalabas ng manipesto
si Rizal sa mga taumbayan na nagsasabing di kailangan ang pakikipaglaban para sa kalayaan.
50. Ang kanyang pinakamalungkot na Pasko• Nag-iisa lang si Rizal sa selda itong Disyembre 25, 1896.• Sanay
siyang magdiriwang ng Pasko kasama ng pamilya at kaibigan kaya ito ang kanyang pinakamalungkot sa lahat,
lalo na‘t ito na ang kanyang huli.
51. Paglilitis• Disyembre 26, 1896 – naganap ang paglilitis ni Jose Rizal• Hukumang militar ang lumilitis sa
kanya.• Dahil may pinapanigan na ang hukumang militar, bingi sila sa depensang inihahayag ni Ten. Taviel de
Andrade.• Disyembre 28 – Nilagdaan ni Polavieja ang desisyon ng hukumang-militar at ipinabaril si Rizal sa
Disyembre 30 sa Bagumbayan.• Disyembre 29 – Ginawa ni Rizal ang Mi Ultimo Adios
52. Pagkamatay• Disyembre 30, 1896 – pagsapit ng 7:03 ng umaga, si Rizal ay ibinaril ng firing squad.•
Sumigaw ang mga Espanyol, ―Mabuhay ang Espanya!‖‖Kamatayan para sa traidor!‖• Ngunit di nila alam noon
ang susunod…
53. Ang mga epekto ng pagkamatay ni Jose Rizal• Tiningnan siya ng mga Pilipino bilang martir.• Dahil dito,
sumiklab sa puso ng mga Pilipino, lalo na ang mga nasa Katipunan, ang paghihimagsik.• Dahil dito, natapos na
rin ang matagal na pagsakop ng Espanya sa Pilipinas.
54. Itong presentasyon ay hatid sa inyo ng ikalimang pangkat sa Filipino• Diego• MJ• Ralph• Paul• Jedd• Archie•
Darlene• Glomarie

You might also like