You are on page 1of 20

RIZAL SA HONG KONG (PEBRERO 3, 1888)

Rizal sa Hong Kong


Noong Pebrero 3, 1988, pagkaraan ng anim

na buwan sa pinakamamahal na Calamba, nilisan ni Rizal ang Maynila patungong Hong Kong lulan ng Zafiro. May sakit siya noon at nalulungkot habang tinatawid ang maalon na Dagat Tsina. Hindi siya nakababa sa barko nang sandaling tumigil ito sa Amoy noong Pebrero 7.

Rizal sa Hong Kong


Dahil ito sa mga sumusunod: Hindi mabuti ang kanyang pakiramdam. Malakas ang ulan noon. Narinig niyang marumi ang lungsod.

Pagdating ni Rizal sa HongKong


Dumating siya noong Pebrero 8, 1988 Habang nasa HongKong, na isang kolonya ng

Britanya, sumulat si Rizal kay Blumentritt noong Pebrero 16, 1888, para ipahayag ang kapaitang nararamdaman niya sa buhay. Ito ang nilalaman ng Sa Wakas ay malaya na akong makapagsusulat.

Pagdating ni Rizal sa HongKong


Sa Hong Kong, tumuloy si Rizal sa Otel Victoria. Malugod siyang sinalubong ng mga Pilipinong residente, kabilang na sina Jose Maria Basa, Balbino Mauricio, at Manuel Yriarte (anak ni Francisco Yriarte, alkalde mayor ng Laguna). Isang Espanyol, si Jose Sainz de Varanda, na dating kalihim ni Gobernador Heneral Torrero, ay naniktik kay Rizal habang itoy nasa HongKong. Pinaniniwalaang kinomisyong suya ng mga awtoridad na Espanyol para subaybayan si Rizal.

Paglisan ni Rizal sa Hong Kong


Noong Pebrero 22, 1888, nilisan ni Rizal ang Hong Kong lulan ng Oceanic, barko ng Estados

Unidos. Ang kanyang destinasyon ay Japan. Hindi niya nagustuhan ang pagkain sa barko ngunit nagustuhan niya ang barko dahil malinis ito at mahusay ang pamamahala nito. Ang kanyang kasama sa kamarote ay isang Ingles na Protestanteng misyonero na nanirahan sa tsina ng 27 taon at marunong ng wikang Tsino. Tinawag siya ni Rizal na Mabuting tao.

Pagbisita ni Rizal sa Macao (Pebrero 18, 1888)

Pagbisita ni Rizal sa Macao


Si Rizal na sinamahan si Basa ay lulan ng barkong Kiu-Kiang patungong Macao. Nagulat

siya nang makita rito ang isang pamilyar na lalaki si Sainz de Varanda. tahanan ni Don Juan Farncisco Lecaros, Pilipinong kasal sa isang Portuges. Mayaman siya at inilaan niya ang kanyang panahon sa pagtatanim ng ibat-ibang halaman, kasama na ang mga bulaklak, na karamihay mula pa sa Pilipinas

Sa Macao, sina Rizal at Basa ay tumuloy sa

Pagbisita ni Rizal sa Macao


Sa dalawang araw niya sa Macao, binisita ni

Rizal ang teatro, kasino, katedral, simbahan, pagoda, harding botanikal at basar. Nakita rin niya ang bantog na Groto ni Camoens, pambansang makata ng Portugal. Noong gabi ng Pebrero 19, nakita niya ang isang prusisyong katoliko, jung saan ang mga deboto ay nakasuot ng damit na asul at lila at may hawak-hawak ng kandilang walang sindi.

Pagalis ni Rizal sa Macao


Noong Pebrero 20, bumalik sina Rizal at Basa

sa Hong Kong muliy lulan ng Kiu-Kiang.

Rizal sa Japan (Pebrero 28, 1888)

Rizal sa Japan
Dumating si Rizal sa Yokohama. Maagang

maaga ng araw ng Martes, Pebrero 28, 1888, dumating si Rizal sa Yokohama. Tumigil siya sa Otel Grande Nang sunod na araw pumunta siya ng Tokyo at kumuha ng silid sa Otel Tokyo. Tumuloy siya rito mula Marso 2 hanggang Marso 7. Humanga siya sa lungsod ng Tokyo.

Rizal sa Japan
Isinulat niya kay Blumentritt: Mas mataas ang antas ng pamumuhay sa

Tokyo, kaysa Paris. Malalapad at malalaki ang mga kalsada.

Rizal sa Tokyo
Pagdating na pagdating ni Rizal sa Tokyo,

binisita siya sa kanyang otel ni Juan Perez Caballero, kalihim ng Legasyong Espanyol. Inanyayahan siya nito na doon na lamang tumuloy sa Legasyong Espanyol. Noong Marso 7, nilisan ni Rizal ang otel Tokyo at tumuloy sa Legasyong Espanyol.

Rizal sa Tokyo
Sa unang araw ni Rizal sa Tokyo, nahihiya siya

dahil hindi siya marunong ng wikang Hapon. Hawig siya sa mga hapon ngunit hindi makapagsalita ng wikang Hapon. Nahihirapan siya bumili sa pamilihan sapagkat siyay hindi maintindihan at pinagtatawanan siya ng mga walang modong batang Hapon.

Rizal sa Tokyo
Para maiwasan ang ganitong kahihiyan.

Pinagaralan ni Rizal ang wikang hapon at ilang araw lamang ay natuto na siyang magsalita ng wikang Hapon. Pinag-aralan din niya ang dramang Hapon(kabuki), sining, musika, at judo (sining ng pagtatanggol sa sarili). Binisita niya ang Meguro, Nikko, Hakone, Miyanoshita at ang mga kahalihalinang bayan ng Japan.

Pakikipagromansa kay O-Sei-San


Nakakita si Rizal ng isang babaeng maganda.

Nagtanong tanong si Rizal sa mga empleyado ng Legasyon, at nalaman niya mula sa isa, ang hardinerong Hapon, na ang dalaga ay si Seiko Usui, na nakatira sa tahanan ng mga magulang at tuwing hapon ay napaparaan siya sa Legasyon. Nagpatulong si Rizal sa hardinero upang makausap nya ang magandang haponesa.

Pakikipagromansa kay O-Sei-San


Natuwa s O-Sei-San sa galanteng Pilipino

dahil sa hindi gaanong marunong magsalita ng wika ng Hapon, sinagot niya si Rizal sa wikang ingles at yun ay sobrang ikinatuwa ni Riza. At ang dalaway nagusap sa salitang Pranses at Ingles. Tinulungan ni O-Sei-San si Rizal sa maraming paraan. Hindi lamang siya kasintahan, siyay naging gabay, tagasalin at guro ni Rizal.

Pakikipagromansa kay O-Sei-San


Ang ganda at pagibig ni O-Sei-San ay muntik

ng magpabago sa isip ni Rizal. Sumagi sa isip I Rizal na doon na lang sa Japan manirahan. Kung pipiliin nyang manirahan sa japan kasama ang kanyang kasintahang si O-Sei-San. Ngunit magiging malaking kawalang ito sa buong mundo , sapangkalahatan at ng Pilipinas, sa partikular.

Sayonara, Japan (Abril 13, 1888)


Sumakay si Rizal sa Belgic, barkong Ingles sa

Yokohama, patungong Estados Unidos. Malungkot niyang nilisan ang Japan dahil alam niyang di na niya makikitang muli ang magandang Land of Cherry Blossoms at ang minamahal niyang si O-Sei-San.

You might also like