You are on page 1of 2

Kabanata 5 Ang Pagbabalik ni Rizal

Dito sa kabanta 5 may humadlang sa sa pagbabalik ni Jose Rizal na sina Paciano Rizal na kanyang
kapatid, Silvestre Ubaldo na kanyang bayaw at Jose Cecilio na kanyang ka kaibigan. Tinutulan din ng
kanyang inang si Donya Teodora ang ideya na ipadala si Rizal sa Unibersidad upang ituloy ang Mas
Mataas na Edukasyon dahil alam niya ang nangyari kay Gom-Bur-Za at nangangamba na baka mangyari
kay Rizal. Si LeonorRivera ang childhood sweetheart ni rizal ay umalis at tumungo sa Dagupan
Pangasinan kasama ang kanyang ina. Hindi gusto ng nanay ni leonor na maging si Jose Rizal. Agosto 5
1887 nakauwi si Rizal ng pilipinas at sandaling tumigil sa maynila upang bisitahin ang kanyang mga
kaibigan. Agosto 8 1887 ay nakabalik na sya sa Calamba at malugod na sinalubong ng kaniyang mga
pamliya . Hindi iniwan ni Paciano si JoseRizal dahil nagaala siya sa kanyang kapatid. Nagbukas si Rizal ng
kanyang klinika at ang kanyang unang pasyente ay si Donya Teodora na kanyang ina. Tinatawag si Rizal
na Doktor Uliman dahil siya ay galling sa Alemanya. Habang si Rizal Ay naninirahan sa Clamba ang
kanyang mga kaaway ay naghahandan sa kanyang sentensiya at nangangamba ang kanyang pamilya
dahil sa nobelang kanyang isinulat. Hindi pinayagan ni Don Francisco (Ama Ni Rizal) si Jose Rizal
napumunta sa dagupan upang makita si Leonor dahil maari malagay sa panganib si leonor at kanyang
pamilya.Bago dumating si Rizal sa Pilipinas, si Arsobispo Pedro Payo, ang Arsobispo ng Maynila, ay
tumanggap ng kopya ng Noli at ipinasa ito kay Padre Rector Gregorio Echavarria ng Unibersidad ng
Santo Tomas para sa kanyang opinyon. Ang aklat ay ibinigay sa komite ng mga prayleng Dominikano, na
itinuring na ito ay nakasisira sa relihiyon, hindi tapat, at naglalayong guluhin ang kaayusan ng publiko.
Mabilis na tumugon ang Arsobispo pagkatapos matanggap ang reklamo, pinayuhan ang Gobernador-
Heneral na agad na ipagbawal ang aklat. Disyembre 29, 1887 - Isinumite ng Komisyon sa Gobernador
Heneral ang kaniyang ulat ukol sa Noli Me Tangere. Ayon sa ulat, naglalaman ang akda ng mga salita na
salungat sa simbahan at kontra sa pananaw ng mga espanyol. Iminungkahi na ipagbawal ang pag-
import, pagpaparami, at nilalaman ng aklat.
Kabanata 6 Pangalawang paglalakbay

Ang pag-alis ni Rizal sa Pilipinas ay naganap noong Pebrero 3, 1888. Sa may Manila waterfront, kasama
niya ang kanyang mga bayaw at mga kamag-anak. Noong nasa Hong Kong siya, nanatili siya sa Victoria
Hotel sa maikling panahon. Noong Pebrero 11, binisita ni Rizal si Jose Maria Basa. Dumating si Rizal sa
Japan noong Pebrero 22, 1880.Hinangaan niya ang paligid at binigyang pansin ang kalinisan. Hinamak ni
Rizal ang tinatawag na "rickshaw," kung saan ang sasakyan ay hinihila ng tao. Si "Usui Seiko," na tinawag
niyang "O-Sei-San," ay isa sa mga unang taong nakilala niya. Si O-Sei-San, isang Japanese na anak, ang
may-ari ng isang malaking tindahan. Si Rizal ay Nag aral ng salitang Nippongo. Isa sa mga pasaherong
kasama ni Rizal sa kanyang paglalakbay sa San Francisco, California, ay si Tetcho Suehiro, na, tulad niya,
ay tumakas sa kanyang tinubuang-bayan.Isinulat din ni Tetcho ang Nankai-no-daiharan, isang libro
(bagyo sa dagat sa Timog).Si Takayama ang pangunahing tauhan, at kamukha niya si Ibarra mula sa Noli
Me Tangere. Isinulat din niya ang "O-Unabara (ang Dakilang Karagatan)," isang aklat na maihahambing
sa elfili.

You might also like