Professional Documents
Culture Documents
- Umalis siya sa Pilipinas papuntang Madrid. Ang unang paglalayag niya paibang bansa ay lihim
nina Rizal at Paciano sa kaniyang magulang. Nilisan niya ang bansa sa pagnanais ni Paciano na
doon sa Espanya ipagpatuloy ni Jose ang pag-aaral ng medisina, at mahubog rin ang kanyang
makabayang sintimyento sa tulong ng mga iba pang mga ilustradong Filipino na naroon.
Ilahad ang mga lugar na kaniyang pinintahan at mga gawain, obserbasyon, mga pinag-aralan, mga akda,
mga taong nakasalamuha sa mga pook na ito.
- Sa simula ng kaniyang paglalakbay ay narating niya ang Singapore, at tumuloy sa Hotel de la Paz.
- Nakarating din siya sa Naples at nakita ang napakagandang bulkan ng Vesuvius.
- Kinabukasan ay narating niya ang daungan ng Merseilles at kaniyang binisita ang Chateu d’If
mula sa nobelang Count of Monte Cristo.
- Sumunod ay nakarating siya sa Barcelona. Nung una ay hindi naging maganda ang tingin niya sa
Barcelona ngunit sa huli naman ay nakita niyang ang lungsod ay nagtataglay ng kalayaan at
liberalismo, ang mga tao ay palakaibigan, at magagalang.
- Sa kainan na Plaza de Cataluña ginanap ang piging bilang pagbati sa pagdating ni Rizal.
- Agosto 20, 1882, isinulat niya ang “Amor Patrio,” isang talumpati na nagsasaad ng nasyonalismo
sa Barcelona.
- Habang siya ay nanatili sa Barcelona, patuloy siyang nagpadala ng mga artikulo para sa Diariong
Tagalog(isang pahayagan sa Maynila na naglathala ngmga artikulo ni Rizal).
- Mula sa Barcelona ay lumipat si Rizal sa Madrid payo ni Paciano. Sa buhay niya sa Madrid ay
nagpatala si Rizal sa mga kursong medisina, pilosopiya, French, Aleman, English, Pagpipinta,
paglilok, eskrima, at pagbaril.
- Namasyal siya sa mga galerya ng sining at mga museo.
- Nagbasa ng maraming mga aklat at isinulat niya ang “Kay Binibining C.O. at R.”
- Isinulat niya sa Madrid ang unang kabanata ng Noli Me Tangere
- Sumali si Rizal sa Masonic Lodge na Acacia at naging ‘Master Mason’.
- 1885 - Natapos ni Rizal ang kaniyang kurso sa Medisina at Pilosopiya.
- Nakuha ni Rizal ang lisensya sa paggamot mula sa Pambansang Sentral ng Madrid.
- Pumasyal si Rizal sa Paris sa layuning magpakadalubhasa sa optalmolohiya o paggamot sa mata.
- Nobyembre 1885 - nakarating si Rizal sa Paris at naglingkod bilang katulong ni Dr. Loius de
Weckert na pangunahing optalmolohista ng Pransiya.
- Pebrero 3, 1886 - dinalaw ni Rizal ang makasaysayang lungsod ng Heidelberg sa Germany na
kilala sa kanyang unibersidad.
- Siya ay nagtrabaho sa Univesity Eye Hospital ng Heidelberg upang makapagsanay ng kanyang
kaalaman sa Ophthalmology
- Sa Heidelberg si Rizal ay naglingkod bilang katulong sa klinika ni Dr. Otto Becker, isang kilalang
doktor ng optalmolohiya sa Alemanya.
- A Las Flores de Heidelberg - ang tulang sinulat ni Rizal patungkol sa kagandahan ng mga bulaklak
ng Heidelberg.
- Ang Liezpig at Dresden sa Germany ay kaniyang binisita upang dumalo sa aralin ng Kasaysayan at
Sikolohiya.
- Dito ay kanyang naging kaibigan si Friedrich Ratzel na kilalang mananalaysay at si Dr. Hans Mever
na isang kilalang antropologo.
- Isinalin niya ang istoryang “William Tell” sa Filipino. Ito ay upang malaman ng mga Pilipino ang
kampyon ng “Swiss Independence”
- Isinalin din ni Rizal ang akda ni Hans Christian Andersen na “Fairy Tales” o Dresden.
- Sumunod ay tumungo siya sa Berlin upang palawakin ang kaalaman sa optalmolohiya, agham at
wika, magmasid sa kalagayang pulitikal at kabuhayan ng Alemanya, makilahok sa mga kilalang
siyentipikong Aleman, at ipalimbag ang Noli Me Tangere.
- Naparangalan siya dahil nabilang siya sa Anthropological Society, Ethnological Society, at
Geographical Society ng Berlin.
- Isinulat ni Rizal ang “Taglische Verkunst” at sa Berlin unang napalimbag ang Noli Me Tangere.
- Si Maximo Viola ay naggpahiram kay Rizal ng P300 upang magamit sa pagpapalimbag ng Noli.
- Binisita naman ni Rizal ang Vatican, “City of Popes” sa Rome, Italy
- Mayo 11, 1887 - nagsimula ang paglalakbay nina Rizal at Viola sa Europa.
- Ang kanilang paglalakbay sa Dresden ay nataon sa Eksposisyon ng mga Bulaklak.
- Dumating si Rizal sa Leitmeritz at dito, siya ay sinalubong ni Prof. Ferdinand Blumentritt.
- Dinalaw naman ni Rizal ang Prague. Si Dr. Willkom ang propesor ng natural history ng
Unibersidad ng Prague na dinalaw ni Rizal sa lungsod dala ang sulat ng pagpapakilala ni
Blumentritt. Binisita ni Rizal at Viola ang libingan ni Copernicus, ang dakilang astronomo sa
kasaysayan ng sangkatauhan.
- Narating nina Rizal at Viola ang lungsod na kabisera ng Austria-Hungary na nagpabighani kay
Rizal dahil sa naggagandahang gusali rito. Binisita ni Rizal sa lungsod na ito si Norfenfals na isa sa
mga pinakadakilang nobelista ng Europa noong panahong iyon. Ipinakilala din kay Rizal ang
kaibigan ni Blumentritt sina Masner at Nordmann (Austriyanong iskolar).
- Mula sa Lintz, tumigil siya sa mga lungsod, Munich, Nuremberg, Ulm, Rheinfall upang mamasyal
at bisitahin ang mga museo at katedral.
- Galing Rheinfall ay tinawid nina Rizal at Viola ang hangganan patungong Schaffhausen,
Switzerland mula Hunyo 2 hanggang 3, 1887 at patuloy na naglakbay at nagtungo sa Basel (Bale),
Bern at Lausanne.
- Sa Geneva, Switzerland natanggap ni Rizal ang isang telegrama ukol sa isinasagawang
Eksposisyon sa Madrid na ang ipinapakita ay ang mga tribo ng Igorot sa Pilipinas na nakasuot ng
bahag at mga makalumang kagamitan na pinagtatawanan ng mga taga- Madrid. Dito din ay
naghiwalay sina Rizal at Viola. Si Rizal para ipagpatuloy ang kanyang paglalakbay sa Italya.
Ginusto ba ni Rizal na umalis muli ng bansa? Bakit siya lumiisan muli ng Pilipinas noong 1888?
- Napilitan lamang siyang umaliis ng bansa dahil sa mga problema.
- Ang mga problema at hinaing na nakalap ni Rizal sa mga taga-Calamba ukol sa asyenda ng mga
Dominikano sa Calamba ay nagdulot ng kapahamakan para sa kaligtasan ng kanyang pamilya at
mga kaibigan. Tinulungan niya ang mga taga-Calamba para sa imbestigasyon ni Gobernador-
Heneral Terrero ukol sa mga asyenda ng mga prayle.
- Mas madaling kalabanin ang mga kaaway ni Rizal kung siya’y wala sa Pilipinas kung saan
nanganganib ang kanyang buhay at ng kanyang pamilya. Mas maigi din niyang maisusulong ang
mga reporma para sa Pilipinas kung siya ay nagsusulat sa ibang bansa. Mahihinuhang sa Calamba
sinimulan ni Rizal ang ideya sa pagsulat ng ikalawa niyang nobela, El Filibusterismo.